Barako Series 1 My Mister Soldier Mikael Dela Costa Story Completed
Iyak ako ng iyak dahil hindi pa tumatawag si Kael sa akin. Tinatawagan ko ang phone niya pero out of coverage area na.'Buti na lang walang sumunod sa amin, nakarating kami ng maayos ni Stefano sa pinakamalapit na kampo ng mga sundalo."Baks, kumalma ka nga, baka kasama na nila ni Kuya Alexandro si Kuya Kael." pagpapanatag sa 'kin ng bestfriend ko. Hinaplos niya ang likod ko. "Paanong kasama, eh, kaninang tumawag ka sa Kuya mo hindi nila nakita si Kael. Baka may nangyari nang masama sa asawa ko." Mas lalong lumakas ang iyak ko. Hindi malaman ni Stefano kung ano'ng gagawin niyang pagpapatahan sa 'kin. Hindi ko kayang mawala ang asawa ko. Ngayon pa na mag-asawa na kami saka naman dumating itong pagsubok na ganito. Juskolerd, maaga ba akong mabu-byuda? Mas lumakas pa ang atungal ko.
All Rights Reserved
By coalchamber13
xxxxx
PINUNTAHAN ni Stefano ang pinsan para alamin kung nakita na nila si Mikael. "Ano na baks, ang balita kay Kael?" Tanong ko nang dumating si Stefano galing sa pinsan niyang si Alexandro. Kinabahan ako nang makita ko ang hitsura niya na parang may dala siyang masamang balita."Baks, n-nakita na ang sasakyan ni Kuya Kael na nasa bangin at sunog na sunog." Parang tumigil ang mundo ko sa narinig sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Stefano at sa nanginginig na mga labi ay tinanong ko kung nakita ba si Mikael. Ayokong isipin na nasa sasakyan siya at hindi na nakalabas ng buhay. Hindi ko kakayaning mawala na lang ng ganoon si Mikael. " S-Sabihin mo sa akin na wala si Kael sa sasakyan niya! Hindi siya patay. Nangako siyang babalik sa akin. Narinig mo naman iyon hindi ba?" Niyugyog ko si Stefano. Nakita kong napapaluha na rin si Stefano."Baks, hindi pa naman nila sinabi na si Kuya Kael nga nasa kotse nito. Kailangan pa ng DNA test para masigurong siya nga iyon." Hinawakan ni Stefano ang likod ko at hinaplos. Umiling-iling ako. Nakaramdam ako ng panghihina ng mga tuhod kung kaya napakapit ako sa braso ni Stefano. Hindi ko na napigilan ang umatungal ng iyak.Tanging yakap na lang ang nagawa ni Stefano para makiramay sa nararamdaman ko sa mga sandaling ito.(2 months later)TUMUKO ang luha ko nang makita ko ang larawan ni Kael. Walang araw na hindi ko tinitingnan ang mukha ng asawa ko sa aking cell phone. Sobra na ang pagka-miss ko sa kanya.Hanggang ngayon ay wala pang lead kung nasaan na si Kael. Ang natagpuang bangkay na sunog na sunog ay hindi niya katawan kundi ibang tao. 'Kael, umuwi ka na may surprise ako sa iyo.'Mula ng mawala ang asawa ko nawalan na ako ng gana na maging masaya. Naging malulungkutin na ako. Ang dating Felicity na puno ng kasiyahan ay wala na. "Baks, mag-unwind ka naman. Ilang buwan ka ng ganyan, palaging nasa loob ng bahay. Ayaw mong makisalmuha sa ibang tao. Nami-miss ko na ang dating Felicity na lagi akong inaaway." Malungkot na wika ni Stefano. Umupo siya sa tabi ko at saka ako inakbayan. Idinantay ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Nagsimula na namang manubig ang aking mga mata. "Wala akong gana, baks. Gusto ko lang dito sa bahay at nakatitig sa picture ni Kael." Pinahid ko ang mga luha ko sa mga mata."Baks, kailangan mong alagaan ang sarili mo. Hindi lang naman sarili mo ang dapat mong isipin pati na 'yang ipinagbubuntis mo. Sa tingin mo ba gugustuhin ni Kael na pabayaan mo ang sarili mo? Please naman baks, isipin mo ang kalusugan mo." Pag-aalala na wika niya. Bigla akong umiyak. He hugged me to comfort me. Nang malaman kong nagdadalantao ako hindi lubos ang kasiyahan ko dahil wala naman sa tabi ko ang asawa ko. Wala akong ideay kung nasaan na siya ngayon. Kung okay lang ba siya. Naiisip niya ba ang kalagayan ko? Kung buhay siya bakit hindi pa siya bumabalik?"Baks, paano ako magsasaya kung wala akong ideya kung ano na nangyari kay Kael. Baka sa dalawang buwan pinapahirapan na siya ng dumukot sa kanya. Baka naman may ginawa na silang masama sa kanya. Baka pinatay na siya at itinapon na lang ang katawan niya sa kung saan. Nababaliw na ako sa kaiisip." Sabi ko."Let's pray na nasa maayos siya at isang araw uuwi na rin siya." Pagpapanatag na wika niya.(5 months later)PUMUNTA ako sa opisina ng pinsan ni Kael. Gusto ko kasing malaman kung ano na ang lead sa paghahanap nila sa asawa ko."Good news, Felicity, may nakapagsabi na nakita nila si Kael sa isang barrio. We will be going there to confirm the report." Nabuhayan ako ng pag-asa sa sinabi ni Alexandro. Halos pitong buwan na mula nang mawala si Kael. Nagpaalam ako nang may ngiti sa mga labi. Napahimas ako sa malaki kong tiyan. Pitong buwan na ang tiyan ko. Lalaki ang magiging anak namin ni Kael.'Anak makikita na natin ang Daddy mo. Kapit lang anak malalagpasan din natin ito.'Ngayong araw ang pagpunta nila sa lugar kung saan nakita si Kael. Nagpumilit ako kay Stefano na sumama."Baks, huwag ka nang sumama baka may masamang mangyari hindi natin alam. Saka buntis ka pa gaga ka!" Singhal sa akin ni Fanot."Hindi mo ako mapipigilan Fanot ka! Subukan mong pigilan ako ibubuko kita kila Tita Mame at sa mga pinsan mo!" Pagbabanta ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya."Hindi ba sinabi ko nga na sumama ka. Bakit kasi umaayaw ka pa ang arte mo, huh?!" Nakasimangot na sabi nito at saka niya ako inirapan. Isasama din pala ako ang dami pang kuda. Sumama kami ni Fanot para tingnan ang kinaroroonan ni Kael. May kaba sa dibdib ko habang papalapit kami sa barrio. Halos anim na oras ang naging biyahe namin. Ang OA lang ni Fanot dahil nagsama pa ng paramedics kung sakali daw na mapaanak ako may tutulong. Kahit naman naging emotional ako nitong unang buwan ko hindi naman ako dinugo o sumama ang pakiramdam ko. Inaalagaan ko naman ang ipinagbubuntis ko dahil unang baby namin ito ni Mikael. Laging nasa tabi ko si Tita Mame at si Mommy. Sila ang palaging nariyan para alagaan ako. Dahil wala ang asawa ko."Tumawag si Kuya Alexandro mag-stay muna daw tayo dito sa labas. Sila daw muna ang papasok sa loob ng bahay." Sabi ni Fanot.Halos pagpawisan ang palad ko habang naghihintay ng balita. Sobrang kaba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Halos dalawang oras na kaming naghihintay. "Baks, puntahan na natin kaya. Diyos ko dalawang oras na tayong naghihintay dito!" Reklamo ko. Sumasakit na ang puwit ko sa kauupo at naghihintay sa wala. Napabuntong-hininga si fanot. Wala naman siyang magagawa kung hindi sumunod sa utos ko."Sige pero kalma ka lang okay. Ayokong magbuhat ng nanganganak. Ewww! Hindi ko kayang buhatin ka. Ang bigat mo, no? " Sabi nito napa-makeface ako sa kanya.Nilakad namin ang daan papunta sa pinuntahan nila Kuya Alexandro. Mula kasi dito sa kinalalagyan namin ay may maliit na daan ang tatahakin patungo sa bahay na kinaroonan ni Kael. Ang bahay ay hindi naman kalakihan. May bakod na kawayan ang nakapaligid sa lote. May ilang puno na nasa paligid at mga tanim na gulay. Habang papalapit kami lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang aking mga kamay ay namamasa na dahil sa nerbyos. Napahawak ako sa kamay ni Fanot bilang suporta. Nararamdaman ko kasi ang panghihina ng mga tuhod ko. Marahil dala ng pagod sa paglalakad at ang nararamdaman kong takot. Inakbayan niya ako at pinisil ang balikat ko.Lumabas si Kuya Alexandro sa pintuan. Malungkot ang mukha niya kaya may hindi magandang balita. Hindi kaya si Kael iyon? Baka nagkakamali lang sila. "Kuya Alexandro, nakita mo na si Kuya Kael?" Singit bigla ni Stefano sa amin. Excited akong marinig sa kanya kung nakausap na niya si Kael.Napatingin kaming dalawa ni Stefano sa lalaking lumabas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang asawa ko. Humaba na ang buhok niya at may konting balbas sa panga at baba niya. Namayat ang pangangatawan niya ngunit hindi pa rin nawawala ang kaguwapuhan niya.Hindi ko napigilang maluha nang makita ko na siya. Gusto kong salubungin siya ng yakap at halik. Ngunit dahil sa kabiglaanan ay hindi ko maigalawa ang aking mga paa. " Kuya Kael!" Hindi makapaniwalang wika ni Stefano.Nagtaka ako dahil wala man lang naging reaksyon nang makita niya kami. He just eyeing us at tila kinikilala. "Ka.." Naputol ang sasabihin ko nang may sumulpot na isang babae mula sa likurab niya at saka pumulupot ang braso nito sa baywang ng asawa ko! Maganda ang babae. Morena ang kulay ng balat niya. Maliit lang ang height niya. Siguro ay magkasing-height lang kami. Napatingin ako sa braso ng babaeng nakalingkis sa baywang ni Mikael. Parang dinurog ang puso ko ng hapitin naman ni Kael sa baywang ang babae. Gusto ko nang sugurin ang dalawa, pinigilan lang ako ni fanot. Hinawakan niya ako sa braso at sak umiling sa akin."Sino kayo?" Tanong ng babae sa amin. Napatitig ako sa tiyan nito na may umbok na rin. Ayokong isipin na nabuntis ni Kael ang babae. Dahil kung ganoon nga hinding-hindi ko siya mapapatawad."Pinsan kami ni Kuya Kael. Matagal na naming hinahanap ang pinsan ko." Sabi ni Fanot sa babae. Napatingin muli ako kay Kael ngunit ganoon pa rin ang mukha niya. Hindi niya ako kilala." By the way ito pala si Felicity ang asawa ko." Pakilala ni Fanot sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako nang may pagtataka sa kanya. Ako asawa ng baklang ito? "Ako nga pala ang girlfriend niya. Pinangalanan namin siyang Brian. Wala siyang maalala nang makita namin siya pitong buwan na ang nakararaan." Kuwento ng babae. So may amnesia si Kael. Kaya pala hindi niya kami kilala. Pero ganon pa man masakit pa rin sa aking may iba na siya at binuntis niya pa. "Magkakaroon na kami ng anak ni Brian." Napatingala ang babae kay Kael. Napangiti naman ang buwisit na lalaki sa babae. Parang nahati sa maliliit na piraso ang puso ko. Magkakaanak na si Kael sa ibang babae. Lalong nadurog ang puso ko nang halikan ni Kael sa sintido ang babae. Hindi ko na nakayanan ang nakikita ko. Inaya ko na si Stefano na umalis. "Halika ka na Stefano uwi na tayo." Sabi ko sabay talikod. Mabilis ang mga lakad ko. Hindi ko na nga ininda na malaki ang tiyan ko. Habang naglalakad umaagos na parang falls ang mga luha ko sa mga mata. Nasasaktan ako ng sobra. Bakit Kael ang dali mo naman sumuko. Nangako kang babalikan ako ngunit parang wala na akong halaga sa 'yo. Napahinto ako sa paglalakad upang sumagap ng hangin. Halos hindi ako makahinga sa pag-iyak. Naramdaman ko ang kamay ni Stefano na humahaplos sa likod ko. Humarap ako sa kanya at napayakap sa bestfriend ko. Napakasakit makita na nasa ibang kandungan na ang asawa ko. Wala akong nagawa kung hindi umiyak na lang.Copyright©2017All Rights Reserved
By coalchamber13
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz