ZingTruyen.Xyz

Chasing After You

07

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my patreon account.

www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


I smiled when I saw Cloud sitting on the grass which he just covered with a cloth. Nakahanda na rin doon ang mga tupperwares na may laman na pagkain naming dalawa. Mukhang mas maaga pa itong nakarating doon kaysa sa akin.

Lumapit naman ako sa lalaki at tinakpan ang mga mata nito kahit pa nakasuot ito ng salamin.

"Guess who?" I chuckled as I asked him.

He let out a soft laugh and held my hand and gave it a soft squeeze.

"No one will go near me, Ashanti," he said as he looked at me. "Only you."

Tumango naman ako sa kanya bago ipinakita ang dala ko rin na bag na may laman na salad na ginawa ko kagabi para sa picnic namin ngayong umaga.

Cloud was wearing a light blue polo. Gaya ng nakasanayan na nito, nakabutones iyon hanggang leeg nito. I was wearing a light pink dress today. Pinag-iisipan ko kanina kung ano ba ang magandang suotin pero nakita ko na okay naman din itong suot ko kaya ito na ang napili ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong maupo. Kinuha naman din nito agad ang extra cloth na dala nito at itinakip iyon sa may hita ko upang makaupo ako ng maayos.

"Thank you..." I uttered.

He smiled as he opened the tupperwares he brought.

"Bakit parang ang dami?" I asked him as I checked the food. May pang-almusal doon at mayroon din na para sa tanghalian daw namin. Hindi ko napigilang matawa dahil pakiramdam ko ay hindi naman namin kayang ubusin ang mga iyon.

"Did you ask someone else to cook these?" I asked him as I took a strawberry and ate it.

He shook his head and looked at me. "I live alone," he replied. Kumunot naman ang noo ko sa kanya dahil hindi ko naman alam na mag-isa pala si Cloud. From what I have searched before, hindi naman hiwalay ang mga magulang nito.

Isa pa, they own multinational companies! Though, I never got the chance to ask Cloud about that. Hindi ko naman din nakikita na appropriate itanong ang bagay na iyon sa lalaki.

"Really? Where are your parents?" I asked him again. Inabot naman niya sa akin ang plato na nilagyan nito ng pagkain ko. Ngumisi pa ako sa kanya bago ko dinagdagan ng tocino ang plato ko na ikinangiti lang din ni Cloud.

Ever since we started eating breakfast together, he never failed to include tocino. Parang nagging favorite na naming dalawa iyon.

"They're at their house. Caryl is living with them, I am living at my dad's pad," sagot niya naman sa akin bago nagsimulang kumain.

"Caryl is...?" tinignan ko siya at nakita ko na napangiti siya nang mabanggit ang pangalan ng babae.

"She's my sister."

Napatango ako sa kanya bilang sagot. "I don't know what it feels to have a sibling. Though I am treating Anj and Ryn as my sisters, iba pa rin siguro talaga kapag may kapatid, no?" tanong ko sa kanya. Hindi na ako nagkaroon ng kapatid dahil na rin nahirapan si Mommy noong ipanganak ako. To make sure that nothing bad will happen to her, they opted not to have a baby again.

Well, the upside of it was all their attention was on me.

"It's okay. Aside from Caryl, we have other friends whom we treat as siblings as well," sabi niya naman sa akin.

"Buti pinayagan ka nila na bumukod?" I asked him curiously. Hindi ko kasi sigurado kung ako ba, papayagan nila Mommy kung sakali. Knowing they are very protective as well.

"I convinced my dad. I told him that if he wants me to manage their business, might as well let me be independent."

I smiled as I stared at him. Mukhang naplano na nito ang gusto nitong gawin sa buhay nito samantalang ako, hindi ko pa nga alam kung ano ba ang gagawin ko sa buhay ko kapag nakagraduate na ako.

Kahit pa mayaman si Cloud, hindi kailanman niya binanggit ang bagay na iyon. Para bang napaka simple lang nitong mamuhay at walang kahit anong yabang sa katawan.

When he asked me if he could court me, I wasn't able to reply immediately. Naghalo ang kaba at hindi maipaliwanag na tuwa sa akin dahil sa tanong ni Cloud. Gayunpaman, hindi naman ako tumanggi sa kanya.

Sinabihan ko siya na kung iyon naman ang gusto niya, wala akong magagawa. Isa pa, siya lang naman yata ang manliligaw ko na gusto kong ligawan ako.

Kumportable akong kasama si Cloud. There was a time that we had a group activity, I knew that he would be alone again so I joined him.

Dalawa lang kami na magkagrupo at hindi lang isang beses akong sinermunan nila Anj dahil doon. Sinabi nila sa akin na bakit ko raw ba sinamahan si Cloud pa, alam ko naman na ginagawang laughingstock ng iba si Cloud, baka raw madamay pa ako.

I told him that it's a way for him to be more comfortable. Isa pa, napaka babaw naman ng mga dahilan ng mga naghuhusga at tinatawanan si Cloud. They're just mocking him because of his nerdy look.

Hindi man lang nila sinubukang kilalanin si Cloud muna.

"I have a gift for you," he said after we ate. Kumuno naman ang noo ko sa kanya at pinagmasdan ang inilabas nito mula sa bulsa nito.

It was a necklace with a letter C as a pendant. It was covered with diamonds, I guess.

"What's this...?" I asked him as he put it on my neck. Hinawakan ko iyon at naramdaman ko ang mga batong naroon.

"A gift," he said and showed me the other one. It has letter A as a pendant. "This... this is for me." Sinuot naman nito iyon at tumingin sa akin.

I chuckled and helped him lock it.

"Thank you... I liked it..."

"I am glad you liked it."

Hinawakan kong muli ang pendant ng binigay niya sa akin at hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. He's really thoughtful and caring and nice... and sweet.

We stayed there the whole day and Cloud drove me home. Hindi na rin ito pumasok sa bahay namin dahil na rin maggagabi na at tinawagan ito ng Daddy nito para sa family dinner daw nila. Wala pa rin naman ang mga magulang ko kaya hindi ko naipakilala si Cloud sa mga ito.

Kinabukasan ay hindi ko nakita si Cloud sa parking lot at maging ang sasakyan nito ay wala roon kaya naman kinuha ko na rin agad ang cellphone ko para padalhan ito ng mensahe. Well, maybe he's just late, but nevertheless, I wanted to make sure.

"Was it true that you are dating the nerd?" Nancy asked me as soon as I settled down on my chair. Nilingon ko ito at hindi nawawala ang nakakairita na ngisi nito sa mukha. Katabi rin nito ang mga kaibigan nito na nahawa na sa sama ng ugali nito.

Wala pa sina Anj at Ryn dahil ako naman talaga ang madalas na nauunang pumasok sa aming tatlo.

"Grabeng charity naman ng ginagawa mo, Ashanti. Hindi naman kailangan na magpanggap kang mabait at i-date mo pa si Cloud," natatawang sabi ng isang kaibigan ni Nancy. I am not very familiar with their names, actually. Madalas kasing tawag namin sa mga ito ay alipores ni Nancy.

I just rolled my eyes and opened my phone to check if Cloud replied to my message. Mas okay pa yata kung nagpa late na lang din ako ngayong araw.

"You know, we thought you're just playing hard to get to Lester. Hindi namin alam, ayaw mo pala sa gwapo!" sinundan iyon ng pagtawa ng mga ito kaya muli akong napatingin ng matalim sa mga ito.

"Can you just shut up and stop talking?" inis na sabi ko sa mga ito. I don't even know why they're like that towards Cloud. They're even spreading hate towards him. Kahit na wala namang ginagawang masama si Cloud sa mga ito.

"Why would I? Isn't it true? Or... you just want to be known as someone who's nice and good for dating a lost cause?" Nancy smirked as she looked at me.

"Kung may lost cause man dito, ikaw lang iyon. Hindi si Cloud."

Kinuha ko na lang ang gamit ko at lumabas na muna ng classroom dahil sa inis na nararamdaman ko.

"Kunsabagay, you looked good together. Pareho kasi kayong loser," pahabol pang sabi ni Nancy sa akin nang makalabas na ako.

How dare they talk shit about Cloud? Wala namang ginagawang masama si Cloud sa kanila para sabihan nila ng kung ano-ano.

Naglakad na lang ako papunta sa parking lot para tignan kung dumating na ba si Cloud o wala pa rin ito. Ayoko naman na magpadala ulit ng mensahe rito dahil baka may ibang ginagawa ito ngayon.

I heaved a sigh and sat on a bench on the side. Pilit kong inaalis ang inis na nararamdaman ko. I knew this would happen.

Since a lot of people are keen on judging others by their appearance, I knew that this thing would happen. They will laugh at me, mock me, mock Cloud.

Damn them!

Napayuko na lang ako habang pilit na kinakalma ang sarili.

"Ashanti?"

Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Cloud.

"Hey!" tumayo ako at mabilis na niyakap ang lalaki at isinandal ang pisngi sa dibdib nito. "I'm glad you're here..." I softly said.

"What happened...?" he asked as he hugged me back.

Umiling naman ako sa kanya at niyakap siya ng mas mahigpit pa. I don't want to let go because the moment I hugged him, I instantly felt relieved.

"Are you okay? What's wrong?" he asked me again and I shook my head as a reply. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napangiti ako nang makita ko ang makapal na lense ng salamin nito at maging ang braces nito.

I don't see any imperfections in him.

"I don't feel like attending the class..." sabi ko na lang sa kanya. Wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya ang mga sinasabi ng ibang tao sa kanya... sa akin. I don't want to hurt his feelings...

"Why? Are you sick?" he asked me as he checked my temperature by putting the back of his palm on my forehead. Umiling naman ako sa kanyang muli.

"I just don't want to go to class... Can we skip class today?" I asked him. Hindi ko tiyak kung papayag si Cloud sa akin pero sa huli ay pinagbigyan ako nito.

"Where do you want to go?" he asked me as he opened the door for me. I looked at him and smiled a little. "At your house? If that's okay..." I replied.

Saglit na natigilan si Cloud na parang may iniisip bago tumango ng marahan sa akin. Sumakay na rin ito sa sariling sasakyan at nagmaneho na papunta sa bahay nito.

I received calls and texts from Ryn and Anj. Nagreply lang ako sa kanila na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya umalis ako, sinabihan ko na lang din sila na huwag na sabihan si Mommy dahil mag-aalala ito.

"Are you sure you're okay?" Cloud asked me again. Tumango naman ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin.

"I am fine. I just don't want to be there..." huminga ako ng malalim bago ako tumingin sa labas habang nagmamaneho ito.

I never had a boyfriend. May mga nanligaw sa akin at totoo naman ang sinabi ni Nancy, kailanman ay walang nanligaw sa akin na katulad ni Cloud. Most of them are varsity players and band members. Wala naman akong nagustuhan sa kahit na sino.

Well, if I will be honest with myself right now, I never felt anything for them. It was different with Cloud. Hindi ako naiilang sa lalaki. Hindi ako naiinis dito kapag lumalapit ito sa akin.

Nararamdaman kong malinis talaga ang intensyon nito sa akin.

Hindi naman din nagtagal at nakarating na kami sa tinitirahan nito. Hindi na talaga ako nagdududa na mayaman si Cloud base na rin sa tinitirahan nito. Wala itong kasama na kahit sinong kasambahay kaya talagang ito lang ang nagluluto ng pagkain na dinadala nito sa akin.

"Do you want anything? Snacks? Juice?" tanong niya sa akin nang makaupo ako. Umiling naman ako sa kanya at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. It was not that big, but it's actually spacious. Mukhang mamahalin din ang mga gamit na naroon.

"I am good..." sabi ko naman dito bago ngumiti.

Cloud chuckled and nodded his head. Nagpaalam lang din ito sandali sa akin kaya hinayaan ko na lang habang pinagmamasdan ko pa rin ang kabuuan ng bahay nito. Wala akong makitang pictures nito roon na unusual dahil sa bahay namin, may malaking portrait kami nila Mommy and Daddy. Ganoon din naman sa bahay nila Anj at Ryn.

Pagbalik ni Cloud ay may dala na itong sandwiches at juice. Sabi nito sa akin ay hindi naman pwedeng hindi niya ako papakainin lalo pa at hindi ito nakapagdala ng almusal naming dalawa.

"You're really rich, huh?" sabi ko rito habang kinakain ang sandwich na inihanda nito.

"My parents are."

I raised my brow on him and rolled my eyes. "You will inherit it."

He shrugged and leaned on the couch. "I went to the house and wasn't able to sleep well. I didn't have time to cook our breakfast. I am sorry..."

I looked at him and gave him a small smile.

"It's okay, Cloud. Wala namang kaso sa akin kahit na walang almusal. I was just worried about you, you know? Hindi ko kasi alam kung nasaan ka, or baka napano ka kasi diba sabi mo, mag-isa ka lang na nakatira dito..." sagot ko naman sa kanya.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Cloud habang nakatingin sa akin. Tumango ito ng marahan sa akin. "I'm happy to know you're worried about me, Ashanti."

"Of course!" nginitian ko siya bago sinubo rito ang sandwich na ginawa nito. Natatawang kumain din ito habang nakatingin sa akin.

Nakasandal ako sa balikat nito habang nanunuod kaming dalawa ng movie. Nilalaro-laro niya rin ang kamay ko habang nanunuod. Ilang beses kong hinampas ang kamay niya dahil kako hindi siya makakapagconcentrate pero pinalo niya lang ako ng marahan kaya hinayaan ko na lang siya.

"You know that I like you, right?" maya-maya ay sabi nito sa akin. Natigilan ako at napaangat ang tingin sa kanya.

"What...?"

"I said I like you, Ashanti."

Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi nito kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Mabilis din ang tibok ng puso ko at hindi ko maipaliwanag kung paanong ritmo ba ito tumitibok sa ngayon.

"I am willing to wait for you. Keep that in mind."

I bit my lower lip and looked at him again. I gave him a small smile before I moved my head and pecked on his lips.

"I... I like you, too..." I confessed.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz