Chapter 37
"PUTANGINA."
Sinuntok ni Miko ang pader at kasunod ay ang pagmumura niya. Sa gulat ko ay napaiyak ako. Bakit siya galit? Bakit siya nagagalit? Anong ginawa ko? Wala naman akong ginagawa!
Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang pag-iyak ko. "Zandra..."
Nang akma siyang lalapit ay napausod ako palayo at sumiksik sa gilid ng headboard. Bumalatay ang sakit sa mga mata niya.
Yumuko siya. "Pasensiya na."
Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakabaluktot malayo sa kanya. Napahagod siya ng kamay sa kanyang buhok, pagkuwa'y napabuga ng hangin.
"Matulog ka na, gabi na. Sa labas muna ako." Tumalikod siya at lumabas ng pinto ng kuwarto.
Nang mag-isa na lang ay nagkaroon ng tunog ang pag-iyak ko. I felt so miserable.
Siguro sa pagod dahil buong araw na yata akong umiiyak kaya nakatulog ako sa ganoong posisyon. Paggising ko kinabukasan ay nagtaka ako dahil nakahiga na ako at nakakumot. Hindi ko maalala kung kailan ako umayos ng higa sa kama.
Hindi naman nagusot ang tabi ko. Hindi bumalik sa kuwarto si Miko. Kaya rin siguro hindi pa patay ang aircon. Tumingin ako sa wall clock. 9:00 a.m. na. Hindi pa naman ako sobrang tanghali nagising, pero baka gutom na si Lola Mameng. Nagmadali na akong lumabas ng kuwarto.
Pagbaba ko ay aking nakitang pinapakain na pala ni Miko ang lola niya. Pangiti-ngiti ang matanda na mukhang miss na miss siya. "Bakit ngayon lang ang tisoy ko?"
"Pumapasok ako sa school sa Manila, La. Di ba sabi ko naman, kailangan kong makatapos para matustusan ko ang mga luho at gimik mo. Tsk, tingnan mo, nirarayuma na kayo rito sa bahay dahil di ka na nakakapag-shopping at nakakapag-disco."
Hinampas naman ni Lola Mameng sa balikat si Miko. "Diyaske kang bata ka! Wala akong luho at hindi ako nagsa-shopping o disco!"
"E Tinder, La? Baka may account ka roon, ah! Naku, sinasabi ko sa inyo, ayoko ng bagong lolo! Magwawala talaga ako!"
Gigil na pinaghahampas ng matanda ang apo. Tatawa-tawa lang naman si Miko. Natigil lang siya sa pagtawa nang makita ako na pababa sa hagdan.
"Ay, gising na pala si Sandara!" sabi ni Lola Mameng. "Naku, apo, napakabait ng batang iyan! Kilala mo ba iyan, ha? Ganyan ang gusto kong liligawan mo—" Hindi na natuloy ng matanda ang sinasabi dahil pinasakan na ni Miko ng kutsara ang bibig nito.
"Kain nang kain, La. Gusto ko voluptuous body ka!"
Dumeretso ako sa kusina. Hindi na ako nagulat nang makitang may laman na ang mga cupboard. Namili malamang si Tita Mitchy ng stocks kagabi. Wala ito kaya sinamantala ko. Basta ako kumuha ng frozen hotdogs at ham, saka iniluto sa kalan.
Nagtimpla rin ako ng gatas at nagbukas ng biscuit. Nang maluto ang hotdog at ham ay kumain na ako. Ang dami-dami kong kanin at wala akong pakialam. Basta, kakain ako ngayon. Sasamantalahin ko na merong pagkain.
Patapos na ako nang lumapit si Miko. Bitbit niya ang plato na pinagkainan ni Lola Mameng. Dineretso niya iyon sa hugasin. Pagkatapos ko namang kumain ay dinala ko rin sa lababo ang aking pinagkainan para isabay niya sa huhugasan.
Bumalik ako sa cupboard at nanguha ng mga biscuit. Kinuha ko rin ang mug na may lamang Milo. Magpapapak ako sa kuwarto habang nagpapahinga ako. Yup, dini-declare ko na aking pahinga ang araw na ito. Matutulog ako maghapon para mabawi lahat ng pagod at puyat ko sa buong linggo.
Naglagay rin ako ng juice sa tumbler ko bago umalis sa kusina. Nakasunod lang naman sa akin ng tingin si Miko. Hindi siya nagsasalita. Patingin-tingin lang talaga na parang tanga.
May tingin pa siya na para siyang inaping tuta. Imbes maawa ay nainis lang ako. Kasi kung may gusto siyang sabihin, e bakit di na lang niya sabihin?
Ano, nahihiya ba siya dahil sinubukan niya akong sipingan? O nahihiya siya dahil sa pagsuntok niya sa pader at pagmumura niya nang itulak ko siya?
Nang maalala ang tungkol sa dumugo niyang kamao ay napasulyap ako sa kamay. May nakatali na roong benda. Nang mag-angat ulit ako ng paningin ay sakto na tumingin ulit siya kaya nagtama ang aming mga mata. Gusto ko siyang kausapin at kumustahin ang kamao niya, pero nagpigil ako. Muli naman siyang napayuko.
Pumanhik na ako sa kuwarto. Maghapon akong nakatihaya sa kama habang nanonood ng kung anu-ano sa YouTube dahil sa wakas ay walang problema ngayon sa Internet. Sa dami ng aking pinanood ay wala rin akong naintindihan. Panay ang tingin ko sa pinto. Hindi ba talaga papasok dito si Miko?
Sa totoo lang ay para akong tanga. I hated Miko but I still wanted him to come to me. At mas naiinis ako dahil hindi nga siya lumalapit. Kahit ako ay naguguluhan na sa sarili ko.
Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang aking inis. Mas sumarap ang tulog ko dahil bandang tanghali ay may nagbukas ng aircon. Nagising tuloy ako na pagabi na. Napabalikwas ako ng bangon. Malamang nakauwi na ang mommy ni Miko!
Paglabas ng kuwarto ay naabutan ko pa sila ng mommy niya na nag-uusap sa may hagdan. "Iyon na nga ang sinasabi ko riyan kay Zandra. Namamayat siya kasi kung ano-ano ang inaatupag. Kung ano-ano pa ang binibili sa tindahan. Di naman masusustansiya. At imbes na natutulog nang maaga sa gabi ay nag-i-Internet pa."
Napatigil sila sa pag-uusap nang makita ako. Hindi ko gaanong narinig ang pinag-usapan nila, pero alam ko na ako ang paksa.
"Kagigising mo lang?" kaswal na tanong sa akin ni Tita Mitchy. "Mula umaga hanggang ngayon ka tulog? Masama iyan na sobra sa tulog ang buntis, mamamanas ka. Saka buong linggo na nagagawa mo naman iyan, gasino lang ba iyong pag nandito ang anak ko ay wag mo naman siyang tulugan."
"Mommy," mahinang saway ni Miko sa ina.
Dapat matuwa ako na sinaway niya si Tita Mitchy pero hindi sapat e. Pero ano ba ang ie-expect ko? Alangang awayin niya ang sarili niyang mommy para sa akin, di ba?
Tumalikod ako at bumalik sa kuwarto. Nakaupo ako sa gilid ng kama nang pumasok si Miko. "Zandra, hindi mo naman kailangang simangutan si Mommy."
Sa sinabi niya ay napasinghal ako. "What?!"
"Please, Zandra, kung may hindi ka man nagustuhan sa mga nasabi ng mommy ko, sana kahit tumahimik ka na lang. You didn't need to be rude to her."
Tiningala ko siya habang nanlilisik ang mga mata ko. "Rude? Hindi naman ako sumimangot, siguro napasimangot lang ako dahil hindi ko nakayanan ang mga sinabi niya! Siya ang unang naging rude!"
"Concerned lang naman siya sa 'yo kaya nasabi niya iyon," malumanay pa ring paliwanag ni Miko.
"Concerned?!" Halos idura ko ang salita. "Kung ganoon lang din, then I don't need her concern!"
Napikon na rin si Miko, pero sinikap niya pa ring mahinahon na magsalita. "Zandra, alam kong hindi ka sanay nang napagagalitan ka at nasisita sa inyo, pero sana maintindihan mo na iba si Mommy sa mommy mo. Hindi rin siya sanay na pinagmamalditahan siya. Zandra, kahit ako na lang ang pagmalditahan mo."
"Talagang iba ang mommy ko sa mommy mo!" gigil na sigaw ko. Bakit kailangang madamay ang pagiging maldita ko? Bakit parang ako lang ang mali rito?!
"Yes, my mom can be strict sometimes, medyo matigas mandisiplina at manalita dahil pulis. Inaamin din niya na nahihirapan daw siyang pakisamahan ka dahil hindi siya sanay na may anak na babae, but she's trying her best for you. If only you can open your heart to her and give her a chance."
"Shut up! Wala ka kasing alam! Bakit hindi mo itanong sa mommy mo kung paano niya akong disiplinahin at pagsalitaan? But, I'm sure she will just deny it!"
"Please, you don't have to shout. Mommy ko iyong pinag-uusapan natin dito at hindi ibang tao. Kaunti naman sanang respeto. Alam kong naninibago ka dahil magkaiba ng ugali ang mga mommy natin, na mas istrikto ang mommy ko, pero lahat naman ng sinasabi niya ay para sa ikabubuti mo, lalo na at buntis ka—"
"No!" hiyaw ko. "Sisigaw ako dahil gusto kong sumigaw! Wag mong ikumpara ang mommy ko sa mommy mo, dahil magkalayong-magkalayo sila! Hinding-hindi gagawin ng mommy ko ang mga pinagagagawa ng mommy mo sa akin! Kahit controlling, kahit nakikialam, at kahit wala sa hulog minsan, still, my mother was kinder than your mother!"
Nagtagis ang mga ngipin ni Miko bagaman hindi nagsalita. Wala na akong pakialam kahit na-offend pa siya, dahil totoo naman ang sinabi ko.
Tumango siya at hindi na nga nagsalita pa. Lumabas na siya at naiwan na ulit ako na mag-isa sa kuwarto. Katulad ng mga nakaraan, iniyak ko na lang ulit lahat ng aking sama ng loob na wala na yatang katapusan.
UMALIS NA SI MIKO.
Sunday pa lang ay umalis na siya. Hindi na siya nagpaabot ng Monday dahil traffic at bawal daw siyang ma-late. Ewan kung iyon talaga ang dahilan. Nang tumingin siya sa akin bago umalis ay nag-iwas ako ng mga mata, hindi rin naman siya nagsalita at lumabas na ng pinto.
Nang makaalis na siya ay saka ako parang nagsisi. Paglabas ko nga lang para sundan siya ay nakasakay na siya sa dumaang tricycle.
The entire week passed while I waited for Friday to arrive. Hintay ako nang hintay kahit text niya lang sana o chat, pero wala. Tumawag siya isang beses pero sa mommy niya lang. Mukhang wala rin naman siyang pinasasabi para sa akin dahil hindi naman ako tinawag ni Tita Mitchy.
Kahit tinitipid ko ang aking huling pera ay nagpa-load din ako dahil baka makaisip siyang mag-online sa computer shop. Naubos na nga lang ang fifty pesos kong ni-load na Internet for three days na hindi siya nag-online.
Pagsapit naman ng Friday ay nalumbay lang ako nang marinig kay Tita Mitchy ang balita na hindi raw makakauwi si Miko. Marami siyang ginagawa sa university kaya baka next weekend na makakauwi.
Noong umuwi naman si Miko noong sumunod na linggo ay hating gabi na ng Friday kaya hindi ko na rin namalayan. Naka-off ang mommy niya kinabukasan kaya hindi rin kami nagkausap. Ang maganda lang dahil pinapunta ni Tita Mitchy si Ate Tonet kaya ito ang naglaba at nag-alaga kay Lola Mameng.
I would like to talk to Miko, I want to apologize for what I said. Nang humupa na ang aking emosyon ay na-realize kong tama siya, na kahit anong mangyari ay mommy niya ang pinag-uusapan namin, kaya hindi ako dapat maging rude. Wala rin namang alam si Miko kaya wala siyang kasalanan. Pero siya pa rin ang pinagbuntunan ko ng galit.
Pilit kong hinuhuli ang paningin niya, pero ramdam ko na umiiwas siya. Hindi siya makatingin nang deretso sa aking mga mata. Hindi ko tuloy alam kung ano ang aking mararamdaman.
Pagdating naman ng hapon nang Sunday ay maaga na naman siyang umalis. Nataon pang natutulog ako. He didn't even wait for me to wake up. Bumalik siya ng Manila na hindi man lang kami nagkausap na dalawa.
NAPAPATULALA NA LANG AKO DAHIL WALA NA AKONG PERA.
Pag-check ko sa aking wallet ay barya na lang ang natitira at wala na sa one hundred. Dumating ang katapusan, akala ko ay babayaran ng mommy ni Miko ang inutang niya sa aking five hundred, pero wala naman. Nahiya rin naman akong maningil dahil panay ang parinig nito sa tumaas na bill ng tubig.
Namomroblema ako nang mag-beep ang aking phone. Nabuhayan ako ng dugo nang makita ang unknown number.
+639-288***
Miko to. Hindi na ako nakapagpaalam paalis. Nag-iwan ako ng 1K sa bedside table, nakita mo ba?
1K? Nag-iwan siya ng 1k? Wala naman akong nakita!
Nag-reply ako sa kanya para sabihing wala akong nakita paggising ko, pero binura ko rin ang text. Baka kasi nahulog lang pala iyong 1k. Hahanapin ko muna. Nag-beep ulit ang phone.
+639-288***
Ge, pasok na ko. Naki-text lang ako sa asawa ni Daddy.
Iyon lang pagkatapos ay wala na siyang kasunod pang text. Dry. Naiintindihan ko naman dahil hindi kami okay noong umalis siya. Still, I couldn't help but feel sad.
Umakyat na lang ako sa itaas para hanapin iyong 1K na sinasabi ni Miko. Baka nga kasi nahulog lang sa lapag. Halos baliktarin ko na nga lang ang buong kuwarto, pero ni dulo ng 1K ay wala naman dito. Hindi kaya nagkamali lang siya?
Ibinawas niya pa iyon sa allowance niya, kaya kung sasabihin kong wala rito iyong 1K, baka manghinayang siya. 1K din iyon. Baka ma-stress pa siya, e exam na nila ngayong linggo.
Naging pampalubag loob ko na lang ay umayos-ayos ang Internet pagkatapos ng dalawang araw. It was five in the afternoon when I opened my real account again. I worked up the courage to check if Mommy and Daddy had any messages for me, only to be disheartened because there were none.
It seemed that they only tried to contact me through text messages before leaving the country. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko itinapon ang aking lumang Sim.
I knew they Mommy and Daddy hated me because I disappointed them, but didn't they worry about me even once? Hindi ba sila curious man lang kung kumusta na ba ako ngayon? Kung okay lang ba ako?
Nagpasalamat na lang ako dahil hindi ako in-unfriend ni Mommy. Pumunta ako sa account nito dahil ito naman ang mas active sa social media kaysa kay Daddy. I missed them so much that I wanted to see even their photos in Canada.
Hindi nga ako nagkamali. May mga new post si Mommy. May photo sila ni Daddy sa bahay ni Kuya Zed. Meron din sa mga tanawin sa Burns Lake at long drive kasama si Kuya Zed sa Whistler, Victoria. Maraming comments. Mga namumuri, bumabati, at nagsa-'sana all'. Lahat iyon ay heart naman agad ni Mommy.
May isang photo kung saan sina Mommy at Daddy ulit habang umiinom ng drinks sa Tim Hortons na isang Canadian restaurant chain. Parang prenup lang dahil sa kuha ay bigay na bigay ang aking parents. May mga comments din doon. This time someone mentioned me. Kapitbahay namin.
Berta Descalso: Aba, mareng jez at pareng zoren, para kaung PBB teens diyan. Pero nasan ba ang dalaga niyo? parang di ninyo lagi kasama sa pictur si zandra a?
Dahil sa comment nito ay may mga nakapansin na rin tuloy na wala ako sa lahat ng post ni Mommy. Hindi naman pinapansin ni Mommy ang mga tanong. Wala itong sinagot kahit isa. Isa lang ang ibig sabihin, hindi nga nila pinaalam kung ano talaga ang nangyari sa akin.
Malamang na ang alam ng lahat ay kasama pa rin nila ako na pumunta sa Canada. Although I understood they did it in order to protect my image, I also realized it was more about protecting their own reputations.
My parents were no longer with me and the person I chose to be with was avoiding me. But what should I expect? I was only here because I was pregnant. Kung hindi ako buntis ay baka wala ako dito. Baka ni hindi na nga kami ulit magkita pa ni Miko.
Now, it made me think that maybe this was the punishment for my sins. I had disappointed my parents who only wanted to give me a good life, and now I was pressuring a man who was simply a victim of my selfishness.
Yes, this was the ugly truth. Sa pagiging makasarili ko, pinikot ko lang naman ang lalaking alam kong hindi naman ako mahal.
"SANDARA, NATAE AKO!"
Malakas na boses ni Lola Mameng ang bumasag sa nakakabinging katahimikan. Pinunasan ko ang aking luha at napatakbo ako sa ibaba. Natagpuan ko ang matanda na tila batang mangiyak-ngiyak habang nakatayo sa gitna ng sala.
Ang duster nito ay basa ng ihi at sa sahig ay nagkalat ang dumi. "Di ko sinasadya, Sandara," sumisinok na sabi nito. "Bigla na lang, e. Pupunta na ako dapat sa CR kaso bumagsak na. Sorry, Sandara."
Dati ay nakakapagsabi naman ito kapag dudumi, kaya nasasamahan ko agad sa banyo, pero ngayon ay mukhang nawawalan na ito ng control. Hindi na lang pala pati sa pagligo at pag-ihi kailangan ngayon ng tulong ng matanda.
"Ayos lang po, Lola," sabi ko kahit pa nandidiri ako. Wala naman itong kasalanan dahil talaga sigurong hindi na nito kinaya.
Nagsuot ako ng gloves at tinulungan ito na maglinis ng sarili sa banyo. Deneretso ligo ko na rin ang matanda. Pagkatapos ko rito ay iyong kalat naman nito sa sala ang aking inasikaso. Tiniis ko lahat ng pandidiri at nagsimulang magdakot kahit masuka-suka ako.
Medyo nahirapan na akong magyuyuko dahil may maliit nang umbok ang tiyan ko, pero wala namang choice. Walang ibang gagawa nito kundi ako. Kaysa mabulok dito, lilinisin ko na lang, dahil ako lang din mamaya ang makakagalitan.
Naiiyak pa rin si Lola Mameng. "Sandara, wag mo ko sumbong kay Mitchy! Masungit ang anak ko na iyon! Pagagalitan ako!"
"Opo, La." Pawisan man ay nginitian ko ito. "Wag po kayong mag-alala."
Nang magsabi ito na gustong mahiga sa kama ay inihatid ko ito sa kuwarto nito. Nang makatulog na ito ay saka ako nanghihinang napasandal sa pinto.
Ramdam ko ang matinding pagod, pero mas pagod ang aking isip. Nang may tumulo sa aking pisngi ay doon ko lang napagtanto na luha ko na pala iyon at hindi pawis lang. Umiiyak na pala ako nang hindi ko alam.
Nang umakyat ako sa kuwarto ay napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Hindi ko na makilala ang aking nakikita roon. Isang babaeng payat, maputla, dry ang buhok at balat, at walang buhay ang mga mata. Ako pa ba talaga ito?
Nasaan na iyong Zandra na hindi nabubuhay na walang skincare? Iyong nabubuwiset kapag hindi nakakapag-sunblock at moisturizer? Iyong palaging mabango, palaging naka-curl ang buhok, laging naka-nail art, false eyelashes, at fashionable ang mga damit? Nasaan na ba iyon ngayon?
Okay lang naman sa akin, kaya ko namang lunukin lahat ng utos at gawaing bahay, kasi nakikitira lang ako. Kasi sinira ko iyong buhay ni Miko nang magpabuntis ako sa kanya. Pero deserve ko ba na tipirin sa pagkain, sa pahinga, at kahit sa respeto? Bakit kailangan ko pang mabastos?
Alam ko namang kasalanan ko lahat. Hindi naman ako bobo pero nagpabaya ako, hanggang sa nabuntis ako. Hanggang sa nandito na nga ako. I was selfish but I was not a bad person.
Lumabas ako ng kuwarto dahil biglang nagsikip ang dibdib ko. Hindi na kaya ng electric fan lang o aircon. Iyong pakiramdam na nasu-suffocate. Walang kahangin-hangin, hindi ako makahinga.
Nanlalabo ang mga mata ko, kumakabog nang malakas ang dibdib ko. I was desperate to catch some air, so even though I struggled to walk I pushed myself to get to the main door.
Pagkarating doon ay lumabas ako. Kailangan kong makasagap ng hangin kaya aalis ako. Saglit lang naman habang tulog si Lola Mameng. I promised I'd be back. I just really needed to breathe.
Bitbit ang tira kong pera ay nilakad ko ang papunta sa labasan. Hindi ko alam kung paano ko nakaya, basta desidido ako na umalis. Sumakay ako ng jeep at lumipat ng tricycle pagdating sa Malabon. Ang tinutunton ko ay ang papuntang Brgy. Pinagtipunan. Alam ko namang wala na ako roong dadatnan, pero gusto ko lang makita kahit saglit ang bahay namin.
Papadilim na pagbaba ko ng tricycle. Walang katao-tao sa labas dahil umambon kanina. Sinamantala ko iyon para lumapit sa bahay namin. Naiiyak ako nang hawakan ko ang gate. "Mommy, Daddy..." impit kong sambit.
Naka-lock na ang gate, wala na rin gamit pa sa loob, at may lilipat na raw dito, but still, I wanted to go inside. I missed our house. I missed my parents so much. I missed the times when I was with them.
Although our family was not perfect, wala naman talagang perpektong pamilya, but my parents did what they could, in their own ways, to give me a good life. Kung kaya ko lang bumalik sa nakaraan, kahit saglit lang, gusto kong magpasalamat sa aking mga magulang. I also wanted to apologize for disregarding their sacrifices and focusing only on their flaws.
Kung hindi pa may lumabas na kapitbahay ay hindi pa dapat ako aalis. Sa dami ng lalabas ay si Aling Berta pa talaga na binansagang megaphone dito sa Brgy. Pinagtipunan. "Uy, Zandra? Ikaw ba iyan?"
Nagtakip ako ng mukha at mabilis na naglakad paalis. Pero nagtawag pa si Aling Berta ng iba pang kapitbahay. "Hala, ikaw nga ba talaga iyan, Zandra? Mga kapitbahay, si Zandra nandito!"
Napasilip na rin tuloy ang ibang kapitbahay. Karamihan pa ay iyong mga inis sa mommy ko. "Hala, ay si Zandra nga! Akala natin nasa Canada na silang pamilya, ah! At bakit may umbok ang tiyan? Buntis ka, Zandra?!"
Lalo kong binilisan ang paglalakad hanggang sa tumakbo na ako. Nang makakita ng tricycle ay sumakay na ako agad.
PAGBALIK SA BACAO ay nasa garahe na ang kotse ng mommy ni Miko kaya alam ko na nakauwi na ito. Kabado ako na pumasok ng pinto.
Pero iyong kaba ko ay agad ding nawala at napalitan nang tuwa nang makita ang lalaking nakatayo sa sala. Umuwi na si Miko!
"Miko, nakauwi ka na pala—" Ngiting-ngiti pa ako nang matigilan kasi seryoso ang kanyang mukha.
Nang makita ako ni Tita Mitchy ay nanlisik agad ang tingin nito sa akin. "Sa wakas, nandito ka na, Zandra. Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Basta ka umalis na hindi inaalala na may matanda kang iniwan dito!"
Si Lola Mameng ay sa sofa ko nakita. Nakabaluktot doon ang matanda habang mahinang humihikbi. Ang isang paa nito ay may nakabalot na benda. "A-ano pong nangyari kay Lola—"
"Nagtanong ka pa, e wala ka namang pakialam sa nanay ko!" sigaw ni Tita Mitchy. "Iniwan mo ang nanay ko na mag-isa, naihi siya sa sahig at nadulas! Kung nagkataong nabagok ang kanyang ulo ay hinding-hindi kita mapapatawad!"
Napanganga ako. Nadulas? Nangilid ang mga luha ko habang naiiling. "H-hindi ko po sinasadya. Tulog po siya nang iwan ko kanina."
Bumaling ako kay Miko para sa kanya humingi ng saklolo, pero muli lang akong natigilan dahil sa kawalan ng ekspresyon niya. "M-Miko..."
"Saan ka galing?" sa halip ay malamig na tanong niya.
"P-pumunta lang ako sa amin. Na-miss ko lang naman iyong bahay namin. Natagalan lang ako kasi naglakad lang ako mula sa labasan papunta at pabalik, dahil kulang na sa pamasahe iyong pera ko—"
"Kulang sa pamasahe? Bakit, wala kang pera?"
"Panay ang pa-load niyan, kaya paanong hindi mawawalan ng pera!" sabat ng mommy niya.
Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Miko. "Nagpapa-load ka? May Internet naman dito. Bakit, sino ang tinatawagan mo? At magkano ang inilo-load mo para maubos ang pera mo?"
May Internet? E palagi ngang kung di mahina ay wala. Magkano lang din ba ang pera ko para isumbat niya?! At hindi ko lang naman iyon sa load inuubos! Bumibili ako ng pagkain ko! Naghalo-halo na iyong sama ko ng loob kaya napaiyak na ako.
Napapalatak si Tita Mitchy. "Ayan, daanin sa iyak porke't nabuko ka!"
"I didn't do anything wrong..." umiiling kong sabi habang panay patak ang luha ko. Kay Miko ako nakatingin. "I swear, I didn't..."
Nagalit naman ang mommy niya. "Anong pinalalabas mo ngayon, Zandra? Na inaapi ka rito? Tinanggap kita rito nang wala kang narinig na kahit ano. Itinuring kitang anak ko. Pati mga palpak mong kilos ay pinalalampas ko na nga lang. Iniintindi ko na lang na lumaki ka kasing spoiled at hindi sanay kumilos sa bahay niyo."
Nakatingin lang ako sa walang emosyon na mga mata ni Miko na nakatingin din sa akin.
Patuloy naman ang mommy niya sa paglilitanya. "Zandra, pati nga mga kalokohan mo ay pinagtatakpan ko. Pasalamat ka pa nga at hindi ko pa nabanggit sa anak ko ang ginawa mo noong may mga bisitang lalaking pulis dito!"
"D-do you believe her?" halos usal ko na lang na tanong kay Miko.
Kahit alam kong malabong hindi siya makinig dito, umasa pa rin ako. Umasa ako na kahit kaunti, hindi niya paniwalaan ang lahat ng sinasabi nitong masama tungkol sa akin. Dahil kahit paano ay kilala naman niya ako. Pero walang sagot si Miko.
Tumango ako at mapait na ngumiti. "I'm sorry. I'm sorry sa abala sa pamilya niyo." Pagkasabi'y tumalikod na ako at muling lumabas ng pinto.
Hindi ko alam ang naging reaksyon ni Miko kung meron ba, at ayaw ko na ring malaman pa. All I wanted to do was leave and never come back.
Narinig ko na sumigaw pa ang mommy niya, "Hayaan mo siya kung gusto niyang umalis! Baka nga hindi mo naman anak ang ipinagbubuntis niyan!"
Hindi na ako nag-abalang lumingon. Dere-deretso ako sa gate. Wala na akong pakialam kung saan ako pupunta, basta gusto ko nang makaalis dito. Ayoko na. Pagod na ako.
Nanakbo ako sa kalsada nang walang dala kundi ang sarili ko. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Iyak ako nang iyak na halos wala na akong makita sa daan dahil sa labo ng aking paningin. Pagtawid ay hindi ko napansin na may parating pala na tricycle. Ang lapit-lapit na sa akin.
Maybe this was my fate. My parents had abandoned me, and now I had no one. I didn't even have money or a place to go to. Baka ito na iyong kabayaran sa mga kasalanan ko. Pero bago ako mahagip ng tricycle ay isang matigas na braso ang humigit sa akin.
Nang dumilat ako ay ganoon na lang ang pagkagulat ko. Isang guwapong mukha na puno ng galit at pag-aalala ang namulatan ko. "Miko?!" He followed me?!
Akmang itutulak siya nang yakapin niya ako nang mahigpit. Nanginginig ang boses niya nang magsalita. "Tangina, Zandra, ang sama mo. Kung gusto mo akong patayin, sana saksakin mo na lang ako. Tangina, wag naman iyong ganito na ipapahamak mo sarili mo!"
Napahikbi ako. "Miko, ayoko nang sumama pabalik sa inyo..."
"Hindi na kung ayaw mo." Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Pero hindi ka puwedeng umalis mag-isa. Zandra, pikon na pikon na ako sa 'yo, kaya kahit saang impyerno ka pumunta, sa ayaw mo at sa gusto, kasama mo ako!"
JFstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz