Chapter 47
FRANCIS 'ANGKE' MOLINA
Sino nga ba siya? Siya lang naman iyong isa sa mga estudyante rin noon sa Gov. Isa sa tropa ng ex kong si Hugo Emmanuel at ng... ng isa pang taong kilala ko.
Kapapasok ko pa lang sa ospital three months ago, dinala siya rito ng isa rin sa tropa nila noon na ngayon ay pulis na, si Bimbo Zaragosa. They were from La Union, and Francis was the driver of the SUV they were riding in. He may had fallen asleep while driving due to lack of sleep, which lead to an accident on the road.
Francis had a minor head injury; when he woke up, he was disoriented for hours and unable to recall anything, even his own name, and I was the nurse assigned to care for him. Pero kahit walang maalala at wala sa tamang huwisyo, malakas pa rin ang loob ng lalaking ito. And yes, he hit on me. Nang mahimasmasan, kandamura siya nang makilala na ako.
Akala ko ay titigil na siya, ang kaso ay bumalik siya matapos ang ilang linggo. Simple lang ang logic niya, single ako at single siya. Tinamaan daw siya sa akin kaya susubok siya. Ilang beses ko na siyang sinupladahan at itinaboy, pero matigas talaga. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng pasyente, siya pa ang natapat sa akin noon. Kung alam ko lang, dinaganan ko na sana siya ng unan sa—
"Nagpakita na ba siya sa 'yo?" tanong niya na nagpakurap sa akin.
Instead of answering, I walked past him. Nakapamulsang sumunod naman siya. Sabay kaming naglakad papunta sa hintayan ng baby bus. Ganyan lang siya, tamang sabay, tamang sunod. Iyang ganyan niya na magda-dalawang buwan na.
Gabi. Malamig ang simoy ng hangin. Nasa tapat na kami ng kalsada kung saan mismo dumaraan ang mga sasakyan. Tahimik lang, hindi na nag-usisa si Francis pero ramdam ko ang pasimpleng mga pagsulyap niya.
Nurse scrubs lang ang suot ko, blue na top at pajamas, at hindi ako nakapagdala ng jacket, kaya dama ko ang lamig. Napakislot ako nang may mabangong jacket ang pumatong sa aking balikat. Pagtingala ko sa kanya ay sa iba na siya nakatingin.
Nang may dumaang bus ay siya ang pumara. Pinauna niya akong pumasok saka siya sumunod. Sa pangdalawahan ako naupo at tumabi siya sa akin, pero may espasyo sa pagitan namin. Nakahalukipkip siya sa tabi ko at wala ring kibo, like he didn't want me to be bother by his presence. Nang dumaan nga lang ang konduktor para kunin ang bayad ay nakipag-unahan siya sa akin.
Napailing na lang ako at hinubad na ang jacket niya. Mahina akong nagsalita, "Thanks."
Na-traffic pa kami nang nasa Tejero na. Bumaba kami at lumipat sa jeep. Magkatabi ulit, pero kahit siksikan ay sinikap niyang hindi masyadong mapadikit sa akin. Kapag din may nagpapaabot ng bayad ay siya ang umaabot para hindi ako maabala.
Noong nasa Malabon na ay nasa likod ko lang siya habang naglalakad ako papunta sa paradahan ng tricycle pa-Barangay Pinagtipunan. Nang makita niya akong nakasakay na ay saka siya lumapit para iabot sa driver ang bayad ko. Muli ay napailing ako.
Kumaway siya at hindi agad umalis hanggang hindi nakakalayo ang tricycle na sinasakyan ko. Wala siyang kadala-dala kahit pa ibinibalik ko rin sa bank niya lahat ng kanyang ibinabayad sa pamasahe kapag inihahatid niya ako.
11:45 p.m. na ako nakarating sa bahay namin sa Pinagtipunan. Kaunti na lang ay alas dose na ng hating gabi. Sarado na ang mga kapitbahay, kahit ang bahay namin.
Pumasok ako sa madilim naming gate. Pagod ang pakiramdam pero ayos lang. Napagod man ay meron namang dahilan, dahil galing ako sa trabaho kung saan kumikita ako ng pera.
Pagkatapos naman sa trabaho, deretso uwi ako. Hindi na para kung saan pa magpunta, kaya nga kung hindi mandatory OT ay hindi ako nag-o-OT dahil mas importante sa akin na makapagpahinga. I had to balance my work, physical health, and mental health as getting sick was the last thing I wanted given my obligations and purpose in life.
Pagpasok sa sala ay siyang baba ng isang babaeng nakasimangot mula sa hagdan. Si Jesela Asuncion. My mom. "Zandra, maglinis ka muna ng sarili bago ka pumasok sa kuwarto at wag kang gagawa ng ingay."
Kahit palaging galit si Mommy, malaki ang pasasalamat ko rito. Siya ang naiiwan ko rito sa bahay namin. "Thank you, My. Hayaan niyo, off ko naman po sa sunod na araw, kaya ako po muna ang bahala sa—"
"Hmp. Ewan ko sa 'yo." Tumalikod na si Mommy, at sandali lang ay may katawagan na ito sa phone. Long distance call para sa allowance monthly.
Speaking of money. May pumasok na sa online account ko. Twenty thousand pesos. Weekly ako na may natatanggap, pero ngayong linggo na yata ang pinakamalaki. Mukhang nakakaluwag-luwag na talaga ang kung sino mang pinanggalingan nito.
Pumunta muna ako sa banyo dahil hindi nga ako puwede sa kuwarto nang pawisan at maalikabok. Naghubad ako, naglinis ng katawan, then I put on a thick purple robe. Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako dahil nakatayo si Mommy sa aking harapan. Hindi na nakasimangot. Sa halip, namumutla ang mukha.
"Zandra..." Nanginginig na turo nito sa main door sa sala. "N-nasa labas. Nasa labas siya!"
Nanigas ang katawan ko. Kahit kaliligo lang ay pinagpawisan ako. This was not the first time, yet...
May sasabihin pa si Mommy pero naglakad na ako paalis. The pounding in my chest was deafening, but I had no choice but to go see the 'guest'. Hindi ito ang unang beses ng punta nito, pero ngayon ang unang beses na nagtagal ito sa garahe, kaya ibig sabihin ay kailangang itong labasin.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang madilim na paligid. Madilim dahil dis oras na ng gabi at hindi naman bukas ang ilaw namin dito sa labas. I preferred not open it.
Ayos naman na ang ilawanag ng buwan at umaabot na kapiranggot na liwanag mula sa lamppost sa labas. Sapat na. Sapat na para aking maaninagan ang nakatayong matangkad na lalaki sa aming garahe.
Nakapasok na pala siya sa gate. Naka-long sleeve. Nakapamulsa sa suot na jeans. Nakatayo roon at kalmadong naghihintay, parang kung may lalabas man dito o wala ay ayos lang. Basta na lang siya pumupunta nang walang pasabi. Minsan ay dalawang beses sa isang buwan, o kaya ay tatlo. Palaging may mga dala na basta na lang din niya iniiwan sa tapat namin, pagkatapos ay saka na siya aalis.
Noong unang buwan ay gusto ko pa ngang matawa. He brought baby girl dresses, and those were still in my closet. When he returned the next month, he was finally carrying boys' clothing. I didn't know who informed him, but I could imagine his embarrassment when he found out the correct gender of the child he was buying stuff for.
Dadalang, dadalas, ang mga punta niya, pero hanggang labas lang. Palaging saglit lang. Mag-iiwan lang para sa bata ng kung anu-ano. Ngayon ay wala akong nakikitang dala niya maliban sa kanyang sarili. Siguro dahil malaki ang sustentong ipinadala niya para ngayong linggo?
Ngayon lang din siya nagtagal nang ganito. Nakatayo siya roon at parang walang balak umalis, kaya naman nataranta na si Mommy at napilitan nang tawagin ako. Ano kaya kung hindi ko nga siya nilabas? Aalis ba siya... o maghihintay hanggang sa abutan na siya rito ng bukas?
Sensing my presence, he slowly turned around. And even though it was dark, I could see the coldness in his eyes. Kuyom ang isang palad na kaswal na nagsalita ako. "Bakit ka nandito?"
Instead of answering, he asked me too, "Kumusta ka na?"
My throat went dry when I heard his voice 'again'. It was still the same. His baritone voice was still low, husky, and... cold.
Ngayon ko na lang narinig, dahil ngayon niya na lang ipinarinig. Sa madalang na beses kaming nagkakatagpo, hindi siya nagsasalita at umaalis din agad. Hindi rin naman para kausapin ko siya. Si Mommy ang madalas niyang nakakaharap pero di rin sila nag-uusap.
"Anong kailangan mo?" I asked him again.
"Tinatanong mo talaga 'yan?"
"Bakit hindi?" kaswal na balik ko.
Nakatitig lang siya. Ni hindi nagtatangka na lumapit. He was staring at me as if he was penetrating my soul. I didn't like it. It was... uncomfortable.
Bigla ko na lang naisip, may idea kaya siya na isa sa mga tropa niya ay pinopormahan ako? Oh, would he even care?
Nagsalubong ang mga kilay niya na tila may nabasang kung ano sa mga mata ko. Napaiwas naman ako bigla ng tingin. "Y-you should leave. Gabing-gabi na. May pasok pa ako sa trabaho bukas."
Patalikod na ako nang magsalita siya muli. "Bakit ka nagtatrabaho?"
"Bakit hindi?!" Hindi ko na napigilan ang pag-alsa ng boses. Iyong gusto kong kaswal lang, parang hindi ko yata mapangangatawanan. Bakit kailangan pang itanong kung bakit kailangang magtrabaho? Ang simple lang naman ng sagot doon.
"Kulang ba ang ipinapadala ko, Zandra?" mahinahon ang boses na tanong niya.
Mahinahon pero nagpantig ang tainga ko. "What?!"
"Kung kulang, puwede ko naman dagdagan."
"Bakit ako aasa sa 'yo? Ano ba kita?!"
May mga nagsasabi na bakit daw ako tumatanggap ng sustento sa kanya, kung kaya ko naman daw mag-isa. Oo, kaya ko. Pero wala naman iyon sa kung kaya ko ba o hindi ko kaya. Ano man ang sitwasyon at nararamdaman ko, ang punto rito ay ang karapatan ng anak ko. Hindi ko iyon ipagkakait dito.
Even as a independent woman, I disagreed with the argument that the mother should bear sole responsibility for the kid because she did not make the child on her own. Pero magkaliwanagan lang, ang sustento ay para sa bata lang. Kaya ko ang sarili ko. Kaya nagpantig ang aking tainga sa narinig na sinabi ng lalaking kaharap ko.
"Kung wala ka nang sasabihin, umalis ka na kasi gabi na. Gusto ko nang magpahinga." I was about to turn my back on him again, but he wasn't finished with me yet.
"Ito na lang, Zandra..." habol niya sa mababang tono. "How is the kid?"
Nakagat ko nang mariin ang aking ibabang labi. There were many opportunities for him, as I was always away from home because of my work, but did he do anything to find out for himself how was the child he was asking?
"The kid, Zandra. Kumusta siya? Kumusta ang a—"
"Matutulog na ako. Pakisara na lang ang gate pag-alis mo."
Pagpasok ko ng pinto ay nanakbo na ako sa hagdan. Hindi ko na pinansin si Mommy na tigagal sa akin. I went straight to my room. Hindi na nag-abalang magdamit muna. Naka-roba pa na nahiga ako sa kama. Iyong pagod ko kanina ay doble-doble na.
Humihingal pa ako sa tensyon nang may tumampal sa mukha ko. Isang maliit at chubby na palad. "Ouch!"
Paglingon ko ay bumungad sa akin ang nakadapang batang lalaki. Nasa edad isa. Bagong gising. Tayo-tayo pa ang buhok, may bakat pa ng higaan ang isang matambok na pisngi, at may bumubulang laway sa cute na bibig. Amoy mabangong gatas.
Napatitig ako sa munti nitong mukha. Baby pa pero ang guwapo na. Makakapal ang itim na itim na kilay. Matulis ang mataas na munting ilong. Mapupula ang mga labi na bahagyang naglalaway. Mas guwapo kaysa cute. At baby pa lang, mukhang pilyo na.
Isang mukha ang pumasok sa isip ko. Mas matured lang. Pero kamukha na parang pinagbiyak na bunga. But I didn't want to think about the other face, so I focused on this innocent kid's. Nginitian ko ito. "Bakit gising pa ang baby ko?"
Ngumisi ito kaya lumitaw ang ang dalawang pirasong maliliit na ipin sa harapan. Maliliit lang iyon, pero deadly, kaya wag kang palilinlang. And oh by the way, yes, this handsome kid is the kid that man is asking about.
Muli ako nitong tinampal sa mukha. At nang bumuka muli ang mga labi nito ay parang gumulong sa sahig ang puso ko. "Papa!"
No one taught this boy, yet he learned to say that word on his own. Of course, he did have a father. Hindi ko naman iyon itinatanggi, pero hindi ko rin gustong pinag-uusapan, kasi parte na lang ng nakaraan. Kung meron mang dahilan kaya paminsan-minsan pa ring bumabalik sa buhay ko, ay dahil sa batang ito na lang.
Niyakap ko ang anak ko kahit nagpapapasag ito. Hinalikan ko ito nang mariin sa ulo. "I love you..."
Nang panahong natuklasan ko na pangalawang pamilya lang kami ni Daddy, na anak ako sa labas, gumuho ang mundo ko. Ang lala ng sakit na iyong lalaking pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa mundo, buong buhay ko pala akong niloloko. It also didn't help that the boy I had liked for a long time and chased throughout high school did not like me until the end, and then there was this another guy who made me feel important but wouldn't commit to me.
Just when my disappointments with men had built up to the point that my heart was already broken, I had this kid. Hindi ko man plinano ang batang ito, maling panahon man ito nabuo, nakaranas man ako ng hirap sa pagdadala rito, hindi ko ito pinagsisisihan. Ito ang tanging lalaking alam kong hindi ako sasaktan at iiwan.
Nang makawala ito sa yakap ko ay tumingala ang cute na mukha nito sa akin. Kumikislap ang inosenteng mga mata at pagkuwa'y bumungisngis. Pinisil ko ang chubby cheeks nito. "Did you hear me, baby? I love you. Hindi kita iiwan. Hindi ako tutulad sa daddy mo."
Michael Jonas Pangilinan or Miko, the man I despised, but also the man to whom I owed everything because without him, this handsome boy would not be here with me today.
Sa lahat ng sakit na tiniis ko, ay ito lang, oo ito lang. Ang batang ito lang ang magandang naidulot ng lalaking iyon sa buhay ko!
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz