ZingTruyen.Xyz

South Boys 2 Heartbreaker

ANG INIT NG PALAD NIYA.


Ang haba rin ng mga daliri na nakakapit sa aking pulso. Malakandila, natalo pa mga daliri ko. Kung magiging boyfriend ko talaga siya, hindi ako papayag na hindi ko siya malalagyan ng nail polish kahit one time lang.



Habang naglalakad kami while HHWW ay pinagtitinginan kami ng lahat. Pati mga teachers na nadaanan namin ay humahabol sa amin ng tingin.


Sinubukan ko namang hilahin iyong kamay ko mula sa pagkakahawak niya, kaso sa isip nga lang.


Saka niya lang binitiwan ang kamay ko nang nasa mismong second floor na kami ng building, kung saan naroon ang aking room. Mabuti na lang at walang tao rito malapit sa hagdan, walang kaklase ko ang nakakita sa amin ni Jordan Moises Herrera. Sayang.


Pagkabitiw niya sa kamay ko ay para siyang natigilan. Parang biglang napaisip kung bakit nga ba niya hinawakan ang kamay ko. Nagmuni-muni siya ng ilang segundo.


Tumikhim ako upang pawiin ang awkwardness sa hangin. Napatingin siya sa akin.


"Iyong sinabi ko kanina kay Wayne..." nahihiyang simula ko.


"Wag mo na ulit siyang kakausapin."


"Ha?"


Napahagod ang mahahaba niyang daliri sa kanyang buhok, saka siya nagpakawala ng iritadong paghinga. Napatulala tuloy ako habang nakatingala sa kanya.


Tiningnan niya ako. Ang malinaw at magandang uri ng kulay tanso niyang mga mata ay nanunuot sa akin. "Naiintindihan mo ba ako?"


Sunod-sunod akong tumango. "Oo astig ka pag nagta-Tagalog."


Kumunot ang noo niya.


Napakamot ako ng pisngi. "Oo na, hindi ko na siya kakausapin. Siya naman ang nauna e. Saka akala ko talaga, hindi niya ako gaganunin doon sa canteen kasi maraming tao roon. Tangina, kahit saan pala demonyo iyon."


Lalong nangunot ang noo niya.


Napahawak ako sa aking bibig. "Sorry sa bad word. Gigil lang talaga ako e."


"Pumasok ka na." Tumalikod na siya at humakbang paalis nang bigla ko siyang pigilan sa laylayan ng suot niyang white polo.


"Sandali..."


Nakataas ang isa niyang kilay nang lingunin ako.


"Salamat sa pagsagip mo sa akin kanina." Totoo na nahihiya ako sa kanya at totoo rin na sobrang naa-appreciate ko ang ginawa niya.


Kahit kaya ko naman ang aking sarili, kahit matigas naman ang mukha ko, at matibay ang sikmura ko, lumalambot ang puso ko kapag may nagpapakita ng concern sa akin. Marupok ako sa ganoon palibhasa kasi bihira ko lang iyong maranasan.


Tila napapaso na nag-iwas ng tingin si Jordan sa akin.


Napabungisngis ako. "Kahit pa presidente ka ng student council at sabi mo nga, obligasyon mo na tumulong sa lahat ng estudyante, hindi ko pa rin talaga maiwasang isipin na baka may meaning..."


"What?"


Nag-peace sign ako habang pigil ang tawa. Just to lighten up the mood, kaya ko iyon sinabi. "Joke lang! Seryoso mo kasi masyado."


Lalo lang namang nangunot sa akin ang kanyang makinis na noo.


"Iyong tungkol sa nasabi ko kanina sa canteen na boyfriend kita..." Napakamot ako ng pisngi. "Baka iniisip na ngayon at pinaguusapan ng lahat na boyfriend kita. Promise, hindi ko talaga ginusto na sabihin iyon, kusa ko lang talagang nasabi. Please, sorry! Bibig ko talaga may kasalanan hindi ako!"


Napakagat-labi ako sa paghihintay ng reaction niya. Wala namang nagbago sa pagiging seryoso niya. Siguro normal na lang talaga iyong ganito niyang eskpresyon o baka naman galit siya sa akin.


Namulsa siya sa suot na school slacks. Walang pasabi na tumalikod na ulit siya at humakbang palayo.


"Jordan!" tawag ko sa kanya. "Sorry talaga!"


Hindi niya ako pinansin.


"Basta sorry!" habol na sigaw ko. "Wag kang mag-alala, pag may nagtanong sa akin sasabihin ko na lang na break na tayo!"


Hindi na siya lumingon pa. Tuloy-tuloy na siya sa pagbaba ng hagdan.


Napalabi ako. Mukhang confident siya na walang maniniwala na pinatulan niya ako. Sabagay, just like what he had said the last time, mahirap nga namang paniwalaan talaga na magkakagusto siya sa isang katulad ko lang.


Oo maganda ako, malakas appeal, magaling makisama, pero hindi ako mahinhin, mabait, matalino. Hindi talaga ako iyong babaeng posible niyang magustuhan, unless na lang talagang minamalas siya sa buhay.


Napailing ako at pumunta na sa pinto ng room ko. Agad na tumuon ang aking paningin sa bakanteng upuan ni Isaiah.


Napaglinga-linga ako sa buong classroom, wala si Isaiah. Hindi rin siya kasama nina Miko at Asher sa canteen. Malungkot na tinungo ko na ang aking upuan at doon sa armchair nangalumbaba.


Sa kabilang row ay naroon si Nelly. Mula nang soplahin ko siya ay hindi muna siya naglalalapit sa akin. Alam niya kasi na kapag badtrip ako ay hindi ko siya sasantuhin.


Nagmumuni-muni ako nang mula sa pinto ng room ay humahangos na pumasok sina Miko at Asher. "Andito si Carlyn!" sigaw ni Asher.


"Carlyn, ano iyong kanina?" tanong ni Miko. Naupo sila ni Asher sa magkabilang upuan na nasa tabi ko.


"Inaano ka ni Wayne?" si Asher habang pinatutunog ang kanyang kamao. "Tangina, ang gago ng mga sinabi sa 'yo. Taga Buenavista iyon, di ba? Abangan ko kasama ng tropa mamaya." May ibang tropa na tagalabas si Asher ayon sa pagkakaalam ko. May frat din siya.


"Alam ko tambay sa Tropical Village sa Pabahay 'yang Wayne na 'yan. Sabihin ko kay Isaiah mamaya. May tropa kami na taga roon din, papatira namin ang tukmol na iyon," sabi naman ni Miko.


Hindi ako kumibo. Nakapangalumbaba pa rin ako sa armchair. Naglalakbay ang diwa ko.


"Carlyn, iyong lalaki pala na humila sa 'yo kanina. Iyon ba iyong syota mo ngayon?" biglang naitanong ni Asher.


Napapalatak si Miko. "Familiar iyong lalaking iyon."


"President daw ng school council," ani Asher.


"May school council ba rito?"


"Tangina Miko, meron! Bat ba wala kang alam?!"


Naitirik ko ang aking mata sa pinag-uusapan nila. "Nasaan ba si Isaiah?" tanong ko. 


"Nasa kabilang room, nanliligaw na naman kay Vivi," si Asher ang sumagot.


Kumuyom ang mga palad ko sa narinig. 


Nang dumating na ang teacher namin ay umalis na sa tabi ko sina Miko at Asher. Nagpasukan na rin ang mga kaklase namin. Mayamaya ay pumapasok na rin si Isaiah sa pinto.


"Isaiah, dito ka!" tawag ko sabay tulak sa tunay na katabi ko.


Pero hindi lumapit si Isaiah sa akin. Ngumisi lang siya at dumiretso na sa upuan niya.


"Huy!" tawag ko.


Hindi niya ako pinansin. Ang mga mata ay napatingin sa labas ng bintana ng room namin kung saan may dumaang estudyante. Nagtagis ang mga ngipin ko nang makitang si Vivi iyon.


Tapos na ang recess, ah! Bakit nasa labas ang babaita?!


Mukhang kunwaring nag-CR itong Vivi na ito. Alam ko 'yong ganyang galawan dahil gamit na gamit ko 'yon. Nang mapatingin siya sa bintana ng room namin ay pasimpleng naghanap ang mga mata niya, at doon huminto sa kinaroroonan ni Isaiah.


"Ma'am, si Isaiah di nakikinig!" sigaw ko sa teacher namin.


Napatingin naman sa amin si Mrs. Pagkaliwangan, ang aming Filipino teacher. "Hindi pa nagsisimula ang klase," nakangiting sabi nito.


Nang balikan ko ng tingin si Isaiah ay binelatan niya ako. Gigil na inambahan ko siya ng dirty finger.


Pagsapit ng lunch break ay nilapitan na ako ni Nelly. "Car, galit ka pa ba?"


Nagsusuklay ako ng mahaba kong buhok at katatapos lang magpahid ng liptint. Hindi ko siya pinansin.


Tila maamo siyang tupa nang huminto sa harapan ko. "Hindi ko alam kung bakit ka galit sa akin, Car."


Inismiran ko siya. "Malamang di mo alam, boba ka e."


Napasimangot naman siya. "Ge, palamig ka muna." Tinalikuran niya na ako. Bumalik siya sa upuan niya at nag-cellphone na lang.


Sumandal ako sa upuan ko at naglabas din ng phone. Nagbabrowse lang ako saglit sa Facebook nang maramdaman ko na may nakatingin sa akin mula sa bintana ng classroom. Paglingon ko ay may grupo ng mga babaeng estudyante ang nagdaraan. Lahat sila ay nakataas ang kilay sa akin.


"Kapatid ni Charles Felix Columna iyong isa riyan," narinig ko ang boses ni Nelly mula sa kabilang row. 


Umismid lang ulit ako. Pakialam ko? Kay Charles nga wala akong paki, sa kapatid pa kaya ng hangal na iyon?


"G sa 'yo kasi niloko mo raw kuya niya," sabi ulit ni Nelly kahit walang nagtatanong.


Padabog akong tumayo ay lumabas ng classroom. Baka pag nag-stay pa kasi ako ay masapak ko na talaga siya kaya minabuti ko na lang na umalis.


Hinanap ng mga mata ko sa labas si Isaiah. Wala siya sa terrace ng floor building namin. Nasaan na naman kaya ang lalaking iyon?


Bumaba ako ng hagdan nang matigilan. Paakyat si Charles Felix Columna at pasalubong sa akin. Anong ginagawa ng hangal na ito rito sa building namin?


Huminto siya nang nasa harapan ko na. "Carlyn, usap tayo."


"Next year na. Busy ako."


Pinigilan niya ako sa braso nang akma akong lalampas sa kanya. "Totoo ba na syota ka naman ngayon noong taga Science Class?"


Ang bilis naman ng balita. Ipinagpag ko ang aking braso na hawak niya. "Kahit syota pa ako ng presidente ng China, ano bang paki mo?"


"Paki ko?!" maigting ang tono na ulit niya. "Pagkakaalam ko lang naman kasi na girlfriend kita!"


Natawa ako nang slight. "Pagkakaalam mo lang pala, ibig sabihin ikaw lang ang may alam."


Nakakapikon na sa totoo lang. Bakit ang feeling niya masyado?


Nanlisik ang mga mata niya. "Idedeny mo? Sige sabihin na nating hindi nga tayo, pero MU tayo!"


"Ay, tangina tumawad pa!"


Mapait siyang napangisi. "So totoo pala talaga na manloloko ka. I just can't believe na pati ako, mapaglalaruan mo."


Nagtawanan ang mga estudyante na kasabay namin sa hagdan. Naiiling na nilampasan ko na siya. Hindi ko na pinansin ang pagtatawag ni Charles. Mapaos siya kakasigaw. Bahala siya sa buhay niya, masyado siyang delusional.


Pumipintig ang sentido ko sa asar. Para magpaalis ng badtrip dahil hindi ko makita si Isaiah ay pumunta na lang ako ng canteen. Hindi pa ako naglalunch kaya bibili na lang rin muna ako ng kahit sandwich man lang.


Habang naglalakad papunta sa canteen ay may mga estudyante na napapalingon sa akin. Malalagkit ang mga tingin nila, parang kinikilatis at hinuhusgahan pati ang aking kaluluwa.


Hmn... Siguro nandoon ang mga ito sa canteen kanina nang pag-agawan ako ni Wayne at Jordan. Char!


Nag-flip hair ako at taas-noong nagpatuloy sa paglalakad. Wala akong pakialam sa iniisip ng kahit sino sa akin, di naman nila ako palamunin.


Pagdating sa canteen ay bumili ako ng sandwich at isang bote ng mineral water.


May nakatingin sa akin na tatlong babae. Ang itsura nila ay iyong tipong mahihinhin pero alam mo agad na may itinatagong kamalditahan. Hindi kagaya ko na unang tingin, maldita lahat. What you see is what you get.


Nakilala ko ang isa sa kanila, iyong pinakamatalim ang tingin sa akin. Siya si Do You Know Her na kaklase ni Jordan sa Science Class.


Kumagat ako sa sandwich ko at naglakad palabas ng canteen. Bago ako makarating sa exit ay pumasok si Jordan. Napatingin siya sa akin at agad ding inilipat sa iba ang paningin.


Suplado!


Napadaan siya kina Do You Know Her. Binati siya ng babae pero tiningnan niya lang ang mga ito. Ni hindi man lang kahit tinanguan. Hindi ko tuloy napigilang hindi matawa.


Napatingin sa akin sina Do You Know Her. Ang tatalim ng mga mata. Nahiya naman ako kaya kunwari na lang na sa sandwich ko ako natatawa.


"Tanginang sandwich to, lasang lechon!"


Lumabas na ako ng canteen pero ngiting-ngiti pa rin ako. Hindi ko lang talaga mapigil.


Habang naglalakad ay may mga tumatawag sa akin na tumpukan ng mga boys sa bench. "Hi Carlyn!"


"Carlyn, lalo kang gumaganda, ah."


"Carlyn, pengeng number mo."


Kinawayan ko sila at nilampasan na. Kahit hindi ko kilala, kapag binabati ako, binabati ko rin. Hindi ako snob. Friendly ako kahit kanino basta nasa mood ako, at basta hindi sila bastos.


Pagbalik ko sa classroom ay mas maingay na kaysa kanina. Sa pinto pa lang ay dinig ko na ang malakas na bunganga ni Asher.


"Soulja Boy off in this hoe! Watch me crank it, watch me roll!" Sumasayaw pa siya sa ibabaw ng upuan.


Binato ko siya ng napulot kong crumpled paper sa sahig. "Huy, si Isaiah?"


Bumaba siya sa upuan at inginuso ang sulok ng room namin. Naroon sa dulong upuan na malapit sa basurahan. Nakayukyok sa armchair. Parang tulog.


"Kailan pa bumalik iyan?" Naglakad ako papunta kay Isaiah. Kasunod ko si Asher.


"Kanina pa." Kinawayan ni Asher si Miko na nagse-cellphone sa upuan.


Tinabihan ko si Isaiah at marahang hinaplos ang buhok niya. "Huy, tulog ka?"


Nag-angat siya ng mukha. Hindi naman pala siya natutulog pero parang namumula ang mga mata. Medyo basa rin ang dulo ng mahahaba niyang pilikmata.


"San ka galing?" tanong niya rin sa akin na bahagyang paos ang boses.


"Bumili lang sa canteen. Kumain ka na?"


Umiling siya at naghikab. "Di naman ako gutom."


Sumandal ako sa balikat niya. "Ikaw saan ka ba galing?"


Hindi siya sumagot at pasimpleng lumayo sa akin. Sinenyasan niya si Miko na kunin ang kanyang gitara na nasa ibabaw ng cabinet.


"'Yon." Napangisi si Asher at kinuha sa ilalim ng upuan ang lumang beatbox cajon na palagi niyang bitbit sa school. "Jamming na lang kaysa iyong naglalambingan kayo e wala naman kayong label. Tangina niyo!"


Napipikon na tinadyakan ko siya sa paa, pero natawa lang ang tukmol.


Nagpatunog ng buto sa kamay si Isaiah saka inabot ang gitara mula kay Miko. Nang mag-strum siya ay sinabayan ko ng mouth beat ang pagpalo ni Asher sa beatbox.


Ganito kami kapag break time. Kung hindi nagyayabangan, nagjajamming naman.


Ang mahahabang daliri ni Isaiah ay kumakalabit sa guitar strings. Sinundan ang beat ng malamyos niyang boses. "There's always that one person that will always have your heart."


Ang iba sa mga kaklase namin ay nakatingin na sa amin, nakikinig. Lalo ang mga babae na kay Isaiah nakatutok ang pansin.


Nagpatuloy si Isaiah sa pagkanta habang nagigitara. "You never see it coming 'cause you're blinded from the start. Know that you're that one for me, it's clear for everyone to see. Oh baby, ooh yeah... You will always be my boo."


Tumigil ako magbeat at sinundan ang rap version ni Alicia Keys. "See, I don't know 'bout y'all, but I know about us and, uh! It's the only way we know how to rock." Sinabayan ko pa iyon ng kumpas ng kamay.


Sa pangalawang linya ng rap ay duet na kami ni Isaiah habang tulyo siya sa pagigitara.


"I don't know 'bout y'all, but I know about us and, uh. It's the only way we know how to rock."


And duet again sa chorus.


"It started when we were younger, you were mine... My boo..."


With eye contact pa kami.


"Even though we used to argue, it's alright. My boo..."


Pagkatapos ng kanta ay may kasunod pang isa. Ang mga paborito namin tuwing nagja-jamming katulad ng kanta ni Neyo, Fergie, Pussycat Dolls at sa OPM ang mga rap song ng Repablikan, Gagong Rapper, Crazy as Pinoy, Hambog Na Sagpro Krew, Gloc 9 at Parokya ni Edgar.


Sa chorus ng rap ay automatic na sa akin. Nakangisi sina Asher at Miko nang bumirit ako.


"Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa 'pagkat nadarama'y ligaya. Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay 'pagkat ikaw ay aking mahal."


Nagpalakpakan ang mga classmates namin.


"Bagay talaga sila," maririnig na bulungan ng mga ito habang nakatingin sa amin nina Isaiah.


"Bagay talaga sila," maririnig na bulungan ng mga ito habang nakatingin sa amin nina Isaiah.


I couldn't agree more. Kaya nanggigigil ako sa Vivi na iyon. Ang lakas umeksena kahit ilang ulit naman na niyang binusted si Isaiah. Paasa ampota.


"Car, pumayag ka na kasing maging vocalista namin," siko ni Asher sa akin matapos ang ilang sets ng kanta. 


Ang banda nila ay kagagawa lang last year. Si Isaiah as the vocalist and minsan lead guitarist din, ang pinsan niyang si Arkanghel ang drummer, Miko as the rhythm guitarist at si Asher na minsan pianist o assign sa beat box. Lahat din sila kumakanta. Ang pangalan ng band nila ay Backslide. Tumutugtog lang sila for fun, minsan naman ay iniimbitahan sila sa mga bars. Itong parating na battle of the bands sa Sabado ang first contest na sasalihan nila.


"Oo nga, Car," segunda naman ni Miko. "Di ba idol mo iyong babaeng bokalista ng Black Omega Society?" tukoy niya sa isang dating banda. "Daig mo iyon kasi pati sa rap, kaya mo."


"Bakit afford niyo TF ko?" biro ko. Ang totoo ay kaunti na lang ay mapapapayag na nila ako na sumali sa banda. Hinihintay ko na lang talaga na si Isaiah ang mismong magmakaawa sa akin.


Nang magring ang bell ay nagpasukan na ang mga kaklase namin.


"Wala raw ulit si Ma'am!" sigaw ng isa naming kaklase. "Pero may ipapasulat."


Nagbalikan na sa kanya-kanyang upuan ang lahat. Si Isaiah ay bumalik na rin sa upuan niya. Sumunod naman ako, pinalayas ko si Miko na supposedly ay ang dapat na katabi niya.


"Doon ka muna sa upuan ko, Miko."


Sumaludo si Miko without violent reaction.


Naglabas ng notebook si Isaiah. "Magsulat ka rin, Carlyn," sabi niya sa akin.


Humalukipkip ako. "Pwede namang picturan na lang sa cellphone."


"Okay pa rin iyong may notes na marereview," sagot niya na nilagay ang notebook sa ibabaw ng desk.


Napanguso ako. "E di shing!"


"Di ka ba babalik sa upuan mo?" tanong niya habang naghihintay ng isusulat.


"Mamaya na. Wala naman si Ma'am e."


Mula sa pinto ay pumasok ang isang matangkad at guwapong estudyante. Ang lalaking ilang ulit na naging tagasagip ko pero mukha namang wala talagang meaning.


Napaayos ako bigla sa pagkakaupo. Parang sinilihan naman ang pwet ng mga babae kong kaklase nang makita siya. May mga parang tangang naghahampasan pa.


Teka, bakit ba kasi palaging si Jordan ang pumupunta rito sa room namin? Wala ba siyang sariling klase?


Gumala ang brown eyes niya sa paligid at nang mapunta sa akin, deadma lang. Parang hindi niya ako hinawakan sa kamay kanina at hinila palayo sa lahat.


"Good afternoon," pormal na bati niya sa amin.


Katulad nang nakaraan, bukod sa seryoso pa rin ang hilatsa ng mukha ay may dala na namang manila paper si Jordan. Iyon daw ang isusulat namin. Ang haba, katamad. Pero naglabas na rin ako ng notebook. Kunwari na lang magsusulat ako, kahit pipicturan ko lang talaga mamaya ang mga manila paper.


"Syota mo 'yan, di ba?" pabulong na tanong ni Isaiah. Halatang nang-aasar lang.


"Gago, hindi," pabulong rin na sagot ko. 


Nasa akto ako na nagsusulat-sulatan nang marinig ang malalim at pormal na boses ni Jordan.


"You."


"Ha?" Napaangat ako ng mukha. Ako ba iyong kinakausap niya?


Sa akin nga nakatuon ang kulay brown niyang mga mata. "Is that really your seat?"


Ang mga kaklase ko ay napalingon sa akin.


"As I remember, that's not your seat."


"Ha? Hindi, ah!" mabilis na tanggi ko na nakakainis dahil tunog defensive. Bakit ba natataranta ako nang ganito pagdating sa kanya?


Namulsa si Jordan habang matamang nakatingin sa akin. Ano bang problema niya at pinag-iinitan niya yata ako?


"Dito ako nakaupo. New seat plan!" Siniko ko si Isaiah para magpa-back up, ang kaso iniwan na naman ako sa ere ng tinamaan ng magaling. Busy-busyhan siya sa pagsusulat na akala mo hindi ako kilala.


Ang hayup na Miko naman ay tumayo mula sa tunay na upuan ko. Wala tuloy akong nagawa kung hindi tumayo na rin.


"Go back to your seat," utos ni Jordan sa akin sa usual niyang pantay na tono.


"Sorry na. Mapapatawad mo ba ako?" sarkastikong balik ko sa kanya.


Bumalik na ako sa upuan ko. Nakasimangot ako buong oras. Hindi kasi umalis si Jordan hangga't hindi raw kami nakakatapos lahat sa ipinapasulat. Ichineck niya isa-isa, kaya napilitan din akong magsulat.


Nagvibrate ang iPhone ko sa aking bulsa. Nang i-check ko, puro missed calls and text messages from Mommy. Ang pasaway talaga. Alam namang nagkaklase ako, saka tumatawag.


Binasa ko ang isa sa mga text.


Mommy:

Darling, are you still mad at Mommy? =(


Tadtad ng crying emoticons na akala mo teen ager ang nag-text. Naiiling na ibinalik ko ang phone ko sa bulsa. 


Daig ko pa ang may anak na pasaway na kailangang alalahanin. Dahil nangungunsumi ako habang nagsusulat, ang chaka tuloy ng penmanship ko nang makatapos.


Pinapila kami ni Jordan sa harapan niya para magpa-check ng notebook. Pagkarating sa akin ay sumimangot ang guwapo niyang mukha.


"Hindi maintindihan ang sulat mo," komento niya. Ang arte. Sarap pisilin ng pisngi.


"Amazing di ba? Estudyante pa lang ako pero pang doktor na ang sulat ko."


Umigting ang panga niya na tila nagtitimpi. Ibinalik niya sa akin ang notebook. "Next," mahinang sabi niya na ang tinutukoy ay lumayas na ako sa harapan niya.


Nang makatapos magcheck ay pormal na nagpaalam na siya sa lahat na aalis na. Hintayin na lang raw namin ang next teacher namin. And while waiting raw, mag-aral daw muna kami ng nakaraang lessons. As if naman gagawin talaga iyon ng mga kaklase ko.


Pagkalabas niya ay nagkanya-kanyang saya na naman dito sa room. Nagmistulang palengke na naman sa ingat at gulo. Naglabasan ng phone, make up kit, chips, baraha, vape, manga book, charger na basta na lang ichinarge sa saksakan sa likod, at marami pang iba.


"Naiwan ni Jordan iyong phone niya!" sigaw ni Shaila, isa sa mga kaklase ko. Hawak-hawak niya sa kamay ang isang black iPhone.


"Manliligaw ni Carlyn iyon!" sigaw ni Asher.


Napatingin ang lahat sa akin, lalo na si Nelly na nasa kabilang row.


Napangiwi ako. At least ang sinabi ni Asher ay manliligaw pa lang hindi pa BF. Kahit paano, wholesome pakinggan.


Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan si Shaila na nasa unahan. "Akina 'yan, ihahabol ko." Pagkakuha ko sa phone ay hinarap ko ang buong klase. "Wag kayong magpapaniwala kay Asher, laging nalilipasan ng gutom 'yan."


Lumabas na ako ng room habang wala pa kaming kasunod na teacher. Mabilis ang pagbaba ko sa hagdan para maabutan si Jordan, ang kaso hindi ko na siya matanaw.


Kakamot-kamot ng ulo na nagdesisyon na lang ako na puntahan siya sa mismong room niya sa Science Building. Tahimik ang buong hallway nang makarating ako sa floor.


Sumilip ako sa room nila, nagkaklase na sila. Kompleto ang mga kaklase niya tapos nang mapatingin sa akin ang isa, parang nagkakaisang kulto na sumunod na rin ng tingin ang lahat. Astig.


Lumapit sa akin ang subject teacher nila. "Yes, what is it, Miss?" Mabait ang bukas ng mukha ng teacher, hindi masungit, kaya naman lumakas ang loob ko.


"Good afternoon po, Ma'am. Uhm..." Napalunok muna ako. "Pwede po kay Jordan?"


Pasimpleng humagod ang tingin sa akin ng teacher nila, pero ngumiti naman pagkatapos. "Jordan, someone's looking for you," tawag niya sa lalaki.


Nang tumayo si Jordan at humakbang ay tila biglang nawalan ng sounds ang paligid. 


Lumabas siya ng room at lumapit sa akin. "Why?"


Oo nga why? Pwede namang ipaabot ko na lang iyong phone niya sa teacher, bakit kailangang palapitin ko pa siya?


Naghihintay siya ng sagot mula sa akin.


Nilingon ko ang bintana ng room nila, nakatingin pa rin ang mga kaklase niya. Para silang nanonood ng sine na si Jordan ang hot na bida at ako naman ang magandang kontrabida.


Bago pa ako ma-stress nang husto ay inilabas ko na mula sa aking bulsa ang phone niya at basta na lang ibinigay sa kanya. "O 'yan, naiwan mo sa room namin."


Inirapan ko siya at naglakad na ako paalis. Binilisan ko ang mga hakbang para makalayo na. Hindi ko kasi trip ang nararamdaman ko nang makaharap siya, parang biglang may tumatambol sa loob ng dibdib ko. Ang weird.


"Hey!" Narinig kong tawag niya pero hindi ko na pinansin. Kung magti-thank you lang siya, wag na.


Maliit na bagay lang naman na ihatid ko sa kanya ang phone niya. Mas marami pa rin siyang nagawa para sa akin.


Nang malayo na ako sa Science Building ay nag-vibrate na naman ang phone ko sa bulsa. Tamad na kinuha ko iyon. Sa screen ay nakalagay ang pangalang "MOMMY"


Ang kulit talaga!


Basta ko sinagot. "Seryoso kang tumatawag nang ganitong oras? Mom, remind ko lang na oras ng pasok ngayon at estudyante lang naman ang tinatawagan mo."


Hindi agad nagsalita si Mommy. Mukhang nag-iisip ng palusot na rebut. Alam niya kapag galit ako, nag-iisip agad siya ng mga ipang-uuto sa akin.


Inunahan ko na siya bago siya magsalita. "Mag K-Drama ka na lang muna riyan kung bored ka, okay? Utang na loob, patahimik mo muna ang kaluluwa ko. Hayaan mong mag-aral muna ang anak mo nang makagraduate na at maiahon ka sa laylayan."


Ibababa ko na ang phone nang isang unfamiliar na boses ang aking narinig mula sa kabilang linya. "Hello? What are you saying? Who's this? Why do you have my son's phone?!"


Hala, gagu! Nanlalaki ang mga mata na ibinaba ko ang phone at pinakatitigan. Daig ko pa ang nasabugan ng bomba nang marealize na ang phone na hawak-hawak ko ay hindi akin...


Kundi phone ni Jordan Moises Herrera!


"Shit!" sambit ko.


"Kaya hinahabol kita," malamig ang pormal na boses na nagsalita mula sa likuran ko.


Nang lingunin ko ito ay daig ko pa ang nakakila ng multo. Kinuha niya mula sa kamay ko ang kanyang phone at ipinalit ang phone na ibinigay ko kanina sa kanya—ang phone ko!


Nasa harapan ko siya, sobrang lapit namin sa isa't-isa at nakayuko siya habang nakatingin sa akin. Sinagot niya ang kausap ko kanina. "Yes, 'My. Sorry about that."


Napalunok ako habang nanliliit na nakatingala sa kanya.


"No. She's not my girlfriend."


Ang mapula niyang mga labi ay bahagyang umismid.


"She will never be."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz