05
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
“I will be late in class!” malakas na sabi ko sa kasambahay namin na kinuha ang gamit ko mula sa kwarto ko. Katatapos ko lang kumain ng almusal at kasalukuyang tinitignan ang mga pictures namin nila Ryn at Anj mula sa pagpasyal namin noong nakaraang Sabado.
I was thinking what photo should I use for my displayed photo.
“Hija, I think the neighbors heard your voice,” saway sa akin ni Mommy nang bumaba na ito para mag-almusal. Nauna na akong kumain sa kanila ni Daddy dahil na rin may klase kami ngayon at ayoko na ma-late ako sa klase.
As much as possible, I want to be at school early.
“Good morning, Mommy,” I greeted her and kissed her cheek. Ngumiti naman ito sa akin at kinamusta ang tulog ko. Hindi pa kaagad bumaba si Daddy dahil alam ko naman ang usual routine nito. Maliligo at mag-aasikaso na muna ito bago bumaba dahil abala ito sa textile business nito.
“Mom, may group meeting pala kami mamaya. Baka medyo late po ako na makauwi,” paalam ko rito na tinanguan naman ako. Alam naman nila na wala naman akong ibang pinupuntahan maliban na lang kung kasama ko si Anj at Ryn.
Kung minsan nga ay pakiramdam ko mas may tiwala pa ang mga magulang ko sa mga kaibigan ko kaysa sa akin.
“Are you going to be with Ryn?” She asked me. I chuckled and nodded my head.
Sakto naman din na bumaba na ang kasambahay namin dala ang bag ko kaya kinuha ko na rin iyon at humalik sa pisngi ni Mommy bago lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyan namin.
Marunong na akong magdrive pero hindi pa ako pinapayagan ni Daddy hangga’t hindi ako nagdedebut. Minsan ay iniisip ko na baka sasakyan ang iregalo niya sa akin kaya naman ganon.
Hindi naman din matagal ang biyahe ko papunta sa school. Mabilis lang kaming nakarating at hindi naman din nagtatagal ang driver namin doon para hintayin ako. Umuuwi rin ito kaagad para naman ihatid si Mommy sa opisina nito. She’s not working at my dad’s office because she said she doesn’t want them to make her feel uncomfortable.
“Anj!” malakas na tawag ko sa kaibigan nang makita kong naglalakad ito. Tumakbo na rin ako papalapit dito at ngumiti ng malaki sa kaibigan. “I already told my mom that we will hang out later,” sabi ko sa kanya na ikinangiti niya rin.
Magrereview kasi kami ngayon para sa exam namin this week. Nakagawa naman na ako ng mga note cards ko pero mas gusto ko pa rin na mag-aral kasama ang mga kaibigan ko.
“Hi, Ashanti.”
Napakunot ang noo ko nang maramdaman ko ang pag-akbay sa akin ng isang lalaki at hindi nga ako nagkamali nang nilingon ko iyon at nakita ko si Lester na nakangisi sa akin. Nakasimangot kong inalis ang braso nito sa balikat ko.
“I told you to stop bothering me,” inis na sabi ko sa lalaki. Inirapan ko pa ito bago hinawakan ang braso ni Anj at naglakad na papalayo. Biglang parang nawala ang magandang mood ko nang makita ko ang napaka yabang na lalaki na iyon.
He’s the star player of the school. Kaya mayabang dahil maraming nagkakagusto, hindi ko nga malaman ano ba ang nagustuhan nila sa lalaking iyon.
He’s not even smart, what the hell!
If I know, pumapasa lang naman siya dahil varsity siya.
“Why are you so mad at him ba? He’s gwapo naman, ah?” sabi ni Anj sa akin nang pumasok na kaming dalawa sa loob ng classroom. As usual, late si Ryn ngayon kaya hindi na namin ito hinintay sa ibaba.
“Gwapo? Iyon?” kunot ang noo na tanong ko sa kaibigan ko. “You should have your eyes checked, Anj,” sabi ko pa bago naupo na at sumandal.
“Ash, marami ang may crush kay Lester, ha. Marami nga ang naiinggit sa iyo kasi nililigawan ka niya, e,” natatawang pang-aasar pa nito sa akin. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa pandidiri nang sabihin iyon ni Anj.
“They can have him because I don’t like him,” sabi ko bago kinuha ang Parker pen ko at nilaro-laro iyon sa mga daliri ko.
“Sa dami ng nanligaw sa’yo, wala kang gusto?” seryosong tanong sa akin ng kaibigan ko kaya naman nilingon ko ito bago umiling sa kanya.
“I’m not actually looking for someone to like, Anj. I mean… wala naman akong nakikitang magugustuhan ko, e. Those varsities? Yeah, they may be cute, but I don’t like them. Mas gusto ko pa rin ang may utak,” I shrugged and chuckled.
Alam ko naman na una talagang hinahanap ng babae sa lalaki ang may itsura dahil iba naman din talaga ang dating ng lalaking gwapo. Pero para sa akin kasi, mas malakas pa rin ang dating ng lalaking matalino.
Someone who can be mature enough to handle a relationship… someone who will really take care of me because he’s smart and has wisdom on things.
Hindi ‘yung puro gwapo lang.
“Who’s that?” untag sa akin ni Ryn na bagong dating lang. Naunahan nito ang teacher namin kaya naman isang achievement iyon para sa rito.
Napatingin din ako sa tinuturo nito at nakita ko ang isang hindi pamilyar na lalaki na nakaupo sa may likod. Nakayuko ito at may kung anong ginagawa sa notebook nito.
He’s wearing an eyeglasses and even though he’s looking down, I have a feeling that he looks good… matangos ang ilong nito at maputi rin.
“I… don’t know…” hindi ko maalis ang tingin sa lalaki. Mukhang ang buong klase namin ay pinagmamasdan ito kaya naman nakayuko ito.
“Baka bago,” sabi naman ni Anj bago ako hinila upang tumingin na sa harapan dahil pumasok na rin ang teacher namin.
“Good morning, class,” she greeted us.
I crossed my legs while looking at our teacher. Gusto ko na ngang mapaungol sa inis dahil parang namamagneto ang ulo ko upang lingunin ang lalaking nasa likod.
Like, what the hell?
“We have a new student here, and we’re expecting you will treat him well!”
Para namang iisang ulo ang mga kasama ko at nilingon ang lalaki sa likod. Napatingin ako ng masama sa mga babae na natawa nang tignan ang lalaki.
“He will just join you for this class since he needs to take this subject to proceed with his study,” sabi pa ng teacher namin na parang wala nang nag-aabalang lingunin pa dahil parang lahat kami ay sa lalaking bago nakatingin.
Some of us are just looking and others are judging him.
“Mr. Monteverde, please introduce yourself…” sabi ng teacher namin.
Napansin ko ang mga kaklase ko na nakatingin pa rin sa lalaki at pinanunuod ang bawat kilos nito. Hindi ko malaman kung naghahanap ba ng mali o ano.
He looked at the teacher and nodded his head a little. Tumayo na ito at napansin ko na matangkad ito.
Marahil ay isa ring atleta?
Inayos muna nito ang suot na salamin bago naglakad papunta sa harap ng klase. He cleared his throat before looking at us. He’s wearing a white polo and it was buttoned up to his neck. Hindi ko alam kung nakakahinga ba ito ng maayos.
“Hi, I am Cloud Monteverde, and it’s nice to meet you all,” sabi nito nang hindi man lang ngumingiti at parang nahihiya.
Hindi nakalagpas sa paningin ko na may suot itong braces. May kakapalan din ang suot nitong salamin na para bang kapag nagkaroon ng kaunting lamat ay pwede pa ring magamit dahil makapal. It was close to a magnifying glass!
Ganoon ba kalabo ang mata nito?
“Okay, thank you, Cloud. I am sure they are also glad to meet you,” sabi ng teacher namin bago sinabihan si Cloud na maupo na sa silya nito.
Nagpatuloy naman na ito sa pagtuturo at pasimple kong sinusulyapan si Cloud na tahimik lang din na nakikinig sa teacher namin.
I saw some students kept on chuckling after looking at him. Napailing naman ako bago muling sumulyap sa lalaki. Napatuwid ang likod ko nang mapansin ko na nakatingin din ito sa akin.
Parang sinilihan ang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko magawang muling lumingon dahil nahihiya akong makitang nakatingin ito sa akin. Huling-huli ako nito na pinagmamasdan ito!
It was also a good thing that we had a short quiz. Hindi kasama si Cloud dahil bago lang ito pero nagpasa pa rin ito ng papel nito sa teacher namin.
Matapos ang klase ay magkakasama na kaming lumabas nila Anj.
“Tara na. CR na tayo,” aya ni Anj sa akin. Umiling naman ako rito. “Sige na, magpunta ka na roon,” sabi ko sa kanya. I stayed in the corridor while looking around.
Ito lang ang klase namin na kasama namin siya. Mukha naman ding mas matanda siya sa akin ng isa o dalawang taon.
Like what the teacher said, he needs this subject. Baka kaya hindi makapasa?
“Excuse me.”
Napapitlag ako nang may lumapit sa akin. I saw Cloud standing in front of me. He was really tall. Maybe close to 6 feet?
“Yes?” I asked him.
“Do you know where the library is?” he asked me and looked around.
“Uhm…” napalingon din ako sa paligid at nakita ko si Nancy na halatang pinagtatawanan ang lalaki. Kahit kailan talaga napaka sama ng ugali ng babaeng ‘yon. “Yeah. It’s on the left wing, third floor,” sagot ko naman kay Cloud.
Nilingon nito ang daan na sinabi ko bago tumango at lumingon sa akin.
“Thank you,” he said.
He was about to walk away when I stopped him. Nilingon niya naman ako at bakas ang pagtataka sa mukha nito nang lingunin ako. Hindi maitago ng makapal na lense ng salamin nito ang ganda ng mata nito.
“I’ll just go with you. Baka maligaw ka, e,” sabi ko naman dito bago sinukbit ang bag ko at nagpatiuna na sa paglalakad. Imemessage ko na lang sila Ryn mamaya kapag nasa may library na kaming dalawa.
“No, it’s okay. I don’t want to disturb you,” sabi nito sa akin habang naglalakad kaming dalawa. Umiling naman ako sa kanya.
“It’s okay with me, don’t worry. Wala naman din akong gagawin na iba,” sagot ko naman sa kanya. I smiled at him a little and maybe he’s too shy to smile.
Napapansin ko na tumitingin sa lalaki ang mga nakakasalubong namin. Some of them laughed after looking at him. Mukhang wala lang naman kay Cloud ang bagay na iyon nang lingunin ko ito.
Nang makarating na kami sa library ay agad na akong naghanap ng libro na pwede kong mabasa. Naupo na rin ako kaagad at hinintay ang lalaki na samahan ako.
“You’re going to read all of that?” I asked him while looking at the 4 books about business that he brought to our table. He nodded his head and took one book.
What a nerd.
“What’s wrong?” he asked me and I shook my head.
Tahimik na lang din akong nagbasa at naglagay sa notes ko ng mga bagay na sa tingin ko ay kakailanganin ko rin sa exam namin.
“Oh…”
Nag-angat ng tingin si Cloud sa akin nang matigilan ako. Ibinaba ko ang hawak na libro at tinitigan ang lalaki.
“Why?” tipid na tanong nito sa akin. Marahil ay dahil sa kapal ng salamin nito kaya ko inakala na nag-alala ito sa akin.
“I didn’t introduce myself to you. I am–”
“Ashanti.”
Natigilan ako nang bigkasin nito ang pangalan ko. “How did you know my name?” I asked him.
“Your friends called you earlier,” sagot naman nito sa akin kaya napatango na lang ako. Marahil ay narinig nga nito nang tawagin ako nila Ryn kanina.
“Well, yeah. I am Ashanti Ysabelle Laurel,” pakilala ko sa lalaki. Inilahad ko pa ang kamay rito para makipagkamay. I even smiled at him.
“Cloud Monteverde,” sagot naman ng lalaki at inabot ang palad ko.
I looked at his hand when he touched mine. It was soft and warm.
“Nice to meet you…” mahinang sambit ko.
Tumango naman siya sa akin bago binawi ang kamay at nagpatuloy na sa pagbabasa. Hindi na rin ako kumibo at tinapos na lang din ang ginagawa ko.
“We’ve been looking for you!” anas ni Ryn nang lumapit sa akin at tumabi ito sa upuan ko. Napatingin naman ako rito bago nilingon si Cloud na hindi man lang nag-angat ng tingin sa mga kaibigan ko na dumating.
“I thought we’re going to review at the coffee shop?” nagtaas ng kilay si Anj sa akin. Napangiwi na lang ako sa kanya nang sinimangutan niya ako.
Sabay namang napalingon ang mga kaibigan ko kay Cloud at paraho silang lumingon sa akin na para bang inaalam kung ano ang nangyayari. Nagkibit naman ako ng balikat dahil wala namang nagyayari.
Sinamahan ko lang si Cloud sa library.
Wala naman ding nagawa ang mga kaibigan ko kundi magreview na lang din kasama namin ni Cloud.
“Ahh…” I stretched my back when I got up after hours of sitting down. Tapos na kaming magreview at mukhang tapos na rin naman si Cloud sa pagbabasa nito.
“I’m hungry,” sabi ko kay Ryn nang makapag-ayos na rin ito ng gamit. Inirapan naman ako nito. “Dapat kasi sa coffee shop tayo, e,” sabi nito sa akin na ikinangisi ko na lang. Kinuha ko na lang din ang bag ko bago nilingon si Cloud.
“Hey… I have to go. I’ll just see you at class?” sabi ko sa kanya nang nakangiti.
Tumango naman ito sa akin pero hindi nagsalita.
I waved my hand and walked with Ryn and Anj.
“What was that? Why are you with him?” tanong ni Anj sa akin nang makalabas na kaming tatlo sa library.
Kumunot naman ang noo ko sa kanya dahil sa pagtataka.
“What’s so wrong with that?” I asked her and chuckled.
“Ash, your suitors looked way way better. Hindi naman sa pagjudge pero… para siyang lumang tao with his so makapal na glasses and polo na sarado hanggang leeg!” sabi nito sa akin na para bang dapat na magbago ang isip ko.
“So?” I asked her again.
Natawa naman si Ryn at hinawakan na lang din ang braso ni Anj. “Anj, let her. If she wants someone nerdy nerd, go.” natatawang sabi nito bago tumingin sa akin.
“Hey, I didn’t say I like him!” sabi ko naman dito bago sumunod na rin sa paglalakad sa mga ito para makabili na rin ng pagkain. Sa kabilang side pa ang canteen kaya naman naglakad na kami para makapunta roon.
Inaasar pa rin nila ako pero hindi ko na lang sila pinapatulan na dalawa.
Napailing na lang ako sa mga ito bago naglakad na rin pero mabilis na may humila sa akin kinabig ako papalapit sa dibdib nito.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na si Cloud iyon.
“Are you okay?” he asked me while looking at me.
“I…” I looked at my friends. Nakatawid na sila at kung hindi ako nahila ni Cloud ay malamang na nabundol ako ng sasakyan. “I’m fine…” mahinang sabi ko sa kanya.
Tumango naman si Cloud sa akin bago marahan akong binitawan. He looked at me. “Be careful, Ashanti,” sabi nito sa akin bago nauna nang maglakad.
Lumapit naman sa akin sina Ryn at Anj at hinawakan ang braso ko.
“Hindi ka na marunong tumawid?” tanong sa akin ni Anj na hindi ko na pinansin. Ang mga mata ko ay napako na sa likod ni Cloud na unti-unting lumalayo sa akin.
He smelled so good.
I don’t know what’s happening but… there’s a part of me that wants to know him more.
Hindi ko naman siguro siya gusto…
Baka crush? I don’t know…
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz