31
This story has advanced chapters in Patreon, and VIP Group.
Visit my Patreon at patreon.com/vampiremims
You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.
Leave a comment if you like the story. 🙂
☀️☀️☀️
I was busy cleaning Cloud's pad when he arrived with our lunch. I turned off the vacuum and walked towards him and kissed his cheek. Tinutoo talaga ng lalaki ang plano na lumipat ng tirahan para masundo ako nito araw-araw.
Those times that he was busy checking his phone, he was already talking to his secretary about his newly acquired condo unit. Kung minsan ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ginagawa ni Cloud. He asked me to move in with him but later on realized that we can't do that.
Hindi pa pwede dahil hindi naman din papayag ang mga magulang ko. Isa pa, alam niyang kailangan muna naming magpakasal bago kami magsama kaya naghingi siya ng paumanhin sa akin nang sinabi niya iyon.
Malaki ang condo unit na kinuha ni Cloud. May dalawang kwarto iyon at malawak din ang sala at ang kusina. It was also a good thing that he bought a fully furnished unit. Kaunting gamit na lang ang binili at kung may gustong palitan si Cloud sa mga gamit na naroon.
He pulled me closer and made me sit on his lap as he sat on the couch. Niyakap ko naman siya at nginitian. "Hmm? What's wrong?" I asked him while playing with his hair.
Kapag ganitong hindi naman pupunta sa opisina si Cloud, sinusuot nito ang salamin nito dahil sabi nito ay ayaw niyang lubos na masanay sa contact lense. Ilang beses ko na rin siyang kinagalitan dahil palagi nitong nalilimutan na alisin iyon kapag natutulog ito.
I also told him to just wear his eyeglasses.
"Nothing, I just missed you..." he said and pecked on my lips. I smiled and pinched his nose. "Cloud Stefan, wala pang limang oras kang wala, aba."
"So? Do I have to be separated from you for 5 years again just to justify that I miss you?" kunot ang noo na sabi nito habang seryosong nakatingin sa akin.
"Oh, oh. Ang sungit mo na naman. I was just teasing you!" hinawakan ko ang noo nito at inaalis ang pagkakakunot nito. "Namiss din kita," sabi ko na lang dito at hinalikan din ito sa labi.
Niyakap niya naman ako ng mahigpit. "I miss you everyday. I miss you already when I drove you home and you went inside your house, I miss you when we're apart even for a minute. I'm crazy for you, Ashanti. Kung hindi pa malinaw iyon sa'yo, hindi ko na rin alam paano ko pa ipapaliwanag sa'yo," sabi pa nito.
Natawa naman ako at muling sinilip ang lalaki.
"Bakit nagagalit ka na diyan?" tanong ko sa kanya pero nananatiling nakasimangot si Cloud. Napailing na lang ako bago lumapit sa kanya at halikan ang mga labi niya. I wrapped my arms around his neck and kissed his lips softly.
He responded to my kisses and hugged me tight.
"I love you, okay?" I cupped his cheek and pecked on his lips again. "Let's eat? I am hungry..." aya ko sa kanya at inalalayan na rin niya akong makatayo para makakain na rin kaming dalawa.
We still haven't talked about the reunion. Nakausap ko sina Ryn at sinabi ng mga ito na nakatanggap na rin sila ng invitation. Hindi naman na rin ako nagtaka na wala akong natanggap na kahit na ano dahil pinutol ko naman talaga ang koneksyon ko sa lahat maliban sa mga kaibigan ko nang makapagtapos kami.
Naisip ko rin kasi na wala naman akong dapat na kausapin pa sa mga iyon dahil wala naman ding magandang dinulot sa akin ang mga kaklase noon.
"We'll go out later," sabi ni Cloud sa akin habang kumakain kami. Saturday naman ngayong araw kaya pwede kaming mamasyal ni Cloud. Kapag Linggo ay nasa bahay naman ako para naman makasama si Mommy at Daddy. Noong nakaraang Linggo ay sa bahay rin namalagi si Cloud para makipagbonding sa mga magulang ko.
"Where to?" I asked him and continued eating.
"We will visit my mom."
Natigilan ako sa pagkain at nahirinan sa pagkakabigla. Wala man lang itong sinabi sa akin nang nagdaang araw na may plano itong ganoon! Inabutan ako ni Cloud ng tubig at hinawakan ang likod ko habang bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa akin. "Are you okay?" he asked and I glared at him.
"What? What did I do?" inosenteng tanong nito habang hinahagod ang likod ko.
"Are you serious?" tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kanya. Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili ko mula sa narinig ko rito. Hindi ko malaman kung seryoso ba ito sa sinasabing bibisitahin namin ang mommy nito.
"About what? Visiting my mom?" tanong nito bago tumango rin kaagad. "I am, why?"
"Cloud!" pinanlakihan ko ulit siya ng mga mata upang magising ito sa kahibangan nito ngayon tungkol sa pinaplano ngunit mukhang hindi naman din niya ako naintindihan dahil nakakunod pa rin ang noo nito habang nakatingin sa akin.
"What's wrong with that?"
Talaga bang hindi man lang niya naiisip na nakakabigla ang gusto niyang mangyari? Hindi ako prepared! Kung sinabihan man lang niya sana ako two days before, nakapagpaayos ako ng buhok, kuko, nakapagpamassage ako! Hindi ganitong para akong limang araw na puyat!
"Look at me!" sabi ko sa kanya at tumango naman siya sa akin.
"I am always looking at you."
I frowned at him and leaned on the chair. "Do you want your mom to dislike me?" tanong ko sa kanya habang nakatingin dito. "Gusto mo ba na ayawan niya ako?"
"What? What are you talking about?" hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "What made you think that?" he added and I sighed.
"I mean... your mom is Mrs. Stephanie Monteverde. I did my research, okay... and she's really pretty. She's really beautiful. Tapos ihaharap mo ako ng ganito?" tinuro ko ang sarili ko sa kanya. I was wearing his shirt and my shorts. Nakapusod lang din ang buhok ko at wala talaga akong ayos ngayon dahil ang alam kong agenda lang naman namin ay maglilinis ng bahay ni Cloud.
"So... Can we postpone it? I mean, can you at least give me a few days to prepare?" I asked him and he chuckled. "I'm serious. Of course I want to make a good impression on your mom. What if she doesn't like me?"
"Baby..." pinisil ni Cloud ang kamay ko. "If you were to ask me, there's no reason my mom won't like you. And she knows you already and she's excited to meet you."
Napatuwid ang likod ko sa sinabi niya. "Talaga?"
Muling tumango si Cloud sa akin at hinalikan ang kamay ko. "Quit worrying about the things that won't happen. She will definitely love you, Ashanti."
Kahit papaano ay nawala ang pangamba ko dahil sa sinabi niya. "Fine, but I will go home now to prepare. Kahit papaano kailangan kong maghanda... and tell me what she likes. Para makabili rin ako para may mabigay ako sa kanya..." tumayo na ako at kinuha ang bag ko para umuwi ng bahay.
Cloud looked at me with amusement in his eyes.
"She really loves cakes," he smiled and looked at me.
"Cakes... okay..." I smiled and gave him a flying kiss before I walked out of his house to go home. May malapit na cake shop akong nadaanan kaya doon na lang din ako bumili ng carrot cake. Pagtapos ay umuwi na rin ako kaagad at nagbabad din muna ako sa bathtub habang iniisip ko kung ano ba ang susuotin ko.
Should I wear corporate attire? Pero hindi naman business meeting iyon.
I never met his mom before so I really have no idea what she will think of me... at isa pa, kung kilala na ako ng mommy ni Cloud, may alam kaya ito sa nangyari sa amin?
Well... I broke his heart before... paano kung malaman iyon ng mommy nito at ayawan ako?
"Ah, bahala na nga!" I pouted and leaned and closed my eyes.
It was already 5 pm when Cloud arrived at our house. I have decided to wear a pastel blue sleeveless dress paired with white sandals. Naglagay lang din ako ng light makeup bago ako lumabas ng kwarto ko.
"For someone who's not prepared, you're very beautiful, baby," Cloud smiled at me and gave me the flowers he was holding.
"And you managed to get me flowers, huh?" I smiled and pecked on his lips. Pinakuha ko na rin ang cake sa kasambahay namin para dalhin iyon.
"Sweet Desire," Cloud commented when he saw the box. I looked at him and nodded my head. "Yeah, I was driving and saw this shop, and they really have great reviews, you know?" I smiled at him. "Do you think your mom will like this?" kinakabahan na tanong ko sa kanya.
Cloud looked at me and smiled. "She will, baby. That's for sure."
Napangiti ako at humawak na rin kay Cloud para makaalis na kami. Ito na ang nagbuhat ng cake at inilagay iyon sa likod bago ako pinagbuksan ng pinto.
"Relax. My mom doesn't bite," he reached for my hand and gave it a gentle squeeze.
"I know... siyempre kinakabahan lang ako. Hindi ka ba kinabahan nang kausapin mo mga magulang ko?" tanong ko sa kanya and napangiti naman siya sa akin.
"I was nervous, yes. But I know that I have clear intentions, baby," he looked at me and winked.
I rolled my eyes and squeezed his hand.
Nakatingin lang ako sa labas habang nagmamaneho ito hanggang sa maging pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin. Kumunot lalo ang noo ko nang makita na pumasok ang sasakyan ni Cloud kung saan ako bumili ng cake kanina.
"What are we doing here?" I asked him as he turned off the engine.
"I thought you did your research?" may ngiti sa mukha ni Cloud habang nakatingin sa akin. "Let's go?" aya nito bago lumabas at kinuha ang cake bago ako pinagbuksan ng pinto.
Nakakunot pa rin ang noo ko habang naglalakad kami papasok. Hindi ko pa rin alam kung bakit kami naroon.
Possible na roon namin siguro kikitain ang mommy ni Cloud.
"Cloud!" tawag ng isang babae sa kasama ko. Ito ang nagbalot ng cake na binili ko kanina.
"Hi, Tita Cristine," Cloud smiled at her and kissed her cheek. "Tita, this is Ashanti. My girlfriend," ngumiti ito bago lumingon sa akin.
Ang tinawag ni Cloud na Tita Cristine ay tumingin naman sa akin at ngumiti. "You were here earlier," she smiled at her. Nakipagbeso rin ito sa akin kaya naman ngumiti rin ako rito.
"Hi, Ma'am..."
"What Ma'am? Call me Tita Cristine, Ashanti," nakangiting sabi nito bago tumingin kay Cloud. "Ang first baby naming lahat, may girlfriend na rin sa wakas!" natatawang sabi nito bago tinapik ang pisngi ni Cloud. May sinabi ito sa isang staff bago kami iginiya sa bakanteng silya.
"I will get you drinks and–" nakita nito ang box ng cake nilapag ni Cloud. "Plates, I guess?" she smiled at me again and walked back to the counter.
"What is happening, Cloud?" I asked him as soon as Tita Cristine left.
"Baby... when I said my mom loves cakes... I really mean it. Because, Sweet Desire is their business."
"Oh my gosh..." I patted his arm and frowned. "Bakit hindi mo agad sinabi? Tapos dito pa ako bumili ng ireregalo sa kanya!" pinanlakihan ko siya ng mata at nangingiti naman si Cloud sa akin.
"Talagang ayaw mo atang magustuhan ako ng mommy mo!" angil ko sa kanya. Iirapan ko sana siya nang biglang may lumapit sa amin. Nakilala ko ito base na rin sa pictures kaya alam kong ang mommy ito ni Cloud.
Tumayo ako agad at napayuko nang makalapit na ito.
"Hi, mom," Cloud greeted his mom and kissed her cheek.
"Hi, Cloud. Hi, Ashanti," Mrs. Monteverde smiled at me.
"Hello po, Ma'am..."
She smiled and reached for my hand. "I'm happy to finally meet you, and you can call me Tita which I am sure my son will change, too, in no time," natawa ito ng mahina bago kami pinaupong muli at sumalo sa lamesa namin.
"Uhm, sorry... I didn't know that you own this place. I bought you a cake... from here..." nahihiyang nagyuko ako at gusto ko na lang magpalamon sa lupa! Sino ba namang matinong tao ang magreregalo sa tao gamit ang sariling produkto nito?
"Really? What made you choose Sweet Desire, though?" Tita Stephanie asked me and I looked at her.
"Well... I was able to taste one of your cakes before and... you really had good reviews so I thought you would like it since it's the best cake shop in town. Hindi ko po talaga alam na sa inyo pala ito..." muli akong nagyuko at humingi ng pasensya rito.
Inabot niya ang kamay ko at pinisil iyon. "It's fine, Ashanti and thank you for thinking we're the best," she smiled at me. "I am really happy to finally meet you..."
I looked at her and just like Cloud, she looks intimidating, too. Para bang masungit pero hindi talaga ito masungit. Napaka ganda rin nito lalo kapag ngumingiti.
Dinala na rin doon ang inumin namin at sinimulan din naming kainin ang carrot cake na binili ko kanina na parang gusto ko pa ring pagsisihan.
"I noticed the changes in his behavior, you know? Mas madalas na nakangiti, nabawasan ang kasungitan na namana sa daddy niya, nabawasan ang init ng ulo at–"
"Mom," saway ni Cloud sa ina na ikinangti ko. Napansin ko ang hiya sa mukha nito dahil sa sinasabi ng mommy nito sa akin.
She rolled her eyes and looked at me again. "What I am saying is... it's nice that Cloud finally has you in his life, Ashanti. And if you're thinking that I won't like you, oh dear. I like you already because you make Cloud happy."
I bit my lip while looking at her. Natutuwa rin ako na naging maayos ang pag-uusap namin nito at talagang magaan din sa loob kausap si Tita Stephanie.
"You should visit us in our house. I will tell Caryl and Paul Jake about," sabi nito sa akin nang magpaalam na aalis na dahil may pupuntahan pa ito at ang daddy ni Cloud.
"Po...?"
"I will let Cloud set it, okay?" She hugged me tight and smiled. "It's really nice to meet you, Ashanti," sabi pa nito bago ako pinakawalan.
"Si Tita Cristine niyo na ang bahala sa inyo rito," sabi nito bago tumingin kay Cloud. "I will see you tomorrow at lunch?" sabi nito na tinanguan naman ng lalaki bago humalik sa ina at ihatid na rin ito pabalik sa opisina nito.
"See? I told you, my mom will like you," he smiled as he sat again. I looked again and rolled my eyes at him. Sumimsim ako sa kape na naroon nang may lumapit na babae sa amin.
"Cloud? It's really you!"
Napalingon ako rito at ang mas ikinabigla ko ay ang pagyakap nito kay Cloud. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mga ito.
"Therese," Cloud said and looked at me.
I raised my eyebrow while looking at him.
Sinong Therese naman ito, at bakit nito niyayakap na lang basta ang boyfriend ko?
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz