Beg For It
Good morning! Again Lahat po ng M.A series stories ko sa vip group ay naka 50% discount. Dm me on my fb page how to join!
Napansin ni Damian na hindi komportable ang dalaga sa paghawak niya sa kamay nito, her hand feel cold. At doon niya naalala ang mga kuwento mula sa mga kasamahang Pilipino sa base. Kung saan naikuwento sa kanya na hindi nga daw katulad ng mga babae sa Amerika ang ibang babae dito sa Pilipinas. Mero'ng mga babaeng liberated lalo na 'yong mga nagtatrabaho sa club pero mas marami ang mga babaeng hindi agad natatangay sa mga mabilisang kilos ng isang lalaki. Iba kasi ang tingin ng ibang kababaihan sa mga katulad niyang sundalong Amerikano, na alam niyang kaya siya nilalapitan at nakikipagkilala sa kanila dahil may mga hangarin ito na makapunta at madala sa Amerika.
Kung minsan nga kahit hindi sa club ang babae na nakikilala niya ay ayaw siyang tantanan. Pero iba itong si Rowena, and he knew already that if he will stop following her he might not see her again. Kaya naman binitiwan na din niya ang kamay nito at sa harapan na lamang tumingin kung saan nagsasalita ang pari. Hindi niya maintindihan ang sinasabi sa harapan dahil tagalog ang misa pero wala siyang pakialam dahil ang mahalaga ay kasama niya ngayon ang babaeng ilang araw niya ng iniisip.
Nakahinga naman ng maluwag si Rowena ng bitiwan ng katabi ang kamay niya, hindi naman siya puwedeng sumigaw dahil maliban na nasa loob sila ng simbahan ay ayaw niya din kumuha ng atensyon ng mga taong katabi. Narito siya sa simbahan para makinig ng misa at hindi para makipag-date. Kaya naman pinilit niyang ituon ang pakikinig sa sinasabi ng pari sa harapan. Pagsapit naman ng bigayan ng ostsa ay hindi na sumunod sa kanya ang binata at tanging siya lang ang nagpunta at pumila sa harapan para doon. Akala niya pa nga ay wala na ito sa puwesto kung saan siya nakaupo pero pagbalik niya sa upuan ay naroon pa din ito. At mamaya pagtapos ng misa ay pagsasabihan niya ito.
"Hey wag mo naman bilisan ang paglalakad at baka mapano ka." Sabi ni Damian habang sinasabayan ang paglalakad ni Rowena. Hindi man lang talaga siya nito kinausap at pagkatapos nga ng misa ay agad siyang iniwan na para bang wala itong kasama.
Napahinto naman ako ng may bumati sa akin na isang magulang ng estudyante ko habang palabas ng simbahan. At saka ko tiningnan ang sundalong kanina pa naka-buntot sa akin.
"Bakit ka ba sunod ng sunod?" Mataray kong tanong sa kanya ng makalabas na kami ng simbahan. Narinig ko siyang mag-tagalog kanina pero hindi naman 'yon kasing husay ng isang Pilipino sa pagsasalita. 'Yong kanya kasi ay may tono at alam mo agad na foreigner ang nagsasalita. But atleast he knew how to speak Filipino, kahit kaunti.
"Because I want to know you more." Sagot ni Damian, buti naman at huminto ito sa paglalakad dahil kahit babae ito at may takong pa ang suot na sapatos ay mabilis din talaga maglakad.
Tinaasan ko nga siya ng kilay. "You already knew my name and you already knew that my father is a mayor here in Olonggapo so what else do you want to know?"
She was really different on other women I met here, she's good on speaking in English too. "Who's the man sitting beside you earlier? I mean do'n sa restaurant kanina." Tanong ni Damian.
I shook my head while looking at her. "Why? It doesn't matter and you don't need to know." Sabi ko at naglakad na papunta sa sakayan. I feel famish, hindi nga kasi ako kanina kumain sa restaurant diba? Pero okay lang dahil nakapagsimba naman ako at 'yon ang mahalaga.
Sinundan naman ni Damian ang dalaga, he want to know who's the man sitting beside her. Dahil parang ang close ng mga ito sa isa't-isa kanina dahil nagtatawanan pa habang nag-uusap. "Answer me first, so sino nga 'yong lalaki kanina?" Tanong niya ulit.
Muli akong huminto pero gumilid ako dahil marami din tao ang naglalakad dito sa labas ng simbahan. "He's my brother, happy?"
Unti-unti namang ngumiti ang binata sa sagot ni Rowena sa kanya. Kung sa bagay hindi talaga nito 'yon boyfriend gaya ng iniisip niya kanina dahil kung magka-relasyon ang mga ito ay hindi naman siguro no'n hahayaan na umalis mag-isa itong si Rowena. "Good because I'm planning to court you." Pero imbes na ngiti o pag-oo ang makuha ni Damian mula sa dalaga ay tumawa lang ito.
"Stop this nonsense, goodnight." Sabi ko sa kanya at mabilis na pumara ng taxi at sumakay agad para makauwi na.
Subic naval base.."Kumusta Sir? Ano? Nag-date kayo no?" Agad na tanong ni Frederick sa kanyang boss ng makita niyang pumasok ito sa barracks nila. Hindi talaga siya natulog agad at hinintay nga ito dahil gusto niyang malaman kung ano ang nangyari dito saka sa babae kanina.
Pabalagbag na naupo si Damian sa kama niya at saka tiningnan ang kasamahan. "She's hard to get." Reklamo niya, buti nakauwi pa siya dito sa kampo nila. At hindi siya makakauwi kung hindi siya nag-taxi. Talagang iniwan siya ni Rowena kanina at hinayaan siya nito doon sa labas ng simbahan.
Napailing-iling naman si Frederick dahil sa sinabi ng kanyang chief officer. 'Yon din ang naiisip niya kanina lalo pa at nalaman nga nila mula sa waiter na anak pala ng mayor ang gusto nitong hepe niya. "Because she's different, she's not like the woman you met here around. Iba siya Sir sa mga babae dito." Paliwanag niya.
"I know kaya hindi din ako titigil, I will still court her whether she like it or not."
#Maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz