Beg For It
Masarap siyang kasama.. 'Yon ang masasabi ko habang tinitingnan ko siya na nagkukuwento sa akin. At sa amin ng mga kapatid ko ay masasabi ko na ako ang mas hindi madaling magtiwala ng basta-basta sa isang tao lalo na kung kakasalamuha ko lang dito.Pero iba siya, iba si Damian. Simula kanina sa parke kung saan kami nanggaling at pag-imbita niya sa akin na kumain dito nga sa isang restaurant sa Olonggapo ay masarap talaga siya kausap. Hindi si Damian 'yong mga lalaking madalas magpalipad hangin sa akin na puro kayabangan lang ang alam dahil alam mong matalino siya kausap at alam talaga ang bawat sinasabi. Hindi din siya 'yong tipong magyayabang para lang makuha ang atensyon mo dahil kanina ko pa talaga siya pinagmamasdan at napakalayo niya talaga sa gano'n.
"Hey are you okay? Are you listening to me?" Pukaw ng binata sa atensyon ng dalaga, tapos na sila kumain at puro first time na pagkaing Pinoy ang kinain nila kanina sa hapunan. Rowena made him tried the dinuguan, it's a Filipino stew usually pork offal or meat simmered in rich, spicy dark gravy of pig blood, garlic and vinegar. May kapares din 'yon na puto at tinikman din niya kasama ng kanin at talagang masarap at malasa ang pagkain na 'yon.
I nodded to him. "Oo nakikinig ako sa 'yo." Sagot ko naman, kinukuwento niya kasi sa akin na puwede daw niya akong isama sa darating na Sabado sa isa sa mga barkong naka-daong sa Subic. At oo nasabi niya na nga sa akin noong nakaraan ang tungkol dito pero talagang kinukulit ako tungkol dito.
"So sasama ka na sa akin this coming Saturday?" Tanong pa ulit ng binata na para bang gustong maka-sigurado kahit pa nag-oo na ito sa kanya kanina.
"Oo na nga." Sagot ko ulit, he was really persistent. He kept asking and asking about this since earlier. Kami lang din pala ang kumain na dalawa dahil 'yong kasama niya kaninang sundalo ay pinauwi niya na pagkatapos nito kaming kuhaan ng litrato. Sabi ko nga sa kanya ay isama na lang namin pero hindi din talaga siya pumayag at pinauwi nga ito kanina.
"You're really sure on this huh? Yes!" Napasuntok pa si Damian sa hangin, akala niya talaga ay hindi na siya kikibuin ng dalaga pero buti na lang at hindi niya ito tinigilan. Kaya nga kanina ay inaya niya talaga itong lumabas sila at mag-dinner na dalawa. At laking tuwa niya ng pumayag naman ito na lumabas sila.
Muli lamang akong napailing, mag-aalas syete na ng gabi at alam kong hinahanap na din ako sa bahay lalo pa at hindi na nga ako nagpasundo pa kanina sa driver namin. Buti na lang maraming phone booth kaming nadaanan kanina at nakitawag ako do'n para makatawag sa bahay na ako na lang ang uuwi mag-isa mamaya. Baka kasi maaga makauwi si Papa tapos malaman niyang wala pa ako do'n ay siguradong mag-aaalala 'yon sa akin. "Nag-oo na ako so means sure na ako. Or kung gusto mo wag na lang?" Kunwaring sabi ko sa kanya habang nakataas pa ang isang kilay.
"No! You can't back out anymore Rowena, you already said yes to me." Ani ni Damian.
"Good, then let's go home now. My father will surely waiting me now at home." At kinuha ko na ang gamit ko sa upuan na nasa tabi ko at tumayo na. Kailangan ko na din umuwi dahil anong oras na din naman at siya din mismo ay dapat ng bumalik sa kampo nila.
Hanggang sa sakayan lang hinatid ng binata si Rowena kahit pa gusto niyang ihatid sana ito hanggang sa bahay ng mga ito. Hindi na din siya nagpilit pa dahil kakabati lang nilang dalawa at baka mamaya ay mainis na naman o magalit ito sa kanya at natural ayaw niyang mangyari 'yon.
Kinabukasan ay hindi na nag-abala pa si Damian na pumunta sa parke dahil nagsabi na kahapon ang dalaga na hindi nga daw ito pupunta ngayong araw doon dahil pupunta ito sa library sa city hall ng Olonggapo. Kaya naman ng matapos ang trabaho niya ng alas tres ng hapon ay agad din siyang nagpunta doon, buti na nga lang din at hindi pala siya nakasuot ng uniporme dahil kung nagkataon ay tiyak na pagtitinginan pa siya ng mga tao sa city hall at magtataka kung anong ginagawa ng isang sundalo doon. Hindi naman siya kinuwestyon pa ng magpunta siya sa library dahil nag-iwan din naman siya ng ID sa librarian na naroon pagpasok niya.
"Damian!" Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagtawag ko sa pangalan niya dahilan para magtinginan ang iilang tao na narito pa sa loob ng library. Agad akong humingi ng pasensiya sa kanila pero ang tingin ko ay na kay Damian na tumabi na sa akin ng upo.
"Good afternoon beautiful.." Magiliw na sabi ng binata sabay abot ng isang pirasong rosas dito na binili niya kanina sa dalagitang nagtitinda sa labas ng city hall.
Agad namang hindi naging komportable si Rowena kahit pa madalas naman siyang makatanggap ng bulaklak. Paano ba naman amoy na amoy niya ang mabangong pabango ni Damian, alam din niyang bagong paligo ito dahil basa-basa pa ang buhok. Umusog pa nga siya ng tumabi ito sa kanya pero gano'n din ang ginagawa nito.
"Thank you.." I mouthed to him referring on the flower he gave to me, were in the library and as much as impossible I don't want any noise while I'm here. Saka kilala din kasi ako ng librarian dito lalo pa at Mayor nga ang aking Papa.
Tiningnan naman ni Damian kung ano ba ang ginagawa ng dalaga, nakita niyang may maliit na calculator sa ibabaw ng lamesa at doon niya naintindihan na nag-aayos pala ito ng grades ng mga estudyante nito.
"Just be quite okay, let's talk later after I finish this." Sabi ko sa kanya, patapos na din naman ako at kaunti na lang din itong inaayos ko na mga grades. Saka hindi ko naman alam na pupuntahan niya ako dito kahit pa sinabi ko naman sa kanya kahapon na didito nga ako ngayong araw. Hindi ko talaga ginawa ito sa school kahit puwede naman talaga kasi nga walang kuryente simula pa kahapon ng umaga doon dahil nga inaayos ang linya. Kaya sabi ko ay didito na lang din ako ngayong hapon para ayusin nga ang mga grades ng estudyante ko. Pero nagulat na lang ako ng magsalita pa si Damian na katabi ko lang.
"Go on, take your time. I'll wait you while holding your hand." At saka hinawakan ni Damian ang kamay ni Rowena na nasa ilalim ng lamesa na kinalaki ng mata nito.
#Maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz