ZingTruyen.Xyz

Better Place Completed Architect Ramirez A K A Evil Twin S Story

Nagkakagulo sa eskinita kung saan naroon ang lumang bahay nila Rona. Halos hindi magkamayaw ang mga dati nilang kapitbahay sa paghuhuntahan. May nakita pa siyang isang umpok ng mga manginginom na tila tuwang-tuwa dahil masagana ang inumin at pulutan. Napaisip siya tuloy kung nilipat ba ang pista nila sa araw na iyon nang hindi niya nalalaman.

"Rona! Mabuti't nandito ka. 'Lika. Heto'ng plato, o," bati ng isang kapitbahay. Binigyan pa siya nito ng paper plate. Bigla itong siniko ng kasama at parang pinigilang makalapit sa kanya. Pero ang babaeng sumiko ay ngumiti naman sa kanya at bumati.

Natanaw niyang nagmula ang mga pagkain at inumin sa bahay ng dati niyang kasintahan. Pagsulyap niya roon ng isa pang beses ay nagtama ang paningin nila ng lalaking minsan ay naging espesyal sa kanyang buhay. Dali-dali siyang umiwas ng tingin at naglakad na papunta sa kanila.

"Rona, sandali!" habol sa kanya ni Caloy. Nagpang-abot sila sa harapan ng kanilang bahay. Alam niyang nasa likuran na niya ang lalaki kaya hindi na siya lumingon pa. Wala siyang balak na pakiharapan ito, ganunpaman, hindi muna siya pumasok sa loob. Nanatiling nakapatong lang sa seradura ng pinto ang kanyang kamay.

"Binyag ng panganay ko. Gusto sana kitang paanyayahan kung okay lang."

Nagpanting ang tainga ni Rona sa sinabi nitong "kung okay lang". Naisip niya agad, ganito ba ka walang pakiramdam ang lalaking ito?

"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo at wala na akong magagawa para mabago pa ang nakaraan natin kaya humihingi uli ako ng kapatawaran mo. Sana ay napatawad mo na ako."

"Caloy, pinapatawag ka ni Aling Loleng," sabat ng isang pamilyar na tinig.

"Sige, Rona. Kung maisipan mong dumaan mamaya sa amin, lubos ko iyong pasasalamatan." Pagkasabi niyon umalis na si Caloy at saka lang lumingon si Rona. Nakita niya ang kababatang si Elena na may kalong-kalong na namang sanggol.

"Okay ka lang ba, Rona?" nag-aalalang tanong ni Elena habang nagpapadede sa anak.

Lumunok muna si Rona nang ilang beses at pinayapa ang damdamin bago sinagot ang kababata.

"O-oo naman. Ba't naman hindi ako maging okay?"

"Oo nga. Narinig ko, big time ka na raw. Nakita raw ni Edong ang pangalan mo sa isang gusali. Arkitekto ka na raw doon. Hindi mo naitatanong, napasok na construction worker si Edong ko," sabi pa ni Elena at ngumiti ito na parang proud na proud sa huling sinabi.

Tumangu-tango lang si Rona at nagpaalam na rin para pumasok na sa kanila. Paglingon niya sa kababata nakita niya itong dumeretso rin sa barung-barong nila. May nakasalubong itong isa pang kapitbahay at niyaya itong makisaya sa selebrasyon nina Caloy pero tumanggi ito. Naisip tuloy ni Rona na hindi totoong pinatawag nga ni Aling Loleng si Caloy kay Elena. Gusto lamang ng huli na lubayan siya ng dating kasintahan. Naantig ang puso ng dalaga.

Imbes na isang oras lang sana ang itatagal ni Rona sa kanila inabot siya ng magdamag. Nawili siya sa katitingin sa luma nilang larawan sa photo album na naiwan pala niya sa isa sa mga drawer sa sala nila. Ilang beses siyang napaluha nang makita ang masasaya nilang larawan ni Caloy. Kuha ang karamihan noong sila'y nasa elementarya lamang. Nang masilayan niya ang high school picture nila kung saan inaakbayan siya ng dating nobyo napahikbi siya. Lalo siyang napahagulgol nang mabasa ang nakasulat sa likuran. "Magunaw man ang mundo, maubos man ang lahat ng bituin sa kalangitan, hinding-hindi maglalaho ang pagmamahal ko sa iyo. Ikaw lamang ang pakamamahalin ko hanggang kamatayan."

"Sinungaling! Wala kang kasing-sinungaling!" sigaw niya at inapakan niya ang larawang iyon. Hindi siya nagkasya sa pag-apak. Ginutay-gutay niya ang pagmumukha ni Caloy.

**********

Nagising si Rona na parang humihilab ang tiyan. Bigla siyang inatake ng nerbiyos. Napahawak siya sa puson. Magli-limang buwan pa lamang ang kanyang dinadala. Hindi pa panahong iluwal niya ang bata. Hinagilap niya ang cellphone. Sa pagkakataranta napindot niya ang numero ni Luke. Nang marinig niya ang tila inaantok nitong boses nawalan naman siya ng lakas ng loob na dumaing ng pananakit ng tiyan. Sa halip, bigla pa niyang pinutol ang linya at pinatay ang cell phone. Nag-inhale-exhale siya nang ilang beses. Bumuti-buti ang kanyang pakiramdam. In-on niya uli ang cell phone para tumawag sana ng ambulansya pero sunud-sunod na text ni Luke ang lumitaw. "What's up?" Makalipas ang thirty seconds "Are you all right?" na ang mensahe nito. Siguro dahil hindi siya sumagot nag-alala na ito nang husto kung kaya sinabing "Rona, what's going on?!"

**********

Nagulat si Rona nang sa kanyang paggising ay napalibutan siya ng puting kurtina. Bigla siyang ninerbiyos. Nang makita niya ang nakakabit na dextrose sa kamay niya inatake siya ng takot at kaba. Napasigaw siya ng "Nurse! Nurse!" at nagising ang lalaking nakadapa sa katabing hospital bed. Nagulat siya nang tumambad ang inaantok nitong mukha. Si Luke! Natigil siya bigla sa kasisigaw.

"What are you doing here?"

Bigla itong bumaba sa kama at sinalat ang kanyang noo.

"Are you all right? Are you still in pain?" nag-aalala nitong tanong.

"Ano nga sabi ang ginagawa mo rito?"

"You called me up last night. When you didn't speak up I just felt something was not right. At tama nga ako. I went to your apartment and I found you unconscious. Ni-rush kita rito kagabi."

Sinapo ni Rona ang kanyang puson at tumingin siya na tila nagtatanong kay Luke. Dahil mukhang sobrang nag-aalala ang lalaki, naisip ng dalaga na baka nakunan nga siya. Hindi pa man siya nasasagot ni Luke ay humagulgol na siya.

Dalawang nurses ang humahangos na pumasok sa kuwarto niya at kaagad nilang tsinek ang pagkakabit ng dextrose sa janyang kamay at sinalat nila pareho ang noo at leeg niya. May kung anu-ano pa silang inurirat bago humarap kay Luke at sinabing "The patient's responding well to the treatment, sir."

"Ang beybi ko?" halos pabulong na tanong ni Rona sa isang nurse. Nang ngumiti ang huli at sinabing "Ligtas po siya, ma'am," saka lang nabunutan ng tinik ang dalaga.

"The doctor said that you need to rest. That means you have to file a leave of absence. Complete bed rest daw ang kailangan mo dahil mahina ang kapit ng bata," ang sabi naman ni Luke.

Hinintay muna ni Rona na wala na ang nurses saka siya sumagot.

"Kailangan ako sa upisina. Marami akong nakabinbing trabaho. I can't just leave them all unfinished."

"Mamili ka: your baby or your career?"

Sasagot sana si Rona nang biglang bumukas ang pintuan at humahangos na pumasok sa loob si Jason. May dala-dala itong isang bungkos na bulaklak. Naningkit agad ang mga mata ni Luke pagkakita sa lalaki pero hindi naman ito nagsalita.

"How are you feeling, honey?" tanong ni Jason at humalik pa ito sa noo ni Rona. Nakita ng dalaga na tumalikod agad si Luke bago pa dumampi ang mga labi ni Jason sa kanyang pisngi.

"Mabuti na. Salamat."

"You should have brought her fruits and not flowers," bigla na lang ay sabi ni Luke at walang lingon-likod na lumabas ng kuwarto.

Nang masiguro ni Rona na wala na si Luke hinampas niya sa balikat ng isang palumpong rosas

si Jason. Napaaray ito nang malakas.

"Ang OA mo! Ba't ngayon ka lang?" galit na sita ng dalaga.

"Hindi ko agad nakita ang text mo. Kaninang umaga ko lang iyon nabasa."

Hinampas uli ni Rona ng mga bulaklak ang lalaki. This time inagaw na nito ang palumpon ng rosas. Dahil may tinik pang natira napahiyaw na naman ito nang may bumaon sa palad.

"Sumusobra ka na, ha? Pasalamat ka nga't binisita pa kita rito. Ni wala ka rin namang ginagawa para sa ate ko!"

Galit itong tinitigan ni Rona.

"Paano kita matutulungan kung wala ka namang kwentang kausap? Nakita mo na ang ginawa mo? Paano pa maniniwala si Luke na authentic ang relationship natin? Na sa iyo ang baby na 'to kung ganyan kang palagi na lang wala sa tuwing kailangan ko?"

"Teka, teka, ngayon lang naman ako sumablay, a. No'ng mga nakaraang pinatawag mo ako'y dumating naman ako agad."

"You're right! I never believed you guys."

Kapwa napatingin sa direksiyon ng pintuan sina Rona at Jason. Tinakasan ng kulay ang dalaga. Ang binata nama'y napalunok nang sunud-sunod at napasulyap kay Rona na tila kinakabahan.

Dahan-dahang bumalik sa loob si Luke. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Rona at Jason bago nanatili kay Rona. Mababanaag sa mga mata nito ang labis na disgusto. Hindi nakapagsalita ang dalawa.

"Sa una pa lang ay duda na ako sa inyo. Did you really think you fooled me at the party? Your acting --- yes, the two of you---your acting sucks. Your sweetness to one another is over the top. Only a fool would believe you were an authentic couple," patuloy pa ni Luke.

Nagtinginan sina Rona at Jason. Sa mga mata ng dalaga, sinisi niya si Jason sa kanyang kapalpakan. Binalaan na rin niya ito na wala itong mahihita sa kanya para sa araw na iyon.

"All right," sagot ni Jason sabay buntong-hininga. "I think you guys need to talk now. See you around, architect," at ngumiti ito nang mapakla kay Rona sabay layo roon.

"Now, that I've confirmed the baby's mine, I am ordering you to take a leave off work and rest till you give birth."

Sasabat sana si Rona pero itinaas nito ang isang kamay sa paraang pinapatigil siya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Since I know you're hardheaded, I'll make sure you follow my orders. As soon as you get discharged from here you'll stay at my condo."

"What? Are you out of your mind? Nobody can order me around!"

Nag-smirk lang si Luke at lumabas na rin ng silid.

**********

Sa susunod na araw pa sana ang nakatakdang pag-alis ni Rona sa ospital na iyon pero inagahan na niya. Nang handa na ang lahat niyang gamit tumawag siya ng taksi at pinapunta sa ospital. Kaso nga lang, bago dumating ang tinawagan niya may dumaang isang mestisahing babae at hinahanap kung nasaan ang kuwarto niya. Magtatago pa sana siya pero naituro na siya ng isa sa mga nurses na nakatoka sa kanya.

"Hi. I'm Eira," pakilala ng babae. Nakipagkamay pa ito sa kanya.

Iisnabin sana ni Rona ang babae kagaya ng ginagawa niya sa mga taong nagpi-feeling close pero hindi niya nagawa. There was something about the girl that stopped her from being rude.

"I'm Rona."

"So I've heard," sagot ng babae at ngumiti na naman ito. Si Rona nama'y napataas lang ng kilay. Sino ang kondesang ito at bakit siya mabait sa akin?

Napatingin ang babae sa isang maliit na suitcase sa harapan ni Rona at nagsabi ito ng "Luke's right. You are leaving today."

Nangunot ang noo ng dalaga. Nagpaliwanag naman ang kaharap niya. Nagsabi raw si Luke na dapat na siyang dumaan sa ospital nang umagang iyon dahil natitiyak daw nitong aalis na siya kahit na sinabihan ng doktor na bukas pa sana siya puwedeng i-discharge.

"He can't make it here today because he has lots of meetings. That's why I'm here to pick you up. By the way, I'm his sister. So silly of me not to introduce myself properly."

Nakaramdam ng kung ano si Rona nang malamang kapatid ito ni Luke. No'n niya lang napansin na magkahawig nga sila sa mata. Tsaka pareho ring kulay mais ang buhok nila.

"You shouldn't have come. I can manage myself."

"That's what he said," at ngumiti na naman ito. "Come. My car's just outside."

Nag-atubili si Rona na sumama. Na-sensed siguro ito ng babae dahil nagpaliwanag na naman itong huwag daw siyang mag-alala dahil wala naman daw lagi si Luke sa condo na pagdadalhan nito sa kanya. Hindi rin daw bumibisita roon ang kanyang mga magulang kaya wala siyang dapat ipag-alala.

Hindi alam ni Rona kung bakit napahinuhod siya ng babae. Sa ibang pagkakataon marahil ay natarayan na niya ito, pero nang mga oras na iyon naging sunud-sunuran siya rito. It must be her hormones.

Ilang minuto pa lang silang naglalakbay, dahan-dahan siyang napapikit hanggang sa tuluyan na siyang naidlip. Paggising niya nakatunghay na sa kanya ang babae habang nakangiti. Hinipo-hipo pa nito ang kanyang tiyan. Do'n siya nagising.

"Oh, sorry. I just can't help it. We're here by the way."

Inalalayan siya nito sa pagbaba at sa pagpasok sa loob ng building. Bago sila nakarating sa loob nahagip ng paningin ni Rona ang nakaukit na Santillan sa harapan ng building. Kaagad na-realized ng dalaga na dinala siya ni Eira sa Santillan Tower, ang pag-aari na condo ng pamilya.

Mga mayayamang tenants ang umuukopa sa ground hanggang sa ikalabinlimang palapag pero mula sa ikalabing-anim hanggang sa ikalabindalawampu't lima ay pamilya na raw ni Luke ang nakatira.

"The sixteenth to twentieth floor are mine. The rest is Luke's."

Nalula si Rona nang dalhin siya ni Eira sa pinakahuling palapag. Kung sa ibaba ay sampung units ang kada palapag, pagdating doon nahahati na lamang iyon sa dalawang kuwarto. Iyon daw ang pinaka-bedroom ni Luke. Pinaliwanag pa ng babae na ang isang silid daw ay ginagamit palagi ng kapatid niyang tulugan at ang isa nama'y study room nito. Pinakita rin ni Eira ang dalawang silid kay Rona at gano'n na lamang ang pagluwa ng mga mata ng huli. Arkitekto siya at hindi na bago sa kanya ang ganoong karangyaan pero sanay lamang siyang gumagawa no'n para sa kliyente at never pa siyang naimbitahang manatili sa isa sa mga nagawang condominium ng kompanya nila.

"Do you like it?"

Tila nagulat si Rona sa tanong ni Eira. Tumikhim-tikhim siya at nagkunwaring hindi na-impressed.

"From now on, this will be your room. One of our housemaids will stay with you but she will be in the twenty fourth floor, if that's all right with you. We have an intercom here where you can call the information desk downstairs twenty four-seven and we also have a personal phone that you can use."

May dinampot na parang remote control si Eira. Pinakita niya ito kay Rona. Telepono pala iyon. Tinuruan siya nito na bawat numero roon ay naka-program na. Ang number one daw ay direktang pantawag sa private number ni Luke. Ang number two naman daw ay para sa upisina nito sa Makati at ang number three ay sa bahay nito sa White Plains. Marami pa itong sinabi tungkol do'n pero iyon lang ang rumehistro sa utak niya.

Pagkatapos siyang i-tour ng dalaga sa titirhan daw niya in the next four months ay nagpaalam na ito. Saka na lang daw siya ililibot sa buong sampong palapag na ginagamit nilang magkapatid kung malakas na siya't hindi na delikado para sa beybi.

"Don't worry. This floor is exclusively for Luke. No one is allowed to come here except me and Mom. Dad is not even welcomed here," at ngumiti siya sa huling sinabi.

May pinindot ito sa intercom at nag-order ng pagkain. Nang dumating ang mga iyon, nagpaalam na ito sa kanya.

**********

Katatapos lang mag-hot bath ni Rona nang makarinig siya ng kaluskos. Kinuha niya agad ang towel sa sampayan at pinagbalot sa katawan. Ang sabi ni Eira kanina nagpuntang Iloilo ang kapatid niya para ayusin ang gusot tungkol sa problema nila sa lupa na kinatitirikan ng isa nilang condotel project kaya nasisiguro ni Rona na hindi ang lalaki ang dumating. Kinabahan siya nang maalala niya ang matandang Santillan. Paano kung nalaman nito na nandoon siya nang mga oras na iyon? Shit! I don't want him to see me half-naked!

Nakahinga nang maluwag si Rona nang makitang wala naman palang tao sa labas ng banyo. Wala na rin ang kaluskos na narinig niya kanina. Sigurado, guni-guni ko lang iyon. Kampante siyang pumasok sa dressing room at gano'n na lamang ang pagkagulat niya nang makita roon si Luke na naghuhubad ng damit. Maging ang lalaki'y nagulat din pagkakita sa kanya.

"What are you doing here?!" halos sabay nilang tanong sa isa't isa.

Napasimangot si Rona sa narinig. Sa madaliang salita pinaalala niya sa damuho na ito ang may gusto na doon siya mananatili hanggang sa siya'y makapanganak. Nakita niya itong napakunot ng noo. Sumiklab ang galit sa dibdib ng dalaga. Tila ginu-good time lang ako ng lalaking ito! Naalala niya tuloy si Caloy at ang hungkag nitong pangako. Lalo siyang nanggalaiti sa galit. Dinaklot niya ang suitcase at walang imik na lumabas ng dressing room. Sinundan siya ni Luke. May nakatapi nang tuwalya sa baywang nito pababa.

"I'm sorry. I was just shocked. You were supposed to be in the twenty fourth floor not here," malumanay nitong sabi.

Masamang tingin lang ang sagot dito ni Rona. Ang isang bahagi ng puso niya'y nagsasabi na baka katulad din ito ni Caloy na pagkatapos mangako ng hanggang-kamatayang pag-ibig ay basta na lang siyang iiwan sa ere, pero ang isang bahagi naman ay bumubulong na bigyan niya ito ng pagkakataon na mapatunayan sa kanya na totoo naman sa loob ang mga binitawan nitong salita sa ospital.

"All right, you can stay here. Ako na lang ang lilipat sa ibaba."

"No. This is your place. Ako ang lilipat."

Sa kakahilahan nila ng suitcase kapwa natanggal ang mga tuwalyang bumabalot sa kanilang katawan. Napamulagat na naman si Rona nang makita ang kahubdan ni Luke.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz