Better Place Completed Architect Ramirez A K A Evil Twin S Story
"Ate Rona, pinapasabi po pala ni Kuya Caloy na hindi siya makakadalaw sa inyo ngayong gabi. May importante raw po siyang lakad."
Kaagad na kumulo ang dugo ni Rona. Ilang hakbang lang ang pagitan ng bahay nila bakit kailangan pang ipadaan kay Empoy, ang anak ng kanilang kapitbahay, ang mensahe? Hindi na nag-isip ang dalaga. Sinuklay-suklay niya lang ng daliri ang buhok at lumabas na ng bahay. Nakakailang hakbang pa lang siya nang tawagin siya ng ina."Maliwanag ang sinabi ng bata. Bakit kailangan mo pa siyang puntahan?""Gusto ko lang pong alamin kung ano na namang importanteng lakad ang pupuntahan niya."Matiim siyang tinitigan ng ina at kapagkuwan ay minanduan siyang bumalik ng bahay. Magpo-protesta pa sana si Rona pero nakapasok na sa kanila ang ina. Napakagat-labi siya sa inis. "Si Caloy ba ang sadya mo sana sa kabila?" tanong ng kapitbahay nilang si Elena. Nakasampa sa tagiliran nito ang mag-iisang taong gulang na anak. "Nakaalis na si Caloy. Sinundo ng mga kabarkada niya," patuloy pa ni Elena. Barkada? Kailan pa nagkaroon ng mga kaibigan bukod sa kanya ang lalaking iyon? "Salamat, Elena," tangi niyang nasabi at pumasok na rin sa bahay nila."Kung gusto kang dalawin ng lalaki, walang mas importanteng lakad kaysa sa iyo. Huwag mo siyang habul-habulin. Nagsasayang ka lang ng oras," wika ng mama niya pagkalapat na pagkalapat niya ng pinto. Madilim na ang anyo nito. "May usapan po kasi sana kami," sagot niya sa mahinang tinig. "Iyon na nga! May usapan kayo! Kung gusto ka pa rin niya walang makakapigil sa pagdalaw niya sa iyo! Hindi ka ba nakakaintindi ng gusto niyang iparating na mensahe?" Nagulat siya sa pagtaas ng boses nito. Dahil sa sa sama ng loob kay Caloy at sa takot na rin na baka totoo ang sinabi ng mama niya, napaiyak si Rona."Pasensya na, anak. Ayaw ko lang maulit sa iyo ang nangyari sa akin noon. Dalawang beses nagmakaawa at humabol-habol sa lalaki, dalawang beses ding nabigo."Naudlot ang pagsinghot ni Rona. Napatitig siya sa ina. Ang pagkakaalam niya kasi ito ang nagpalayas sa papa niya noon. Hinabol din pala ang ama niya ng dalawang beses?"If a man truly loves you, he will make this place a better place for you. Hindi ka niya paiiyakin. Hindi ka niya iiwan.""Hindi naman po ako iniiwan ni Caloy, e. Hindi lang siya makadalaw ngayong gabi."Napabuntong-hininga ang mama niya bago siya nilapitan at niyakap nang mahigpit na mahigpit.**********Ang lawak ng ngiti ni Dave Fernandez nang umagang iyon. Sinalubong pa si Rona nang mahigpit na yakap sabay tapik sa balikat ng dalaga."Talagang you're a big asset of this company. Maraming salamat, hija."Nangunot ang noo ni Rona. Salamat para saan?"The old Mr. Santillan will not only honor our contract, he's giving us a new project! Tumawag siya sa akin no'ng Sabado at napag-usapan namin ang bago nilang proyekto sa Iloilo. They're planning to build condominiums close to their new hospital there. They're eyeing our company to build the project."Mabilis na ni-replay ni Rona ang kaganapan sa pagitan nila ni Luke no'ng weekend. Gaano man niya ka busisi sa mga napag-usapan nila, wala siyang natatandaang may binanggit ito tungkol sa sinasabi ng Boss Dave niya. "O, ba't mukhang hindi ka masaya? Siguradong sa iyo uli babagsak ang project na ito kaya I want you to draft a plan now so we can discuss it with our engineers. Gusto kong habang maaga'y may ipapakita na tayong plano sa kanila at makapagsabi na rin tayo kung magkano ang kailangang i-put up na investment nang sa gano'n ay makagawa agad sila ng informed decision. Mahirap na. Baka masulot pa ito ng iba."Tumawa-tawa pa ang matanda habang naglalakad papunta sa kanyang upisina.Pagkapasok sa sariling silid, tinawagan agad ni Rona si Luke. Gusto niyang masigurado na totoo nga ang balita. Baka gagawa-gawa siya ng plano, usapang lasing lang pala iyon."Mr. Santillan is not yet in the office, ma'am" sagot ng pamilyar na boses-matrona. May I know who's on the line?""Hindi bale. I'll just call again," at binaba na niya ang telepono. May naisip si Rona. Tama. Ba't kailangan niyang tumawag sa upisina nito kung mayroon naman siyang cell phone number ng kumag?Nakaisang ring lang siya nang sumagot ang pamilyar na baritonong boses. Naulinigan niya ang tawa sa boses nito."Did you miss me already?" bungad nito. Ni hindi na nag-hello ang mokong. Nag-init kaagad ang pisngi ni Rona. Naalala niya kasi ang halos dalawang araw nilang paglalaro ng apoy sa maliit niyang apartment.Nilayo muna niya ang cell phone sa bunganga at tumikhim-tikhim para hindi naman magboses- lovesick na teenager. "Boss Dave told me about your company's plan to build condominiums in Iloilo. Is that true?"Hindi kaagad nakasagot si Luke. He cleared his throat. Rona sensed something."Totoo ba iyon?" ulit niya."Actually---yeah. But Dad wants another architect to work on it. I think he told your boss about it. Hindi ba niya sinabi sa iyo?"Another architect?"I'm the head of the architecture department. Kailangang aprobado ko ang nagawang plano bago ito ipapa-approve sa kliyente. Didn't your dad know that?""Don't worry about it, all right? I have to go. May meeting ako ng alas siyete. I need to be in my office at least ten minutes before seven. Alas sais y medya na."Hindi na hinintay ni Luke ang sagot niya, nag-hang up na ito. Hindi nagsayang ng oras ang dalaga. Tinawagan niya ang Boss Dave niya at tinanong kung totoo ngang kasali sa usapan ang hindi niya paghawak ng proyekto."Y-yeah. But I don't think they will know about it. Ang plano namin ng papa mo, sa iyo pa rin ibigay ang proyekto pero kapag kaharap natin ang mga Santillans si Architect Fallon ang pahaharapin natin sa kanila."Nagpanting ang tainga ni Rona. At hindi niya iyon itinago sa boss."Hija, just try to understand the man's eccentricities. Formality lang naman iyon, e. Ikaw pa rin naman ang masusunod.""I will not do it unless it's on my name. Unfair naman sa akin na ako ang gagawa tapos ipapangalan ko sa iba."Napahinga nang malalim ang matanda sa kabilang linya."Then we'll not get the project," malungkot nitong sabi."I'll find a way," sabi niya rito at naghang up na.**********Gaya noong una niyang punta sa building ng mga Santillan, marami na namang pumigil sa kanya sa pag-akyat sa upisina ng pinakapinuno nila. Ganunpaman, wala rin silang nagawa dahil nagpumilit siya. Inisip ni Rona na ipagtatabuyan siya ng matandang Santillan dahil nga sa nangyari noon sa upisina ni Luke. Kaya nagulat siya nang papasukin siya agad ng sekretarya nito. Nauna pa siya sa dalawang bisita na naghihintay sa visitor's lounge.Pagkatapos magbigay-galang, dumeretso na sa pakay niya si Rona."Have a seat," utos sa kanya ng matanda. Walang kangiti-ngiti. He really reminded her of Count Dracula. Nakakapangilabot. Hindi lang siya masyadong tumitingin nang matagal sa malamig nitong mga mata para hindi umurong ang guts."Thank you. As I was saying, I'm the company's senior architect. Lahat ng plano ay dumadaan sa akin. So I'd like to be honest with you, sir. If you're interested in getting our company's services, you might as well deal with me, too."No'n niya lang nakitang ngumiti ang lalaki. Ngiting nang-iinsulto."I don't know where you get the guts to talk to me like this.""I've gotten used to deal with people with utmost honesty. Ayaw kong may niloloko.""I appreciate your honesty and I want to be honest with you, too. Though my son is so smitten with your charm and your designs, that couldn't change my opinion of you. In fact, nothing could change it," sagot naman ng matanda. Hininaan nito ang boses pagdating sa dulo. Ganunpaman, masakit pa rin ang impact ng mga sinabi niya.Sasagot sana si Rona pero biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Luke. He looked at her with a stoic expression. May inabot itong folder sa ama na kaagad namang binuksan at inurirat ng matanda. Pinaupo nito ang anak sa harap ng desk. Nagkaharap ang dalawa. Rona felt uncomfortable lalo na nang medyo pa-slide na naupo ang mokong at sinadyang magkadaiti ang kanilang mga tuhod habang nakikipag-usap sa ama."I guess, we understood each other, Mr. Santillan. That will be all for now," biglang sabi ng dalaga sabay tayo. Napatingin sa kanya ang mag-ama. Larawan ng matinding iritasyon ang matanda habang kakitaan naman ng amusement ang mga mata ng anak."No one dismisses me like that. Sit down."Nagulat na naman si Rona sa reaksiyon nito. Ano'ng masama sa sinabi niya? Wala na rin naman silang pinag-uusapan. Sabi nga nito buo na ang opinyon nito tungkol sa kanya. Bakit pa nila pahahabain ang kuwento?"You've told me yourself ---nothing could change your opinion of me. What's the point of me staying here? You've already made up your mind."Nakita ni Rona na napakuyom ng mga palad ang matanda. Si Luke nama'y napangiti, pero nang makita nitong halos nawalan ng kulay ang ama sa tinitimping galit, sumeryoso rin ang mukha."I'll talk to Rona, Dad," at tumayo na rin ito. Nagpaalam ito sa ama at hinila siya palabas ng upisina ng matanda. Pagkalabas nila ng office tinabig ni Rona ang kamay nito at dumeretso na sa elevator. Pagpasok ng dalaga sa loob, hinila na naman siya palabas ni Luke."Come to my office first.""Para ano pa?""Let's talk."Hindi siya sumama sa binata. Pinanindigan niya ang desisyong bumalik na sa kanila.**********Naging panauhin niya si Luke kinagabihan. May dala itong pagkain. Sabay na raw silang mag-dinner. Nagmatigas sana si Rona. Ang kaso habang sinasabi niya kay Luke na busog siya biglang tumunog ang kanyang tiyan. Bumunghalit ng tawa ang lalaki at tumuluy-tuloy ito sa kanyang kusina. Ito na ang nagsalin ng mga dalang pagkain sa plato.Pagkalapag ni Luke ng garlic rice sa mesa umasim ang sikmura ni Rona. Kinusut-kusot niya ang ilong at pinangunutan ng noo ang binata."You know I don't eat garlic rice. It smells bad."Nagtaas lang ng kilay si Luke."You're the only Filipino I know who doesn't like garlic rice. Masarap kaya ito."Tumalikod siya. Bago niya maiwan si Luke, nahagip nito ang isa niyang braso."Okay, okay. May plain rice din akong dala. Let's share it." Binalot nito uli ang garlic rice at nilayo sa mesa. They ate in silence. Kahit na hindi sila nagkikibuan masyado habang kumakain ng dala nitong chicken marsala and Caesar salad, dama pa rin ni Rona ang contentment. And she hated it.Ba't gano'n? I should feel bad about us. Alam ko namang ginagawa niya lang akong parausan pero bakit sa tuwing kasama ko siya'y I feel good about everything? He makes everything better. Kahit itong miserable kong apartment ay nagagawa niyang poagandahin sa tingin ko just by his mere presence. I shouldn't feel this way!Nang matapos silang kumain, tumayo si Rona at siyang nagligpit ng pinagkainan habang nanatili sa mesa si Luke at nagto-toothpick. "Leave the dishes alone. I'll do it."Napalingon siya rito. Tama ba ang narinig niya? Si Luke Santillan, maghuhugas ng plato? Masuyo siyang siniko palayo ni Luke at ito nga ang naghugas ng mga plato. Habang pinagmamasdan ito, with his sleeves rolled up, nakaramdam ng kung anong warmth si Rona. She felt like she was watching her husband wash the dishes. Pinilig-pilig niya ang ulo.Ang ganoong tagpo ay nasundan ng kung ilang bisi-bisita pa ni Luke. Naging regular na niya itong panauhin kada Biernes ng gabi. Aalis lamang ito sa apartment niya kapag sumapit ang Linggo ng hapon. Kaya aminin man niya o hindi, pinanabikan niya palagi ang pagbisita nito. Nasanay na kasi ang kanyang katawan.Tulad ng mga nagdaang Biernes, ang aga niyang umuwi sa apartment. Naglinis siya at naglagay pa ng fresh flowers sa plorera sa sala at maging sa kusina. Bumili rin siya ng bagong kurtina at madalian niyang pinalitan ang lahat ng kurtina sa loob ng tinitirhan.Eksaktong alas sais y medya nang may nag-doorbell. Sumaglit muna siya sa salamin sa banyo at sinipat ang kabuuang ayos bago nagmadali para pagbuksan ang bisita. Ang excitement niya ay biglang napalis nang imbes na si Luke ang makita ay ang matandang Santillan ang napagbuksan. Tumingin pa si Rona sa likuran nito sakaling nakabuntot lang ang lalaki. Pero walang Luke sa paligid.Nalito ang dalaga kung imbitahan ang matanda sa loob o hindi. Pero nanaig din ang bugso ng kagandahang asal. Naisip na lang niya, naiinis man siya sa matanda ama pa rin ito ng lalaking itinatangi niya."Pasok po kayo," imbita niya rito."There's no need. I'm not here to socialize."Napahinga nang malalim si Rona. Gusto man niyang magpaka-normal at maging magalang sa matandang ito, lagi naman nitong sinusukat ang kanyang pasensya. Napahalukipkip na lamang siya at hinanda ang sarili sa mga pang-iinsulto nito."You're an educated woman. I don't know why you are settling with being a second fiddle. You are not expecting that my son will leave his fiancee for you, are you?"Kahit gaano niya ka hinanda ang sarili sa maaari nitong sabihin, palagi pa rin siyang nasasaktan sa namumutawi sa bibig nito. Gano'n talaga siguro kung may bahid ng katotohanan ang sinabi ng kaharap.Sasagutin na sana niya ang matanda nang matigilan siya sa nakitang ekspresyon sa mukha nito. Napatitig ito nang matiim sa isang direksiyon sa loob ng apartment niya na makikita mula sa pintuan. Without saying a word, pumasok ito. Tumigil sa harap ng malaking portrait ng mama niya at pinagmasdang mabuti ang imahe ng kanyang ina. Mayamaya pa'y nagulat na lamang si Rona nang bigla nitong hinaplos ang mukha ng nakangiting babae. "How are you related to her?" bigla na lang ay tanong nito sa kanya."She's my mother."Bigla itong napa-about face at tinitigan siya mula ulo hanggang paa."Is she here?" at tumingin-tingin ito sa paligid."In spirit."Nang makita niya ang pangungunot ng noo nito, sinabi niyang matagal na itong patay. Namatay isang taon matapos siyang grumadweyt sa college.Napalunok si Mr. Santillan nang sunud-sunod at bigla na lang nagpaalam.**********Naghuhugas siya ng platong pinagkainan sa kusina ng upisina nila nang may bigla na lamang yumakap sa kanyang likuran at humalik pa sa kanyang batok."Luke!" "You seemed shocked. Why? Are there other guys who do that to you besides me?" may himig pagbibiro nitong sabi. Kunwari pang pinaningkitan siya ng mga mata."Ano'ng ginagawa mo rito? Outsiders are not allowed here.""Dave and your father told me that you are here. I just want to see you and tell you the good news myself before we start the emergency meeting."Emergency meeting? May nangyari na naman ba sa construction site?"Dad just left for Norway. He's no longer interested to meddle with how I run our business here in the Philippines, so I can award the condominum project in Iloilo to any company I want!"Niyakap siya nito ulit at hinagkan sa tungki ng ilong."Teka, ano ba?!" protesta niya. "Wala ka bang mauutusan para magsabi niyan sa akin? Sa amin? Wala ka bang ibang trabaho? I thought CEOs of huge companies like yours are busy doing important business transactions?"He smiled slowly and played with her chin using his forefinger."Nothing is as important as seeing you, babe," anas nito sa kanya bago bumaba ang mukha nito at ginawaran siya ng masuyong halik sa labi.Napahawak siya sa dibdib nito nang bigla na lang siyang bitawan. Naliyo na naman kasi siya. Kasabay ng pagkaliyo naalala niya ang sinabi noon ng ina. Kung gusto kang dalawin ng lalaki, walang mas importanteng lakad kaysa sa iyo.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz