Chapter 60
"KAILAN PA?"
Miko slowly turned to face me. There was no anger in his eyes, but there was an unmistakable pain in his expression.
Nang makabawi sa pagkabigla ay mabilis akong pumasok at isinara ang laptop. "Bakit ka ba nakikialam ng gamit na hindi naman sa 'yo?!"
"Kukunin ko lang sana iyong trashbin sa ilalim ng reading table mo para ibaba iyong basura, and I just happened to glance at your laptop because it was open. Mali ko kasi na-curious ako sa subject ng email, kaya ko binuksan."
"Alam mo palang mali mo. Kahit gaano ka ka-curious, hindi mo dapat pakialaman ang di mo naman gamit!"
"I'm sorry." Tuwid siya sa aking nakatingin. "Pero iyong tanong ko, kailan mo pa plinano na umalis kasama si baby?"
Nag-iwas ako ng mata. "Wala ka pa rito, planado na ito. Nag-apply na ako pasunod sa Canada. You see, there's already a date."
"You didn't mention it to me."
Bumalik ang tingin ko sa kanya. "Kailangan ba sabihin pag aalis? Ayoko na rito, e. Ang hirap. Kaya nag-desisyon ako, na umalis na."
Miko was unable to speak and could only tense his jaw.
"Pag mahirap na ang sitwasyon, ang pinakamadaling gawin ay takasan ito, di ba? Iyon bang bigla-bigla, walang pasabi, at mangugulat na lang, para talagang sigurado. The life hacks I got from someone I was so grateful to."
Napayuko siya.
"Hindi mo pa nga dapat malaman, e. Bakit ka kasi nakikialam ng gamit ko?"
Nag-angat siya ng mukha. "Dalawang buwan pa naman iyon, di ba?"
"What?"
"I still have two months."
Napanganga ako.
Maliit siyang ngumiti habang sa mga mata ay naroon ang lambong. "Ibababa ko na iyong basura. Ibabalik ko na lang dito bukas ang trashbin mo."
Nang tumalikod na siya ay tinawag ko siya. "Miko!"
He stopped, but he didn't look at me. He didn't even answer me.
"Miko, just to make things clear, in two months, aalis kami ni baby. Planado na. Pupunta na kami ng Canada. Once we're there, my half-brother will help with everything: technicalities, money, and a place to stay. The goal is for our family to live there for good."
Matagal siyang tahimik. Nang magsalita ay mababa ang boses. "Ibabalik ko na lang itong trashbin mo bukas. Good night, Zandra." After saying that, he walked out of my room without looking back.
NGAYON LANG HINDI KINUHA NI MIKO SI MATEO.
O baka maaga lang talaga akong nagising? Bumangon ako na katabi ko pa ang isang taong gulang na bata. Nakadapa ito habang halos mapisa na ang kaliwang matambok na pisngi dahil sa pagkakasubsob sa kama.
Nagising ang bata kaninang 3:00 ng madaling araw. Nag-iiyak na lang bigla. I thought he was feeling unwell, but it didn't seem like it. Habang pinadedede ko ito ay nakabaling ang mukha nito sa pinto. Ang mga mata ay may bakas pa ng luha na nakatingin doon. Weird, it seemed as if my baby was upset about something, or someone else was sad, and he empathized with that person.
Tutal nakadede naman ito kani-kanina lang ay di ko na muna ginising. Hinarangan ko muna at tinapatan ng baby camera, bago ako lumabas ng kuwarto. On the stairs, I saw that Miko was no longer on the couch. Gising na siya. Pero wala siya sa sala. Nasaan siya?
Akala ko pa naman ay tinanghali siya ng gising, pero sa linis ng sala ay parang kanina pa siya nakapaglinis. Bumaba ako pero wala talaga siya, at talagang napakalinis dito. Ultimo pinto ay parang ini-scrub dahil ang kintab. Anong oras siya nagising para magawa lahat ng ito? Or did he even sleep?!
Nakarinig ako ng kalabog sa kusina. I found him there. Naka-shirt na white na may patong na purple kitchen apron, jersey shorts, at house slippers. Naka-gloves din siya habang pawisan sa pag-aayos ng tubo ng lababo.
Matagal nang may sira ang tubo sa lababo, palaging pinapaayos pero bumabalik din ang sira pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong buwan. Kakakayos lang ng tubero niyon noong nakaraan, kaya di pa naman ulit nasisira, pero bakit inaayos niya na?
Tumayo siya. "Kung sino man ang nag-aayos nitong tubo sa lababo niyo, mukhang ginagawa kayong money on time deposit. Siguro alam na pareho kayong babae na nakatira dito at walang alam sa ganito, kaya di niya talaga inaayos ang tubo. Iniiwan niya lang na may abang, para kakailanganin niyo siya ulit pagkatapos lang ng ilang buwan."
Dinampot niya na ang mga ginamit na pang-ayos. Napanganga na lang ako nang lampasan niya ako. Anong pag-iinarte ito?!
Pagkabalik sa mga lalagyan ay tahimik na nag-mop siya ng sahig. Nakamasid lang ako sa kanya. Walang kahit anong mababasa sa mukha niya, basta saktong kalmado lang siya. As in kalmado lang. Parang walang nalaman. Parang walang nangyari kagabi!
Pagka-mop, tumunog ang maliit naming oven. May bini-bake pala siya. Kumuha siya ng pot holder at kinuha ang tray sa loob. Gumawa pala siya ng carrot cookies na malamang ay para kay Baby Mateo.
"Nagluto rin ako ng champorado, nasa kaldero. Kumain ka muna bago ka pumasok sa ospital."
Nakarinig kami ng iyak mula sa hawak kong maliit na LCD screen for the baby camera na aking iniwan sa itaas. Gising na si Baby Mateo.
Pupuntahan ko na sana nang si Miko ay naglakad palampas sa akin. "Ako na. Maghanda ka na lang pagligo dahil baka ma-late ka sa trabaho. Ipinag-init na kita ng tubig. Nasa timba na sa banyo."
Fine, whatever! E di maliligo na nga ako. Bakit ba parang ako pa iyong apektado?!
Naligo na nga ako. Nang lumabas ako ng banyo ay pinapakain na ni Miko ang bata sa high chair. Nagdudungis na naman ito, pero wala lang sa kanya. Nakatingin lang siya rito habang malamlam ang mga mata niya.
Parang may bumara sa aking lalamunan kaya inalis ko ang tingin sa kanila at ibinato iyon sa ibang direksyon.
Nakita niya ako. "Gusto mo nang kumain? Ipaghahanda kita."
"Ayoko. Wala akong gana," masungit na sabi ko. Iniwan ko na sila at nagbihis na ako sa kuwarto.
Nasa sala na sila pagbaba ko. Pinapanood niya si Baby Mateo ng TV habang nakaupo ito sa sofa. Siya naman ay naka-Indian sit sa sahig at nagsa-sanitize ng mga laruan na nasa basket. Pinupunasan niya isa-isa gamit ang dry tissue matapos spray-han ng alcohol.
Nilapitan ko si Baby Mateo at kinarga. "Papasok na si Mama sa work, pakabait ka rito, ha?"
Matapos kong paghahalikan ang bata sa pisngi ay ibinaba ko na ulit ito sa sofa. Tahimik na nanood ulit ito ng ABC cartoons habang nagngangatngat ng daliri sa paa.
"Aalis na ako. Ikaw na ang bahala kay baby at dito sa bahay. Wag kang mag-alala, tutal masipag ka, dadagdagan ko ang suweldo mo sa susunod."
Hindi pa rin siya sa akin tumitingin nang patag ang boses na magsalita. "Thanks."
Napalabi ako pero hindi na kumibo. Tinungo ko na ang pinto at ini-lock sa aking paglabas. Nang nasa jeep na pa-Tejero ay bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib, at hindi ko alam kung bakit.
I DIDN'T WANT TO DWELL ON UNIMPORTANT THINGS. My work required my undivided attention; in addition to being paid, being a competent nurse was my sworn obligation, so I had to focus on that.
I was now in the public ward. Habang pinapalitan ng suwero ang nasa late sixties na babaeng dinala rito kanina ay nagsalita ito, "Ineng, alam mo bang namumukhaan kita?"
"Ho?"
"Ay, tama! Kilala nga kita! Sigurado ako na ikaw iyon!"
"Tagasaan ho ba kayo?" I asked, because she wasn't familiar to me.
"Taga Biclatan!"
Napagkamalan lang yata ako nito. Mabait ako ritong ngumiti. "'Nay, hindi ho yata ako ang tinutukoy niyo. Matagal na akong taga GenTri, pero hindi pa ho ako nagagawi sa Biclatan."
"Nakow, ano bang sinasabi mo?" Pabiro ako nitong hinampas sa braso. "Alam mo ako, ineng, matanda na pero matalas pa ang memorya. Lalo na hindi ako nakakalimot sa mga mabubuting tao na nakakasalamuha ko." Matapos kong lagyan ng suwero ay iiwan ko na sana, pero pinigilan ako nito. "Zandra di ba ang pangalan mo?"
Napatigil ako. "Paano niyo ho..."
"Halos linggo-linggo sa court namin sa Biclatan, tuwing matatapos ang zumba session naming mag-aamiga, abay lagi ka naming pinag-uusapan."
Lalo akong naguluhan.
"Sa sobrang curious namin kung gaano ka ba kaganda ay talagang hinanap ka namin sa social media. Aba'y maganda ka nga pala talaga. Hindi naman pala sinungaling si Soyti."
"Sino ho?"
"Si Soyti, tawag namin doon sa poging tisoy na madalas mag-substitute dance instructor namin sa zumba. May mga bata-bata pa kasing nagsu-zumba na lantaran ang panghaharot sa kanya, kaya ayun, palagi kang bukangbibig. Kesyo may asawa na raw siya at napakaganda raw ng asawa niya."
I didn't know about this. Hindi nabanggit ni minsan sa akin noon ni Miko na nag-instructor din siya ng zumba. Ang alam ko lang ay pagda-drummer lang sa isang restobar ng kaibigan niya ang pinupunta niya ng Biclatan noon.
"Kabait ng asawa mo. Ang galing pang sumayaw. Graceful kahit may angas ang galaw. Tapos ay suwabe naman kapag pitik-pitik lang. Saka ang dami niyang alam na tugtog na talagang napapaindak kami. Tanda ko pa nga, iyong 'Yeah', 'Low', 'Smack That', at 'Bartender'!"
Magaling naman talaga sumayaw si Miko kahit kapag nakikita ko siya noon na ginagago lang ang mga mandatory P.E. dance nila, may pitik sa bawat galaw niya.
"Alam mo sa tuwa namin sa kanya, minsan ay dinadagdagan namin ng tagbebente ang kontribusyon sa bayad sa zumba. Tag-fifty pesos lang kasi talaga ang ambagan, e minsan ay nasa thirty piraso lang kami na magsu-zumba, kaya one thousand five hundred lang ang total na naiipon niya."
Nagkuwento pa si Nanay.
"Sa one thousand five hundred pa ay binabawas ang two hundred na upa sa court para sa kuryente. Tapos may cut pa na five hundred iyong zumba organization na nag-refer sa asawa mo. Madalas tuloy ay nasa eight hundred na lang ang kita niya. Nakikita namin siyang malungkot, kaya tinanong namin. Noong una ay ayaw pa magsabi.
Pinilit pa namin, kaya namin napakuwento. Buntis daw pala ang asawa niya. Nag-iipon daw siya para sa panganganak, pero nagagalaw rin sa budget ang ipon. Kaya todo kayod siya. Pagkatapos niya raw mag-sideline sa gabi bilang drummer, iyon nga ay suma-sideline siya sa umaga na zumba instructor. Natutuwa kami sa kanya kasi masipag siya at magalang na bata."
Napangiti si Nanay. "Binibigyan namin siya minsan ng tip, tagbebente kami, tapos ay niyayaya namin sa McDo pagkatapos ng zumba. Aba e dinadaan lang kamo kami sa kuwento. Namamalayan na lang namin na di naman niya pala kinakain ang inililibre namin na almusal sa kanya. Kahit mukhang gutom siya, inuuwi niya iyong parte niya."
Naalala ko ang mga tatlong beses na nauwian ako ni Miko ng McDo egg burger, nuggets, at minsan ay pancake pa. Ang sabi niya noon sa akin, pakain daw iyon sa restobar tuwing madaling araw. Ang dami raw lagi ng pagkain, kaya palaging busog siya, tapos o-order pa raw ang amo nila roon para ipauwi sa kanila.
Marami pang kuwento si Nanay na Auring Custodio pala ang pangalan. Miss na raw nilang mag-a-amiga si Miko. Para na raw kasi nila itong apo. Ngiti lang naman ang sagot ko.
Hanggang matapos ang shift ko ay hindi na natuloy ang aking plano na mag-focus sa trabaho nang one hundred percent. Nakokonsensiya tuloy ako, kaya nag-OT na lang ako ng isang oras na di bayad.
ANG DAMING HINDI SINASABI SA AKIN NI MIKO.
Ayoko ng ganitong pakiramdam na meron akong hindi alam. Nakalipas naman na iyon o kasalukuyan, kung may kinalaman sa akin, ay deserve ko iyong malaman. Gusto kong makausad nang walang inaalala, kaya dapat malaman ko na lahat bago pa kami umalis ng baby ko pa-Canada,
Pagpasok ko sa sala ay kababa lang ni Miko sa hagdan. He was carrying the LCD screen of the baby camera. Tulog na marahil si Baby Mateo kaya dinala niya na sa kuwarto ko. Expected ko na ito dahil anong oras na akong nakauwi.
Ini-lock ko ang pinto nang mahinahon na magtanong siya. "Gutom ka ba? Gusto mong ipaghain muna kita para makakain ka?"
Lumingap ako sa paligid. Malinis na malinis kahit pa malamang na nagkalat na naman si Baby Mateo ng laruan kanina rito sa sala. Palaging ganito, palaging malinis ang bahay, palaging may nakaabang na masarap na pagkain, at palaging malinis at malusog ang anak ko.
Dapat lang na gawin ni Miko ang lahat ng iyon, dahil all-around ang trabaho niya rito. Hindi man siya sanay sa ganoong gawain, yet he was still doing everything, and he was doing everything right.
Wala siyang reklamo kahit pa parang hindi ko na rin siya binabayaran. Iyong bayad ko kasi sa kanya ay malaki pa iyong sustento niya. Tapos may mga ino-order pa siya rito sa bahay gaya ng ilang groceries, cleaning material, tubo, pako, na ang bayad ay sa sarili niyang bulsa kinukuha.
Despite everything, I was not treating Miko right. I was actually taking advantage of him. Still, he was not complaining, and he wasn't even demanding anything.
Hindi ko maintindihan. Nakilala ko siyang tanga noon, pero sa academics lang naman. Sa buhay ay gago lang siya, pero hindi naman siya bobo. Kaya bakit siya nagpapaka-martir nang ganito?
"Anong ulam?" malamig na tanong ko.
"Ginataang tulingan. Nag-YouTube ako kanina kung paano, kasi sabi mo, iyon ang gusto mo."
"Ayoko na pala niyon."
"Meron din akong ginawang sopas noong meryenda. Gusto mong initin ko?"
"Ayoko rin niyon."
"Anong gusto mo?" malumanay pa ring tanong niya. "Hindi pa naman ako inaantok, puwede pa akong magluto."
Hindi pa inaantok? Pero nakikita ko na namumula na ang mga mata niya. May hinala ako na hindi siya nakatulog agad kagabi, tapos ang aga niya pa kaninang gumising para maglinis ng buong bahay at mag-ayos ng lababo.
"Kung magpapaluto ba ako ng kare-kare ngayon, makakapagluto ka?"
Napamata siya sa akin ng ilang segundo bago tumango. "Kaya naman. Magbihis ka na muna, magluluto na ako."
Nag-shower muna ako. Tinagalan ko. Paglabas ay mabangong-mabango na sa kusina dahil sa niluluto ni Miko. Mabilis lang niyang napalambot ang karne dahil ginamitan niya ng pressure cooker, na siya rin ang bumili sa online. Para daw magamit niya kasi siya ang tagaluto.
Pinuntahan ko si baby sa kuwarto. Mga isang oras yata nang katukin ako ni Miko. Lalong mapupula na ang mga mata niya, hindi lang sa antok kundi pati na rin sa pagod. Sabi niya, luto na raw ang kare-kare.
Kunwari ay na-shock ako. "Oh, tinuloy mo pala? Ayoko na pala kasing kumain, e."
Umawang ang mga labi niya, pero sa huli ay kalmadong ngumiti siya. "Okay lang. Puwede ko namang i-ref mamaya kapag lumamig na. Puwede mong bukas na lang ipainit sa akin kapag gusto mo nang kumain—"
"Ayoko pala bukas ng kare-kare. Ikaw na lang ang kumain. Ang gusto ko na iluto mo sa akin ay chicken curry."
Napakurap-kurap pa siya. "O-okay, sige..."
"Uhm, parang gusto ko pala bukas ng dessert na gelatin. May gulaman, at evap milk pa tayo sa cupboard, di ba? Puwede ka bang gumawa ngayon na mismo? Para malamig na sana bukas paggising ko."
Muling umawang ang mga labi niya. Para siyang biglang nanghina. Pero tipid siyang ngumiti pagkuwan. "Sige, no problem. Gawa ako."
Isinara ko na ang pinto. Nakagat ko ang aking kuko. Gagawa ba talaga si Miko?
Lampas kalahating oras yata akong nagpalakad-lakad sa kuwarto hanggang sa hindi na ako nakatiis. Bumaba ako. He wasn't on the sofa so he was probably in the kitchen. The light there was on.
Pagpasok ko ay nandoon nga siya, humihikab na habang nagsasalin ng liquid gelatin sa mga tupperware. He must have been so sleepy that he didn't notice me right away. He even shook his head to wake himself up.
I knocked on the wall to get his attention. Nang makita ako ay nagulat siya, sa gulat ay natuluan tuloy ang daliri niya ng bagong kulo na gelatin. He groaned in pain.
Lumapit ako. "Hindi mo ako narinig kanina dahil umalis ka agad. 'Sabi ko, wag ka na palang gumawa niyan."
Hinihihipan niya ang daliring napaso nang mapanganga siya at mapatingin sa akin. "Huh?"
"I said, I don't like gelatin anymore."
His jaw tightened.
"Ang gusto ko pala, salad. Meron pa yatang bukas na 24 hours na convenience store sa Malabon. May masasakyan ka pa naman yatang tricycle. May fruit cocktail siguro doon. Tapos, kung wala, deretso ka na ng palengke. Hintayin mong mag-umaga at magbukas ang mga tindahan doon, saka ka mamili."
Hinihintay ko siyang mapuno na, mapikon sa akin, pero iglap lang ay kalmado na muli ang mga mata niya. "Okay, gagawin ko iyan."
Napanganga ako sa kanya.
"May iba ka pa bang gusto?" tanong niya na kalmado.
Napalunok ako. "W-wala na."
Hinubad niya ang suot na apron. "Bibili na ako ng pang-salad mo. Paki-lock na lang ang pinto paglabas ko."
"What the fuck is wrong with you?!" Hindi ko na napigilang sumigaw.
Napahinto siya sa paglabas ng kusina. Nakatalikod siya sa akin.
Dinampot ko ang apron na hinubad niya, at binilot iyon pagkatapos ay ibinato sa kanya. Tumama iyon sa balikat niya. Tahimik lang naman siya.
"You're not a martyr!" sigaw ko. "Gago ka, Miko! Gago ka! Bakit kinakalimutan mong gago ka?!"
Wala pa rin siyang imik at nananatiling nakatalikod.
"Dapat gago ka lang! Gago ka lang lagi! You should continue being like that!" Frustrated na pinagbabato ko sa kanya pati ang mga walang laman na tupperware sa mesa. Tumama ang mga iyon sa likod niya, pero hindi pa rin siya natitinag.
"I don't want want you like this! Just continue being a jerk! Iyong gago, siraulo, tarantado!" Pumiyok na ang boses ko, at doon lang kumuyom ang mga palad ni Miko.
Hindi ko na nakita na humarap na pala si Miko sa akin.
Humihikbing napasubsob ako sa aking mga palad. Dang, why was I being like this?! I should enjoy tormenting him! I must be happy to see him in pain. "Miko, you should be a jerk, that way I'll feel less guilty doing all this to you."
May sasabihin pa ako nang may humintong mga paa sa harapan ko. Nanlalabo man sa luha ang mga mata ay tumingala ako, para lang makita si Miko na nakalapit na pala sa akin.
"Mik..." Hindi ko na natapos dahil yumuko na siya matapos kabigin ng malaking palad niya ang aking batok ko. Nanlaki ang aking mga mata dahil sinakop lang naman niya ng mga labi niya ang mga labi ko!
I leaned on the kitchen table because I suddenly felt so weak. Ang paghalik sa akin ni Miko ay parang isang taong matagal na panahong ginutom na ngayon lang nakatikim ng pagkain. He kissed me like he was also devouring my whole being.
Iyong panlalaban ko ay sandali lang. Dahil siguro sa sa luha kaya namimigat ang mga talukap ko, kaya unti-unti na akong napapikit. Lalo namang lumalim ang paghalik ni Miko sa akin, and I realized that I was also starving just like him.
Nang malasahan namin ang isa't isa ay parang mas lalong nakalimutan namin ang oras, ang sitwasyon, at lahat ng bagay. Umawang ang mga labi ko para sa pagpasok ng mainit at basang dila niya.
Walang katapusan ang paghalik niya sa akin at pagganti ko sa halik niya. Walang sumusuko sa ubusan ng hininga. Tahimik ang paligid at maririnig lang ay mahinang tunog ng mga basa naming labi at palitan namin ng laway.
Ang mga daliri ko ay humahaplos sa kanyang batok habang ang mga kamay niya ay baba-taas sa aking likuran. Ang tagal na mula nang malasahan ko siya, masarap pa rin talaga si Miko.
Naisip ko, sa nagdaang mahigit isang isang taon, nagkaroon ba siya ng iba? Sa university sa Manila, sa mga nakilala niya, o noong nagpunta siya ng Singapore? Sa naisip na iyon ay napasabunot ako sa buhok niya. Napaungol siya sa bibig ko.
Nang dumilat ako ay nakadilat din pala siya. Magkahinang ang mga mata namin habang magkahugpong ang mga labi. Ang pamumula sa mga mata niya ay parang hindi na dahil sa antok at pagod. They looked like he was about to cry. But why?
Yumuko siya sandali sa balikat ko. Sa tabi ko ay naroon ang LCD screen kung saan makikita na tulog na tulog ang anak namin. He kissed me again after giving it a quick check.
I should have asked Miko to stop now, but I could not bring myself to. What should I do? I really just wanted this man right now.
When Miko moved away, I pulled him back. Ngayon ko lang nakita na namamasa pala ang mga mata niya, namumula rin ang dulo ng matangos na ilong niya, at iyong hingal sa bibig niya ay iba na. Pinisil ko ang pisngi niya. "You don't want this?"
"Sino may sabi?" maangas niyang balik kahit iyong boses niya ay bahagyang pumiyok, bahagyang nang garalgal.
"Then continue." I wanted to do everything I could because I didn't want to have any regrets. I wanted to kiss him till I was out of breath.
Nakatitig siya sa akin. Matagal. Bago niya nahanap ang boses na mahina at maaligasgas. "Kung itutuloy natin, ano nang mangyayari pagkatapos, Zandra?"
"Aalis pa rin ako," deretsong sagot ko.
Mapait na ngumiti siya. "Dapat pala sulitin ko."
Did he get it wrong? I only wanted to kiss him. But I smiled nevertheless. Hindi naman ako ang mabibitin. Ako na ang lumapit na una. Marahang kinagat ko ang pang-ibabang labi niya.
"Iyong manliligaw mo..." usal niya habang pinapapak ko ang labi niya.
Manliligaw? Si Francis? Ilang beses ko na itong binasted, hanggang sa nauwi na lang kami sa pagiging magkaibigan. At kung sakaling umaasa pa ito, matatapos na rin iyon kapag nakaalis na ako papuntang Canada.
"Gusto mo ng Mikong gago, di ba?" sabi niya na bahagyang lumayo sa akin. "You'll have it. But in one condition, dump that guy."
Napatili ako nang bigla akong kargahin ni Miko paupo sa mesa. Pagtama ng paningin namin sa isa't isa ay nahugot ko ang aking paghinga, paano ay madilim ang mga mata niya. It was then that I suddenly came back to my senses, I felt afraid of him.
"Because, Zandra, one jerk like me is already enough for you."
Saka siya sumunod na sumampa sa mesa para pumuwesto sa ibabaw ko.
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz