19
This story has advanced chapters in Patreon, VIP Group and Ko-fi.
Be a patron and a supporter.
Visit my Patreon and Ko-Fi account,
You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.
Leave a comment if you like the story. 🙂
☀️☀️☀️
Nagising akong masakit ang ulo kaya naman marahan akong bumangon para abutin ang baso ng tubig na nasa bedside table ko. I always bring water to my room so I don't have to go down whenever I wake up in the middle of the night.
Kinapa ko ang baso sa lamesa kaya napakunot ang noo ko nang maramdaman na wala iyon doon. I opened my eyes a little and looked at the bedside table. Mas nangunot ang noo ko nang mapansin na hindi pamilyar sa akin ang mga bagay na naroon.
"Where the hell am–" natigilan din ako kaagad nang maalala kung nasaan ako. I looked outside the window and I could see the rays of sun trying to get in from the window.
May araw na...? Ibig sabihin, makakauwi na kami ni Cloud...?
I automatically looked beside me and saw Cloud still sleeping. He was naked from top and I have no idea if he's completely naked or what... napalingon din ako sa sarili ko at napansin kong nakahubad din ako.
Shoot.
"That was... that was true? We really had sex?" mahinang bulong ko habang kipkip ang kumot para takpan ko ang kahubaran ko. I silently cursed at myself, too, before I gently got up and walked towards the bathroom. Ang kumot na gamit ko ang siyang ginamit ko na rin na pambalot sa katawan ko. I almost groaned in pain when I felt a sharp sting on my center. Butil-butil na pawis na rin ang inabot ko nang makarating ako sa banyo.
Mabilis kong inilock ang pinto ng banyo nang makapasok ako at sumandal doon habang pinapakalma ang paghinga. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang samu't saring imahe ang pumapasok sa isipan ko.
I walked towards the sink and looked at myself in the mirror. Namumula ang mga pisngi ko, magulo ang buhok ko at may bahagyang pamamaga sa mga labi ko. I raised my hand and gently touched my lower lip. I remember Cloud kept on kissing me, sucking my lip last night...
Well, he didn't only kiss my lips, though...
Mabilis akong pumikit at umiling upang sana ay alisin ang alaala na iyon sa isipan ko ngunit para naman din akong pinaglalaruan ng sarili kong isipan at patuloy ang pagdaloy ng alaala ng nangyari sa amin ni Cloud sa isipan ko.
I could clearly remember how he looked while he was kissing me, down to my neck, to my breasts and... I bit my lower lip and heaved a sigh. Muli akong nagmulat ng mata at pinagmasdan ang sarili sa salamin.
Napakunot ng bahagya ang noo ko nang mapansin ang ilang mapupulang marka sa katawan ko, partikular sa dibdib ko.
"What the..." I checked on them and I am sure that these are hickeys. I tried to calm my breathing while looking at the marks Cloud put on my body. I examined the hickeys and they're all in the part where it will be covered by my clothes, thank goodness.
Kinuha ko na kaagad ang roba na nakasabit sa likod ng pinto at isinuot iyon.
Now... Now is the time I should think! I should think about what I will do next, I should think about what will happen next.
Something happened between me and Cloud.
I let my guard down, I gave him permission to do it.
Now what?
I leaned on the sink while I am trying to think what will happen to us. Ngayon ba na may nangyari sa amin, lalayo na si Cloud? Possible naman ang bagay na iyon.
If he wants to have his revenge, well, he got my virginity already... kung hindi pa sapat iyon, hindi ko na alam...
Kung gusto niya akong paghigantihan, siguro naman ay sobra-sobra nang nakuha niya ang pagkababae ko. Maybe that was also his plan all along? That's why he brought me here, seduced me...
It sounds so ridiculous, though.
Isa pa, kahit pa pagsisihan ko ang nangyari, wala rin namang magbabago. And I can't really entirely blame Cloud. I allowed him to do it, I gave him my consent...
I looked at myself in the mirror again.
Maybe because I want it, too...
But I will never admit that... I will never let him know that.
I just took a shower to clear up my mind more. I will never be able to change what happened but that doesn't mean I need to keep thinking about it. I should focus on other things.
Makakauwi na kami ni Cloud. It means I will be able to stay away from him again. Mas mabuti iyon dahil hindi kami magkasama buong araw. I will also have time to think of ways on how to save my dad's company without his help.
Lumabas na akong suot ang bathrobe at nakita ko si Cloud na nakaupo na sa may silya at nakasuot na rin ito ng t-shirt at pajama. Sumisimsim ito sa kape nang lumabas ako kaya naman napatingin ito kaagad sa akin.
"Good morning," he greeted me. Tumayo ito at humakbang papalapit sa akin, mabilis naman akong napahakbang paatras dahilan para mapahinto ito at kumunot ang noo. Bakas ang pagtataka sa mukha nito nang magtanong sa akin. "What's wrong?" he asked me.
I looked at him again before I looked away. "Nothing. I... I'll just get my clothes so I can dress up." naglakad akong paiwas sa lalaki bago lumapit sa maleta ko at kumuha ng damit na magagamit ko. Bumalik ako kaagad sa banyo para magbihis.
Cloud was just looking at me, he didn't say anything.
Nang lumabas akong nakabihis na, ito naman ang pumasok sa banyo para maligo. Nakita kong nakapag-order na ito ng almusal naming dalawa. I also noticed that he ordered our favorite.
Hinintay ko na rin muna si Cloud na matapos bago ako kumain. Inayos ko na lang muna ang mga gamit ko para sa pag-alis namin mamaya. I received a call from the airport that flights will resume today.
Maya-maya lang ay lumabas na rin si Cloud ng banyo at nakabihis na rin ito.
"The airport called, they said we can take the flight later to go home," I told him as he was drying his hair. He looked at me and nodded his head a little.
"I'll settle the bill, you can eat first, I will just eat when I get back," sabi kong muli sa kanya nang pigilan niya ako.
"It has been settled already, Ashanti," he told me while holding my arm. I looked at him and I saw confusion in his eyes. Mabilis lang din naman na nawala iyon.
"Let's eat so we can still rest before we leave," aniya bago iginiya ako papunta sa lamesa. Hinila nito ang upuan ko para makaupo ako at naupo na rin pagtapos. Nagsimula na kaming kumain nang walang kumikibo sa aming dalawa.
Ingay lang mula sa binuksan nitong TV at mga kubyertos ang naririnig ko habang kumakain. I opted not to say anything while we're eating. Ramdam ko rin naman ang panaka-nakang pagtingin sa akin ni Cloud.
"Is everything okay?" hindi na rin nakatiis na tanong niya sa akin. Nag-angat naman ako ng tingin at sinalubong ang mga tingin niya sa akin. I nodded my head a little.
"Yes, why?" painosenteng sagot at tanong ko sa kanya bago bumaling sa palabas sa TV na hindi ko naman din naiintindihan.
"You seemed different. Did I do something wrong?" he asked me again. Humigpit ang hawak ko sa mga kubyertos habang ang mga mata ay nasa telebisyon pa rin. Gusto kong iwasan ang mga tanong niya ngunit alam kong hindi ko rin naman magagawa ang bagay na iyon.
"No. What made you think that?" I asked him again instead. I tried to make my voice and tone as formal as possible. Ayaw ko rin naman talagang isipin niya na may problema o may nagawa siyang mali dahil wala.
Hindi niya mali iyon dahil ako naman ang nagsabi sa kanya na gawin niya iyon. I let him do it to me, who am I to say he's at fault?
"I don't know. You woke up and you have decided to be different?" he asked me again. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Nilingon ko siya at huminga ng malalim. I shook my head and put the utensils down.
"I am not different, Cloud. I am just thinking about going home. Iyon lang," sabi ko sa kanya pero halata naman sa mukha nito na hindi ito kumbinsido sa sinasabi ko.
"Was it because of what happened to us, Ashanti?" diretsong tanong niya sa akin. Napakuyom ang mga kamay ko dahil sa sinabi nito. I looked at him and tried to come up with words to tell him.
"If you're thinking I will leave you after what happened, that's not what I have in my mind. If I need to marry you, then I will and–"
"What?" I cut him off while staring at him. "What are you talking about?" I asked him again. Hindi ko akalain na iyon ang iisipin ni Cloud. I actually didn't think he would say anything about marriage.
I mean... Why would he?
"If you're thinking I will run away, I won't. I will talk to your parents and will tell them that I am ready to marry you and–"
"Are you insane?" I cut him off again. He looked at me and waited for whatever I was going to say. "Why would you marry me?" I asked him again.
"Something happened to us, Ashanti. I am your first and–"
"And so?" I looked at him and I saw the disbelief in his eyes. Huminga ako ng malalim at nagyuko. I also tried to calm myself before I looked at him again.
"Look, I know something happened to us, and we should not make it a big deal, okay? You're not going to marry me, I am not going to marry you. Do you understand me?" tanong ko sa kanya.
"We should not make it a big deal?" he asked me again. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Mas naging seryoso ito ngayon. Para bang nanumbalik ang Cloud na unang beses kong nakitang muli makalipas ang ilang taon.
I clenched my fist and nodded my head. "Y-yes..." I told him.
"That was just sex for you?" diretsong tanong nitong muli sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya kaya mabilis ko siyang nilingon. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Cloud nang sabihin niya ang bagay na iyon.
Iyon lang naman talaga ang bagay na iyon. Kailangan ba naming palakihin? Kailangan ba namin iyong pagtalunan?
Inabot ko na lang ang tubig at ininom iyon bago tumayo na.
"I'll double check my things. Tapos na rin naman akong kumain," paalam ko sa kanya bago nagtungo sa may couch para ayusin ang gamit ko.
Hindi naman kumibo si Cloud at hinayaan ako sa gusto kong gawin. After he ate, he also fixed his things and after an hour, we checked out from the hotel and went straight to the airport.
Si Cloud na ang nag-asikaso ng pag check-in ng mga gamit namin. Inabot niya lang sa akin ang boarding pass ko nang papasok na kami. Tinutulungan naman niya ako sa gamit ko pero halos hindi niya ako kibuin.
He was quiet.
Bilang ko lang yata sa dalawang kamay ko ang mga salitang sinabi niya sa akin matapos ang pag-uusap naming dalawa kanina habang kumakain kami.
Maybe he's mad?
But, why would he? Bakit siya ang magagalit?
Hanggang sa makapasok kami sa eroplano ay tahimik lang si Cloud. He let me sit on the window side. Naupo na rin ito sa tabi ko at sumandal at saka pumikit. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong tignan ito.
Huminga na lang ako ng malalim at tumingin sa labas. Nakaidlip din ako sa biyahe at nang magising ako ay nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Cloud.
"Sorry..." mahinang bulong ko nang umayos ako ng upo. Hindi naman nagsalita ang lalaki kaya nanahimik na lang din ako. Nakasunod lang ako sa kanya nang lumabas na kami ng eroplano at kinuha ang mga gamit namin.
I was about to carry my luggage when he took it and put it on the trolley. "Ako na, Cloud," sabi ko sa kanya.
"Ako na," he said and put his things on it, too. Ito na rin ang nagtulak ng trolley hanggang sa labas kung saan naghihintay ang driver nito.
Paglabas namin ay agad na lumapit ito sa amin at kinuha ang mga maleta namin ni Cloud. Tinulungan naman ito ng lalaki, I offered help again but Cloud said no.
Pumasok na kaming dalawa sa sasakyan ng lalaki.
"Just drop me at the office. I will just take a cab there and–"
"We'll drive you home," he said. I looked at him and he was busy reading something from his phone.
"I'm good, Cloud. Sa office na lang ako at magtataxi na lang ako pauwi sa bahay namin," sabi kong muli sa kanya ngunit para namang nabingi ito at hindi ako kinibo.
Wala rin naman akong nagawa dahil inutusan na nito ang driver nito na ihatid ako sa bahay namin. Halos hindi naman na rin kumibo si Cloud habang nasa biyahe kami maliban sa pangangamusta nito sa driver nila tungkol sa bahay nila at sa kapatid nito.
Buong biyahe ay tahimik na ang lalaki na tila may malalim na iniisip. Hindi ko naman na rin nagawang magtanong dito dahil wala naman ding dahilan para magtanong sa kanya.
Nang makarating kami sa bahay ay agad namang ibinaba ng driver ang mga maleta ko kaya bumaba na rin kaming dalawa ni Cloud.
"Thank you for dropping me home," sabi ko sa kanya bago hinawakan ang maleta ko at akmang itutulak na iyon nang hawakan ni Cloud ang braso ko para pigilan ako.
I looked at him. "What?"
Seryoso ang tingin niya sa akin habang hawak ang braso ko. "I kept on thinking about what you said. That what happened was just sex..." he said while staring at me.
Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya at pilit na itinatago ang kaba na nararamdaman ko. Mabilis ang tibok ng puso ko habang halos gahibla lang ang layo ng mga mukha naming dalawa.
"For me it wasn't just sex, Ashanti. We made love and you know it."
Nag-iwas ako ng tingin at binawi ang kamay ko sa kanya. "I don't know what you are talking about, Cloud. Papasok na ako sa loob," sabi ko sa kanya ngunit muli siyang nagsalita.
"I won't go anywhere and you know that, right?" he told me. "I won't go anywhere far from you, Ashanti. Keep that in mind," he added before walking towards their car and getting in.
Naiwan naman akong nakatayo sa labas ng bahay namin habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Cloud.
I heaved a sigh and turned around.
He was wrong if he thought it was like that for me...
It wasn't just sex for me, too...
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz