ZingTruyen.Xyz

Bad Lover

Chapter 54

JFstories

IT WAS NOT A DREAM. MIKO WAS REALLY HERE.


Nakatulog na ako noong gabi, nakaidlip na rin ngayong hapon, pero nandito pa rin siya. Bumangon ako mula sa kama. Wala si Baby Mateo sa crib, malamang nasa baba at inaalagaan niya. Napailing ako at napasabunot sa aking buhok. Ano ba talaga ang trip niya?


Kung si Baby Mateo ang habol niya, hindi ko naman siya pagbabawalang dumalaw rito minsan. Minsan lang.


It was so frustrating because I thought I would no longer feel anything if ever we met again, but he just showed himself for a moment, and he managed to mess up my world once again.


Lalo ngayon, because dang, we were now living again under one roof! Ngayon ginugulo niya ang isip ko. Bakit pinahihirapan niya ang sarili? Hindi lang siya basta babysitter ngayon ni Baby Mateo, all-around helper din siya ngayon dito. Bakit ginagawa niya lahat ng ito?


Ayoko nang isipin pa ang dahilan ni Miko. Bahala na siya sa buhay niya. Gampanan na lang niya nang maayos ang trabaho, dahil totoo ang sinasabi ko, bibigyan ko siya ng suweldo.


Two thousand five hundred monthly dahil under probation pa siya, at saka inawas ko na rin doon iyong sustento niya. Since working na siya rito, malamang ay wala naman na siyang pagkukunan ng isusustento, di ba?



NASAAN SI MIKO?


Siya agad ang hinanap ng aking mga mata pagbaba ko sa sala. Si Mommy lang ang nagbabantay sa natutulog na si Baby Mateo sa crib. Nanonood si Mommy ng teledrama sa hapon habang nagbabantay. Pero nasaan nga si Miko? Di ba dapat siya ang nandito?


Inginuso ni Mommy iyong papunta sa kusina. "Pinatulog ang anak niyo kasi tinapos niya maglinis sa kusina. Ngayon ay mabilis lang daw siyang maliligo, para bago magising ito, nakabalik na siya."


Umismid ako. "Akala ko, lumayas na." Naman.


Tatawa-tawa naman si Mommy. "Hmp, alam mo, kanina pa iyon kumikilos. Ang sipag. Nagpapakitang gilas. Feel na feel."


Dapat lang dahil under probation pa siya.


Itinuloy na ni Mommy ang panonood ng teledrama. Lumakad naman ako papunta sa kusina. Sa bungad pa lang ng kusina, nakita ko na kung gaano kalinis ang sahig, ang mesa, hanggang sa lababo. Mabango rin dito. So talagang naglinis nga.


Lumapit ako sa lalagyanan ng plato. Tiningnan ko ang mga hinugasan. Ang mga utensils din. In fairness, walang tirang sabon o kanin-kanin. Milagro ito na marunong na si Miko na maglinis nang tama. Ano bang nangyari sa kanya sa loob ng mahigit isang taon?


Nandito rin pala sa dulo ng kusina ang banyo. Sa may maliit na cabinet namin doon na dating lalagyanan ng mga payong at raincoat ay merong nakapatong ang itim na Nike duffle bag. Malamang na gamit ni Miko. Talagang nagdala na pala siya ng gamit dito.


Nilapitan ko at parang may sariling buhay ang aking mga kamay na binuksan ang zipper niyon. Kinalkal ko ang loob. Nakalabas na ang mga gamit nang matigilan ako. Bakit ko ginawa ito? Ah, kasi ganito ako dati. Ugali ko nang i-check ang mga gamit niya— Natigilan ulit ako. Bigla akong napalayo sa duffle bag. Dati iyon. Dating ako iyon, iba na ako ngayon. Kasi iba na kami ngayon!


Nabuksan ko na ang bag kaya dapat aking isara, dahil baka mamaya ay pagbintangan niya pa akong pakialamera. Nilapitan ko ulit at akma nang isasara ang zipper nang muli na naman akong matigilan. Bakit ba ako matatakot na malaman niyang binuksan ko ito? Hello, nasa pamamahay ko siya!


Nasa pamamahay ko siya at ako ang amo niya, normal lang na siyasatin ko kung anu-ano ang mga dala niya. Mamaya kasi ay baka may dala pala siyang dangerous weapon diyan, eh!


Okay, nagpatuloy ako sa pagkakalkal for safety purposes. Tiningnan ko ang laman ng bag. Apat na pirasong shirts, tatlong shorts, at dalawang sweatpants. May pouch. Nang aking buksan ay muntik ko nang maibato. Mga briefs niya lang naman ang laman.


Isinara ko ulit ang pouch. Nagkalkal naman ako sa bulsa ng duffle bag. Suklay, pabango, at aftershave. Mga pang hygiene. Iyong pabango niya ay hindi Penshoppe. CK na. Kahit aftershave niya ay nagbago na. Mas mahal na rin siguro, mas mabango rin. Di ko tuloy namalayang panay singhot na ako rito. Ang sarap kasi sa ilong. Ang presko.


Okay, balik sa pagkakalkal for safety purposes. May purse siya na barya ang laman. May leather wallet din na Coach black. Titingnan ko rin sana ang loob, pero wag na lang, di naman siguro kakasya roon ang kahit anong weapon. Baka mamaya pati may makita pa akong picture doon.


Huli kong nakita sa bulsa ay ang kanyang phone. Wala rin akong paki rito, pero nang ma-tap ko accidentally ang screen, bumukas ito. Naka-lock pero nakita ko ang wallpaper. Napanganga ako kasi photo namin iyon ni Baby Mateo!


Isa ito sa mga photos pa rin na isinend niya sa kanyang phone noong gabing iyon sa labas namin! Ginawa niya talagang wallpaper?!


Matalim ang mga mata na nilingon ko iyong pinto ng banyo. Ano bang ginagawa niya? Bakit ang tagal niya naman yata? Binalik ko ang phone sa bag at lumapit ako sa banyo. Sa pinto ay idinikit ko ang aking tainga. Naulinigan ko ang malakas at tuloy-tuloy na lagaslas ng shower.


Naliligo pa siya? Ano pang ginagawa niya maliban sa paliligo? Bakit ang tagal niya sa shower? Hindi niya ba alam na mahal na ang tubig ngayon?!


Biglang namatay iyong shower. Baka nagsasabon na siya. Ano, ngayon lang siya magsasabon? Talagang nagsasayang siya ng tubig?! Pinakinggan ko pa. Mukhang sabon naman ang sinasayang, ang tagal e. Sabon namin iyon. Pagkain, tirahan, kuryente, at tubig lang ang libre, hindi kasali ang toiletries! Masyado naman yata siyang abusado—


Biglang bumukas ang pinto! Dahil nakasandig ako roon habang nakadikit ang aking tainga ay nawalan ako ng balanse. "Ay!" Muntik na akong matumba kundi lang may malaking kamay na sumalo sa pisngi ko.


Napatingala ako. Mukha ni Miko na nakayuko sa akin at nakataas ang kilay ang nasilayan ko. Dang it! Tumutulo-tulo pa ang buhok niya at ang bango!


Wait, hindi sabon at shampoo namin ang naaamoy ko! Hindi iyon ang mga ginamit niya! Bumaba ang tingin ko sa hawak-hawak niya, a transparent pouch containing shampoo, soap, deodorant, toothbrush, and toothpaste. He actually had his own toiletries!


"May kailangan ka?" kaswal na tanong niya.


Saka lang ako natauhan na nakadikit pa iyong pisngi ko sa palad niya. Napalayo ako na parang napapaso. Tumikhim ako at tiningnan siya. Naka-T-shirt siya na plain light grey, jersey shorts na white na may tatak na Chicago Bulls, at nakasampay sa kanyang kaliwang balikat ang puting tuwalya na ginamit niya.


"Wala!"


Tumaas na naman ang isang kilay niya. Nakakainis! Ganyan ba dapat ang attitude sa amo, ha?!


"Wala nga!" pasigaw ko nang sabi. "Ang tagal mo kasi sa loob, akala ko nadulas ka na. Problema pa namin iyon ni Mommy pagnagkataon. Saka isa pa, ang gastos mo sa shower. Hindi mo ba alam na mahal na ang tubig ngayon?!"


Mukha naman siyang nahiya. "Sorry, sinulit ko lang kasi sobrang init ng panahon. Pawis na pawis din kasi ko kanina dahil naglinis ako ng buong bahay—"


"Nagrereklamo ka ba na naglinis ka ng buong bahay?"


"Hindi naman sa ganoon," malumanay niyang sabi.


"Hindi naman pala, e. Anong pinagsasasabi mo riyan? Diyan ka na nga!" Iniwan ko na siyang nakahabol ng tingin sa akin habang nakanganga. Pasukan sana ng insekto bibig niya!

GABI. KUMATOK SI MIKO SA KUWARTO KO.


Katatapos ko lang mag-skincare. Ang sarap lang ng hindi nagmamadali, iyong ninanamnam kada haplos ng cream at serum sa pisngi. As in slow pace 'me time'.


Ngayon ko lang ito naranasan. Palagi kasi akong parang hinahabol noon. Off ko man sa work o hindi, nag-aalaga pa rin ako kay Baby Mateo. It was not that I was complaining; I loved caring and spending time with my son, but there were moments in my life when my body craved a slow-paced day.


Noong si Mommy kasi ang nag-aalaga kay Baby Mateo, ako naman ang nag-aasikaso sa bahay. Ang daming utos ni Mommy, tapos palagi pa itong nagmamadali na ipasa sa akin ang bata. Minsan, hindi pa nga ako nakakapagbihis o kaya ay nasa banyo pa ako, inaabot na agad sa akin ito ni Mommy, kasi gusto na ni Mommy na mag-beauty rest.


Ngayon ay buong araw talaga akong pahinga. Actually, hindi rin talaga pahinga. Kasi nagligpit ako ng closet kanina. Iyong mga gamit ko na ilang linggo ko nang pangarap na ayusin, ngayon ko lang nagawa. Ang saya lang. Pero miss ko na ang aking baby. Doon may kumatok sa pinto.


Pagbukas ko ay si Miko. Karga-karga niya si Baby Mateo na ngayon ay nakasubsob sa dibdib niya. "Tulog na. Nakadede na rin, ininit ko iyong gatas na nasa milk bag sa ref. Nalinisan ko na rin siya at napalitan ng bagong diaper."


Nakapantulog na nga si Baby Mateo, ang bangu-bango, at puno ng pulbo ang leeg. Iyong pulbo nito ay iyong bagong Johnson powder na parang harina, but was way safer than the old Johnson that was made with talc powder.


"Pakilagay na lang sa kama," sabi ko kay Miko. Saka pa lang siya pumasok. Marahan niyang inilapag si Baby Mateo sa kama ko. Nang tumingin siya sa akin ay nasa pinto pa rin ako, at bukas pa rin ang pinto, meaning I was waiting for him to go out.


Naglakad na siya papunta sa pinto. Bago lumabas ay malamlam ang mga mata niya nang tingnan ako at maliit na ngumiti. "Good night, Zandra."


Wala akong sagot. Pinagsarhan ko na siya ng pinto.


Pinuntahan ko si Baby Mateo sa kama. Maingat kong pinanggigilan ang munting mga kamay nito. "Hi, baby," malambing na kausap ko rito kahit mahimbing na tulog ito. "Kumusta ang bagong yayo mo? Inaalagaan ka ba niya nang maayos? Anong masasabi mo?"


Na-miss ko ito nang sobra. Ngayong off ko lang talaga ito hindi halos nakasama nang buong araw. Nang matapos kausapin at titigan ang natutulog na bata ay umalis ako sa kama. Napatingin ako sa pinto. Tulog na kaya si Miko?


11:30 p.m. na. Malamang pagod iyon sa dami ng ginawa maghapon. Di naman iyon sanay sa gawaing bahay, higit lalo sa pag-aalaga ng bata. Malamang talaga na tulog na siya.


Maingat kong binuksan ang pinto. Madilim na sa sala pagsilip ko sa hagdan. Ang natitirang ilaw na lang ay iyong maliit na bombilya sa bungad ng kusina. Iyon ang pinaka-lampshade niya.


Bumaba ako. Sa gitna pa lang ng hagdan, nakita ko na si Miko na nakahiga sa sofa. Tulog na. Halatang hindi siya komportable. Nakabaluktot siya dahil hindi naman talaga siya roon kasya. Lampas-lampasan doon ang mahahabang binti niya. 


Malamig din dito sa sala sa gabi, wala naman siyang kumot, kaya nakayakap siya sa sarili habang nakabaluktot. Blangko ang mga mata ko na bumalik sa kuwarto. Paglabas ko ulit ay may dala na akong kumot.


Bitbit ang spare blanket na hindi pa nagagamit, bumaba ako sa sala at lumapit sa kanya. Tulog na nga talaga siya. Malalim na ang paghinga. Pagod na pagod. Hindi nga naman kasi siya sanay sa gawaing bahay. Dahil natutulog na siya ay malaya kong natitigan ang kanyang anyo. His face trap. Zandra, hindi ka na mahuhulog diyan.


I was too naïve back then that I couldn't help but hope for this man's love and attention like a bad habit.


Paulit-ulit. Palagi akong nakaabang. Hindi nadadala. Para talagang masamang bisyo na kahit alam kong ikasisira ng buhay ko, sumisige pa rin ako. Pero hindi na ngayon. I had learned my lesson and I was no longer the same person.

I was no longer the same Zandra, who would fall for his looks over and over, and who would melt in response to his smiles, flattery, and humor. Basta ko na lang iniwan iyong nakatuping kumot sa center table. Bumalik na ako sa itaas. Bahala na siya kung magising siya mamaya at makita niya man o hindi ang kumot. Bahala siya sa buhay niya kung gagamitin niya iyon o hindi.



MASAMA ANG GISING KO.


Basta, pagdilat ko pa lang kinabukasan, hindi na ako okay. Paggising ko rin ay wala na ulit sa aking tabi si baby mateo. Iyong kumot naman na iniwan ko sa baba kagabi, nandito na rin sa kama. Ewan ko kung ginamit o hindi, pero mas maayos ngayon ang pagkakatupi.


Pagbaba ko, busy si Miko. Nagliligpit siya habang si Baby Mateo ay nakaupo sa sofa habang dumedede at nanonood ng ABC sa TV. Ikot ang katawan niya sa pagtingin sa bata at paglilinis ng kalat na mga laruan sa sala. Hindi siya magkandaugaga. Natigil lang siya nang makita ako sa hagdan na pababa.


Para naman akong walang nakita na nilampasan siya. Tumuloy kay Baby Mateo. Hinalikan ko ito sa ulo.


Si Miko ay alanganin sa aking lumapit. "Zandra, gutom ka na? May almusal sa kusina. Gusto mo bang—"


"Si Mommy?" tanong ko sa patag na boses.


Ngumiti siya sa akin. "Ah, pupunta raw siya sa friends niya. Kanina pa umalis. Di ba nagsabi sa 'yo—"


Hindi ko na siya pinatapos. Naglakad na ako papunta sa kusina. Pagdating sa kusina ay may sopas doon. Tahimik akong kumain, tapos iyong pinagkainan ko ay basta ko lang iniwan sa lababo.


Sumilip naman siya sa pinto ng kusina. "Ako na maghuhugas diyan. Patutulugin ko lang si Baby Mateo. Inaantok na rin ito kasi nakaligo na."


Hindi ko siya pinansin. Bumalik ako sa sala. Karga-karga niya si Baby Mateo at pinapatulog na. Nang pumunta ako sa hagdan ay nakahabol ang tingin niya sa akin habang hinehele ang bata.


Bumaba ako na bitbit ang aking tuwalya at bihisang damit. Si Miko ay inilalapag na si Baby Mateo sa crib. Nakatulog na. Nakahabol na naman siya ulit ng tingin sa akin. Parang maamong tuta na hanggang tingin lang.


Tumuloy ako sa banyo sa kusina para maligo. Katulad sa sala at kusina ay malinis din dito. Mukhang nilinis kanina. Naligo na ako. Paglabas ko ng banyo ay nasa kusina na si Miko. Hinuhugasan niya na iyong kinainan ko kanina. Natigilan siya nang makita ako.


Ang suot ko ay shirt at shorts na maiksi, habang kinukuskos ko ng tuwalya ang aking basang buhok. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-alon ng lalamunan niya noong bumaba ang kanyang tingin sa aking nakahantad na mga hita.


Masyadong maiksi pala kasi talaga ang shorts na napili ko. Nagpatay-malisya lang naman ako. Iyong aking hinubad na mga damit ay basta ko lang ishinoot sa hamper na nasa gilid ng kusina. Iyong shirt ko ay sumabit pa sa gilid ng basket, pero hindi ko pinagkaabalahang ayusin.


Lumakad ako sa may ref habang nagkukuskos pa rin ng tuwalya sa buhok. Kumuha ako ng tubig tapos iyong ginamit kong baso ay iniwan ko lang sa mesa. Iyong tuwalya naman ay imbes na isampay, tinaklob ko lang sa galon ng mineral. Sa lahat ng iyon ay tahimik lang na nakamasid si Miko.


Mayamaya ay tahimik na kinuha ni Miko ang baso ko upang hugasan, ang marumi kong damit ay inayos niya ng pagkakalagay sa hamper, at iyong tuwalya ko ay kanyang ihinanger. Wala siyang karekla-reklamo. Ni wala ring sign na nairita man lang siya. As in kalmado lang.


Nang mahagip ng aking paningin ang gunting sa lababo ay kinuha ko iyon. Bumalik ako sa banyo at humarap sa lababo. Naisip ko lang bigla, gusto kong mag-bangs. Yumuko ako at nagsimula nang magupit ng buhok. Parang gusto kong magsisi pagkatapos. Ano ba ito? Mukha akong kinder. But so what? Gusto kong mag-bangs, e. Buhay ko ito, buhok ko ito!


Basta ko lang binuksan ang gripo ng lababo at isinara ulit, hindi tuloy napunta lahat sa drain iyong mga gupit-gupit kong buhok. Iyong kaninang napakalinis na lababo sa banyo ay nagmukhang makalat.


Paglabas ko ng banyo ay umiinom si Miko ng tubig. Nang lumingon siya sa akin ay nailuwa niya ang iniinom. Kandaubo siya.


Sinamaan ko naman siya ng tingin. Doon lang siya umayos ng ekspresyon. Ngumiti siya. "Bagay."


"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo."


Iyong aking ginamit na gunting ay basta ko na lang ding iniwan sa mesa. 


Nang mapatingin siya roon ay kukunin niya na nang magsalita ako. "Linisin mo ulit iyong banyo. Dumumi iyong lababo dahil sa pinagupitan ko ng bangs!"


Umawang ang mga labi niya.


"Bakit, nahihirapan ka na ba? Puwede ka pa namang umatras."


Kung hindi na niya kaya, puwede naman siyang sumuko na. Kung wala na talagang mag-aalaga kay Baby Mateo, puwede ko na sigurong i-sakripisyo ang trabaho ko. Tutal naman, sooner or later ay—


"Maliit na bagay."


Napatingala ako sa kanya. "What?"


"Ang sabi ko, maliit na bagay." Pagkuwa'y malambing na ngumiti siya sa akin. "Kaya kung ano man iyang naglalaro sa isip mo, more. Bring it on."


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz