South Boys 1 Kiss Master Published And To Be Adapted Soon Into Mini Series
ARKANGHEL WOLFGANG WAS MY SAFE PLACE.
The one who was once gone, but never forgotten.
And now, he was marrying another woman...
Paano nangyari iyon? Na sa akin siya uuwi pero iba ang pakakasalan?
Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung talagang seryoso ba siya. Noong sinabi niya na mahal niya ako, saan niya ako mahal? Hanggang saan niya ako mahal?
I sighed and a few tears fell.
Anger was now boiling inside me, even though I didn't have the right to feel that way. Kasi sino ba ako para magalit? Future kabit?
Mapait akong napangiti sa wallpaper na nasa cell phone kong hawak. Tinitingnan ko ang lalaking minahal ko noon at mahal ko pa rin hanggang ngayon. Iniisip ko kung ano ang mga nagbago mula nang umalis siya, kung talaga bang ibang tao na siya ngayon pagbalik niya. Kasi iyong natatandaan kong dating Arkanghel ko, sobrang mahal ako.
Siya na lang iyong gusto kong maalala pagkatapos ng lahat ng ito... iyong dating Arkanghel ko.
Ngayon siguro, bibitiw na muna ako...
It was 3 in the afternoon when I woke up the next day. Pagod ang isip at puso ko nang umalis sa kama. Pumili ako ng isusuot na damit sa orocan. Pinili ko iyong sinuot ko rin dati sa birthday ni Art. Yung doll dress. Pumasok ako sa banyo at nagtagal ng ilang minuto sa loob. Nang makatapos sa pagligo at pagbibihis ay marahan kong sinuklay ang aking buhok sa tapat ng electricfan. Maski ang paglalagay ko ng manipis na make up sa mukha ay marahan at walang pagmamadali. Mabagal ang mga kilos ko na tila ninanamnam ang oras at walang pakilam sa lumilipas na sandali.
Nang sa tingin ko ay presentable na ako kahit paano ay saka ako nag-book ng Grab. Pupunta ako sa birthday ni Ma'am Ingrid ngayong gabi. Gusto kong pumunta dahil gusto kong marinig ng dalawang tainga ko at makita ng dalawang mata ko ang engagement nina Arkanghel at Fury. Gusto kong harap-harapan nilang isampal sa mukha ko kung saan ba ang tamang lugar ko.
Gusto ko ring harap-harapang makita kung paano isusuot ni Arkanghel kay Fury ang singsing na akala ko ay para sa akin. Gusto kong malaman kung may ikadudurog pa ba ako pagkatapos ng pagkabasag ko.
Gusto ko ring pumunta sa party dahil gusto kong batiin at makita sa huling pagkakataon si Ma'am Ingrid. Naging totoo at mabuti siya sa akin, hindi ko siya bibiguin.
Sandali lang ang biyahe papunta sa Quezon City. Bago mag 7pm ay nakarating na ako. Pagbaba ko sa tapat ng Wolfang's mansion ay natanaw ko na agad si Art na nakatayo sa gate. Siya lang ang bukod tanging naroroon. Nakapamulsa siya sa suot na slacks at bukas ang ilang butones ng kanyang white long sleeve polo.
Nang makita niya ako ay nanakbo siya agad sa akin at niyakap ako. Yumuko siya at hinalikan niya ako nang mariin sa aking noo. "Ayos ka lang?"
Tumango ako at pilit siyang nginitian.
"Nasa office pa si Kuya. May inaayos," Art supplied. Tila nabasa niya ang tumatakbo sa isip ko.
Magkasama kaming pumasok sa loob ng mansiyon. Ito na ang huling pagtapak ko rito. Nanlalamig ang aking mga palad pero dahil sa mahigpit na pagkakaakbay ni Art ay kumakalma ako.
Maraming tao katulad noong nakaraang party. Marami ang mga alam mong may mga sinabi sa buhay. Lahat sila ay mararangya at nakakapanghinang tabihan. Ito ang mundo ni Arkanghel, ang mundo na alam ko namang simula pa lang ay hindi na ako kabilang.
Nakakabulag kasi ang pagmamahal. Papaniwalain ka sa mga bagay na aakalain mong pwedeng maging totoo kahit pa napakalayo naman sa katotohanan. Kung hindi ka pa nagmamahal ay hindi mo ako maiintindihan. Kung sarado ang isip mo, huhusgahan mo ako. Pero nauunawaan ko ang mga gustong husgahan ako. Iba-iba naman kasi talaga ang pagkilala ng bawat tao sa salitang pag-ibig.
"Hinahanap ka na ni Mom," ani Art.
Sinamahan niya ako papunta sa mommy niya na nasa garden. Natanaw agad namin si Ma'am Ingrid na kumakaway sa akin nang makita akong paparating. May kausap siyang mukhang manikin na babae. Parang ito rin iyong kausap niya noong huling party.
Napakaganda ng pagkakangiti ni Ma'am Ingrid, ang bait-bait ng bukas ng mukha niya. Bagay na bagay rin sa kanya ang suot na black mermaid gown. Nakalugay ang itim na itim at mahaba niyang buhok na lalong nagpatingkad sa kanyang maputing balat.
"Happy birthday, Ma'am Ingrid..." bati ko nang nasa harap na niya.
Ibineso niya agad ako. "Thank you Sussie, sa pagpunta. Gusto ko nga sanang ipasundo sa Cavite ang tatay mo, ang kaso hindi pa kami nagkakausap nang personal ulit mula nang huling beses, so I think maiilang lang siya kung sakali na bigla ko siyang iimbitahin."
Ipinakilala niya ako sa kausap na mukhang manikin na babae. Siya nga iyong kausap niya the last time. She was Frantiska Dyesebel Justimbaste-Cole, the first lady of Quezon City, the wife of Mayor Jackson Cole. Sa ganda ng kutis niya ay hindi mo aakalain na may binatilyo na siyang anak.
Ipinakilala rin sa akin ang tatlong binatilyo na kasama nila. Parehong naka-tux at ang gu-guwapo ng mga ito. Ang isa ay anak ni Mayora Frantiska. Ang isa naman na kulay berde ang mga mata ay nakababatang kapatid daw ni Fury. At ang huli ay anak rin daw ng isa sa kaibigan ni Sir Ala.
"Good evening po," bati sa akin ng kulay berde ang mga mata. "Atreus Batalier po."
"Calder Raegan Cole po."
"Gaeb Thunderwood po," ang huling binatilyo ay yumukod pa sa akin.
"Hello," bati ko sa kanila. Nakakatuwa ang kagalangan nila, kahit napakaguwapo ay hindi mga suplado. Ang pipino at ang hinahon din nilang kumilos at magsalita.
"Sakristan ang mga ito, Sussie," may pagmamalaki sa boses ni Ma'am Ingrid nang magsalita.
"Parehong papasok sa seminaryo at magpapari."
"Mom, it's too early to say that," sabat ni Art na nakaakbay pa rin sa akin.
Pinanlisikan naman siya ng singkit na mga mata ni Ma'am Ingrid. "'Wag mo silang itulad sa 'yo, Artemi!"
Napangiti ako sa pagtulis ng nguso ni Art. "Tara na nga, kain ka na para makauwi ka na."
Nahihiyang nagpaalam naman ako kina Ma'am Ingrid. Hinila na ako ni Art papunta sa mesa.
Siniko ko siya sa tagiliran nang malayo-layo na kami. "Ang sama mo. Bakit mo naman sinabi sa mama mo na uuwi rin ako?!"
"E iyon naman ang totoo. Nagpakita ka lang pero uwing-uwi ka na," balewalang sagot niya.
Napayuko ako dahil tama naman siya. Ayaw ko lang talagang biguin ang mommy niya.
"Ito na iyong huling magpapakita ka, no?" mayamaya ay narinig kong sabi niya sa mapait na tono.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nagpanggap akong busy sa pagtingin-tingin sa paligid.
"Ate..."
Tuluyan nang kumirot ang dibdib ko nang marinig na parang nabasag ang boses niya. Nilingon ko siya. Ngayon ko lang nakitang malungkot ang mga mata ni Art. Sanay kasi ako na palagi siyang siraulo.
"Pati ba ako, ayaw mo nang makita pagkatapos nito?"
"H-hindi ko alam. Siguro naiintindihan mo naman ako..." Hindi na ako nagkaila pa sa kanya tutal alam ko namang basang-basa niya na ako.
Ngumiti siya nang maliit. "Of course I understand you."
Nag-iwas ako ng mga mata sa kanya dahil parang pinipiga ang puso ko.
"So anong plano? Bukod sa magpapalit ka na ng number at magde-deactivate ng Socmed?"
"Thanks sa idea," biro ko na pinilit ngumiti. Pero iyong mga sinabi niya, naisip ko na talaga bago pa ako pumunta rito.
Natawa siya. Iyong tawa na maiksi at walang laman. Tumawag na siya ng waiter para pakuhaan ako ng pagkain.
"Busog ako, Art."
"Di pa ako nakain mula kanina. Share na lang tayo sa plato."
Sa isang bakanteng mesa kami na nasa gilid pumuwesto. Parang ganito rin noon sa unang pagpunta ko rito sa mansiyon, noong birthday niya. Hindi ako naiilang gaano dahil alam ko na hindi niya ako pababayaan.
"Carbonara, roasted turkey, and lettuce salad. Pagsamahin mo na lahat sa one big plate," utos niya sa waiter na lumapit. "For the drinks, two glasses of cucumber juice."
Mabuti naman at hindi wine. Nangalumbaba ako sa mesa at pinagmasdan si Art. Kakaiba talaga ang aura niya ngayon, malumbay. Parang pareho lang kami.
Pagdating ng plato na pinakuha niya sa waiter ay nilantakan niya na agad ang carbonara. Sinubuan niya ako ng isa. Hindi ako nandidiri o naiilang dahil para sa akin, wala namang malisya. Wala rin naman sa kanya. Hindi ko alam kung bakit simula pa lang, kapatid na talaga ang tingin ko kay Art.
Unang beses pa lang na makilala ko siya ay magaan na ang loob ko sa kanya. Kaya mamimiss ko talaga siya pagkatapos nito.
Wala naman nang dahilan para magkita pa kami. Masasaktan lang ako kapag maging kaibigan ko pa siya. Pero siguro, kapag lumipas na ang mga panahon at maging okay na ang lahat, baka sakaling na pwede pa rin kaming maging magkaibigan sa hinaharap.
Nang susubuan niya pa ako ulit ay umayaw na ako. Baka kasi may makakita pa at kung ano ang isipin sa amin. Kasi kahit alam mo sa sarili mo ang totoo, hindi pa rin maiiwasan ang mga taong mahilig humusga sa nakikita lang ng mga mata nila.
Inalok ko si Art ng tubig dahil parang sunod-sunod na ang subo niya. "Art, okay ka lang?" Mukhang gutom na gutom nga siya. Bakit kasi hindi siya kumain maghapon?
Binitiwan niya ang tinidor. "Wait, 'Te. Naje-jebs ako." Tumayo siya. "Hintayin mo ako."
"Baka kung saan ka na naman makarating."
Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko. "Hindi. Jejebs nga talaga."
Wala na akong nagawa nang tumalikod na siya. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa carbonara. Wala talaga akong ganang kumain. Iyong subo ni Arkanghel sa akin kanina ay ang tanging naging laman ng tiyan ko mula kaninang magising ako.
"Darling, what do you think of Arkanghel Wolfgang?" naulinigan kong usapan sa kabilang mesa. Isang matandang lalaki na halatang mayaman ang nagsasalita, kausap ang tila asawa niya.
"Darling, he's still an enigma to me," sagot naman ng matandang babae sa asawa. "Pero naniniwala ako na kaya niyang hawakan ang Voiré. Para rin siyang ama niya, malalim na tao, pero malupit sa negosyo."
"Yes, I agree with you on that. Kaya nga malaki ang iinvest ko sa kompanya, lalo ngayong magiging parte na ng Voiré ang Bataliers."
"Oh, malapit na malapit na 'yan. After this night, for sure magkakaroon na ng final date ang kasal. Napapagod na rin ang lahat sa long engagement na ito. Bakit pa kasi pinapatagal kung masyado namang perpekto sa isa't isa ang ikakasal."
Nakayuko ako sa kinauupuan habang nakikinig sa usapan. Nagtatagis ang aking mga ngipin habang hindi ko namamalayang mahigpit na ang pagkakahawak ko sa laylayan ng suot kong doll dress. Damang-dama ko sa aking buto ang panliliit. Pero ito naman ang gusto ko e. Ito ang gusto ko, ang magising sa katotohanan kung ano ba talaga ako kay Arkanghel. At hindi ko pala kaya...
Nang mag-announce ang emcee na parating na si Arkanghel ay umangat ang mukha ko. Tama na siguro. Aalis na ako. Hindi ko na hihintayin ang announcement. Alam ko naman na ang mangyayari. Ayaw ko nang mag-stay, hindi ko na kaya. Sapat na iyong pagiging masama ko sa aking sarili.
Uuwi na ako kahit wala pa si Art. Okay na itong ganito na nakapunta ako rito. Nakita na ako ni Ma'am Ingrid kaya hindi siya magtatampo. At oo, pagkatapos nitong gabi, puputulin ko na rin ang lahat ng kaugnayan ko sa kahit sino sa kanila.
Dinampot ko ang aking bag at naghandang tatayo nang may umupo sa katapat kong upuan. Gulat na napatingala ako sa kanya at agad kong nasalo ang berde niyang mga mata.
"Are you dating Artemi?" she asked like she was spitting each word.
Umawang ang mga labi ko nang makilala ang magandang babae na nasa harapan ko. Si Fury. She was wearing a fitted metallic grey halter A-Line gown that emphasized her killer curves. Naka-bun ang kanyang buhok kaya kitang-kita ang makinis niyang leeg at balikat.
"So?" Nakataas ang isang kilay na untag niya sa pagkakatulala ko sa kanya.
Tumikhim ako nang makabawi. Nag-iwas ako sa kanya ng paningin. "No."
Hindi ko alam kung naniniwala siya o hindi.
"Really?" sarcastic ang kanyang pagkakabigkas at hindi ko iyon nagustuhan. And her green eyes, they were full of hate.
What the hell was her problem? I was being nice to her kahit ang gusto ko ay hindi siya pansinin.
Fine, she was prettier and sexier than me. Siya ang mas magandang buhay at pinagmulan. Siya na ang lamang sa lahat. Siya ang gusto nina Ma'am Ingrid at siya rin ang pakakasalan ni Arkanghel. Tanggap ko naman na iyon. Pero wag niya akong pagma-malditahan dahil sagad na sagad na ako.
Parang nagulat siya nang makita ang pagtalim ng aking mga mata. Bahagya siyang umusod sa kinauupuan.
"Hindi mo ba alam, ex ako ni Arkanghel?" malamig kong tanong sa kanya. Wala akong pakialam kung anong isipin niya.
Ang pagka-maldita sa kanyang magandang mukha ay nabura. "But I thought ikaw yung kinilala niyang kapatid sa Cavite."
"Well, that's the biggest lie."
Gusto ko ring isampal sa kanya na hindi pa siya ikinakasal ay may kabit na ang mapapangasawa niya. Pero bilang pagalang kina Ma'am Ingrid, Sir Ala, at kay Art, sasarilinin ko ang lahat ng ito. Hindi ako manggugulo.
Natulala siya sa akin. "I'm sorry..."
"Bakit ka nagso-sorry? Wala naman na kami." Tumayo na ako dahil hindi ko na siya matagalang kausapin. Hindi ko kayang kausapin ang babaeng pakakasalan ni Arkanghel.
"But..."
"Anyway, congratulations sa engagement niyo ni Arkanghel. Pakamahalin mo sana siya at sana ibigay mo ang lahat sa kanya."
Kumibot kibot ang labi niya at para siyang maiiyak. Hindi ko na siya pinansin pa. Tumayo na ako at hindi na hinintay pang bumalik si Art. Hindi ko na kayang tumagal pa.
Hindi na rin ako nakapagpaalam pa kay Ma'am Ingrid. Dumiretso ako patungo sa mansiyon, hanggang sa makalabas ako ng main door. Hindi na ako nakapag-book ng Grab pero mabuti at may dumaang taxi. Pinara ko agad iyon at nagpahatid ako sa Pasig.
Sa biyahe ay tulala ako habang tumutulo ang luha. Walang tigil sa pagri-ring ang phone ko pero wala akong pakialam.
Nang nasa tapat na ng street ko ay nagbayad ako sa driver. Hindi ko na hinintay ang sukli. Wala akong lakas magtipid sa mga oras na ito. Ang gusto ko lang, makauwi na. Bumaba ako ng taxi at naglakad papunta sa building kung saan naroon ang studio type kong apartment.
Dalawang blocks pa lang ay natanaw ko na ang lalaking nakaupo at nakayuko sa tapat ng pinto ng sarado kong apartment. Saka ko napansin na may kotse sa tapat ng building. Bumagal ang mga lakad ko hanggang sa nasa harapan niya na ako.
"Hugo..."
Marahan siyang nag-angat ng paningin. Sa tulong ng liwanag ng lamppost ay nakita ko ang pamumula ng mga mata niya na tila kulang sa tulog at pahinga. Hindi ko alam kung kailan pa siya naririto.
"Bakit ka nandito?" mahinahon kong tanong sa kanya. Ubos na ang lakas kong magalit.
Tumayo siya at pinagpagan ang damit. Hindi siya makatingin sa akin. Ang suot niya at black shirt na medyo gusot at dark jeans. Mukhang hindi siya galing sa trabaho. Mukhang wala siyang nagawang kahit ano mula nang galing kami sa Tagaytay.
Nagsimulang umambon. Sa sitwasyon ni Hugo na walang tulog ay magkakasakit siya kung maambunan siya. Hinila ko ang laylayan ng shirt niya para pumasok sa loob ang apartmet ko.
Wala pa rin siyang kibo kahit nasa loob na kami. Wala ang kahit anong yabang at tapang niya. Para tuloy hindi ko siya kilala.
Hinarap ko siya at sinampal sa kaliwang pisngi. Ni hindi siya tuminag o nagulat sa ginawa ko.
"Alam mo ba kung para saan 'yang sampal na 'yan?" tanong ko sa kanya.
Nagtagis ang mga ngipin niya at yumuko.
"Hugo, hindi kita pinaasa... Ilang beses kitang ipinagtabuyan pero hindi ka umalis kahit kailan. You stayed with me and I learned to love you as my friend, as my brother. I trusted you so much... kahit pa deep inside, aware ako na umaasa ka pa rin sa akin."
"Pero Hugo, 'wag kang mag-alala, hindi para doon ang sampal na ibinigay ko."
Tahimik lang siyang nakayuko.
"Hindi rin para sa pambabalewala mo sa sobra-sobrang tiwala ko sa 'yo bilang kaibigan ko. Hindi rin para sa panghuhubad mo sa akin noong mga oras na alam mong wala ako sa sarili at hindi ko kayang ipagtanggol sa 'yo ang sarili ko. Hindi rin para sa pagtabi mo sa akin sa kama habang nakahubad ako." Pumiyok ako sa huling mga salita. "Mas hindi rin para sa pananahimik mo habang ginigipit tayo ng mga nanay natin."
Doon siya napaangat ng paningin sa akin.
"Hugo... para 'yon sa nararamdaman kong sakit sa puso ko ngayon." Pumatak ang mga luha ko habang nakatingala ako sa kanya. "Okay lang bang isisi ko ito sa 'yo?"
"I'm sorry..." He pulled me into his chest and I cried while I held onto his shirt with my shaky hands.
Iniluha ko ang lahat ng sakit na kumakain sa puso ko.
"I love you and I don't think I deserve you. You're too good for me..." his voice broke. "Too good, Susana..."
"I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry, Hugo..." humahagulgol na kumapit ako nang mahigpit sa kanya.
"Shhh... it's okay... Hindi mo naman ako pinaasa... Ako lang iyong umasa sa 'yo, Sussie. Ako lang iyon... Akala ko kasi, tayong dalawa rin sa huli. Dahil tayo iyong naiwan noon, tayong dalawa lang. Akala ko talaga, Sussie..."
Hugo had that in mind, but didn't do anything about his feelings. Hinayaan niya lang kung saan kami parehong dadalhin. But it didn't change the fact that I caused him pain.
"Hugo, I'm so sorry... I'm sorry, hindi ko talaga kaya iyong ganoon... Alam mo naman iyon, di ba?"
"It's okay..." alo niya sa akin. "Y-you don't have to love me back..."
Lalo akong napaiyak. Para siyang nanlilimos. Na ayos na sa kanya kahit ano lang ang mabibigay mo, basta meron. Naiintindihan ko naman. Maangas siya, maloko, maligalig katulad ng sabi ng mommy niya, pero ang totoo ay si Hugo ay parang bata na takot maiwang mag-isa.
Ilang beses kong nakita ang kahinaan niya, kaya nga noong mas makilala ko siya, tumigil na ako sa pagtataboy sa kanya. This man needed a true friend. Someone who could stay with him and understand him. And it was not me.
"I'm sorry... I'm sorry..." ulit ko ulit. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa kanya.
"Tama na, Susana," he said, tightening his hold on me.
"I'm sorry, Hugo..." I'm sorry kasi iiwan kita. Dapat nga noon pa, dapat noon pa tiniis na lang kita para di na tayo umabot pa ritong dalawa...
"Natatakot lang akong marinig ulit sa 'yo na hindi ako, Sussie. Natatakot ako na sabihin mo mismo ulit sa akin na kahit kailan, hinding-hindi magiging ako."
We soon got quiet.
Ilang minuto na magkayakap kami. Wala na ang mga luha ko, sana ay naubos na.Nang mag-beep ang phone ko na nasa ibabaw ng kama ay si Hugo ang kumuha nito. Sinipat niya ang screen. "Supervisor mo."
Saka ko lang kinuha ang phone nang malaman kung sino ang nag-message. Nang basahin ko ang message ay pinapapunta ako sa office. Wala pa akong pasok ngayon kaya kinakabahan ako kung para saan ang pagpapapunta sa akin.
"Papasok ka?" tanong ni Hugo.
Tumango ako at humiwalay sa kanya. "Umuwi ka na."
"Hatid kita."
Hindi ako kumibo. Tumayo ako at binura ang text ng TL ko. Isinama kong burahin ang sampung unread messages na galing kay Arkanghel.
Tumayo na rin si Hugo sa sofa.
Kumuha ako ng pamalit na jeans at blouse sa orocan saka ako pumasok ng banyo. Pagkalabas ko ay narito pa rin si Hugo. Tahimik na nakamasid lang siya sa akin habang inaayos ko ang aking sarili sa salamin.
Nauna na akong lumabas sa kanya ng pinto. Paglabas ko ay natigilan ako nang makitang may pumaparadang itim na kotse sa likod ng kotse ni Hugo.
Parang binabayo ang aking dibdib nang mula sa itim na Lambo ay bumaba si Arkanghel. He was wearing a corporate all black suit. Seryoso ang kanyang mukha at matalim ang mga mata habang nakatutok sa kotse na nasa unahan ng kotse niya.
Anong ginagawa niya rito? Ano na naman ang kailangan niya sa akin?
Lumipat ang paningin siya sa pinto ng apartment ko nang mula roon ay lumabas si Hugo na gulo-gulo pa ang buhok.
"I can see that you've been really busy to not answer my calls," malamig na bitiw ni Arkanghel.
Tiningnan ko lang siya at naglakad na ako palampas.
Nang dumaan ako sa harapan niya ay inilang hakbang niya ang pagitan para hulihin ako sa braso.
Malamig na tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Let's talk."
"Saka na lang. May pasok ako." Pinagpag ko ang kamay niya.
Nang mapabitiw siya sa akin ay dumiretso na ako sa kotse ni Hugo. "Hugo, tara na."
Nabigla man nang una ay nakabawi rin agad si Hugo. Mabilis ang kilos niya nang pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat.
Arkanghel's jaw flexed and his lips pressed into a hard line while watching us.
Nilingon siya ni Hugo at sinalubong ang mabibigat niyang titig. "Kotse mo nakaharang."
Kitang-kita ko mula sa heavily tinted na salamin ng kotse ni Hugo ang pagtitimpi ni Arkanghel. Ilang beses pa siyang napatingala sa langit habang umaalon ang Adam's apple niya sa kanyang leeg. Pumasok siya sa kotse niya at idrinive ito paatras.
Nang umalis na ang kotse ni Arkanghel ay saka pumatak ang mga luha ko.
JFNamimiss ko na ang school bench scene =)

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz