ZingTruyen.Xyz

Chasing After You

13

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon, VIP Group and Ko-fi.

Be a patron and a supporter.

Visit my Patreon and Ko-Fi account,

You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.

Leave a comment if you like the story. 🙂

☀️☀️☀️


Hindi ko mapigilan na hindi humanga sa bawat tanawin na nakikita ko. Mula sa farm kung saan nakilala ko na rin ang ilang mga magsasaka, hanggang sa pamilihang bayan nila kung saan parang lahat ay magkakakilala.

Lumaki akong sa Maynila na nagkaisip. I never got the chance to stay long in the province. Kapag bakasyon naman kasi sa school noon ay kadalasang nasa bahay lang din ako kasama sina Ryn at Anj.

Pangatlong araw na namin ni Cloud dito pero hindi naman ako nakakaramdam ng inip. Marahil ay dahil na rin sa iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko, marami akong naririnig na iba't ibang kwento mula sa mga ito.

Some of them are inviting me to join their province's fiesta. Hindi naman ako sumagot ng oo sa mga ito dahil hindi ko balak na paasahin ang mga ito sa bagay na sa palagay ko ay hindi ko matutupad.

I mean, I don't think I will have a reason to go back here...

"Here," lumapit sa akin si Benjamin na may dalang isang paper plate na may laman na pagkain. Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat dito. Kasama ulit namin ni Cloud ang lalaki dahil ito ang nagmamaneho ng sasakyan nito para ihatid kami ng lalaki. Wala namang problema sa akin ang bagay na iyon dahil friendly naman din ang lalaki, lagi rin itong nakangiti kaya hindi mahirap pakisamahan.

"Si Cloud?" tanong nito bago nagsimulang kumain.

I shrugged my shoulders and looked at him. "He said he's gonna call someone," sagot ko na lang dahil ang alam ko ay tatawagan nito ang secretary nito sa Maynila. Maybe he's going to update her on what's happening here.

"You know, you'll gonna miss it here," ngumisi ang lalaki sa akin. Hindi ko naman napigilan na magtaas ng kilay rito at matawa dahil sa sinabi nito. "How sure are you that I will miss this place? It's just been... three days since I arrived and I haven't gotten the chance to further look at this place," sabi ko habang nakangiti.

Sa totoo lamang, hindi naman ako magtataka kung mamimiss ko nga ang lugar na ito dahil na rin sa preskong hangin. Iba ang pakiramdam kaysa nasa Maynila.

Benjamin gave me a friendly smile. "It's been just three days but you look happier now than when you just arrived here," he was the one who shrugged now and chuckled.

I rolled my eyes and continued eating. Mabuti na lang din at mapuno sa lugar kaya kahit na tanghaling tapat ay nasisilungan kami ng puno kaya hindi ganoon kainit sa balat. Mahangin naman din kaya walang problema kahit na sa labas kami nagsisipagkain.

It's actually a new experience to me. Hindi ko naman kasi naranasan iyon noong bata ako kaya naman naninibago rin ako pero okay rin sa tingin ko na nangyayari ito.

Maya-maya lang ay bumalik na rin si Cloud at napansin ko ang pagkakakunot ng noo nito habang lumilinga na tila may hinahanap.

"Cloud!" malakas na tawag dito ni Benjamin kaya lumingon ang lalaki sa direksyon naming dalawa. Agad namang lumipat ang tingin nito sa akin at naglakad patungo sa kinaroroonan namin.

"Where have you been?" he asked me. I looked at him and creased my forehead. "Where have you been? I was just sitting here the whole time," I replied and rolled my eyes.

"I called your dad to give him updates," masungit na sagot naman nito sa akin bago bumaling kay Benjamin. "You, what are you doing here?" he asked him.

Benjamin laughed playfully and raised the plate he's holding. "Kumakain kami, pre. Kuha ka na ng pagkain mo," sabi nito sa kaibigan bago tumingin sa akin. "Kain ka pa, Ash," aya niya sa akin. Tumango naman ako dito bago nagsimulang muling kumain at inignora na si Cloud na nananatiling nakatayo sa gilid ko.

I saw him shake his head and just sit beside me while looking at the people eating.

"You're not gonna eat?" I asked him. It was almost 1 pm and he still hadn't eaten anything yet.

"Later," he replied.

"Cloud, naalala mo 'yung ilog dito?" tanong ni Benjamin sa lalaki. Pinagigitnaan ako ng mga ito kaya naman bumaling ako kay Benjamin.

"Ilog?" I asked him and he nodded his head. "Yes, Cloud and I used to bathe there. Hindi pinapayagan ni Tito PJ si Caryl na sumama sa amin kaya kami lang dalawa ni Cloud madalas doon, e," pagkukuwento ni Benjamin sa akin.

"Really? Where is that river located?" I asked him, interested. Hindi ko na matandaan kung kailan ba ang huling beses akong nakapunta sa ilog. Maybe I was a kid? Kaya parang may nabuhay na kung ano sa akin na gustong magpunta roon.

"Sa–"

"Sarado na," putol ni Cloud sa sasabihin ni Benjamin kaya nilingon ko naman ito. "It's now privately owned, we can't go there," he added and glanced at me.

Napasimangot naman ako kaya pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagkain ko hanggang sa maubos ko iyon.

Matapos kaming makapahinga ay umalis na rin kami agad dahil kailangan pa namin ni Cloud gawing pinal ang kasunduan sa bangko rin na makakapartner namin para sa plano naming pagkuha ng mga produkto sa probinsya.

I was looking outside while Benjamin was driving.

Si Cloud naman ay tahimik lang na nakaupo sa harapan. He was wearing a plain white polo, black pants and he put his magnetic shades on his glasses. Hindi ko tuloy malaman kung tulog ba ito o hindi.

Ipinusod ko naman ang buhok ko dahil na rin sa may kahabaan iyon at open ang sasakyan ni Benjamin.

I stared at Cloud's back while we're on the road. Hindi ko masabi na okay kaming dalawa dahil parang hindi naman iyon ang sitwasyon.

We're talking, but we're not... friends. I think.

Also, it's hard to be friends with him, especially since we had history together. Hindi ko pa rin mabasa kung ano ba ang next moves ni Cloud.

We're here, he's helping our company, but I have no idea when he's going to stop and just take it all away from us. Hindi ko kayang makita ang Daddy ko na mawala rito ang kumpanya na matagal nitong pinaghirapan.

Hindi nagtagal ay ipinarada na rin ni Benjamin ang sasakyan at kumilos na si Cloud at lumabas. Inalis nito ang suot na magnetic shades at lumingon sa akin.

"Let's go," aya niya sa akin. Tumango naman ako at bumaba na rin ng sasakyan. Nagbilin lang ito kay Benjamin na sasaglit lang kami sa loob para pumirma sa mga papeles na ipinadala nito kaninang umaga.

Hindi na ako nagtaka na malakas ang impluwensiya ng pamilya ni Cloud sa lugar na iyon dahil mismong ang manager na ng bangko ang humarap sa amin at ang nag-assist sa mga kailangan namin kaya mas napabilis lang ang kailangan naming gawin.

"They're all staring at you," sabi ko kay Cloud habang nakaupo kaming dalawa at hinihintay na lang ang kopya namin para makaalis na.

Kunot ang noo ni Cloud na lumingon sa akin. "Who?" inosenteng tanong nito sa akin.

I rolled my eyes and crossed my legs. "As if you really don't know," mahinang sabi ko rito.

He scoffed and moved closer to me. Inilapit pa nito ang mukha sa akin. "You're always rolling your eyes at me," he commented and stared at me.

Para namang nag-init ang pisngi ko sa paraan ng pagtingin sa akin nito kaya mabilis akong napa usog ng upuan.

He smirked and stared at me.

"Stop," I frowned and looked away. Muli kong napansin ang mga teller ng bangko na nakatingin kay Cloud na halata ang paghanga sa mga mata ng mga ito.

Parang gusto kong magpasalamat sa manager ng bangko nang bumalik ito at ibigay kay Cloud ang isang envelope. "Just give us a call, Mr. Monteverde if you need any assistance and we'll gladly help you."

"Thank you," Cloud nodded his head a little before looking at me.

I smiled a little and thanked the manager as well. Cloud held the back of my elbow and guided me back to Benjamin's car. Inalalayan na rin ako nitong makasakay sa loob bago ito sumakay na rin sa harap.

"Let's go home," ani Cloud sa lalaki. Tumango naman si Benjamin dito bago pinaandar ang sasakyan.

"We'll be able to go home earlier than planned, right?" sabi ko kay Cloud habang tinatahak namin ang daan pabalik sa mansion nito. Simple namang lumingon ang lalaki sa akin.

"Hmm?" he asked.

"We talked to the farmers, the workers, the bank... and we accomplished that in just 3 days. I think we can go home earlier," I replied.

"Uwing-uwi ka na ba?" natatawang sabi ni Benjamin na tumingin sa akin gamit ang rearview mirror. "May beaches din dito, baka gusto mo munang mamasyal," pag-aaya nito.

"Really?" I asked him and smiled.

He nodded his head. "Yes. We can go there, right, Cloud?" tinapik pa nito ang braso ng lalaki. Tinignan naman ito ni Cloud pero hindi nagsalita.

I just mentally rolled my eyes.

"Sure, let's go there," sabi ko na lang para mas inisin pa si Cloud. Napansin ko naman na parang ayaw nitong kaibiganin ko si Benjamin. Hindi ko lang maunawaan kung bakit ba.

"See you tomorrow, Ashanti," paalam ni Benjamin sa akin nang maihatid na kami nito. I smiled at him and waved my hand before I walked towards the house. Nauna na rin akong pumasok sa loob.

Sinalubong naman ako agad ni Nanay Clarita. "Nakauwi na pala kayo, tamang-tama at katatapos lang namin magluto ng hapunan," sabi nito sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid dito. "Thank you po. I will just wash up before eating," magalang na paalam ko rito na siyang tinanguan ni Nanay Clarita. Dumiretso na rin ako kaagad sa kwartong tinutuluyan ko at mabilis na kumuha ng damit at naligo na rin.

Maghapon din akong nasa labas kaya naman kailangan ko talagang maglinis ng katawan. I just took a quick bath since I don't want Nanay Clarita to wait for too long. I just wear a white sleeveless top and pajamas.

Nakasalubong ko naman si Cloud na bagong ligo rin dahil basa pa ang magulong buhok nito. He's also wearing a plain white shirt and pajamas. Napatingin pa akong muli sa suot ko dahil nagmistulang terno ang suot naming dalawa.

He looked at me but he didn't comment on what I was wearing. "Let's go?" he asked me. Tumango naman ako sa kanya at sabay na kaming nagtungo sa komedor para kumain.

Hindi ko mapigilan na hindi mapatingin kay Cloud habang kumakain kami. I had to admit, he looks so cute when his hair is messy. Parang bagong gising ito, ang gwapo nitong tignan para sa akin.

"Mind sharing what's running in your head while you're staring at me?" He looked at me and raised his brow.

I looked at him and frowned. "None," I simply said.

"Hmm?" he cocked his head on the side and stared at me.

"Wala nga," giit ko naman. I will never tell him I find him handsome with his messy hair. Baka lumaki pa ang ulo nito kapag sinabi ko ang bagay na iyon.

"Hmm. Okay," he nodded his head.

Halos sabay naman kaming natapos na dalawa at nagustuhan ko talaga ang inihaw na bangus na ihinain sa amin. Natuwa pa ako na boneless iyon kaya mas lalong hindi ako nahirapan kumain.

"You should sleep early," sabi ni Cloud sa akin nang makapaghugas kaming dalawa ng kamay.

"Why? Where are we going? Meeting?" I asked him.

He shrugged and looked at me.

I rolled my eyes again. "Whatever, I'll go back to my room now," sabi ko rito pero hindi pa man ako nakakaisang hakbang ay hinawakan na agad ni Cloud ang kamay ko dahilan upang lumingon ako rito.

Hindi ko alam kung paano itong napunta na sa harap ko pero halos magdikit na ang mukha naming dalawa nang humarap ako sa kanya.

"Can I ask you something?" he looked at me down to my lips.

Nag-init naman ang mga pisngi ko dahil sa paraan ng pagtingin nito sa mga labi ko. Is he going to ask permission to kiss me?

"W-what is it?" I cussed myself from stuttering.

"Stop smiling at everyone..." he softly said. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. I was about to say something when he talked again. "It's annoying to see they're admiring you. Isa pang may magkagusto sa'yo rito, ikakandado kita sa kwarto mo."

"What?" nagtatakang tanong ko pero hindi naman na ako sinagot ni Cloud. Sa halip ay binitawan na nito ang kamay ko.

"Wake up early tomorrow," iyon lang at iniwan na ako nito sa loob ng kusina. Sinundan ko lang ito ng tingin at napailing na bumalik na rin sa kwarto ko.

I should not be confused about what he's doing. He's probably doing it so I will be more comfortable with him... so he can do what he's been planning to do.

"Damn, Ashanti... stop being so damn affected!" Inis na sabi ko bago nahiga na sa kama at hintayin na ang pagdalaw ng antok sa akin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya maaga na rin akong nag-ayos at naligo. Hindi ko alam kung saan ang plano ni Cloud na magpunta kaya naman nagsuot na lang ako ng simpleng bestida na casual lang kaya hindi alanganin kung pormal ang kailangan naming puntahan.

Saktong tapos na akong mag-ayos nang may kumatok sa kwarto ko kaya tinungo ko na iyon at binuksan. Nakita kong si Cloud iyon at nakabihis na rin ito.

"Good morning," he greeted me.

"Good morning," I replied.

"You're early," he commented and looked at me.

"Sumusunod lang ako sa usapan," sagot ko naman bago kinuha ang bag ko at lumabas na rin ng kwarto para sumunod kay Cloud.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko rito. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang dalawang basket na inilalabas ng kasambahay nito. I looked at Cloud and he didn't say anything.

"Ito pa ang mga prutas, baka malimutan," pahabol ni Nanay Clarita sa kasambahay na may dalang basket.

"Where are we going?" I asked him as I followed him. Nakita kong may sasakyan na rin na naroon sa labas. Hindi iyon sasakyan ni Benjamin.

"Cloud," I called his name. He opened the door instead and moved his head, urging me to go inside. Napailing na lang ako dahil wala akong makuhang sagot sa lalaki bago tumalima at sumakay na lang din sa sasakyan.

"Where are we going, really?" I asked him when he hopped inside his car.

"You'll see," he replied and started the engine.

Hindi na ako nakipagtalo pa rito at hinayaan na lang ito dahil mas alam naman ni Cloud ang daan kumpara sa akin.

Napalinga ako sa paligid nang mawala na kami sa kalsada at puro puno na ang nakikita ko sa paligid namin. I looked at Cloud who's casually driving.

"Cloud," I called his name again.

"Hmm?"

"Cloud Stefan!"

He gave me a fleeting look before looking in front again.

"Where are we?" I asked him again. Sa halip naman na sumagot sa akin ay ihininto na nito ang sasakyan at tumingin sa akin.

"Let's go," sabi nito bago naunang bumaba at kinuha ang mga basket na nasa likod ng sasakyan nito.

Bumaba na lang din ako at tinulungan ang lalaki kahit na hindi ko alam kung ano ba ang pinaplano nitong gawin.

"Follow me," he said before walking. Isang magaan na basket ang binigay nito sa akin para dalhin kaya sumunod na ako sa lalaki. Napalingon ako sa paligid nang makarinig ako ng tila tunog ng pag-agos ng tubig.

"What..."

I followed Cloud and I saw him standing under one tree while looking at the river.

"This is the river Benjamin was talking about?" I asked him and smiled at him. Hindi ko maiwasang mamangha sa linaw ng tubig doon. Mukhang mababaw lang ito dahil nakikita ang mga bato na nasa ilalim nito.

"It's beautiful!" I smiled widely and looked at Cloud. "I thought this was private property?" I asked him before looking at the river again. Napakalinaw ng tubig at tila iyon kristal na kumikinang sa tuwing nasisinagan ng araw.

He nodded his head and looked at me. "We owned this."

"What?" I looked at him again, he smiled.

Inilabas na nito ang sapin at inayos iyon bago inilabas ang mga pagkain na dala namin. "You said you wanted to go here," sabi nito sa akin. "We're here," he added.

I smiled a little and nodded my head. "Thank you..." I softly said.

Muli akong bumaling sa tubig at sa mabining pag-agos nito. Tila ito nang-aanyaya na lumusong ako sa tubig at i-enjoy ang lamig ng tubig.

"Sana sinabi mo na dito tayo pupunta, nakapagdala sana ako ng pamalit..." sabi ko kay Cloud na nakatayo sa gilid ko.

"It wouldn't be a surprise, Ashanti," he chuckled. "Besides, you can swim. It's okay."

I bit my lip and looked at him. "Really?" I asked him and he nodded his head.

"Okay..." I smiled and walked towards the river. May mga bato roon na tila nagsilbing hagdan pababa sa ilog.

May ilang hakbang din ang layo ni Cloud mula roon kaya sinamantala ko ang hindi nito pagtingin bago ko inalis ang suot na bestida bago lumusong sa tubig. I was so thankful that I was wearing a black underwear and a bra. It complimented my fair skin.

I was right. The water was cold but it was so refreshing. Napakalinaw rin ng tubig kaya talagang nasisiyahan ako sa paglangoy na ginagawa ko.

Napalingon ako nang marinig ko ang paglusong sa tubig ni Cloud. Lumangoy ito papalapit sa akin, hinubad din nito ang salamin na suot nito.

Huminto ito sa tapat ko at tumingin sa akin.

"Can you see clearly without your glasses?" I asked him.

He looked at me. "I can see you," he replied.

Parang umakyat muli sa ulo ko ang dugo ko kaya naman winisikan ko si Cloud ng tubig at lumangoy papalayo rito.

Hindi ko mapigilan na mapahagikgik nang magsimula kaming maghabulan sa paglangoy at maging ang patagalan namin sa pagpipigil ng paghinga habang nasa ilalim ng tubig.

It was something refreshing as well.

He was laughing.

We were still in the water when I felt him hug me from behind.

"Cloud..." I tried to look at him.

"Shh..." he said and rested his head on my shoulder. His hands were on my tummy. It was as if he's avoiding touching my underboobs.

I bite my lip when I feel something unusual for me.

"Cloud..."

He didn't say a word but I felt his hug tighten. It was the kind of hug he used to give me before...

And to be honest, I missed it...

He heaved a sigh and loosened the hug. I know he's about to let me go so I turned around and faced him.

He looked at me and smiled a little.

I bit my lip and looked at his lips.

Damn it, Ashanti. You're confusing as hell, too!

I summoned all my courage and pulled him closer to me and kissed his lips.

I must be crazy now... I don't know...

I felt him pull my waist closer and kiss me back, this time, he's kissing me deeper... 

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz