ZingTruyen.Xyz

Better Place Completed Architect Ramirez A K A Evil Twin S Story


A/N: Pasensya sa tagal ng update. Busy lang masyado.

**********

Nakita pa ni Rona ang pag-angkas ni Caloy sa motor ng isang kaibigan. Parang nagmamadali sila. Hahabulin sana niya ito pero nakita niya ang ina sa labas ng kanilang pintuan.  Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya nang matiim.

"Malinaw na wala nang gusto sa iyo ang nobyo mo, ba't hindi mo pa pakawalan? Ano pa ang hinihintay mo? Ang durugin niya nang buo ang tiwala mo sa sarili?"

Hindi sumagot si Rona. Nilampasan niya ang ina. Pumasok siya sa kanila at dumeretso na sa kuwarto. Dahil alam niyang bumuntot ang mama niya pinigilan niya ang pagtulo ng mga luha. Nagkunwari siyang busy sa pag-aayos ng mga librong ginamit niya sa pagre-review ng board exam sa Architecture. Balak kasi niyang kumuha agad nito pagka-graduate sa Marso.

"Sa palagay ko, ikaw lang ang hinihintay ni Caloy na makipagkalas sa relasyon n'yo. Bakit hindi mo pa pagbigyan?"

Nang hindi pa rin siya sumagot, nagpatuloy ang ginang. "Alam kong mabait na bata si Caloy. Ang problema lang, hindi na tulad ng dati ang lahat. He has outgrown you."

Alam ni Rona na kahit mangatwiran siya sa ina hindi na magbabago pa ang isipan nito tungkol sa kanila ni Caloy. Sarado na kasi ang puso't isipan nito tungkol sa kanila ng kababata, pero determinado siyang ipakita rito na mali ang mga sapantaha nito.

Nang gabing iyon, bumisita si Caloy sa kanila after a long time nang hindi nito pagpapakita. Mukha itong pinagsukluban ng langit at lupa. Ganunpaman, masaya niya itong tinanggap at binalewala ang obserbasyon.

"Magandang gabi po, Aling Ising," bati kaagad ni Caloy sa mama niya sabay mano. Gaya ng dati, binasbasan naman ito ng ginang kagaya ng nakagawian at iniwan silang dalawa sa sala.

"Rona, kaya ako narito para---para sabihin ko sa iyo na---na," nauutal na panimula ni Caloy. Nahalata ni Rona na masyado itong kabado. Humugot ito ng panyo sa bulsa para ipampunas sa noo. Kasabay n'yon, nalaglag ang isang munting kahon. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang mapagtanto kung ano iyon. Bigla pang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napalunok naman nang sabay-sabay si Caloy nang makita ang kanyang reaksiyon. Dali-dali nitong pinulot ang kahon at pinasok uli sa bulsa. Namumutla na ito nang kaunti nang tumingin muli sa kanya at halos hindi na makatingin nang deretso. Napangiti siya nang dahan-dahan sabay kiming sinukbit ang nalaglag na hibla ng buhok sa likuran nang tainga.

"Huwag ka nang mahiya. Alam ko namang doon din ang punta natin. Just to make you feel better, oo ang sagot ko sa magiging tanong mo," lakas-loob na sabi niya sa nobyo. Ginagap pa niya ang kamay nito at pinisil-pisil. Lalong namutla si Caloy, pero dahan-dahan ding lumuhod sa harapan niya at binuksan ang maliit na kahon.

**********

Parusa ang mga sumunod na araw kay Rona. Kahit saan niya ibaling ang tingin, mukha ni Luke Santillan at Linda Borromeo ang nakikita niya. Hindi lang niya napapanood sa primetime news ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib, nababasa pa niya ito sa leading newspapers ng bansa.

"Ilang buwan ba nilang ibabalita ang lintek na ito?!" galit niyang mura at pinatay ang TV sa upisina. Pinagpupunit rin niya ang bagong issue ng newspaper kung saan headline din sila at basta na lang itong hinagis sa basurahan sa tabi ng desk.

Napaatras si Meg. Noon niya lang napansin ang babae. Pinandilatan niya ito. Hindi kasi niya narinig ang pagpasok nito sa kanyang upisina.

"Pinapatawag po kayo ng papa n'yo, Architect," nauutal na sabi ni Meg.

Nangunot kaagad ang noo niya at bumagsik na naman siguro ang kanyang mukha dahil lalong ninerbiyos ang babae.

"Bakit na naman daw?" angil niya rito.

"Wala pong sinabi, Architect. Sige po," sagot nito sabay dali-daling binuksan ang pinto at mabilis na lumabas ng silid.

Imbes na tumayo at pumunta sa upisina ng ama, tinawagan lamang niya ito.

"Pinapatawag n'yo raw ako."

"Puwede bang pumunta ka muna rito, anak? Importante lang," malumanay namang sagot ng papa niya. Parang ingat na ingat na makapagsabi ng ikagagalit niya.

Nagtaas siya ng kilay sa narinig na tono ng boses ng matanda, pero napatayo rin siya at napapunta sa upisina ng ama. Pagpasok na pagpasok niya nahulaan niya agad ang dahilan. Nandoon din kasi ang half-brother niya at nakaupo ito sa isa sa mga visitor's chair na nasa harap ng desk ng papa nila. Hindi ito sumulyap sa kanya kahit na sinadya niyang patunugin ang takong ng sapatos.

"Nagsumbong pala sa iyo ang magaling mong anak," panimula niya.

Nagtaas ng dalawang kamay na animo sumusuko ang ama nila. Kahit gusto pa sana niyang pagsalitaan nang hindi maganda ang kapatid, minabuti niyang tumahimik muna.

"Mayroong proyekto na binigay sa akin si Dave. Gusto ko sana---kaya ko kayo pinatawag na dalawa---gusto kong kayo ang gumawa ng disenyo nito."

Nangunot ang noo ni Rona. Ano na namang project? Hindi ba alam ng matandang ito na masyado na akong abala sa patong-patong na proyekto ng kompanya?

"My hands are full right now," tanggi niya agad.

"Hear me out, first, hija. This is actually related to the Santillans. Gusto ni Dave na ako ang mamahala talaga rito dahil importante ito para sa pinakamalaki nating kliyente as of now. You see, Mr. Santillan is getting married and---"

"Cut to the chase, Pa! Gaano ito kaimportante sa kasalukuyan nating projects sa kanila? Alam n'yo naman na ako rin ang in-charge doon, di ba?"

"I know, anak. Kaya nga gusto kong supervisory lang ang gagawin mo rito. I'm giving this project to your brother, pero I need you to guide him. Importanteng magawa natin nang ayon sa panlasa ng fiancee ni Mr. Santillan ang mansion na gusto niyang ipatayo."

Parang bombang sumabog sa pandinig ni Rona ang sinabi ng ama. Pasabog na ang sinabi nitong gagawin siyang supervisor a.k.a. yaya ng younger brother niya tapos sasabihin pa nitong itutuloy pala ng bruhang iyon ang balak na mansyon? Hindi ba't kamakailan lang ay sinabi sa kanya ng bruha na hindi na nga itutuloy iyon? Napakuyom siya ng palad.

"I told you, Pa," narinig niyang bulong ng kapatid sa ama.

Hindi niya iyon pinansin. Sa halip, taas-noo niyang hinarap ang papa niya sabay sabi ng, "I won't do it. Find another architect."

**********

Umikot-ikot si Rona suut-suot ang five-inch heels na Prada shoes habang nakatingin sa salamin. Napangiti siya sa nakitang repleksiyon. Itinaas pa niya ang buhok at umikot-ikot uli. Hindi man siya kasing ganda ni Linda Borromeo, hindi naman pahuhuli ang tindig niya. Sino ba ang mag-aakala na anak lang siya ng dating mananahi at lumaki sa squatter's area? Sa kinis ng mapusyaw na kayumanggi niyang balat at natural grace kung kumilos, mapagkakamalan din siyang anak ng isang mayamang angkan. Lalo siyang napangiti sa sarili, pero kaagad ding nabura ang ngiting iyon nang may maalala. In a few months, hindi na kita pupwedeng isuot. Nakakapanghinayang. Kung kailan I have some money to spare for the likes of you.

Binalik niya sa sa estante ang naturang sapatos at umikot-ikot sa loob ng tindahang iyon para maghanap ng flat shoes. Bawat pares ng sapatos na tinitinda roon ay may tatak at hindi basta-basta kung kaya marami na siyang nakasalubong na kilalang personalidad.

Humahanga siya sa isang pares ng Manolo Blahnik shoes nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran.

"Beuatiful, isn't it? I love them! I have several pairs of shoes from this designer and they're really comfortable as they are elegant!"

Hindi na kailangan ni Rona na lingunin ang babae. Sa maarte nitong pananalita alam na niyang ito ang kanyang kinamumuhian sa ngayon.

"They're quite expensive, but they're really worth it. If they're beyond your budget, I'll buy them for you," magiliw pang sabi ng babae sabay dampot sa naturang sapatos. Nagpanting kaagad ang tainga ni Rona sa narinig. Inisip niyang hindi ko ito ma-afford kaya hindi ko man lang kinuha sa estante? How dare she!

Napamulagat ang socialite nang bigla niyang pinigilan ang kamay nito at pinabalik ang sapatos sa estante. Napaatras ang isang sales lady na lumapit sana para i-assist sila.

"It's not that I can't afford it, I just don't want to buy it because it's not what I need," nakangiti niyang paliwanag dito. Pero iyong ngiti ng taong nagpipigil sa pagsabog ng galit.

Nawala ang positive expression sa mukha ng babae. Nalito ito at parang na-offend.

"I was just trying to be friendly because you've done a lot for my fiance's projects."

Lalong nanggalaiti si Rona nang marinig ang salitang fiance. Parang gusto niya itong tirisin pero nagpigil na naman siya.

"Oh, yeah? Is that why you gave the mansion project to my brother? I heard it was your special request to have my brother design your dream house?"

Nagulat si Linda. Bumuka ang bibig nito na parang may sasabihin pa, pero hindi nito itinuloy.

"You thought I wouldn't know?" nakangisi pang patuloy ni Rona. This time hindi na niya itinago ang galit sa babae.

"I don't know. Really. I---well, I thought you are so busy with Luke's buildings that I decided to give the house project to Architect Perez. I didn't know he's your bro---brother. You're Architect Ramirez, right? It never occured to me that you guys are related since you both have different last names."

She sounded innocent and well meaning, pero mukhang may hindi totoo. Iyon ang pakiramdam ni Rona at iyon ang nagpatindi ng galit niya.

"Now, you know." At tinalikuran na ito ng dalaga.

Lalabas na sana si Rona sa naturang tindahan nang makasalubong niya ang lalaking ilang gabing hindi nagpatulog sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa loob ng tindahan. Nang bumaling ito sa kanya, inisip ni Rona na babatiin siya pero ang sinabi nito'y nagpatindi ng init ng kanyang ulo. Bago pa siya makasagot, tumuluy-tuloy na ito sa loob at inalo-alo ang nobya na mukhang nagse-senti.

"I was just trying to be friendly," narinig ni Rona na sumbong ni Linda sa nobyo at humilig pa ito sa dibdib ng lalaki. Palalampasin lang sana ito ng dalaga nang marinig niya itong suminghot-singhot at nagsabi pa ng, "Why is she being mean to me?" Parang sadya pang pinarinig iyon sa kanya.

"Hoy babae! Tigil-tigilan mo nga ang paggawa-gawa ng kuwento riyan! Ikaw nga itong nang-insulto sa akin, di ba? I was minding my own business when you just showed up and bragged about being able to afford any shoes being sold here! Dahil hindi kita pinagbigyan, mean na ako? Ang galing mo ring gumawa ng kuwento, ano?"

Nagulat ang dalawa sa bigla niyang paglapit at pagtaas pa ng boses. Pinagtitinginan na sila ngayon ng mga shoppers at sales ladies.

"Don't create a scene here," babala ni Luke sa mahinang boses.

"Why is she mad at us?" inosenteng tanong ni Linda kay Luke. Ganunpaman, hindi naniniwala si Rona na wala itong kaalam-alam sa kanila ng nobyo nito. Itong painosente niyang tanong, palagay ni Rona, ay balatkayo lamang. Nanggigil siya tuloy. Gusto niya itong hablutin sa mga bisig ni Luke at kaladkarin palabas.

"I'm not mad at you guys. Why would I be? I was just offended at how casually you make others feel bad. That's all. Anyways, why would I bother talk to people like you? Nakakasira kayo ng araw ko!"

Dali-dali nang lumayo si Rona sa dalawa. Lalabas na sana siya ng mall na iyon nang may biglang humablot sa braso niya. Si Luke.

"Labas si Linda sa kung ano man mayroon tayo. Stop dragging her into our fights."

Nagpanting na naman ang tainga ni Rona.

"Dragging her? Pakialam ko sa kanya at sa iyo! Ang assuming mo naman para isipin pang naghahabol ako sa iyo! Ang kapal mo!"

Luke rolled his eyes. Hindi naniniwala sa kanya.

"Isn't this all about my getting married? Look, Rona, you're a brilliant and beautiful woman. I was attracted to you---and still am, but we are not meant for each other. Your world is different from mine. We are better off as lovers but to marry you---it's another story. We will never have a future outside of a bedroom."

Lumagapak ang matunog na sampal sa kanang pisngi ni Luke na ikinagulat nito.

"You're an asshole! YOU-ARE-AN-ASSHOLE!"

Bago pa pumatak ang butil-butil na luha sa pisngi ay tumakbo na sa carpark ang dalaga.

**********

Nadatnan ni Rona na nag-aanasan ang papa niya at ang Boss Dave nila pero nang makita siyang papalapit bigla silang natahimik. Tumikhim-tikhim ang huli at nginitian siya.

"Mr. Santillan will be late for a few minutes but he is coming," sabi pa nito.

Matapos siyang batiin natahimik na ang kanyang ama. Parang may pinoproblema ito na hindi maintindihan. Ilang beses niyang nahuli ang dalawang matanda na nagtitinginan na para bang may gustong sabihin sa kanya na hindi masabi-sabi.

"What's the problem guys? May bago na naman bang drama ang mga Santillan at kailangan na naman nating makiusap sa kanila or what?"

Tumikhim na naman si Dave Fernandez. Tumango lang ang ama niya rito at nagsalita na ang matanda.

"Rona, hija, alam mo kung gaano ka ka-importante sa kompanyang ito. Your father and I consider you as our most treasured architect. Kaya--- gusto naming malaman kung may katotohanan ang kumakalat na tsismis tungkol sa iyo. Are you---pregnant?"

Napalunok si Rona. Ganunpaman, hindi niya pinakita ang vulnerability sa dalawang matanda. Sa halip, nginitian niya ang mga ito habang taas-noo niyang inamin ang bali-balita.

"Yes, I am."

Nagpakawala nang malalim na hininga ang papa niya. Iyong klase ng buntong-hininga ng isang amang pinagsukluban ng langit at lupa. Nakita naman niyang namutla ang Boss Dave nila.

"You know the r-rules, right, hija?" Si Dave uli. "As much as we want to retain you here, we have to implement the rules or else we'll be accused of being unfair to our people."

Alam na ni Rona kung saan patungo ang usapan kung kaya bigla niyang hinugot sa bulsa ang matagal na niyang hinandang sandata. Pasimple niyang sinuksok sa palasingsingan ang nasabing engagement ring at itinaas ito sa harapan ng dalawa. Nakangiti siya. Gulat na gulat sila. Hindi itinago ng kanyang ama ang pamumuo ng pag-asa sa mga mata nito. With expectant eyes ay tinanong siya nito kung totoo ba ang nakikita nila sa kanyang kamay.

"I'm engaged! Hindi ko lang sinabi sa inyo dahil masyado tayong abala lately sa mga patong-patong na proyekto. But here it is," at inikot-ikot niya sa harap ng dalawang matanda ang kumikinang na diamond ring.

Hinawakan ng Boss Dave niya ang kanyang kaliwang kamay at binusisi ang singsing. Tumatawa na ito habang mainit siyang binabati. Ganoon sila nadatnan ni Luke. Masaya itong binati ng dalawang matanda sabay balita rito na engaged na siya.

"You are?" may pagdududang tanong ni Luke.

Imbes na sagutin ang binata, itinaas ni Rona sa harapan nito ang kanyang kaliwang kamay. Nangunot ang noo ni Luke at hindi na nagsalita pa. Natapos ang meeting nang halos hindi man lang ito nagsalita. Nang papalabas na siya ng conference room, hinabol siya nito para sabihan lang ng, "I'm not going to believe you until I saw the face of your fiance."

Tinaasan ito ng kilay ni Rona.

"Your opinion does not matter to me, Luke. I'm so over you now."

Nang makarating ang dalaga sa sariling opisina, nanlambot ang kanyang mga tuhod. May nangilid na luha sa kanyang mga mata nang mapatingin sa larawan ng ina. Na-guilty siyang hindi maintindihan. Para kasing inuusig siya ng mga tingin nito. Parang naulit ang eksena sa pagitan nilang dalawa nang gabing pinakita niya ang singsing mula kay Caloy. Imbes na matuwa ito't engaged na siya sa kababata, tinitigan lamang siya nito nang may pagkahabag.

"I'm so lost, Mama. Ito lang ang alam kong paraan para hindi ako mapatalsik."

Dinampot niya ang maliit na portrait at niyakap ito nang mahigpit.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz