ZingTruyen.Xyz

Beg For It




Pagkatapos ng trabaho ni Damian ay dumiretso na siya sa bahay ng mga Agcaoili, pero bago 'yon ay dumaan muna siya sa isang restaurant sa Olonggapo at doo nga bumili ng maipapasalubong niya para kay Rowena. Hindi lang 'yon dahil bumili din siya ng iba't-ibang klase ng prutas sa palengke. He's so happy knowing he got engaged to the woman he love. At sa sobrang saya nga niya ay ibinalita niya 'yon agad kagabi sa kanyang malalapit na kasamahan pagkabalik niya ng kampo. And not only that because he also called his parents in America early this morning, talagang nag-long distance call siya sa mga ito para sabihin na inalok niya na ng kasal si Rowena at oo ang sagot nito sa kanya. Naikukuwento niya naman na kasi ito sa mga magulang lalo na kapag tumatawag siya sa mga ito. And his parents can't wait as well to know Rowena personally.

   

"Ang dami mong dala.." Sabi ko ng ilapag niya sa lamesa ang sinasabi niyang pasalubong sa akin. 


"Nahhh, I bought this everyhing for you." Ani ni Damian, sinobrahan niya din ang bili ng pagkain dahil nandito nga ang mga kapatid ng nobya. Nakilala niya din tuloy kanina ang babae nitong kapatid na engineer na si Lorena, galing itong Maynila kaya nagsabi sa kanya na magpapahinga muna.




Tiningnan ko na lang siya habang sinasalin niya sa plato ang mga pagkain na binili niya daw kanina sa restaurant. Wala akong ganang kumain, at maski paborito ko ng pagkain ang dinadala sa akin dito ay hindi ko pa din talaga nakakain 'yon ng maayos. Pero ngayon ay tiyak na hindi papayag si Damian na hindi ako kumain ng dala niya. 




"Here, kumain ka na." Abot ng binata ng plato kay Rowena, he bought pansit and lumpia for her. Those simple food that she really like everytime they dine in. At isa ito sa nagustuhan niya sa dalaga, hindi ito maarte pagdating sa pagkain kahit sabihin na galing naman sa mayamang pamilya. 




"Ang dami nito." Sabi ko ng tingnan ang pansit na sinalin niya para sa akin. Para ngang kasya na sa aming dalawa itong sinandok niya.




"Eat it, sabi ng kapatid mo sa baba ay hindi ka pa daw kumakain ng maayos simula kaninang umaga." Sabi ni Damian, nandoon din kasi sa ibaba ang kapatid nitong si Ernesto at nakausap nga din muna niya ito sandali bago siya umakyat sa kuwarto ng nobya. 




Napabuntong hininga na lang ako at napailing, mukhang mapapakain nga talaga ako dahil nakakahiya naman siyang tanggihan. 




Binantayan naman talaga ni Damian si Rowena na makakain, kahit kaunti ay masaya na siya dahil nagkalaman din kahit papaano ang tiyan nito. Mero'n pa siyang biniling mga ulam maliban sa pansit at lumpia at mamaya na lang nila kakainin 'yon kapag dumating ang ama nito galing munisipyo para sabay-sabay din silang makapag-hapunan.





    "Are you okay?" Tanong ng binata, isang hiwa lang ng pakwan ang nakain nito at siya na nga ang umubos ng mga pinaghihiwa niya. He want her to eat more pero hindi niya na din pa pinilit dahil baka magsuka lang nga ito. 




Inalalayan niya akong makahiga, alas singko pa lang ng hapon pero inaantok na ako. "I'm sleepy pero ayoko kitang tulugan." 




Hinawakan naman ni Damian ang kamay ng dalaga matapos nitong makaupo sa upuan na nasa tabi ng kama. "Don't worry about me, you can sleep Rowena." Sabi niya. "Mamaya pa din naman ako uuwi kaya dito na lang muna ako sa tabi mo." 





I pulled him, hindi naman siya nagpahila pa at lumapit nga sa akin. I kissed his lips, it was like a brief kissed that I gave to him. "I love you.." 




Hinalikan ni Damian sa noo ang nobya bago umupo ulit ng maayos. Hinawakan din niya ito ulit sa kamay. "I love you too.." 




Tinuro ko naman ang libro na nakapatong sa cabinet, kinuha niya 'yon at binigay sa akin. "Matutulog lang ako sandali at gigising din ako mamaya." Sabi ko at kinuha sa libro ang nakaipit na stationary, gumawa ako ng sulat para sa kanya kaninang umaga dahil naiinip nga ako at hindi ako makatulog. "Read this while I'm sleeping, gisingin mo din ako kapag dumating si Papa." 
Bilin ko sa kanya.




Damian looked the paper she handled to him. "I will read this.." Sabi niya at kinumutan pa ito hanggang sa may tiyan. 




He really waited her to fell asleep hindi naman matagal ang hinintay niya para makatulog ito. At ng makatulog na nga ay doon niya binuksan ang sulat na binigay nito sa kanya. Napangiti pa nga siya dahil may design na mga bulaklak ang papel.


Dear Damian,

I don't know where should I start this letter from me to you, but let me say you were an unexpected surprise in my life. I never expected to know someone like you but it happened. And I'm happy everytime were together, and I knew you know about it too. Your arms are strong enough to hold every fear in me. I don't know much about how to label the things I feel but all I know was when I look at you, you make me also complete. I feel safe and loved, you're easy to talk too, and you listen to me as well. Kahit minsan alam kong nagsasawa ka na sa mga pagkukuwento ko tungkol sa mga libro na binabasa ko ay hindi ka nagreklamo. 

And yesterday was one of the memorable day in my life, I never thought you want me to be your wife even you know already that I'm dying. But you did, you asked me to marry you and even if I'm scared I said yes to you. My tears have lost their way, and now your love shines through my eyes. At kahit masama ang pakiramdam ko nitong mga nakalipas na araw ay hindi matatago no'n ang katotohanan na masaya ako kapag magkasama tayo. It was like a moment that my soul leaves my body and move into yours.

But after all the happiness I felt when I'm with you, the end is also coming. I have lots of plan with you, dreaming to be with your side for the rest of our lives. Pero mukhang hindi ko na 'yon magagawa pa, I wish that we could have more time, that God will let me stay more with you. But my body is getting weak and weak. I maybe leave you soon but don't forget how much I love you, I'll be your guiding light and your shining star. And when I go don't learn to live without me but learn to live with my love in different way. Time may come that you will ni longer to remember all the things I said but always think that you made me special Damian and you made me the happiest woman.

If you miss me just close your eyes and think those happy moments that we are together. There is no leaving when one soul is blended with another. I'll maybe far from your sight but I will always close to your heart. I love you Damian, mahal na mahal kita. Hanggang sa muli..

Rowena,



Hindi na napigilan pang umiyak ni Damian ng mabasa niya ang sulat ng kasintahan para sa kanya. Her letters was so meaningful to him, It was like a goodbye letter but he should not think that way because she will still live more with him. Ikakasal pa sila, at marami pa silang masasayang alaala na bubuuhin. Tinupi niya ang sulat nito at sinuksok sa bulsa ng jacket niyang suot. Saka niya tiningnan ang litrato nilang dalawa na nakalagay pa sa frame sa ibabaw ng cabinet. She looks happy on the picture, nakangiti sila pareho at naka-akbay pa siya dito.




Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang kamay ng nobya pero agad binalot ng kaba ang dibdib niya ng maramdaman na wala itong pulso sa kamay. 



"R-Rowena? Rowena.." Tawag ni Damian sa pangalan nito, napatayo na din siya at hinawakan ito sa pisngi pero wala siyang nakuhang ano mang sagot mula dito. Ni hindi man lang din ito dumilat kahit ginigising niya na. Hindi naman ito malalim matulog at nagigising naman ito agad kapag ginigising niya pero ngayon ay mukhang iba na. 



At ng hindi nga ito magising ay agad na siyang lumabas ng kuwarto at saka nagsisigaw doon. It can't be, Rowena is just sleeping and not the other way around. Dahil nagpapagising pa nga ito sa kanya mamaya diba? At sinabi lang nito na inaantok na nga at matutulog lang sandali.

Doon naman nag-akyatan ang dalawang kasambahay ng pamilya Agcaoli kasunod ang kapatid ni Rowena na doktor at si Lorena na kapatid din nito. Maging ang alkalde na si Domingo at anak din nitong si Ernesto na kararating lang ay nagmamadali din na umakyat. 



"S-She's not breathing, s-she just said she will only sleep but she's not breathing anymore whenI checked her." Putol-putol na sabi ng binata. 

Agad tiningnan ni Ernesto ang kapatid at gaya ng sinabi sa kanila ni Damian ay wala nga siyang makapa na pulso ni Rowena ng hawakan niya ito. Pinakuha niya pa ang kanyang stethoscope para mas matingnan ito ng maayos at tumulo na lang ang luha niya ng malaman na wala na nga talaga ito. Hindi na ito humihinga at wala na nga talagang buhay.



At doon na napuno ng iyakan ang loob ng silid ni Rowena, mula sa kanyang ama at tatlong kapatid na naroon at maging kay Damian na napaluhod na lang sa sahig. 







  Nakaalis na ang lahat ng nakipag-libing kay Rowena pero hindi pa din umalis si Damian sa puntod ng kanyang nobya. Maging ang mga estudyante ng namayapang kasintahan ay nakipag-libing din kanina. Nauna ng umalis ang pamilya Agcaoli dahil aasikasuhin pa nito ang mga bisita na sumama dito sa sementeryo at nakipag-libing. Pero siya ay mas pinili na dumito muna, tatlong araw lang ito binurol sa simbahan kung saan sila nagsisimba. At sa tatlong araw na 'yon ay parang hindi niya pa din matanggap na wala na nga talaga ito. Napakabilis siya nitong iniwan, at talagang tanggap na ng nobya na mamamatay nga ito ano mang oras. Pero siya ay hindi pa at mukhang ito lagi ang magiging laman ng isip at puso niya. Hindi niya na din pinaalis ang suot nitong singsing na binigay niya noong mag-propose siya dito. Pinakiusap niya 'yon sa ama ni Rowena at hindi naman din ito humindi.





Ipinatong niya ang kulay pulang rosas sa puntod nito, pula dahil nangangahulugan 'yon ng kanyang pagmamahal. "You will always be my favorite hello and hardest goodbye Rowena, pahinga ka na mahal ko.." Damian whispered infront of her grave. And for sure it will take time to heal this pain he feel for his lost. At hindi niya 'yon mamadaliin dahil walang katumbas ang pagmamahal niya para kay Rowena.


                       THE END

Salamat sa mga nagbasa ng story na 'to at sa naghintay ng update! Beg for it is now finished.


#Maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz