ZingTruyen.Xyz

Bad Lover

The Final Chapter

JFstories

FRANCIS MOLINA WAS NOW HERE IN CANADA.

He arrived yesterday morning. We were in Burns Lake while he was in Prince George. It was a three-hour ride to us, kaya nagulat ako nang magsabi siya na pupunta siya kasama ang tito niya, dahil ito ang may sasakyan. Papunta na kaya hindi ko na nahindian.

I met him at the park in front of our condominium complex.  He was already standing there, waiting for me. Sinalubong niya ako. "Hi."

"Hello."

We sat on the swing. Hindi ko maiwasang hindi matawa nang pagak. Nilingon ko siya na ngayon ay nakatingin sa akin. "Kailangan pala mag-ibang bansa pa tayo para matuloy lang ang pag-uusap na ito."

Ngumisi siya. "Ayoko ngang matuloy e."

"E bakit ka nandito?"

Nagkibit siya ng balikat saka bumuwelo para mag-swing nang mataas.

I just watched him. He swung about five times before he put his feet down. "You know what's funnier?" he asked, smiling but his tone was flat.

"What?"

"Kasi kailangan nangibang bansa ako, para ma-basted mo na naman."

"Akala ko ba trabaho ang ipinunta mo rito?"

Napakamot siya ng pisngi. "Oo naman. Trabaho naman talaga ang ipinunta ko rito. Bonus ka lang."

Napangisi ako. "Uso talaga sa mga lalaki ang pride."

"Hoy, ah? Nilulunok namin iyon pag gusto talaga namin ang babae."

Hindi na ako umimik kasi meron akong biglang naalala.

"Parang si Michael Jonas."

Napalingon ako bigla sa kanya. He was smiling while looking in another direction.

"You know that scoundrel? His pride is higher than Mt. Everest. Kahit duguan na iyon sa basag-ulo, di iyon nagpapatulong. Tapos noong high school, na nawalan siya ng wallet pagkatapos malasing kina Bimbo, wala siyang pamasahe, pero di iyon nangutang. Nilakad niya kamo pauwi sa kanila kahit gegewang-gewang siya sa kalsada dahil sa kalasingan."

I could imagine.

"He was my classmate in elementary but I never truly got friends with him. He's arrogant, you know. RK daw siya at astig kasi mommy niya lespu, tapos daddy niya ay Manila boy. Only child din daw siya kaya wala siyang kaagaw. Halata naman dahil spoiled talaga ang gago. We just became pals in high school because he was in every group."

Matropa nga talaga si Miko. Iyon bang tropa ng lahat.

"You know, Zandra, I thought Miko would be cool forever. Na wala nang katapusan iyong kahambugan niya. Pero isang araw, kahit di kami close, nakatanggap ako bigla ng text mula sa kanya." Tiningnan ako ni Francis. "Nangungutang siya."

Nanuyo ang lalamunan ko.

"Not only to me. Pati sa iba naming tropa, nagtangka rin daw siyang mangutang. Ano naman ipapautang namin sa kanya? Kundi tambay, mga nag-aaral lang din kami noon. Mga asa pa kami noon lahat sa magulang."

Napayuko ako dahil iyon ang panahong nagsasama na kami ni Miko. Hindi ko alam na ginawa niyang mangutang sa kanyang mga kaibigan at kakilala.

"Ipinakiusap na lang siya ni Bimbo sa tiyuhin niya na mabigyan ng sideline sa ginagawang bahay nito sa may Biclatan. Dalawang araw siya roong tagahalo ng semento. His salary was three hundred per day. Naka-extra din siya sa isa pang tropa, kina Hugo. Nagpintura siya ng gate sa bahay nito doon din sa Buenavista. Naabutan siya roon ng isang libo."

"Iyong... pagiging drummer niya sa restobar sa Biclatan," mahinang sabi ko. "Mahigit dalawang buwan siya roon di ba?"

"Sino may sabi?" Maiksi na tumawa si Francis. "Tatlong beses lang siyang nag-drummer doon. May drummer na roon e, nagbakasyon lang saglit, kaya sibak agad siya."

"Pero madalas siya roon. Sinasabi niya, nasa restobar siya..."

"Oo nga. Janitor."

I bit my lower lip.

"Noong una, gusto siyang sesantihin agad. Hindi naman kasi siya marunong humawak ng mop." Natawa muli si Francis. "Alam lang niyon hawakan ang mop kapag ihahampas niya pag merong kaaway, e."

"Pero hindi siya sinesante?"

"He begged the owner. Sabi niya, pag-aaralan niyang maglinis. Kahit daw bawasan sahod niya, okay lang. Wag lang siyang alisin. Hindi siya inalis, kasi masipag naman. Bet na bet pa siya ng mga babaeng customer. Guwapings e."

Nag-swing ulit si Francis.

"Miko also sang there a few times. Kaso, doon na siya nasimulang pag-initan ng tunay na vocalista roon. Nainis kasi mas marami pang nagre-request sa kanya. Dumagdag pa na nagkagusto sa kanya iyong GF niyon."

Napangiti ako nang mapait. So iyon pala talaga ang dahilan kaya natanggal na siya roon nang tuluyan.

"Hinamon pa siya ng suntukan. Hindi umaatras iyong gagong iyon sa ganoon. Pero, Zandra, sa unang pagkakataon, nag-pass siya. Nagpakumbaba na lang kahit wala siyang kasalanan. Kasi ayaw niyang umuwi sa 'yo na may bangas ang mukha niya."

Hindi na ako makapagsalita.

"Zandra, nagba-basketball ako noon doon sa baranggay namin. Natulungan ko naman siyang maipasok na scorer sa liga. 150 ang sahod per game, pero okay na raw iyon. Pagkatapos, nakakuha rin siya roon ng sideline na dance instructor ng zumba. Gustong-gusto siya ng mga nanay at lola. Magaling daw makisama."

Napasinghot na ako. Umiiyak na kasi ako.

Tumayo si Francis at nag-squat paupo sa harapan ko. "Zandra..." Nang mag-angat ako sa kanya ng paningin ay nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. "Hindi kita maaagaw sa kanya, di ba?"

Umiiyak akong umiling. "S-sorry, Francis..."

"Why are you apologizing?" Masuyo na ngumiti siya sa akin. "Hindi mo naman ako pinaasa kahit kailan. Matigas lang talaga bungo ko, kaya kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan."

"S-sorry..." hikbi ko.

Ginulo niya ang buhok ko at inayos ang suot na puffer jacket. "Alis na, Zandra."

"Ha?"

May inginuso siya. Paglingon ko ay namilog ang aking mga mata dahil sa ibaba ng condo building ay naroon sina Mommy at Daddy. They were putting luggage in the trunk of Kuya Zed's car.

Napatakbo ako papunta roon. "Daddy, ano po ito?!"

Si Kuya Zed na kalalabas lang sa condo ay karga-karga ang nakabihis na si Baby Mateo. Naka-baby pupper jacket na makapal ang anak ko. Inabot ito sa akin ng kuya ko.

Takang-taka at gulat na gulat pa rin ako. "Kuya, ano ito?"

Kuya Zed smiled at me. "Pinalinis daw ng mama mo ang bahay niyo sa kapitbahay, kaya wala kayong aalalahanin pagbalik doon."

Pagbaling ko kay Mommy ay ngayon ko napansing bihis na bihis din siya. May ipinakita siya sa aking tatlong ticket at iyong passport namin. "Uuwi na tayo ng Pilipinas, Zandra. Hindi ko na kaya ang lamig dito sa Canada."

Napahikbi ako. "Mommy, akala ko ba ayaw mo sa Pilipinas kasi mainit, maraming tsismosa, at corrupt ang mga politiko?!"

"Okay na ako sa mainit, naka-aircon naman tayo. Saka iyong mga tsismosa, ewan ko ba kung bakit biglang na-miss ko sila. Siguro, dahil walang nakakalat na tsismosa sa mga kalsada rito sa Canada. At iyong tungkol sa mga corrupt, aba'y hindi naman ako sa kanila aasa ng kakainin ko, kundi sa daddy mo!"

"Mommy, akala ko ba gusto mong maging sosyal kaya gusto mong maging Canadian citizen?"

"Na-realize ko lang na mas sosyal pala kapag naghihintay lang ng remittance buwan-buwan, kaysa iyong nagpapakapagod ako rito sa Canada." Pagkuwan ay inagaw na sa akin ni Mommy si Baby Mateo, at nauna na silang pumasok sa sasakyan.

"Anak..." Si Daddy. "Wag mo nang pagpapansinin iyong mommy mo. Alam naman natin ang totoo kaya gusto niyang umuwi na kayo. Pareho kami, ayaw naming nahihirapan ang nag-iisang prinsesa namin."

Napaiyak na ako. Natatawa naman na niyakap ako ni Daddy. "Nakakainis kayo, Daddy! Nakakainis kayo pareho ni Mommy!"

Iyak ako nang iyak. Si Daddy na tatawa-tawa lang kanina ay naiyak na rin tuloy. Tapos nasilip ko si Mommy sa loob na nagpupunas na rin ng luha. Umiiyak na rin pala.

Nang bitiwan ako ni Daddy ay sumunod akong yumakap kay Kuya Zed. "Kuya, sorry... Napagastos ka pa sa amin ni Mommy... Ang ligalig namin... Sorry..."

Natawa si Kuya Zed. "Tahan na, bunso. Okay lang iyon kay kuya. At least, kahit saglit ay nakasama kita. Namin ng hipag at pamangkin mo rito. Sulit na rin iyon. Sulit na sulit na at hindi iyon matutumbasan ng pera."

Hinalikan ako ni Daddy sa ulo. "Sige na, umalis na kayo ng mommy mo. Mag-iingat kayo roon, ha? Ang apo ko, ingatan niyo. Mag-video call tayo palagi. Padalhan niyo rin ako lagi ng mga picture niyo!"

Hinarap ko na huli si Francis. Nakatayo lang siya at nakatingin sa akin. Kaya pala siya pumunta agad dito. Alam niya na. Malamang si Mommy ang nagsabi, dahil nakita ko na lang na mutual friends ko na sila sa FB.

Nginitian niya ako. "Sige na, Zandra, maiiwan ka na ng eroplano."

Kahit umiiyak ay napangiti na rin ako. "Sana makakilala ka ng Canadian citizen."

Mahina siyang natawa. "Bye, Zandra."

Niyakap ko rin siya. "Bye, Francis... Thank you..." Sa gabi-gabing pagsundo at paghahatid, at pag-aalala sa akin. Sa paghihintay nang walang kasiguraduhan...

Nang maghiwalay kami ay hindi na siya sa akin makatingin. Sinilip na lang niya si Baby Mateo sa backseat ng sasakyan.

"Bye to you too, little man. I'm rooting a happy and complete family for you. Lumaki ka sanang mabait at magalang sa magulang. Pero kapag nagpasaway ang papa mo, pakiupakan."

Matapos ang paalamanan ay sumakay na rin ako. Nasa airport na kami pero hindi pa rin ako makapaniwala.

Talagang uuwi na kami ng Pilipinas. Uuwi na ako... Uuwi na ako at makikita ko na ulit si Miko!

KISS BAR.

Umaga kami nakarating nina Mommy at Baby Mateo ng Pilipinas. Umidlip lang ako ng mga apat na oras, pagkatapos ay dumeretso na ako rito agad. Sa kabilang kanto lang pala ito rito ng Brgy. Pinagtipunan.

Nakatingala ako sa bagong karatula ng restobar sa aking harapan. Renovated na at moderno na ang itsura. The paint was pink and purple. The walls were all glass and there were graffiti stickers. Maliit lang ang lugar pero papalag na sa ibang mga bagong bukas na bar chain.

Hapon pa lang pero may mga kabataang customer na sa loob. Mga naka-uniform pa ang iba. Puno ng pananabik ang dibdib na itinulak ko ang pinto at pumasok ako sa loob. Wow, ang lamig. Naka-aircon na.

Sumalubong sa akin ang mahinang tugtog sa speaker. It's her hair and her eyes today, that just simply take me away...

I looked around the place. Hindi na sira-sira ang kisame. Maganda na at merong mga chandelier na dagdag sa makabagong aesthetic vibes. Iyong Instagrammable na patok sa mga kabataan.

♫  And the feeling that I'm falling further in love, makes me shiver but in a good way...

All the times I have sat and stared, as she thoughtfully thumbs through her hair...

Bago na rin ang mga mesa at upuan. Halatang pinagkagastusan ang dating luma at wala na usong mga kagamitan ng restobar. Even the small stage had new musical equipment. Hindi na nanlilimahid na drumset at mga gitara.

I sat at a two-person table while looking around. Bawat galaw ng aking mga mata ay napupuno ng tuwa ang puso ko. Bago na nga ang mga gamit, pero hindi bago iyong pakiramdam. It was nostalgic, to say the least.

'Cause I love her with all that I am...

And my voice shakes along with my hands...

'Cause she's all that I see and she's all that I need...

And I'm out of my league once again...

May lumapit sa aking waiter. Mukhang working student kasi bata pa. "Ma'am, ito po iyong menu."

I looked at the menu. Mga bago na rin. Mga nauusong pagkain ngayon. Pati design ay ang uso ngayon. Aesthetic.

Ang menu: 'Fries Before Guys' were French fries, 'Buns and Guns' were burgers, and 'Friendchip Goals' were nachos. Sa drinks naman pag milk tea: 'Teaka Lang' at pag alcoholic ang drinks na o-order-in ay 'Beer in On!'

May heavy meals din. 'Pakalog' was pandesal, kanin, at itlog. 'Kalog' was kanin at itlog. 'Emily in Pares' was beef pares. And 'Tang Inasal' was chicken inasal.

Meron din sa menu na "Ikaw na bahala", iyon ay isang set ng burger, fries, at milk tea. Sigurado na talaga ako kung sino ang may ari ng bar na ito. At kung sino-sino ang katulong niya sa pag-iisip ng pangalan sa menu.

Anyway, gutom na ako kaya Fries Before Guys at Teaka Lang na oreo flavor ang in-order ko. Wala akong dalang pambayad pero bahala na. Baka maghugas na lang ako rito ng plato.

Pagkaubos ko sa pagkain ay aking tinawag ang waiter tutal wala naman nang masyadong customer. Lumapit ito agad sa akin. "Yes po, ma'am?"

"Hi. Magrereklamo sana kasi ako. Hindi masarap iyong food. Can you call your manager, please?"

Nagulat ito. "Po? Pero ma'am, masarap naman po iyong food. Naubos niyo nga po." Sabay tingin nito sa mesa ko.

Napangiwi ako. "Basta, gusto ko pa rin magreklamo. Please, call your manager. ASAP."

Napakamot na ito ng ulo. "Busy po si boss sa pag-i-inventory, e."

"Uunahin niya pa ba iyon kaysa sa hinanaing ng customer?"

Nag-beautiful eyes ako sa binatilyo.

"Sige na, please? Tawagin mo na siya. Sabihin mo, pag di niya ako pinuntahan, magwawala kamo ako rito."

"Sige po, tawagin ko na po si boss." Kakamot-kamot ito ng ulo na pumasok sa maliit na opisina sa likod ng stage.

Ang tagal nitong bumalik kaya naisipan ko nang sumunod.

Sumilip ako sa maliit na opisina. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na tumayo mula sa upuan. He was wearing a black shirt and jeans. Something fluttered inside my chest when I caught a glimpse of his frowning face.

"ANAK NG TETENG, SINO BA IYANG CUSTOMER NA IYAN? BAKA WALA LANG SIYANG TASTE KAYA DI SIYA NASARAPAN!"

Hindi na ako nakatiis. I opened the door wide. "Do I really have no taste?"

Napatingin siya sa akin at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya. "Shuta..."

"What should I do?" nakalabi kong sabi. "E sa hindi nga masarap iyong food. I want a refund."

Si Miko ay biglang napasubsob sa desk niya. His broad shoulders shuddered while he was cursing softly. "Tangina, putangina, nag-mouthwash ba ako kanina?"

"Ano ba? Nasaan na iyong refund ko?" sabi ko na garalgal na ang boses at naiiyak na. "Hindi talaga masarap...!"

Iyong binatilyong waiter naman ay hindi na malaman ang gagawin. Palipat-lipat ang nagtatakang tingin nito sa amin. "Ma'am, bakit kayo umiiyak?"

Nagpapadyak na ako. "Kasi nga hindi masarap!"

Nag-angat na si Miko ng mukha. Pulang-pula siya, lalo ang dulo ng matangos niyang ilong, at namamasa ang dulo ng mahahaba niyang pilikmata.

Napalingon naman ang binatilyong waiter sa kanya. "Boss, naiyak din kayo?!"

Suminghot siya. "Kasi di raw ako masarap—este iyong menu!"

"'Toy, lumabas ka muna o," humihikbi kong utos sa waiter. "Magrereklamo lang ako sa boss mo."

Itinaas ni Miko ang kamay papunta sa pinto pagkatapos magpunas ng luha. "Sige na, atab, labas muna. Tatanggapin ko lang muna ang reklamo ng customer natin."

"P-pero boss..."

"Sige na, labas na sabi," taboy rito ni Miko. "Ano ba? Di mo ba alam iyong kasabihang the customer is always right?"

"E Boss, sigaw na lang kayo pag kailangan niyo ng tulong!"

"Hindi ko kailangan ng tulong! Kaya ko ito mag-isa!"

Lumabas na nga lang ang binatilyo na kakamot-kamot  pa rin ng ulo. May pahabol pa rito si Miko, "Ikaw na bahala riyan! Parating naman na iyong makakasama mo! Bawal ako ritong maistorbo! Ang kakatok dito, may kaltas sa suweldo!"

Paglabas ng binatilyo ay isinara ko na ang pinto. Ini-lock ko na rin. Hindi pa ako nakakalingon gaano kay Miko nang inilang hakbang niya ang pagitan namin para yakapin ako.

Humihikbi na siya. Ang laking tao, ang guwapong lalaki, pero humikhikbi. "Hoy, bakit ka nandito, ha? Di ba nasa Canada ka?!"

Napahikbi rin ako. "Bawal ba? Ban ba ako rito, ha?!"

Umiling siya. Napangiti naman ako kasi iiyak na naman siya.

Inabot ko ang makinis na pisngi niya na basa ng luha. "Bakit ka ba umiiyak? Hindi ka na astig pag ganyan, sige ka..."

Lumabi siya. "Matagal naman na akong hindi astig."

Naiiyak ako na ngumiti. "Paano mo pala nabili itong bar?"

"My real mother passed away. Ako ang sole beneficiary niya sa insurance at sa hulugang bahay na kinuha. Nakakadalawang hulog pa lang siya, pero naka-MRI sa PAG-IBIG iyong bahay, kaya matik fully paid noong namatay siya. Ibinenta ko ang bahay ng 3M lang para mabili agad. Bale, limang milyon lahat ang na-take home ko, sama-sama na private insurance at SSS."

Sa dami ng sinabi ni Miko, doon ako na-focus sa tunay na nanay. Na-gets naman agad niya iyon.

"My real mother was Mommy Mitchy's ex. They separated because my real mother cheated and got pregnant. Bumalik lang noong buntis na at wala nang mapupuntahan, dahil itinakwil na sa kanila. Pinatawad at tinanggap ulit ni Mommy. Pero noong nanganak na, iniwan ulit si Mommy. Pati ako, iniwan."

Natutop ko ang aking bibig. Kung ganoon, kaya ganoon na lang ang trato sa akin ng mommy niya noon? Kaya pakiramdam ko, hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng babae ay galit ito?

"Mabait naman si Mommy. Sa kabila ng ginawa ng tunay kong nanay sa kanya, pinalaki niya pa rin ako, pinag-aral, at itinuring na tunay na anak niya. Hindi na rin siya nakipagrelasyon pa ulit sa iba, kasi ibinuhos niya na ang sarili sa pagtatrabaho para buhayin ako. Kaya sorry kung ang tagal ko tuloy nakatunog na pinahihirapan ka  na pala niya."

Naiintindihan ko naman iyon. Tita Mitchy's treatment of me back then was unjustifiable, but she was only human. She was hurt. Plus, she was scared I would take Miko away from her. Pero hindi ko sinasabing limot ko na ang pagmamalupit nito.

Malayo pa siguro akong makalimot at makapagpatawad nang buo, pero hindi naman nakasarado ang pinto ko. Sa huli, ito pa rin naman kasi ang kinilalang ina ni Miko.

"Bakit pala hindi na bumalik ang tunay na nanay mo?" tanong ko kay Miko habang nakayakap ako sa bewang niya.

"Sumama sa ibang lalaki. Mas gusto niyang alagaan iyong mga anak ng lalaking sinamahan niya. Kaya nga nagtaka ako bakit ako ang beneficiary na inilagay niya. Maybe she felt guilty  in the end."

Even though Miko was smiling, I could see in his eyes that he was still hurting. Kahit ano pa man kasi ang mangyari, iyon ang tunay niyang ina.

"Mga ilang beses pang nagpalit ng kinakasama ang nanay ko, pero hindi na nagkaanak pa bukod sa akin. Her parents disowned her because she was a rebel, but after she died, they claimed her body. Saka lang din ako hinanap ng mga magulang niya. Saka lang din sila nagkaroon ng pake sa akin."

Iyon ang lolo ni Miko na naghahanap sa kanya noong nasa Buenavista kami nakatira. He avoided the old man because he didn't want to have any connection with his real mother's family. Nasa Singapore na siya nang magkausap sila. Tinawagan siya dahil nakuha ang number niya kay Asher.

Hindi naman na raw nakihati ang pamilya ng tunay niyang ina sa insurance. Simple lang naman daw ang pamumuhay ng mga ito. At siguro, bilang konsensiya na lang din na pinabayaan nila si Miko kaya hindi na talaga sila humati pa.

Hinaplos ko ang pisngi ni Miko. "Nakatapos ka ba ng pag-aaral?"

Umiling siya at yumuko sa mga palad ko. "Pagkatapos kong umuwi sa Bacao kasama si Mommy, umalis din agad ako."

"Hindi ka talaga umuwi para sumama sa mommy mo, di ba? Sinabi mo lang iyon para isipin ko na magiging okay ang kalagayan mo. Pero ang totoo, sumama ka lang sa kanya kasi nalaman mong patay na si Lola Mameng, at huling lamay na nito nang araw na iyon."

"Sorry, hindi ko kayang tiisin si Lola e. Mahal ko iyon. Iyon ang nag-alaga sa akin mula bata ako habang nagtatrabaho si Mommy. Tatlong araw na pala siyang patay, at noong nanganak ka ay saka ko pa lang nalaman. Mabaliw-baliw ako kung ano ang uunahin ko."

"Maiintindihan ko naman kung sinabi mo noon sa akin. Syempre, lola mo iyon. Huling beses mo na lang makakasama. Huling pagkakataon mo na lang na makikita."

Tumango siya. "Pagkalibing, umalis agad ako sa poder ni Mommy. Nagpunta ako ng Maynila. Nagtrabaho ako sa fastfood..."

Napahikbi ako. "Kaya pala pulido at disiplinado ka nang kumilos."

"Ilang buwan lang, nag-Singapore na ako. Tinulungan ako ng isang tropa na doon nakadestino. Pinautang din ako ng pang-alis. Fastfood din ang trabaho. Kulang nga lang ang suweldo kasi umuupa pa ako ng kuwarto. Suwerte naman dahil nakakuha ako ng sideline. Caretaker."

Hikbi na ako nang hikbi. "Hindi ka bumalik sa pagiging college boy. Hindi ka totoong nagsasaya lang sa Manila. Hindi ka rin nag-turista lang sa Singapore. Hindi ka roon nagliwaliw lang. Pagod ka. Pagod na pagod ka..."

Niyakap niya ako at sumubsob sa balikat ko. "Hindi ko naman naramdaman iyong pagod e, ang importante, nakakapagpadala ako. Kasi iyon lang kaya kong iambag sa 'yo..."

Humiwalay ako sa kanya at tiningala siya. "Bakit mo binili itong bar?"

Kahit may luha ay ngumisi siya. "Para libre na alak pag nauhaw—"

Sinuntok ko siya sa sikmura. Napaubo siya pero nakangiti pa rin.

"Nagalit ako sa 'yo, Miko. I hated you so much."

"Deserve ko iyon."

Umiling ako. "I hated you... but even in the days that I hated you, there was never a time that I stopped loving you."

Ang mga mata niya na naniningkit sa pagngiti ay muling nanlaki.

"Miko, I told myself that I only needed time and space. That I would soon forget about you, forget all the pain you caused me, and I would soon be okay. But, no matter how much time passed, I was still not okay. Then I realized  that I was only fooling myself."

Sa loob ng isang taon mahigit, galit pa rin ako. Kaya pala ako galit, kasi may nararamdaman pa rin pala ako. Nanghihinayang pa rin. Nalulungkot pa rin. Umaasa pa rin. Kasi maliban sa pagtalikod ni Miko sa akin, wala naman na akong naaalalang masamang ginawa niya sa akin.

Meron siyang mga mali, meron siyang mga pagkukulang, at siya mismo ay hindi perpekto, pero nakita ko kasi kung paano siya bumawi.

I witnessed Miko giving his everything, even if it was not enough. I saw that he tried his best. And I saw how he loved me in the way he knew how.

Kahit madalas palpak, nakita ko kung paano niya pinag-aralan ang mga bagay-bagay para matulungan ako sa gawaing bahay. Hindi kami mayaman pero hindi siya nakalimot pagsilbihan ako, na ipakita sa akin na nagsisikap siya, at ipaalala sa akin na hindi kami hanggang doon lang.

"Miko, I haven't said my answer to your confession yet, have I? Huli na ba ako?"

Napahilamos siya ng palad sa mukha dahil basang-basa na siya ng luha. Nanginginig ang mga labi niya nang umiling sa akin. "H-hindi ka pa late. Puwede ka pang humabol."

Napangiti ako habang umiiyak din. "Then listen carefully, Michael Jonas Pangilinan." Sinalubong ko ang luhaang mga mata niya. "I love you. I love you so much. I love you then. I love you still. I'm so down in love with you—"

Hindi na siya nakatiis. I didn't finish what I was saying when he grabbed me. I just closed my eyes when he claimed my lips.

Mariin, mapusok, puno ng pananabik. Ginanti ko habang nakayapos ako sa kanya. Ang mga kamay namin ay naging malikot sa katawan ng isa't isa.

Pababa na siya sa leeg ko nang bigla siyang maalala. "Oy, teka! Iyong anak natin, nasaan pala?"

Nag-iinit man ay natawa ako. Hindi niya talaga nakakalimutan ang baby namin. "Nakay Mommy. Iniwan ko sila sa bahay. Mamaya, puntahan natin."

"Okay." Then he kissed me again. Until all of our clothes fell to the floor of his mini office.

Hindi na ako tumanggi, kasi naiisip ko rin ito kapag nilalamig ako noon sa Canada. Siguro ngayon ay sapat na ito. Enough to tell him how loud my heart was screaming his name.

qsjw/

We finished, panting and staring at each other lovingly. Bumaba lang siya dahil pinahanap ko sa kanya kung saan lupalop napunta ang aking underwear na basta na lang niya inihagis kanina.

Sinilip ko siya habang naghahanap siya sa sahig. "Michael Jonas Pangilinan, the former bad boy I knew, who is actually a good person, and a good father, can you also be my good husband?"

Kandasubsob siya. Tumama pa ang noo niya sa kanto ng lamesa nang bigla siyang tumayo. "Weh ba?"

Bumungisngis ako. "Saan ba puwedeng mag-rate? I'm taking back my bad review. Hindi pala totoong hindi masarap ang menu."

Nakangisi siyang gumapang paakyat sa akin. "Eh ano na pala?"

Yumapos ako sa leeg niya. "Five stars. The ambiance is stunning, gorgeous, so Instagram-worthy, and the service was great."

Enjoy naman ang loko sa review ko. "Ano pa? Given na iyong stunning at gorgeous talaga. Lagi pang mabango. Bale, saan na lang iyong mas nasarapan ka?"

"Hmn..." Kunwari akong nag-isip. "I can't tell. But I ate so much and I still want more. The taste, texture, and smell, all chef kiss! I will surely come again and again." Hinila ko siya sa kuwelyo. "But no, I will not recommend!"

"Noted, ma'am. I will specialize the menu, exclusively for you." And Miko's warm lips touched mine again.

Oh, nakita niya na nga pala ang panty ko. Imbes nga lang na isuot sa akin ay ibinulsa niya ito. Meaning, mamaya pa kami lalabas dito!

Susulitin namin itong aesthetic niyang office. Tungkol naman sa CCTV footage, baka i-review rin muna namin mamaya bago buharin.

>> Up next, is the Epilogue.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz