ZingTruyen.Xyz

Chasing After You

15

vampiremims


This story has advanced chapters in Patreon, VIP Group and Ko-fi.

Be a patron and a supporter.

Visit my Patreon and Ko-Fi account,

You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.

Leave a comment if you like the story. 🙂

☀️☀️☀️


Tahimik lang akong kumakain ng almusal habang nakaupo sa kaharap na upuan ko si Cloud. We've been quiet for around 20 minutes already and none of us were talking.

Gusto kong tusukin ang sarili ko ng hawak kong tinidor dahil na rin sa pagiging impulsive ko at dahil hinahayaan ko ang sarili ko na magiba ang pader na binuo ko.

None of these should happen. None of these should be happening, actually.

I let him touch me, kiss me... we almost had sex! Kung hindi lang may kumatok na kasambahay sa amin kagabi habang nasa may entertainment room nila ay baka kung ano na nga ang nangyari sa aming dalawa.

At mas gusto ko ring mainis sa sarili ko dahil may parte sa akin na naiinis sa kasambahay na iyon, when in fact, I should be thanking her.

Mukhang hindi nagiging maganda ang epekto ng pagsama ko na ito kay Cloud. Hindi nagiging malinaw ang isip ko, hindi nagiging maganda ang pagtakbo ng utak ko at pag-iisip ko sa mga bagay-bahay.

"Konti na lang madudurog mo na 'yang plato," basag ni Cloud sa katahimikan sa aming dalawa. I looked at her and felt my cheeks burning when I looked down and I saw the murdered hotdog on my plate.

"If you don't like the food, we can request for something else and–"

"It's fine... I was just... spacing out," pagdadahilan ko na lamang bago kinastigo ang sarili sa isipan dahil sa mga ginagawa ko.

Mas nakikita ni Cloud na naaapektuhan ako dahil sa nagiging reaksyon ko at hindi magandang bagay iyon!

"Are you okay? You've been quiet," he commented while eating.

I shrugged and started eating. "You were quiet, too, and I didn't say anything," sabi ko bago nagpatuloy sa pagkain.

He chuckled and I held the fork tight because I thought his laugh was sexy.

Damn it, Ashanti!

"Well, I am not sure what was my fault, why you aren't talking to me..." he said before reaching for his coffee and leaned on his seat to look at me.

"Nothing," I uttered as I busied myself eating. Mas mainam pang mag focus ako sa pagkain kaysa kausapin si Cloud.

Nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko dahil sa nangyayari. Hindi dapat ganito, e. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili ko na basta na lang bumibigay sa kanya.

He's on a mission, and that is to get his revenge on me. Iyon ang plano nitong gawin at hindi ako makakapayag na magtagumpay ito kaya habang maaga pa, dapat ay mabalik ko sa ayos ang isipan ko.

"We can go to the farm later and–"

"I want to go home," I looked at Cloud when I cut him off. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin.

"Excuse me?" inilapag nito ang basong hawak bago tumingin sa akin. "We have a few more days before we go back and–"

"We're done here, right? You talked to the possible partners and had an agreement already. Maaari na akong bumalik sa Manila dahil marami na akong trabahong kailangan na asikasuhin," muling putol ko sa sasabihin niya sa akin.

The sooner I get back to Manila, the sooner I will be able to clear my mind.

"Are you sure about that? Is there something wrong, Ashanti?" he asked me again and I shook my head. Tumuwid ang likod ko nang tignan ko ito. "If you want to stay here, it's totally fine with me, but I wanna go back. Magpapahatid na lang ako sa airport para hindi ka na maabala pa at–"

"You think you're bothering me?" this time, he cut me off.

I shook my head and sighed a little. "Look, the business purpose of this trip is already done. I know you missed this place, the people here, but I have to go back to my work. I am not asking you to go back with me, I am just saying that I am leaving."

Wala akong nakitang reaksyon sa mukha ni Cloud. Seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

"I'll book the earliest flight I could get, maybe I will just ask Benj to drive me to the airport and–"

"Fine, we will go home," sabi nito sa akin bago ubusin ang kapeng nasa baso nito.

"You don't have to come with me if you don't want to go home yet," I told him when I felt like he's just being forced to go with me.

"Ashanti, the only place I want to be is by your side. So, yes, I will go with you."

Kumuyom ang kamay ko at idiniin ko ang kuko sa palad ko dahil naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi nito sa akin.

This can't be right!

Kailangan ko na nga yata talagang makabalik sa Manila upang malayo naman ako kay Cloud. Being in a striking distance against him is really not a good idea!

His kisses now are far different from the kiss we shared when we were young. I couldn't shrug it off my mind now that we're together. Maybe when we get back to Manila, I will be able to forget it. Magiging abala ako sa trabaho, makakasama ko ang mga kaibigan ko, mga magulang ko... maliliwanagan ang isipan ko.

Matapos kaming mag-almusal ay nagtungo na ako kaagad sa kwarto ko para mag-ayos ng mga gamit ko para sa pag-uwi namin. Mabuti na lang din at nalabahan na lahat ng damit kong ginamit namin.

Masinop kong inayos ang gamit ko at inilabas na rin ang gagamitin kong damit sa pag-uwi namin. Mabilis din akong naligo at nag-ayos ng sarili dahil ayon kay Cloud ay aalis naman din kami ngayong araw. May mga kailangan lang itong tawagan bago kami umalis.

Nang maayos na ang lahat ng gamit ko at nasiguro ko nama din na wala akong naiwan at maayos ang kwartong lilisanin ko, kumatok si Cloud sa kwarto ko.

"Yes?" I asked him as I inhaled his masculine scent. Muling kumuyom ang kamay ko dahil doon.

"I already booked our flight, we will leave at 2 pm, flight is at 6 pm," sabi niya sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Kahit na may salamin si Cloud, hindi ko pa rin maikakaila na napakaganda ng mga mata nito lalo na kapag nakatitig ito sa akin.

"Ashanti?" He called my name and it was my cue to go back to reality. I swore I got drowned by staring at his eyes!

"Ah, yes? What was that again?" I asked him and I saw a playful smile on his face.

"What were you thinking?" he asked me, more of a tease.

"Nothing... I... I just want to go home, really," sabi ko na lang bago tumikhim at muling tumingin sa lalaki. "So, what were you saying?" I asked him again, this time I forced myself to keep a straight face.

"We will leave by 2 pm, flight is at 6 pm," sabi naman ni Cloud na nakangiti pa rin sa akin. Tumango na lang ako sa kanya.

"Wait, we will fly? How about your car?" kunot ang noo na tanong ko sa kanya. We traveled by land when we went here, which I detest but he's the boss, it's not like he'll follow me.

"Benjamin will go to Manila next week, he will be using my car to go there," Cloud replied and again, I nodded my head.

"Can we go somewhere where we can buy something? For my parents, Ryn and Anj..." tanong ko rito. Gusto ko rin naman na pasalubungan ang mga ito ng kahit na ano.

Cloud nodded his head. "Alright. Do you want anything for lunch? It will be our last lunch here," tanong niya naman din sa akin. I shook my head and let him decide since I don't want to trouble them in making what I want. Hindi naman ako maselan sa pagkain kaya walang kaso sa akin.

"Okay, then... see you later," paalam niya sa akin bago naglakad papunta sa kwarto nito.

I sighed heavily as I closed the door.

"Goodness, Ashanti. You're not a teenager anymore... hindi ka dapat naaapektuhan dahil mabango siya o maganda ang mga mata niya. He's using his charms to get back to you..." napailing na lang ako bago naupo at nagpalipas ng oras.

Alas dos na ng hapon nang ibaba ang mga gamit namin at isakay sa sasakyan na gagamitin sa paghatid sa amin sa airport. Panaka-naka rin ang ulan na may kasama pang kidlat at kulog. Hindi ko alam na may bagyo pala ngayon.

Nasa may pintuan ako nang may iabot sa aking maliit na bag ang isa sa mga kasambahay roon.

"Ma'am, baon niyo po sa biyahe," sabi nito sa akin. Napakunot naman ang noo ko. Sabi nito ay chicken sandwich daw ang mga iyon at may juice rin at tubig.

"Bilin po kasi ni Sir na magbaon daw po kayo para sa biyahe," nakangiting sabi nito bago bumalik sa loob ng bahay.

"Let's go?" aya sa akin ni Cloud. I looked at him and showed him the bag I was holding. He smiled a little and nodded his head. "Yeah, I asked them to pack us some snacks," he said before getting it from me and reaching for my hand to get inside the car.

May kasama kaming driver para magbalik ng sasakyan pagdating namin sa airport, sa harap naman uupo si Cloud habang mag-isa ako sa likod.

"You're okay there?" He asked me when he got inside. I nodded my head and leaned on my seat.

Nagpaalam na rin kami sa mga tao roon at ilang sandali lamang ay binabaybay na namin ang daan papuntang airport. Si Cloud at ang driver lang ang nag-uusap habang nakatingin lang ako sa labas at pinagmamasdan ang mga tanawin.

Lumalakas ang ulan at madilim din ang kalangitan.

Is this a sign that we should not go?

Halos alas tres na kami ng hapon nakarating sa airport at agad naman din kaming pumasok ni Cloud para makapag-check in na kami at ang mga gamit namin.

"Are you okay? Do you need anything?" he asked me while we're sitting. Umiling naman ako sa kanya. Nagpaalam siya sa akin na pupunta na muna ng banyo kaya naman tumango na lang ako sa kanya.

"Aba'y ang swerte mo naman sa asawa mo, ineng," sabi sa akin ng isang may edad na babae na nasa kahilerang upuan namin ni Cloud.

"Po? He's not–"

"Mukhang mabait at maalaga, e. Kanina ko pa nakikita na pinagmamasdan ka, ineng," sabi nitong muli sa akin. "Mabuti at maayos ang pagsasama niyong dalawa at talagang bagay kayong dalawa," dagdag pa nitong sabi.

I just smiled a little and nodded my head. Mukhang hindi naman din ako papakinggan ng matandang babae kaya hinayaan ko na lang siya.

Halos 30 minutes na kaming naroon nang mag-announce na cancelled ang lahat ng flight dahil sa masamang panahon.

"Sorry..." mahinang sabi ko kay Cloud na nakaupo sa tabi ko habang hawak ang phone nito. "Dapat nagstay na lang tayo..."

"It's okay... we will just go to the nearest hotel," sabi niya sa akin. "They won't be able to pick us, the rain is strong and something might happen to them if they go amidst this inclement weather.

Tumango ako sa kanya at sabay na naming kinuha ang mga gamit namin at naghanap ng hotel na maaari naming tuluyan.

Nahirapan pa kaming maghanap dahil puno ang mga ito, ang tanging nakuha namin ay isang kwarto na may isang kama lang din. Hindi na rin kami nagtalo at kinuha na namin iyon para makapagpahinga rin muna kami habang malakas ang bagyo.

"Unbelievable... we stayed in a hotel before we went here, now we're in a hotel again because of the same reason..." I was looking outside the window. Madilim at malakas pa rin ang ulan.

"Get some rest, they said they will call once we can fly," sabi ni Cloud sa akin. Nilingon ko naman ito habang nakaupo ito sa may couch. "What do you want for dinner? I'll just order from their menu," tanong niya sa akin.

"Ikaw na ang bahala," sabi ko naman sa kanya. "I will just wash up," paalam ko rito bago ko kinuha ang toiletries ko at nagpunta sa banyo para maglinis ng katawan.

Naiisip ko ang lagay namin ni Cloud.

Isa lang ang kama...

Hindi naman kami maaaring magtabi.

Well, I can just tell him that I will sleep on the couch. Mas kasya naman din ako roon dahil mas maliit ako kumpara rito.

Paglabas ko ay nakasuot na ako ng shorts at simpleng t-shirt lang. Nakita ko si Cloud na may kung anong ginagawa sa laptop nito. I sat on the couch while looking at him.

"I'll sleep on the couch later," sabi ko rito na agad na nagpalingon kay Cloud sa akin.

"Are you kidding?" he asked me and I shook my head. "No, I am serious," sabi ko naman sa kanya.

He shook his head and looked at me. "You will sleep on the bed, Ashanti. No buts," he said and I frowned. Humalukipkip na lang ako habang nakaupo sa couch.

Ilang saglit lang ay biglang namatay ang lahat ng ilaw kasabay ng malakas na kulog.

"Cloud!" malakas na tili ko nang wala akong makitang kahit na ano.

"Cloud!" mabilis akong tumayo at naglakad dahilan para mapatid ako sa kung anong nabangga ko. "Fuck!"

Mabilis namang may humawak na kamay sa akon at sa bewang ko.

"I am here..." bulong nito sa akin, nagmamadali naman akong tumayo ng maayos upang yakapin ang lalaki. "I am here, baby," he whispered again as he hugged me back.

I really hated dark places! Hindi ako nagpapatay ng ilaw kapag matutulog dahil ayaw kong madilim... hindi nakakampante ang isipan ko.

"Don't be scared, I am here..." he said as he rubbed my back.

I breathed heavily as I leaned my head on his chest.

May ilang segundo kaming nasa ganoong ayos nang magkaroon na muli ng kuryente. Nag-angat ako ng tingin kay Cloud at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

"Sorry..." hinging paumanhin ko bago dahan-dahang kumalas mula rito.

"It's fine," he smiled a little. Tumango ako at muling naupo sa couch. Marahil ay pinaandar ng mga ito ang generator kaya nagkaroon ng kuryente.

"Ashanti..." Cloud called me so I looked at him again. "I meant what I said. I am here..." he said before giving me a small smile.

I looked at him and clenched my fist.

I am still so affected by him.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz