Chapter Eight
ANITA Lynda Alba woke up with bad news. Wait. Yes, that's her name. Anita Lynda. Sa mga normal na umaga, hindi siya nabubwisit sa pangalan niya. Pero iba ang umagang 'yon. Narealize niya kung gaano siya ka-estupida. Kung may ibang short pronunciation ang pangalan niya, siguro ay estupida ang tunog niyon.Dahil nagising siyang masakit ang ulo at para siyang idinuduyan. Minsan lang siya magka-hang over dahil minsan lang din siyang uminom. Maglasing. Hindi niya alam kung ano ba ang pumasok sa isip niya kagabi para mag-inom na naman. Nag-quit na siya last week sa pag-inom dahil nga hindi naman siya pangwalwalan. Nakakagawa siya ng mga kagagahan na hindi dapat.Tulad ngayon. Nagising siya sa ingay sa Instagram account niya. Ang daming messages mula sa mga celebrities na kilala niya at sa mga boss niya. Pati Art Director niyang si Negi ay nagmessage sa kanya.Congrats, Anne! Ang gwapo ng bf mo!Takang-taka siya. Pagtingin niya sa newsfeed niya, bumungad sa kanya ang mismong post niya. Halos gumuho ang mundo niya. Sa sobrang pagkawindang, nalaglag pa siya sa kama.What the fucking hell? She just posted a photo of him thirteen hours ago! Iyong isa sa mga naunang kuha niya rito ang naipost niya. She's working as a photographer. So it's okay to say that he's just a model for her as an excuse. Pero iyong caption niya? My boo? My boo talaga?! That means boyfriend.Lasing siya, oo. Pero 'di siya ilusyunada. Kaya 'di katanggap-tanggap ang kahit anong excuse niya.Gusto niyang sabunutan ang sarili. Wala pang twenty-four hours ang picture pero umani na iyon ng isandaang libong likes. And the comments? God, she couldn't imagine. Sandamakmak na comments mula sa mga models, kapwa photographers, celebrities at mga kilalang tao ang nag-congrats sa kanya.May nakita pa siyang comment ng isang frenemy. Wow, may face reveal na kay boo!Hindi niya alam kung sinong gusto niyang sabunutan ng oras na 'yon. Pagtapat niya sa salamin, parang luka-lukang nakabuhaghag ang buhok niya. She looked so miserable.Ganito ba ang feeling sa umaga noong mga babaeng nagkakaroon ng scandal? Because if yes, now she can relate to them.Walang sense kung buburahin niya iyon. Marami na ang nakakita. 'Pag binura niya pa iyon, mas lalo siyang uulanin ng tanong. Sumulyap ulit siya sa comment section. Nanlaki ang mata niya nang may mahagip. Someone tagged Trent! Naka-private ang account ng lalaki, pero kung nai-tag ito... Isa lang ang ibig sabihin no'n.Napaigtad siya sa malalakas na katok sa kwarto niya. "Anne, gising ka na ba?" Nabosesan niya ang tiyuhin. Napahawak siya sa dibdib."Tulog pa, tito.""Sige, gising ka lang 'pag feel mo na."Bumuntonghininga siya at lumapit sa pinto. Nakataas ang kilay ng Tito Andy niya. Ngunit gayon na lang ang pagsasalubong ng kilay nito nang makita siya."Oh, anong nangyari sa 'yo?""Hangover. Naparami ang inom ko kagabi. God, I'm not doing that again."Tumango ito. "Sige, mag-ayos ka muna. Pagkatapos, bumaba ka na at samahan mo kaming mag-almusal.""Bakit? Sinong nand'yan?""Sina Blake at Trent. Dumayo ng breakfast." Namutla siya. Dumagundong ang dibdib sa kaba pagkarinig sa pangalan ng lalaki. "Hinihintay ka nga. Bilisan mo na. Sasabihin ko, pababa ka na.""What? No!" Hinagip niya ang braso ng tiyuhin nang akmang pupunta na ito sa kusina. "'Wag n'yong sabihing nandito ako, tito. Tell them na umalis ako.""Aba, bakit naman, hija?""Just tell them. Please don't tell them I'm here."Naningkit ang mata nito. May pagsususpetsang tinitigan ang mukha niya."Anita, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" seryosong sabi nito. Binanggit na ang pangalan niya, hindi ang palayaw. Her eyes widened, and shook her head."W-Wala naman, tito. I'm not in the mood to face Trent.""Kahapon lang kayo magkasama. May nangyari bang hindi ko alam?" Umangat ang kilay nito at seryosong nag-usisa. She almost rolled her eyes."Walang nangyari. I will never have sex with that manwhore. Not even in my next life."Lumalim lalo ang kunot-noo nito. "Wala naman akong binanggit about sex.""For the love of God, tito. Just go and tell them I'm not here."Pinagsarhan na niya ito. She composed herself. Hindi siya handang makita ang lalaki. She needs time. More time to fix her scripted excuses. Siguradong nakita na ni Trent ang post niya. And no, she's not going to take the photo down. Sayang ang likes.Nagawa pa talaga niyang magpaka-famewhore.Mabilis siyang nagpalit. Tutal ay nando'n sa bahay ang bwisit, sa labas na lang siya magbe-breakfast. Kailangan niya ng kape! Kahit nerbyos na ang inaabot niya ngayon."Where is she?" Narinig niya ang boses ni Blake pagbaba niya."Wala sa kwarto niya, eh." Pumalatak ang tiyuhin."Oh? She left?""Siguro. Hindi man lang nagpapaalam sa akin. Batang 'yon."And the best actor goes to her uncle! Hindi siya nakatiis na hindi sumulyap sa kusina kung saan naroon ang mga ito. Nakatalikod sa kanya ang tiyuhin habang kausap si Blake. Her gaze landed at the other man in the table. Ang kulot nitong buhok ang una niyang nahagip. What? Hindi niya type ang curly brown hair nito. But it made him look so sexy.You hate the guy. Stop looking now!Ngunit bago pa niya mabawi ang tingin dito, nasalubong na nito ang mapanilip niyang mata. Nagpanic at nanlaki ang mata niya. Kumislap sa berdeng mata nito ang pagkaaliw. Then, he playfully winked at her.Parang napasong umalis na siya sa kinatatayuan.***AKALA ni Anne ay siya lang ang may eskandalo sa umagang iyon. Nabulunan siya sa banana bread na kinakain niya nang makita ang pagkakalat ni Jessa sa social media. Geez, here she go again.Matagal on the rocks ang relasyon ng kaibigan niya sa asawa nitong obviously ay nagloloko. Months ago, nabalitaan niyang muling nagkakamabutihan ang dalawa. Pinagsabihan na niya si Jessa. The man is a cheater. Ewan lang niya ha. Siguro nga, napakamapanghusga niya at kontrabida sa buhay ng kaibigan. Pinrangka niya ito na uulit pa rin ang lalaki. Kung nagawa nga ng lalaki noon na makipagrelasyon sa isang starlet habang kasal ang dalawa, malamang ay uulitin lang iyon ng tinamaan ng lintek.At hindi naman siya nagkamali. Umulit nga! Nahuli ni Jessa ang pakikipagpalitan ng lalaki ng malalaswang convo sa isang sexy singer. Nakuhanan pa nito ng mga screenshot iyon.Bago siya umalis pauwi ng probinsya, sinabihan na niya ang kaibigan. "Kumalma ka muna ha. 'Wag kang mag-iisip na i-post sa kung saan 'yang mga 'yan. If you need time, deactive your social media accounts."Pero mukhang walang silbi rito ang mga paalala niya. Napailing na lang siya. Balak na sana niya itong tawagan pero malamang ay tulog pa rin ito. Sigurado siyang nagpakalasing na naman si Jessa. Gusto niyang mainis and at the same time, maawa.Mainis kasi hindi naman siya nagkulang sa paalala rito. Sa una, makikinig. Tapos malalaman niya, nakipagkita na naman sa asawa nito. Separated lang ang mga ito pero wala pa ring annulment ang dalawa.Ngayon, kahit gusto niyang maawa kasi nga ang gaga nito, wala. Inis din siya kasi wala rin silang pinagkaiba nito. Parehong gaga. Anong naisip niya kagabi para mag-post ng ganoon? Oo, lasing nga siya. At dahil din 'yon sa damuhong 'yon.Hindi kasi siya makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang imahe ng boner nito. Yes, yes, madlang pipol. Naglasing siya because she can't unsee his huge boner in her mind! She felt like the image already have a special place in her human brain.Napahilamos siya. Nahihibang na talaga siya.Tumunog ang cellphone niya. Kaagad niya iyong sinagot."Anne! Finally!" Masigla ang boses ni Negi. Naka-booking ang gaga kagabi, for sure. Usually, masungit ang baklang 'to sa umaga. Pero hindi ngayon."What is it, Negs?" walang kagana-gana niyang tugon."Nakita ko 'yong post mo kagabi. You didn't tell me you're dating a billionaire?"Nagsalubong ang kilay ni Anne. "What are you talking about?" tanong niya."'Yong nasa post mo kagabi with a caption "my boo." That's Trent fucking Di Marco, bitch! Ang tindi mo, girl. I have no idea you're dating someone like him. Iba ka!"Wala siyang idea sa sinasabi nito. Ang bagal ng pagrehistro ng mga sinabi nito. And when it totally sinked in, gayon na lang ang panlalaki ng mga mata niya! Seryoso ba ang Art Director niya? The guy is a freaking billionaire? At kilala ng kausap niya? Matagal na niyang kilala si Negi. Minsan lang itong mamangha. At sa boses nito ngayon, it sounded like Trent is a big deal."Ikaw, ha? Nagtatago ka sa amin. Kailan pa kayo nagkakilala n'yan?""Negi, it's not what―""OMG. Ipakilala mo ako. Alam mo bang naimbitahan 'yan sa Cosmo Bachelor Bash pero he turned it down. I mean, the guy is a big catch. Ang daming starlet na naghahabol d'yan. Pero ikaw, ikaw na talaga."She sighed. Paano niya ba ipaliliwanag sa kausap na ilusyunada lang siya kagabi at wala sa katinuan? She's not clearly not in her right mind when she posted that. Nakakahiya siya. Siguradong iniisip ni Trent ngayon na gimmick lang niya ang pagsusuplada rito para mapansin siya nito. Na ang totoo, isa lang siya sa mga babaeng nagkakandarapa rito. Gumawa pa siya ng issue. Ang kalat niya.She's never gonna drink a lot of alcohol again."Anyway, hindi naman 'yan ang dahilan kaya napatawag ako. Napag-isipan mo na ba 'yong huli kong suggestion sa 'yo?""H-Hindi pa," alanganing tugon niya. "Negi, I'm not comfortable with the idea. Baka naman may ibang―""That's the only suggestion I could give to you. Anne, your time is running out. Ano bang taon na ngayon, girl? Para ka namang nanggaling pa sa isang matandang alamat. Kung hindi ko lang nakita na may boyfriend kang tulad ni Trent Di Marco, iisipin ko talagang wala ka nang plano pa sa buhay kundi ang maging dedicated matandang dalaga.""Ang hirap ng suggestion mo. I don't think I could do that.""Well, kung hindi mo kaya sa ibang lalaki. Ano pang ginagawa ni Trent? Sinasabi ko na sa 'yo, Anne! Kapag 'yang si Trent ang naging sentro ng art gallery, this would be your huge break as a photographer. Kakain ng alikabok ang rivals mong pinagtatawanan ka."Yeah, rivals like Mina Pascual. Magkasabayan lang sila ng babae sa industriya. Magka-level lang sila nito. Pero nasaan na ito? Nakuha lang naman ito para mag-cover sa GQ magazine. Mabenta rin itong kunin para kumuha sa mga campaign ads. Tuwing nakikita niya ang malalaking billboards sa EDSA na produkto nito, hindi niya maiwasan ang manliit."Ang lamang mo lang kay Mina, mas maganda ka. Mas sexy ka. Kung tutuusin, pwedeng iwan mo na 'tong passion mo at i-pursue mo na lang ang modeling o pag-aartista.""Negi, this is what I truly want from the start. I can't imagine living without doing my passion. Pag-iisipan ko pa rin ang suggestion mo.""Just be open to the idea, girl," sabi nito bago maputol ang linya.Just be open to idea of what? The one Negi is asking her to do? Bitch. It's like asking her to open and spread her legs to men! Nadagdagan ang sakit ng ulo niya. At ang lahat ng iyon ay dahil sa lalaki. God. She really hate men.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz