ZingTruyen.Xyz

Better Place Completed Architect Ramirez A K A Evil Twin S Story

First upload:  September 6, 2016

On September 15, 2016 Better Place reached 1K reads! Tusen takk!!

On September 21, 2016 Better Place reached 2K reads! Tusen takk!!

On October 25, 2016 Better Place reached 10K reads! Tusen takk!

On April 29, 2017 Better Place reached 100K reads! Tusen takk!!

On August 1, 2017 Better Place reached 200K reads! Tusen takk!

On September 18, 2018 Better Place reached 400K reads! Tusen takk!

A/N:  The video's not mine. This is the story's theme song. Sana tangkilikin n'yo rin ito gaya ng dalawang naunang kuwento sa Nordic series. Susunod na ang kay Zyra at Lukas. Alam kong mas inaabangan n'yo iyon, but I just really feel the urge to write Architect Ramirez's story. I just want you guys to know her better.

Dedicated to the first ever voter. Salamat!

**********

Nang dahan-dahang lumitaw ang pangalawang pulang linya, nanlamig siya. Kasabay no'n ang pagpatak ng butil-butil na luha sa kanyang pisngi. Binaba niya ang takip ng toilet bowl at naupo doon. Lalong humigpit ang hawak niya sa dala-dalang diyaryo. Pinasadahan pa niya ng isang beses ang laman ng entertainment section. Billionaire hunk to marry hotel heiress... At gaya kanina para na namang sinaksak ng punyal ang kanyang puso.

"Architect Ramirez," tawag ni Meg. "Nandiyan po ba kayo sa loob? Pinapatawag na po kayo nila Boss. Mag-uumpisa na po ang meeting."

Pagkarinig sa boses ng sekretarya, dali-dali niyang pinasok sa bulsa ng suit jacket ang pregnancy test stick at tinapon sa basurahan ang diyaryo. Inayos din niya ang buhok at ang kaunting gusot sa damit bago nilabas si Meg. Awtomatikong kinakitaan ng pag-aalala ang mukha ng babae.

"Okay lang po ba kayo, Architect?"

Tumikhim muna siya para mawala ang ngarag sa kanyang boses bago sumagot. "Of course! May rason ba para hindi ako maging okay?" at tinaasan pa niya ito ng kilay.

"Kasi po..."

"Go. You tell them I'll be there in a minute," sabi niya rito at inayos ang pagkakapusod ng buhok sa harap ng salamin. Nag-atubili pa sana si Meg pero kinumpasan na niyang umalis.

Ilang beses siyang huminga nang malalim bago pumasok sa conference room. At siya ang kauna-unahan niyang nakita. Nagtama agad ang kanilang paningin. He looked solemn.

"Sorry to keep you waiting, Boss," sabi niya sa pinakapinuno nila bago naupo sa tabi nito. Tumango lang ang matanda at sinabihan na siyang maupo.

"As Luke and I were discussing before you came in we were thinking of redesigning the lobby area. Gaya ng mga magagarang hotel sa ibang bansa, we also want it to be spacious and practical. Kailangan bawat ----"

"Practical. Of course, Boss. There's no problem with me. I'll make sure that it will be practical as it is elegant. Gaya sa ibang bansa," agaw niya. Diniin pa lalo ang salitang practical. From the corner of her eye, nakita niyang napangiwi si Luke. Pero hindi ito nagsalita.

Pagkatapos ng meeting, siya ang kauna-unahang tumayo at lumabas ng conference room. Hinabol siya ni Luke.

"What was that for? I thought you understood," anas nito sa kanya habang sinusundan siya papunta sa kanyang upisina. 

"I want to be alone. Go!" At isasara na sana niya ang pinto pero mabilis nitong naiharang ang isang  binti. Hindi na niya ito napigilang pumasok.

"I'm not one of your subordinates whom you can just dismiss," sabi pa nito.

"And I'm not one of your employees whom you can demand to be with you even when they don't want to."

"Ano ba'ng pinagsisintir mo? It's not as if there's something deep between us."

Ouch! Kailangan pa bang ipamukha sa kanya iyon?

"Don't be so assuming. Hindi lahat ng pinaggaganito ko ay dahil sa iyo!" pagsisinungaling niya.

Tumaas ang kilay ni Luke. Pinagkurus pa nito ang mga braso sa dibdib at tinitigan siya sa paraang parang tinatamad. Lalo siyang nainsulto.

"We lost the bidding. At isa sa mga dahilan ay ang design ko. Hindi nagustuhan ng may-ari," sabi niya sa mahinang tinig. Pinalungkot pa lalo ang mukha.

"Oh." At nakita niyang nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. Tila nakisimpatiya na sa kanya. May karapatan nga naman siyang maging moody. Sino ba naman ang hindi? Bilyones ang halaga ng proyektong iyon.

"I'm sorry. I didn't know."

Bago siya makasagot may kumatok. Sumilip si Meg. May kasama ito. Nang tumambad sa kanyang paningin ang hitsura ng babae, napalunok siya nang ilang beses. Totoo nga pala ang sabi ng artikulo. Para siyang long lost twin ni Gigi Hadid! Nanliit siya sa sarili.

Lumingon sa kanya si Luke at nagpaalam. Nang pininid nito ang pinto pagkalabas sa upisina niya, nabatid niyang isinara na rin nito ang posibilidad na magkakaroon pa uli sila ng ugnayan. Daig pa niya ang nauupos na kandila. Napasandal siya sa dingding at hinayaan ang sariling dumausdos hanggang sa napaupo na siyang tuluyan sa malamig na sahig.

Kahit kailan, you're a loser Rona Ramirez! Hindi ka na natuto!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz