Chapter 1. Dark Eve
"Eva! You really should come here and see this for yourself!" excited na bungad sa telepono ng kaibigan kong senior editor ng kompanyang nagpa-publish ng mga libro ko. It's my book launch today. Usually, may book signing sessions ang mga normal na writer, may pa-online interview, at may pa-shout out sa lahat ng social media platforms.I was never a normal writer.I launched my career few years back as an anonymous writer for one of the biggest online reading apps in the country. Marami ang tumangkilik sa mga libro ko. I earned a million followers online, hanggang sa makatanggap na ako ng mga offer mula sa malalaking publishing houses sa bansa. At doon na nga nagsimula ang career ko bilang manunulat. Suspense-thriller ang genre ng mga libro ko. My first book was a great success; it sold thousands on the first day of launch na kinailangan ng publishers na mag-rush ng reprint para mapunan ang demands. I never expected that kind of acceptance from people. Nagsusulat ako para lang makatakas sa reyalidad, para sa sarili kong peace of mind, pero hindi ko inaasahang tatangkilikin iyon ng madla. Simula noon, nagsunod-sunod na ang mga librong nai-publish ko. Naging topic ang mga ito sa social media at naging laman ng mga meme na kumakalat sa internet.Hindi na mabilang ang pagkakataon na hinimok ako ng publisher ko na magpakita ng mukha sa publiko. I never had that courage. Sa kabila ng kasikatan ng pen name ko, ayokong malaman ng mga tao kung sino ang writer sa likod ng pangalang 'Dark Eve' dahil pihadong hindi nila magugustuhan. Kung gusto kong panatilihin ang pagmamahal ng mga tao sa libro ko, kailangan kong magtago sa dilim. Iyon lamang ang paraan para patuloy kong magawa ang kaisa-isang bagay na nagbibigay sa akin ng kasiyahan—ang pagsusulat.Ito nga ang isa sa mga pagkakataon na sinusubok na naman ang tatag ko. Readers were insisting for my presence again during this book launch. Habang tumatagal, mas lalong bumibigat ang pressure na maitago ko ang katauhan ko."We received an offer from several local and international TV stations, hinihiling nila na i-feature ka. Your books are trending in Twitter, too! Ano na, Eva, lumabas ka na sa lungga mo. Hinahanap ka ng fans mo. Gusto nilang makita ang mukha mo," excited na turan ni Iry.Mataman akong tumitig sa screen ng laptop ko kung saan may live broadcast ng mahabang pila ng mga taong gustong makakuha ng kopya ng bagong labas kong libro. "Hindi nila ako magugustuhan.""Are you kidding me? You are dazzling gorgeous! Kasing-ganda mo ang mga sinusulat mong novels. Kapag lumabas ka ngayon dito sa book launch, sigurado akong magkakaroon ng stampede!"Si Iry at iilang mga boss ng publishing house lang ang nakakakilala sa akin at gusto kong manatili iyon. It was part of the contract I signed with them. They will never demand my presence in any of my book advertisements, and under no circumstance will they disclose the author behind the pen name too.I'm sick. Social Anxiety Disorder is what this was called apparently. The only psychiatrist I see was my father. The only way of getting better was for me to gradually face my fear and try to reach out to people. Pero kahit na gustuhin ko, hindi ko pwedeng gawin. I can't take the risk of building people's curiosity and when they start digging about me, they will not like what they will discover. They will disgust me for sure. There were secrets that best remain hidden than to be out in the open. Mas malala ang consequence kapag ipinakilala ko ang sarili ko sa mundo. So I take medicines instead. For my anxiety."Eva, alam ko na. Bakit hindi ka na lang pumunta rito wearing your gorgeous green mask? Yung sinuot mo nung nag-private meeting tayo sa mga boss, hindi ka na nila makikilala n'on," giit pa rin ni Iry."No, Iry. I'm sorry. Napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Look, I need to hang up now."Nang ibaba ko ang telepono, pumasok naman kaagad ang tawag ng sekretarya ng ama ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ako sanay na nakakatanggap ng tawag mula sa office ni Dad. We were not exactly close. Magkabaliktad kami sa lahat ng bagay. Kung ako, gusto ko ng tahimik na buhay, siya, gusto niya ay nasa limelight siya lagi. My father was a renowned psychiatrist-turned-politician. Kasalukuyan itong senador sa bansa at base sa mga napapanood ko sa balita, tatakbo siya sa susunod na eleksyon bilang presidente. Mataas ang ratings niya at mahal siya ng mga tao. Maganda ang imahe ni Dad sa publiko. Kayang-kaya niyang laruin ang emosyon ng mga tao, at alam na alam niya kung paano mapaamo ang mga ito. Hindi nakapagtataka dahil magaling na psychiatrist si Dad, ultimo kriminal na halang ang kaluluwa ay napapaamo niya. "Eva, dear?" It was the sweet voice of Tita Vera on the other line, the middle-aged secretary of my father."Hi, Tita.""Dear, your dad wants to have dinner with you tonight at 8 PM. Can you make time for him? Alam kong launching ng book mo, hija, pero sana wala kang plano mamayang gabi?"Tita Vera has been my dad's secretary for years now. Pamilyar na ako sa kanya at ganoon din siya sa akin kaya hindi na ako masyadong ilang sa kanya. "Wala naman akong gagawin mamaya, Tita.""Are you sure? Oh, thank you! I'll book you two for dinner, at the same place your daddy likes tonight, ha?""Yes, po. I'll be there.""Thank you, hija. And congratulations on your book launch, by the way! Your book is all over the internet, as usual. Your publisher must do something about the illegal uploads of it online though. I've seen a few already. You want me to call the NBI and take those down?""Hindi na po. I'll let my publisher handle it, Tita Vera.""Very well. Look, hija, I need to go. Marami pang inuutos ang daddy mo. I'll see you later. Take care, sweetheart."Nang ibaba ko ang telepono, kaagad na binalot ng kaba ang dibdib ko. Ano'ng kailangan sa akin ni Daddy? He's not the type to congratulate me for what he said as stupid books that I write. Labag nga sa kanya na magsulat ako kaya imposibleng celebration ang dahilan. Sa totoo lang, ayokong makita si Dad. Nate-tense ako at kailangan ko na namang uminom ng extra-ng gamot kapag kaharap ko na siya.My problem meeting with my controlling and over dominating father was that I can't control my fear around him. Noong bata ako, madalas akong himatayin dahil lang sa takot ko sa kanya. Kaya naman nang makalipat kami dito sa Maynila at maging busy siya sa politika, pinagpasalamat ko nang husto na hindi na kami madalas magkita. Lumipat ako ng apartment na pinayagan naman niya. When was the last time I saw him? Three, four months? I can no longer remember. Ang alam ko lang, magaan ang pakiramdam ko kapag wala siya. Mas komportable kong nagagawa ang mga gusto ko, kagaya na lamang ng pagsusulat.Bakit niya ako gustong kausapin ngayon? Wala akong maisip na dahilan para makipagkita sa akin si Daddy. Simula nang maging senador siya, dumistansya siya nang husto sa akin na para bang isa akong malaking kasiraan sa pangalan niya. Tatakbo siya bilang presidente. So why meet me tonight? I don't understand. ***Kapag lumalabas ako, pinipili ko ang outfit na hindi pansinin ng mga tao. Yung magbe-blend in lang at hindi mainit sa mata ng mga kasalubong ko sa daan o kaya ay kasabay kong maglakad sa pedestrian. Paborito kong isuot itong itim na t-shirt na naka-tuck in sa high-waist trousers ko na kulay brown, saka puting sneakers. Mahaba ang buhok ko, natural na alon-alon ito na parang pinagawa sa salon. Probably because I always curled it tight in a bun kaya napilitang umalon. Hindi rin ako mahilig mag-makeup. Gusto ko ang mukhang nakikita ko sa salamin—simple lang at walang kahit na anong garbo kaya bakit ko babaguhin?Nang makarating ako sa 5-star restaurant na tinukoy ni Tita Vera, tiningnan ako ng waitress mula ulo hanggang paa. It felt very uncomfortable—ang tingnan at suriin ng ibang tao. Naroon ang pakiramdam na binabangungot ako nang gising. My outfit was probably too simple for her to double-check my identity first before showing me the way to the senator's table. Sinigurado niyang ako talaga ang hinihintay ni Senator Morgan Alcaraz sa VIP table at hindi ang kung sino man na nagpapanggap. Alam ng lahat ng taong nakapaligid sa senador kung gaano kaiksi ang pasensiya nito kaya maingat silang lahat.Mas lalo akong kinabahan nang makita kong nauna na sa table si Dad. 7:45 PM pa lang. Mali ba ako ng basa sa message ni Tita Vera? Sa mga bibihirang pagkakataon na nagkikita kami, madalas ay ako ang nauuna sa venue at kailangan ko siyang hintayin ng ilang minuto.
"Sit down," he said in his usual cold voice. I quietly sat on the chair across from him. Nakayuko ako upang hindi magtama ang paningin namin. He's my father but I never dared to look at him in the eyes on purpose. Natatakot ako sa mga mata niya na laging matalim kung tumingin sa akin."I heard your book launch is a success. Congratulations, Eva." nakangiti siya sa akin. But like his usual smile, it always looked so empty. My father was a handsome man in his fifties. He's tall and well built. His hair was the color of shining silver. May bahid na ng edad ang mukha niya pero matikas at malakas pa rin ang pangangatawan. Alaga ito sa ehersisyo at maingat din sa pagkain. Maamo ang mukha ni Sen. Alcaraz kaya hindi nakapagtatakang marami itong napepekeng tao."Thank you, Senator." You never congratulate me on my books, Dad. You never liked them. Ano'ng meron ngayon at may pa-dinner ka? May makulit na parte sa utak ko na gustong ibulalas ang mga iyon. "Senator?" nawala ang pekeng ngisi ni Dad. "'Yan na ba ang tawag mo sa akin ngayon? Am I a stranger to you now, Eva? I'm your father so call me Dad, Father, Papa, or whatever the hell you want to call the person who gave you life and raised you, you disrespectful brat!"Nanginig ang labi ko. "I-I'm sorry, D-Dad." Namawis ang dalawa kong kamay sa ilalim ng mesa. Kumabog nang malakas ang dibdib ko sa takot na tuluyan siyang magalit at saktan na naman ako. "I just thought you do not want anyone to hear me addressing you as my father.""Bakit hindi? Anak kita, ano'ng pinagsasabi mo riyan?" "I'm s-sorry."Bumuntonghininga siya. "It's okay. Mamili ka na ng pagkain na gusto mo." Inabot niya sa akin ang menu. Tinakpan ko ang mukha ko ng menu habang nanginginig ang mga labi na nakatingin sa mga pagkaing ni hindi ko mabasa ang pangalan.Tahimik kaming kumain. Pinapakiramdaman ko ang mga kilos ni Dad habang ang mga binti ko ay nanginginig sa ilalim. I realized over time that it's no use showing weakness to this man, that if I didn't want to be a pushover anymore, I needed to learn to at least look him in the eyes while talking. Ilang beses kong pinagpraktisan na umaktong matatag at matapang sa harapan niya pero bigo pa rin ako. Napakalalim ng takot ko sa taong nagbigay ng buhay at nagpalaki sa akin. "Nasabi ko na ba sa 'yo na tatakbo akong presidente sa susunod na eleksyon?""I've seen it in the news, D-Dad.""I'm sorry, Eva. Alam kong sa 'yo ko dapat unang sinabi, the information leaked, naunahan pa ako ng mga reporter." He never meant that. Wala siyang pakialam sa akin; ginagawa niya kung ano ang gusto niya nang hindi pinapaalam sa akin. We never had that normal daughter-and-father relationship like others. Malayo ang loob namin sa isa't isa."Dad, bakit gusto mo akong makausap?" lakas-loob kong tanong para matapos na ang gabing ito.He took his time before answering me. Tinitigan niya ako nang deretso sa mga mata kaya naman iniwas ko ang akin. "I want you to come out in public now. Maganda ang image mo sa tao ngayon, marami kang fans na sumusuporta sa 'yo. You're gonna be useful in my campaign."Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Buong buhay ko, gusto niya na magtago ako. Gusto niyang ilihim ko na siya ang ama ko tapos ngayon na sikat ako at makakatulong sa kampanya niya, gusto niyang magpakilala ako bilang anak niya?"Vera will take care of your branding in public. You will learn how to face people like you're the first daughter of this country. You're a writer. Alam kong magaling kang gumawa ng karakter; patunayan mo sa akin na magaling ka nga talaga. Isang karakter ng first daughter ang ia-apply mo ngayon sa sarili mo. Hindi ka na pwedeng magsuot ng mga gan'yan, hindi ka na pwedeng magkulong sa kwarto mo. Higit sa lahat, hindi ka na pwedeng uutal-utal magsalita kapag kinakabahan ka. Matuto kang tumingin nang deretso sa mga mata ng taong kausap mo."May ugat sa utak ko ang pumitik sa tinuran niya. "Dad... alam mong hindi ko kayang gawin 'yang sinasabi mo. Kilala mo ako. Alam mong buong buhay akong nag-struggle na ganito ako tapos gusto mo ibang tao na ako kinabukasan?"Kumuyom ang kamao niya. "Yes! I don't fucking care how you're going to do that, but that is exactly what I want you to do, Eva. 'Wag mo akong galitin dahil alam mo kung paano ako magalit. Hindi mo magugustuhan."Pinigilan ko ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan pero kailangan ko itong ilabas. "Ni minsan, hindi mo ako pinakilalang anak mo simula nang maging senador ka. Ni minsan, hindi mo ako binanggit sa lahat ng mga interview mo kahit na tinatanong ka nila kung may pamilya ka. Tapos ngayon, biglang gusto mong magpakilala akong anak mo. Bakit?""I don't have time for this drama, Eva. Ginawa ko kung ano ang mas makakabuti sa 'yo—""Makakabuti? Talaga, Dad? I have social anxiety disorder, alam mo 'yan. Isa kang magaling na doctor pero ano'ng ginawa mo? Niresetahan mo lang ako ng gamot at ikinulong sa kahon para itago sa mga tao," patuya kong bwelta. "As if you never really wanted me to get better.""You listen to me, brat!" Tumaas na ang tono niya. Halos umangat na rin ang pwet niya sa upuan, kuyom ang kamay niya habang pinipigilan ang sarili na saktan ako sa pampublikong lugar na kagaya nito. "I will become the president of this country, and I will never let anything nor anyone get in the way, kahit na ikaw pa."Naging mas matatag ang mukha ko. Sa unang pagkakataon, tiningnan ko siya sa mga mata."Hindi, Dad. Hindi mo ako mapipilit na gawin ang isang bagay na hindi ko gusto."Naging mas mabilis ang paghinga niya at tumalim ang mga mata. "Talaga ba, Eva? Hinahamon mo ako? Baka nakakalimutan mo kung ano ang ginawa ko para sa 'yo noon? Hindi mo naman siguro gugustuhing maungkat pa ang nakaraan dahil dito."Inilapag niya sa mesa ang litrato ng isang babae. Nanlaki ang mga mata ko. Nanginig ang labi ko kasabay ng pagkatuyo ng lalamunan ko. I felt like my stomach was being shredded to pieces. "Dad. You couldn't. You can't...""I made enough sacrifice for this family, Eva. Baka naman gusto mong umambag. I need your fucking help now! Sa tingin mo ba habambuhay nating matatakasan ang batas? Eva, there's only so much I can do in my current position. I need more power to be able to keep this secret in the shade forever. Walang bahong hindi umaalingasaw kapag napabayaan na. Naintindihan mo naman ako, 'di ba, anak?"Gusto kong umiyak. Pero kahit ang mga mata ko ay natuyuan na. Bigla akong inatake ng sakit ng ulo na para bang mabibiyak iyon. Parang hinaharangan ng kung ano ang pagdaloy ng dugo sa utak ko. I needed to calm myself down dahil kung hindi, magpa-pass out na naman ako.In my blurry consciousness, I heard Dad's soothing voice. "Eva, stay with me. Focus. Focus. Look at me, you're fine. Everything's alright..." His words and tone were palliative, calming my nerves down little by little. It was a specific hypnosis na siyang tanging nagpapakalma sa akin. At tanging siya lamang ang nakakagawa."Please, Dad. Don't do this to our family. You promised we will keep this a secret...""Kaya nga kailangan ko ng tulong mo. To bury something deep... we need the right tools. We need absolute power. You understand what I mean, right?"Marahan akong tumango."Good. Now listen to me, here comes the important part Eva... You will get married soon.""What?""I can't win this election alone. Kailangan ko ng maraming kakampi. Kailangan ko ng pader na masasandalan. Kailangan ko ng limpak-limpak na salapi na susunugin sa eleksyon. Sa madaling salita, kailangan ko ng gagastos sa pag-akyat ko sa posisyon. I spoke to the old man already. You will marry Mr. Del Cuevo as soon as possible."Nanlaki ang mga mata ko. Del Cuevo. I knew that last name very well. Isa sa pinakamakapangyarihan at pinakamayamang pamilya sa bansa. Si Senyor Custavo Del Cuevo ay 90 years old na! Gusto niyang pakasalan ko ang matandang iyon para lang sa pagkagahaman niya sa posisyon? Ibinebenta niya sa buwaya ang sariling anak kapalit ng ilang pirasong ginto? Nanliit ako. Pakiramdam ko, isa lamang akong aliping walang kalayaan na pinagbibili ng amo. What did I ever do wrong for him to do this to me? Lahat ng sinasabi sa akin ni Daddy ngayon, parang isang panaginip na unti-unting nagiging bangungot.Tumulo ang luha ko. Kaagad kong pinahid iyon. Hindi ako pwedeng tumanggi. Hindi pwedeng maungkat ang nakaraan; iningatan namin iyon sa loob ng mahabang panahon. She was showing some progress. Kaunting panahon na lang, makakalabas na siya roon at magkakasama na kaming muli. Ilang taon lang ba ang titiisin ko kapalit n'on? Limang taon? Pitong taon? Malapit nang mamatay ang matandang Del Cuevo. Makakalaya rin ako kaagad sa bagong kulungang ginawa ni Daddy para sa 'kin. Tama, isa lang ulit ito sa maraming kulungang ginawa niya para sa akin. We're getting close to the end now; ngayon pa ba ako susuko?"Sige, Dad, gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Basta siguraduhin mo lang na kapag nasa posisyon ka na, ikaw mismo ang magbubura ng lahat ng bakas ng sekreto natin. Magagawa mo na 'yon kapag ikaw na ang presidente ng bansa.""Consider it done, darling. Daddy mo ako, gagawin ko rin ang lahat para sa 'yo. Ngayon, you have to prepare as soon as possible. Bago ang official announcement ng kandidatura ko, pangalan mo muna ang ilalabas natin sa publiko. You will be Mrs. Eva Magenta Alcaraz-Del Cuevo."Just the thought of reciting vows of love with an old man made me wanna cringe. Pati ba naman sa altar ng Diyos, kailangan kong magsinungaling?"You're lucky, the Del Cuevo heir is such a fine young man. He's intelligent and very good looking I heard.""What do you mean? Hindi ang matandang chairman ang pakakasalan ko?"Tumawa nang malakas si Daddy. "What makes you think I'll feed you to a dying vulture? You will marry the heir, of course."The heir. That's a different story now. Biglang sumikip ang dibdib ko at nahirapan akong huminga. "Azazel Angelos Del Cuevo."The heir.***The dinner ended with my mind half-conscious. Hindi ko alam kung paano magre-react sa lahat ng iyon na parang mga bombang sunod-sunod na sumabog sa harapan ko. Nasa labas na ako ng restaurant at naghihintay ng taxi na daraan nang tumunog ang cellphone ko. Wala sa loob na sinagot ko iyon nang hindi tinitingnan ang caller ID. Inisip kong si Tita Vera lang ang tumatawag. "Magandang gabi po. Pwede po bang makausap si Ms. Eva Alcaraz?"Nabuhay ang ulirat ko. Tiningnan ko ang caller ID. Wala sa contacts ko ang numero at hindi ko rin kilala ang boses sa kabilang linya. "S-sino sila?""Officer Ana Rodriguez po ng Makati Police. May mga katanungan lang po kami tungkol sa isang kaso."Pinagpawisan ako nang malamig sa narinig. Kakatapos lang ng usapan namin ni Dad tungkol sa lihim na kailangang panatilihing lihim tapos ngayon ay tinatawagan ako ng isang pulis. "Bakit? Why do you need to t-talk to me?" Nanginginig ang kamay ko na inabot ang bag na nakasukbit sa tagiliran ko. I opened a bottle of medicine. Sanay na akong nagte-take n'on at kaya ko nang lunukin nang hindi ginagamitan ng tubig."Ikaw ho ba ang author ng librong Murderer Diaries, at ang pen name mo ay Dark Eve?"Walang nakakaalam n'on maliban sa senior editor at mga boss ng publishing house. "Ako nga po. Para saan ho ito?""Pwede ko po ba kayong makausap nang personal, Ms. Alcaraz?""Tungkol saan?" Pinagpawisan ako nang husto at nagsimulang manginig ang labi ko. Paano kung ito na ang umpisa? Matagal bago siya sumagot; hindi ko rin magawang putulin ang tawag dahil baka kung ano pa ang isipin ng pulis na ito. Baka isipin na natatakot ako dahil may ginawa akong krimen! Wala akong kasalanan. Hindi ako ang gumawa ng krimen."Tungkol po sa libro.""Anong tungkol sa libro?""Mahirap pong i-discuss sa telepono, Ma'm, e."Kagat ko ang labi ko. Kung tungkol lamang sa libro, walang problema. Kahit na ano pa man iyon basta't hindi tungkol sa nakaraan ang itatanong niya, makikipagkita ako. "Meet me at the diner across my publishing house. Ikaw lang ang pwedeng pumunta. Please. I'm sorry, Officer Rodriguez, pero hindi ako sanay na makipag-usap sa maraming tao." Kinalmahan ko ang boses ko sa kabila ng nerbiyos. Parang lalabas na sa ribcage ko ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog niyon."Sige po. Ako lang. Papunta na po ako. Salamat."
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz