Beg For It
Last update for this week, happy weekend!
Anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan ko siyang nilapitan. "K-Kanina ka pa ba? Nandito si Papa!" Nag-aalala kong sabi sa kanya tiningnan ko pa nga ang labas ng bintana pero wala naman na akong makitang tauhan ni Papa doon. Maging ang pintuan ay siniguro ko pa kung naka-lock nga talaga. Pero kahit na! Baka makita siya o mahuli mamaya at hindi lang siya ang malalagot kung hindi pati ako!
Tumayo na si Damian mula sa pagkakaupo at nilapitan ang dalaga. Hinigit niya din ito at saka niyakap ng mahigpit. Kani-kanina pa siya nandito at hinihintay nga itong pumasok dito sa loob ng silid. At buti naman dumating na ang dalaga. "Don't worry walang nakakita sa akin ng umakyat ako dito sa kuwarto mo." Pagsisiguro niya dahil alam niyang malalagot din si Rowena kapag nalaman na magkakilala sila, 'yon ay kung magpapahuli pa siya.
Nahampas ko siya tuloy sa inis ko, tapos narinig ko naman ang pagtawa niya. "Still, someone might caught you Damian." Oo siguro magaling siya umakyat-akyat ng bahay dahil nga isa siyang sundalo pero kahit na. May baril pa naman ang mga tauhan ni Papa kaya paano na lang kung mapagkamalan siya masamang tao o hindi kaya akyat bahay?
Muli lamang natawa ang binata pero natuwa siya dahil hindi na nito siya tinulak habang yakap-yakap niya pa din ito, "Hindi kita ipapahamak okay?" Sabi niya pa ng tingnan nila ang isa't-isa.
"Still you shouldn't go here." Pagpipilit ko sa gusto kong ipunto sa kanya. Pero maya-maya lang ay bumitaw na siya sa pagyakap sa akin at doon niya nga kinuha ang isang bag na nasa may sahig sa bintana. Teka, may dala pa talaga siyang bag? "What's that? Tanong ko, dahil masasakal ko siya kapag sinabi niya na makikitulog siya dito dahil hindi puwede 'yon!
Inilabas naman ni Damian ang laman ng bag niya matapos niya itong ipatong sa lamesa na naroon sa silid. "I bought this for you." Sabi niya habang pinapakita ang mga naka-plastic na iba't-ibang klaseng prutas. Pagkatapos niya kanina bumalik sa kampo ay iniwan niya na doon ang motor na hiniram niya ng magpunta siya sa eskwelahan kanina. He just borrowe it, mula sa kasamahan na sundalo saka siya nagpunta siya sa palengke ng Olonggapo at doon na nga bumili ng mga dala niya ngayon bago siya nagpunta dito sa bahay niya. Tamang-tama ang mga dala niya dahil kagagaling lang ni Rowena mula sa sakit.
"Damian.." Hindi ko naman inaasahan ang ginawa niya, ni hindi ko nga alam na pupunta siya dito sa bahay eh. Puro prutas ang dala niya, may pinya na nakabalat na, orange, apple, saka dragon fruit. Mero'n din avocado na hindi pa hinog dahil kulay green pa 'yon. "You don't need to do this," Sabi ko.
"And why not? You need healthy food Rowena and those I bought for you is healthy because this is fruits."
Napabuntong hininga ako ng malalim, at saka hinawakan ang kamay niya. "Thank you for this, but you know I'm dying right? And anytime something might happen to me."
Napakunot noo ang binata dahil nagtaka siya kung bakit biglang nasali 'yon bigla sa usapan nilang dalawa. He didn't want to talk about her disease though. "You don't need to repeat that to me again and again Rowena, ayokong pag-usapan ang tungkol diyan." Inalis pa ni Damian ang tingin dito dahil ayaw niya talagang pag-usapan nila ang tungkol doon.
"You can't avoid that, and that is not a fact Damian but it really might happen anytime." Hindi ako naiinis na dalhan niya ako ng prutas pero ang kinabahala ko lang ay baka nakakalimutan niya na ang tungkol sa akin, ang tungkol sa sakit ko." I am not mad because you brought this for me but we cannot escape the reality that I'm dying and that's what I want you to understand."
Hinila lang ulit ng binata si Rowena, but this time he don't hug her but kissed her instead. Hialikan niya ito sa labi, hindi man 'yon malalim pero matagal. "Don't say that, you need to fight Rowena and please do not loose your hope."
'Yan din ang gusto kong isaksak sa isip ko pero magagawa ko kaya? Alam ko kasi sa sarili ko na hindi na talaga ako magtatagal at alam ko 'yon dahil katawan ko 'to. "Just be quite while you are here, my father will surely freak out once he found out they have a man inside of my room." Ako na ang bumitaw sa kanya at tiningnan ang mga prutas na dala niya.
Napailing na lang si Damian dahil alam niyang umiiwas lang ang dalaga na pag-usapan nila ang tungkol doon. Pero hindi siya titigil na paalalahanan ito na dapat nitong labanan ang sakit nito. He don't want her to die, she's too young for that and he want to get to know about her more.
Inayos ni Rowena ang mga ibang prutas sa ibabaw ng lamesa niya. 'Yong pineapple lang ang kinain niya at talagang hindi siya tinigilan ni Damian hangga't hindi niya 'yon nakakalahati. Pagkatapos no'n ay naligo na siya sa banyo na nasa loob din ng kuwarto niya.
#Maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz