ZingTruyen.Xyz

Better Place Completed Architect Ramirez A K A Evil Twin S Story


Wala nang nailuha si Rona sa araw ng libing ng kanyang ina bagamat matindi ang pangungulila niya rito. Ang tanging konsolasyon niya naibigay niya rito ang lahat ng kalinga ng isang anak bago ito bawian ng buhay.

Uuwi na rin sana si Rona kasama ang kababatang si Elena at mga anak nito nang makita niyang pumasok sa memorial garden ang kanyang ama. Nakasuot ito ng itim na salamin. Saglit itong tumigil sa harap niya at humingi ng paumanhin sa pagkaantala ng dating.

"Ano pa nga ba ang maaasahan ko sa inyo? Hindi naman importante sa iyo ang mama ko."

"Pasensya na, anak. Nagkaroon lang kasi ng emergency sa opisina."

Napahalukipkip si Rona. Kung dati ay nakakalusot ito sa mga ganoong klaseng excuses ngayo'y hindi na. Ang galit niya rito na nabuo simula nang musmos pa lamang siya'y bigla na lang sumabog.

"Kahit kailan hindi mo pinahalagahan ang mama ko! Kahit kailan hindi mo ako binigyan ng importansya! Siguro nga hindi mo ako tunay na anak!"

"Rona, anak," pagsusumamo ng papa niya. Nagpalinga-linga ito sa paligid kung may nakarinig sa usapan nilang mag-ama maliban kina Elena.

"Huwag mo akong matawag-tawag na anak! Hindi n'yo naman ako tinuturing na tunay na anak! Wala kayong kuwentang ama!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dali-dali na siyang lumayo sa memorial park na iyon. Naiwang nakatanga lang ang papa niya.

**********

Kung ilang araw na hindi pumasok sa trabaho si Rona. Wala siyang ginawa kundi umiyak nang umiyak. Sa pang-apat na araw ng hindi niya pagpapakita sa upisina dinalaw siya ni Luke sa apartment.

"Puwede ba, Luke? Wala akong panahong makipag-usap sa iyo. Umalis ka na."

"We have to do something about this."

Sinimangutan niya ito. Ano pang 'do something about this'? Hindi ba't gumawa na nga sila ng paraan? Nagpa-DNA test na siya para malaman kung totoo ngang ama niya rin ang ama nito at naging positbo nga.

"I have a gut feeling that Dad knew we went to that laboratory and so he did something to sabotage the result. I really don't believe that we're related. I don't feel it."

Matindi na ang hinagpis ni Rona sa isiping they had an incestuous relationship at itong pinagbubuntis niya ay bunga ng kalaswaan nilang magkapatid, lalo pa iyong nadagdagan dahil sa mga pinagsasabi ni Luke. Ang dating kasi sa kanya'y parang wala siyang 'k' maging isang Santillan, not that she was interested to be one of them.

"Hindi ko naman nararamdaman na kapatid kita, e! Kaya huwag mo nang ipagdikdikan sa akin na hindi ako karapatdapat maging isang Santillan!"

Nangunot ang noo ni Luke at napasimangot pa ito. "I didn't say that," sabi nito agad. Saglit lang din ang pagsimangot ng binata. Napalitan agad ito nang matamis na ngiti. Hinawakan siya nito sa dalawang kamay. "It must be your raging hormones. I heard from people that pregnant women easily get moody."

Tinabig niya ang kamay ni Luke at iniwan ito sa pintuan. Sinundan siya ng lalaki hanggang sa kuwarto niya. Pinaikot agad nito ang mga braso't kamay sa lumalaki na niyang baywang.

"Ano ka ba?" asik niya rito. "Hindi mo ba narinig ang sabi ng director ng paternity laboratory na iyon? We're not just blood relatives! We're siblings for crying out loud!"

Humagikhik lang si Luke at hinagkan nito ang batok niya.

"I missed you," bulong nito sa kanya.

Nanindig ang kanyang balahibo sa narinig. Ganunpaman, hindi niya maikakaila na ganoon din ang binubulong ng kanyang katawan. Napapikit siya at ninamnam sandali ang init ng katawan ng binata, pero nang maalala niya ang resulta ng DNA test bigla siyang napadilat at lumayo kay Luke.

"Utang na loob, umalis ka na rito!"

Nakita niyang nalambungan ng lungkot ang mga mata ni Luke. Napabuntong-hininga ito at laglag ang mga balikat na lumayo na sa kanya. Bago ito tuluyang lumabas ng kuwarto niya nagsabi pa itong gusto nitong ipaulit ang DNA test niya. Hindi siya sumagot.

**********

"Thank God, you're back, hija!" masayang bati ng pinuno ng kanilang kompanya. Lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi.

"Gusto ko po sanang makausap si Papa," sabi niya sabay sulyap sa ama na parang nagulat sa pagdating niya sa upisina ng Boss Dave nila. Tiniklop nito ang makapal na folder sa harap at tumayo na para makalapit sa kanya.

"It's good to see you again, anak."

Hahalik sana ito sa pisngi niya pero umatras siya. Nakita niyang tila nasaktan ang matanda. Mukhang nagulat naman ang Boss Dave niya sa kanyang ginawa. Kahit kasi may alitan silang mag-ama noon hindi niya iyon ginawa. Ngayon lang.

"Talk to you later, Boss," pamamaalam niya sa pinuno.

Nang nakarating na sila sa upisina ng ama wala siyang inaksayang panahon. Inurirat niya agad ito tungkol sa nakaraan ng ina. Nakita niya kung paano ito nagulantang. Nagtanong pa kung sino ang nagsabi sa kanya tungkol doon.

"Hindi na importante. Gusto ko lang malaman kung totoong may dating kasintahan ang mama bago niya kayo nakilala?"

Tumikhim muna ang kanyang ama at inayos-ayos ang kurbata bago nagsalita. Tingin ni Rona may epekto pa rin iyon sa kinikilala niyang ama dahil mukhang ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa nakaraan ng dating asawa.

"Ang alam ko mayroon, pero hindi ko na nakilala kung sino siya. Wala na sila ng mama mo nang dumating ako sa buhay niya."

"Buntis na ba ang mama nang magkakilala kayo?"

Parang namutla ang papa niya sa kanyang tanong, dahilan para lalong sumidhi ang paniniwala niyang baka hindi nga niya ito tunay na ama. Tumikhim uli ang matanda bago sumagot nang paputul-putol.

"M-matagal na panahon na iyon. H-hindi ko na masyadong naaalala."

"Ang ganitong klaseng impormasyon ay hindi madaling makalimutan. Sagutin n'yo lang po ako nang deretso, please. I need it for my sanity."

Saglit na natigilan ang ama niya bago ito tumingin sa malayo. Naglakad-lakad ito sa loob ng upisina na para bagang kailangan nitong makasagap muna ng hangin bago muling magsalita.

"Tulad ng ibang lalaking Pinoy, nang pinakasalan ko ang mama mo umasa akong ako ang makauna sa kanya. Alam kong mayroon siyang naging kasintahan noon bago naging kami pero hindi ko inasahan na pinagkaloob na niya ang sarili sa lalaking iyon at n-nabuntis pa siya nito."

Napasinghap si Rona sa narinig. Natutop niya ang bibig at bubulwak na sana ang mga luha sa kanyang mga mata nang parang natigil ang mga ito sa ere sa narinig na sinabi uli ng ama.

"Naging malaking balakid sa pagitan namin ang batang iyon. Siya ang naging sanhi ng away namin sa araw at gabi. Hindi naglaon nakunan ang mama mo. Bagamat nawala ang bata hindi pa rin naging madali sa amin ang lahat. Mabuti na lang at dumating ka ilang buwan ang nakalipas." At sa huling sinabi, humarap na ang papa niya sa kanya at ngumiti ito. Iyong klase ng ngiti na parang nahihiya na nagi-guilty.

"Pasensya na, anak. Alam kong marami akong naging kasalanan sa inyo ng kapatid mo lalo na sa mama mo kaya gusto ko sana---"

"Sigurado po kayo sa sinasabi n'yo?"

May bumahid na pait sa mukha ng kanyang ama. Siguro iniisip nitong galit siya rito dahil sa natuklasan kung kaya ganoon ang naging sagot niya. Ang hindi nito alam gusto lamang niyang masiguro na sigurado nga itong anak siya nito.

"Ang ibig n'yo pong sabihing, walang duda kayo ang ama ko?" ulit niya sa tanong.

"Oo naman. Sigurado. Bakit?" Tila naguguluhan na ang kanyang ama sa mga tanong niya.

"Kamakailan po kasi, nakilala ko ang dating kasintahan ni Mama."

Natigilan ang papa niya. Parang napapantastikuhan ito sa mga sinabi niya, ganunpaman hindi ito nagsalita. Pinakinggan siya nitong mabuti.

"Pina-DNA po ako ng kanyang anak dahil nais nilang masigurong kadugo nila ako. Napatunayan sa DNA na --- na totoo nga raw pong anak ako ng dating kasintahan ni Mama."

"Imposible iyan! Naroon ako nang magparaspa ang mama mo dahil sa nangyaring miscarriage sa kanya. At sigurado rin ako na hindi na bumalik ang dating kasintahan ng mama mo. Ang alam ko nangibang bansa iyon at doon na nakapag-asawa kaya imposibleng siya ang ama mo."

"Bakit po ang sabi ng DNA---"

"That's bullshit!" Nagalit na ang kanyang ama. "Sigurado akong anak kita!"

Tumulo na ang pinipigilang luha ni Rona. Nag-flash back sa isipan niya ang nangyari noong araw ng libing ng mama niya. Isang oras niyang hinintay sa simbahan ang ama pero hindi ito nakarating gaya ng pangako. Naibaba na sa himlayan nito ang ina at pauwi na siya nang humahangos itong dumating sa memorial park. Kung totoo ngang anak siya nito dapat man lang pinahalagahan nito ang araw na iyon. Sinumbat niya iyon sa ama. Paulit-ulit uli itong humingi ng paumanhin sa kanya.

"Para mawala na iyang agam-agam mo, kung gusto mo magpa-test din tayong dalawa pero sinisiguro ko sa iyong akin ka. Anak kita. Kamukha mo nga ang nanay ko, iyong lola mo. Sa kanya mo namana ang iyong kulay."

Hindi na nagdalawang salita ang papa niya, pumayag siyang magpa-test din silang dalawa. Namangha siya nang sinabi rin sa kanila ng isang laboratoryo na totoo ngang mag-ama sila.

"How is that possible?" nalilito niyang tanong sa staff ng paternity testing lab na nagpaliwang ng resulta nila. Sinabi niya rito ang naging resulta ng test niya at ng ama ni Luke.

"May ganoon po talagang pangyayari, ma'am. Kasi po iyong ibang laboratoryo kontento na po sa 13 loci or DNA match points. Sa amin po, ma'am, we use 16 loci kaya po sinisiguro ko po sa inyong mas accurate po ang resulta namin."

Hindi lubusang naintindihan ni Rona ang pinagsasabi ng babae pero sapat na iyon para gumaan ang kanyang pakiramdam. Nang bumaling siya ng tingin sa papa niya napangiti na siya rito at sa unang pagkakataon humilig pa siya sa balikat nito at yumakap. Natuldukan na rin ang matagal na niyang pagdududa tungkol sa kanyang pagkatao. Niyakap din siya ng ama at hinagkan pa sa magkabilang pisngi. Parang ang tagal nang hindi nila nagawa iyon.

**********

"I told you!" nakangising sabi ni Luke nang ibalita niya rito ang resulta ng sinagawa nilang test na mag-ama. Tinawagan niya kasi ito pagdating na pagdating niya sa kanyang apartment. "What's the name of the laboratory?"

Sinabi niya rito pati address ng lab.

"Just to be sure, will it be all right with you if we repeat the test we did?"

"What for? Alam ko na kung sino ang tunay kong ama. That's enough for me."

Hindi siya napilit ni Luke this time.

Kabababa niya lang sa phone nang may nag-buzzer. Inisip niya agad na baka nasa labas lang ang damuho habang kinakausap niya at hindi totoong nasa upisina pa. Hindi na niya tiningnan sa maliit na butas ng pinto kung sino ang kanyang bisita. Dali-dali siyang nagbukas ng pinto. Excited siyang makita si Luke ngayong alam niyang hindi naman sila magkaanu-ano kaya nagulat siya nang si Linda ang mapagbuksan niya ng pinto.

"Hi," awkward nitong bati. Kaagad nitong iginala ang paningin sa makikitang loob ng bahay mula sa pintuan. Nakaramdam ng hiya si Rona sa hitsura ng apartment niya lalo pa nang mapansing nakaitim na Valentino A-line one-piece dress si Linda na halos hindi umabot sa kalagitnaan ng hita. Parang naalangan siyang papasukin ito sa maliit niyang tirahan.

"May I come in?"

Umatras siya nang kaunti para bigyan ito ng espasyo. Pinauna niya ito sa loob. Habang naglalakad ito papasok panay ang tingin-tingin nito sa paligid. Nainis si Rona. Para kasing kinikilatis nito pati buo niyang pagkatao.

"This place looks cozy."

Kung ibang tao siguro ang nagsabi niyon at hindi ang isang hotel heiress ay maniniwala pa si Rona. Kahit naman kasi maliit at mumurahin lang ang apartment niya'y naayos naman niya ito nang mabuti. Kaso nga lang sa standard ni Linda, siyempre ang cozy ay nagkakahalaga ng milyones kaya para sabihin nitong cozy na ang munti niyang tahanan ay parang pang-iinsulto ang dating sa kanya.

"Stop patronizing me. May I know why you're here?" deretsahan niyang sagot sa babae.

Natigilan ito at mukhang nagulat sa kaprangkahan niya. Nang makabawi ito, napasulyap ito sa kanyang puson.

"I heard on the grapevine that the best architect in town is infanticipating and it seemed like it's true afterall," prangka din nitong sagot.

Awtomatikong napahimas-himas sa tiyan si Rona na para bagang gusto niyang protektahan ang bata mula sa kamay ng buwitre. Napahalukipkip sa harap niya si Linda na tila naghihintay na kompirmahin niya ang sinabi nito. Hindi siya sumagot. Nakipagtagisan lang siya ng tingin dito.

"Is it Luke's?" tanong pa uli nito.

"It's none of your business," sabi niya rito sa mariing salita.

Ngumiti nang may pagka-cynical ang babae.

"It is my business, too, Architect. We're talking about the man of my dreams---the future father of my children," sagot pa nito. For the first time, nakita ni Rona ang bagsik sa mukha ng babae dahilan para lalo siyang mainis dito. Kung dati ay naawa siya nang malamang kinansela ni Luke ang kasal niya sa babaeng ito, ngayo'y pinagsisihan na niya kung bakit niya ito kinaawaan. All along she was just pretending to be sweet and docile. Katulad din pala siya ng ibang babaeng taga-alta sosyedad.

"Future father of your children? Didn't Luke cancel your wedding?" sagot niya rito sabay ismid.

"Is that what he told you?" Tumawa ang babae na parang timang. "I'm sorry. That will never happen," dugtong pa nito at taas-nong lumabas ng apartment niya.

"Yes, this is his child! His child!" pahabol niya kay Linda. Nainis kasi siya sa ginawa nito. Nainsulto siya nang husto.

Sakto namang lumitaw ang ulo ni Luke at mukhang nabigla ito nang datnan doon si Linda. Napatingin ito sa kanya na parang nagtatanong. Natutop ni Rona ang bibig. Shit! Narinig yata ako ng damuho!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz