ZingTruyen.Xyz

Bargain With The Rebel Heartbreaker Published Under Abscbn Books


"Where's your goddamn car, Cole Ramirez??" nakaakbay pa rin ang kalahati ng bigat niya sa akin. His familiar and overly sexual scent were all over me, his rock-hard torso pressed against my body. And his arm was linked around the narrow of my hips, pinning me to my place right next to him. Ultimo paghinga pinipigilan ko, hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tagalan ang halo-halong sensasyon na dulot sa akin ng proximity namin ni Cole. Hindi ko alam kung anong meron ang lalaking ito na kapag nadidikit ako ay literal na gusto ko siyang halikan at pagsamantalahan.

Isabel, pagsamantalahan ang kambing, ok ka lang? Pilit kong dina-divert ang utak ko. Few hours ago, nakahilata ako sa kama ko, ninanamnam ang sarap ng weekend vacation, wala na akong problema eh, magaan na ang utak ko. Tapos napunta ako sa lintik na club na ito, sa awa ng Diyos nakita ko na naman ang lalaki ito na siyang puno't dulo ng lahat ng sakit ko sa ulo. All of a sudden here I was, even more miserable and 500 thousand pesos broke!

Siniko ko siya sa tagiliran. "Nasaan na nga ang kotse mo??"

"Nando'n pa sa dulo, bakit ka ba sumisigaw??" pasigaw din niyang sagot. Ang kapal ng apog talaga nito, imbes na bumait na sa akin at magpasalamat man lang, pagsigaw ko, sisigaw din siya? Tsk.

"Nanggigigil ako sa 'yo! Alam mo bang kulang pa ang laman ng bank account ko pambayad sa painting na 'yon?"

"It's not my fault. I was not the one who carelessly broke a glass wine on a valuable piece of art, and definitely not the one who bragged about paying for it. The guy obviously doesn't want you to pay, but you acted like a dim-witted rich hero trying to save the world. Obvious naman na nagpapalakas ka sa club owner bakit ako ang sinisisi mo?"

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Anong sinabi mo? I saved you from being beaten to death out there. In the first place hindi ko masisira ang pesteng painting na iyon kundi lang dahil niligtas kita! Sa sobrang lampa mo, hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. May pa six pack-six pack abs ka pa, ni isang suntok kay James Richard hindi mo nagawa?"

Humigit siya ng hininga, halatang napikon sa sinabi ko. Totoo naman, puro lang porma, puro pa-pretty boy, wala naman palang ibubuga kapag tunay na lalaki na ang kaharap.

"For your information, I can handle myself pretty well back there. I was just caught off guard. Kung hindi ka nakialam, I would have taken him off with my bare hands and you wouldn't be indebted up to your throat like you ruefully complain!"

"Kahit na ano pa ang sabihin mo, utang mo sa akin ang buhay mo. Naintindihan mo?"

"Wala akong utang sa 'yo."

"Patay ka na ngayon kung hindi ako pumagitna sa inyo ng wrestler na 'yon. Wag ka nang pumalag d'yan dahil obvious na obvious naman!"

"Dapat nga magalit ako sayo dahil pakilamera ka."

"Kung hindi ako nakialam, pantay na yang paa mo!"

"Kung hindi ka nakialam, pantay na ang paa niya. At wala tayong dalawa dito ngayon."

Kumulo ang dugo ko sa batok. Asar kong tinanggal ang braso niyang nakakapit sa balikat ko at itinulak siya ng malakas. Napangiwi siya sa sakit dahil dumiin yata ang kamay ko sa parte niyang nabogbog.

"Much better. Stay away from me, and please, maintain your goddamn distance!" asik pa niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang ugali ng lalaking ito eh, mas dapat pa nga yata siyang dalhin sa mental hospital kaysa sa kin. "And why the fuck are you wearing that dress anyway? You go in the club full of men with your tits, your belly and your fat legs exposed like that? Are you looking for fucking trouble??"

Humagod ang tingin ni Cole sa kabuuan ko. Napalunok ako dahil bigla na naman ang pag-init ng pakiramdam ko. "Yes. I was looking for trouble named Paul Demontero back there, but instead I stumbled on a catastrophe with an overly huge ego...You!"

"Kaya pala halos maghubad ka na? Nagbebenta ka ng katawan? Sabagay, hindi pa ako nakakakita ng baboy na beni-benta ng naka-damit sa palengke-"

Dahil doon lumipad ang palad ko sa pisngi niya. Malakas iyon kaya dinig na dinig ko paglagapak sa mukha niya. "Oucchhhh! Damn! Nakakarami ka na ha!"

"Bastos ka eh! Alam mo, bahala ka na sa buhay mo. Mukhang ok ka naman na, aalis na ako." Nakataas ang isa kong kilay sa kanya. Pairap akong tumalikod.

"Saan ka pupunta?"

"Maghuhubad. Sabi mo walang baboy na bine-benta ng nakadamit di ba?" sagot ko, tuloy-tuloy ang lakad ko palayo ni hindi ko siya nilingon. Narinig ko pa ang pagmura niya. Alam ko namang masama ang lagay ng katawan niya at kailangan niya ng tulong ko, pero ayoko na. Wala akong pakialam sa kanya, I'm sure marami siyang tauhan na pwedeng tawagan para umalalay sa kanya. Wala akong keber sa kanya, kahit na malagutan pa siya ng hininga dito mismo. Aalis ako, hahanapin ko si Paul, kakausapin ko siya tungkol sa 500 thousand.

Nakarinig ako ng pag-alarm ng kotse sa likod ko. Kaagad akong pumihit, nakita ko si Cole na hawak-hawak ang tiyan, parang namimilipit sa sakit. Sumandal siya sa kotse kaya naman nag-alarm iyon. Pumitik ng malakas ang puso ko sa kaba, kaagad akong tumakbo sa kanya.

"Cole! Are you, ok?"

Nagpapawis na siya. "Do you really n-eed to ask? My whole body hurts like hell!"

"Ang yabang kasi! Tara na nga, dadalhin kita sa hospital-"

"Ayoko ng hospital!"

"Saan mo gusto sa sementeryo? Ibibili na ba kita ng kabaong mo? Ang tigas ng..ng.." hawak ko kasi ang tiyan niya. Tapos ang balikat niya. "..ng ulo mong kambing ka!"

"Iuwi mo ako sa bahay. I can't drive."

"Katulong mo ako? Close tayo? Maka-utos."

"Please?" lumamlam ang mga mata niya. Tapos ay kagat pa ang labi, nakangiwi pero ang gwapo-gwapo ng hudas. Ilang beses akong kumurap. Pilit kong pinapalitan ng mukha ng kambing ang mukha niya sa paningin ko. Pero habang tumatagal na nakatitig ako kay Cole, hindi ko magawang mag-imagine ng ibang bagay. Nakatutok ang mata ko sa namumula niyang labi dulot ng madiin niyang pagkagat doon.

"Wala kang kasama sa bahay mo. Hindi 'yon pwede dahil sa lagay mo." sabi ko. Totoo, anak ng tipaklong. Nagaalala ako sa kanya.

"Can we just fucking go? I can barely stand and it feels really cold in here."

Awtomatikong dumampi ang palad ko sa noo niya. Mainit siya. "Nilalagnat ka."

"Let's go home."

"You need to call your doctor. Kailangan mo ng kasama."

"That's what you are here for! Kung ayaw mo akong umuwi sa bahay ko. Umuwi tayo sa bahay mo, samahan mo ako."

Napasinghap ako. Si Cole sa bahay ko? Feeling ko naglaho ang lungs ko, hindi ako makahinga ng maayos. "Sige. Pero sa isang kondisyon. Sabihin mo munang, inaamin mo na utang mo ang buhay mo sa akin. At balang-araw, hihingi ako ng kabayaran, hindi ka pwedeng tumanggi."

Tinitigan niya ako na para bang isa akong baboy na natutong magsalita. "Ano ha?" diin ko nang hindi siya sumagot.

"Anong kabayaran?" tanong niya. Salubong ang kilay.

"Basta. Wala pa ngayon. Sa future."

Ngumiwi siya. Pakiramdam ko ang sama kong tao dahil ginigipit ko siya gayong masama ang pakiramdam niya. Pero wala akong magagawa, magalit man si mareng Karma, wala akong pakialam. Basta si Cole, utang niya sa akin ang buhay niya. Kapag umuo siya ngayon, nakasanla na ang kaluluwa niya sa akin. Syempre hindi ko sasabihin sa kanya 'yon. Bwahahaha. Lihim akong tumatawa sa utak ko na parang kontrabida. Ang tagal niyang sumagot, sa totoo lang naawa na ako sa kanya, gusto ko na siyang iuwi at gamotin, kaya lang parang wala siyang balak na sumang-ayon. "Shit! Sige na nga hindi na--"

"Ok. I owe you my life. I accept it. Balang araw hihingi ka ng kabayaran, at hindi kita tatanggihan. Kahit na ano pa 'yon."

Ako naman ang napamaang at napatitig sa kanya. I was just fooling around. Gusto ko lang na maging humble kahit isang beses lang ang isang Cole Ramirez, pero bakit parang iba ang dating sa akin ng mga salitang iyon? Parang may kaakibat na mas malalim na kahulugan? Higit sa lahat, bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa kanya?

"Now, can we go home already?"

Tumango ako. Tahimik kong inalalayan ang braso niya na kumawit sa balikat ko. Kotse ko ang ginamit namin dahil mas malapit iyon. Tahimik kong inayos ang seatbelt ko.

"Bakit natahimik ka? Ang daldal mo palang kanina. Nalunok mo dila mo? Masarap ba?"

"Masarap."

"Yung dila mo?"

"Oo, masarap ang dila ko. Tikman mo?" Shit. Bigla akong nawala sa sarili.

"Crazy."

"I know."

"Just drive, bonita. Let's go home and rest. It's been a hell of a week... I just wanna go home."

Pagkasabi no'n ay sumandal na siya sa upuan at pinikit ang mga mata. Samantalang ako, halos atakehin na sa puso sa sobrang bilis ng pitik nito.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz